Montereal Bastards 1: To Tame...

By reina_khaleesi

1.7M 43.6K 1.3K

Highest Rank: #35 in general fiction. Everything started with a wedding contract made years and years ago, a... More

Paalala!
Prologue
Chapter One
Chapter One Part 2
Chapter Two
Chapter Two Part Two
Special Chapter
Chapter Three
Chapter Three Part Two
Chapter Four
Chapter Four Part Two
Chapter Five
Chapter Five Part Two
Chapter Five Part Three
Chapter Six
Chapter Six Part Two
Chapter Seven
Chapter Seven Part Two
Chapter Eight
Chapter Eight Part Two
Chapter Nine Part Two
Chapter Ten
Chapter Ten Part Two
Chapter Eleven
Chapter Eleven Part Two
Chapter Twelve
Chapter Twelve Part Two
Chapter Thirteen
Chapter Thirteen Part Two
Chapter Fourteen
Chapter Fourteen Part Two
Chapter Fifteen
Chapter Fifteen Part Two
Author's Note
Chapter Sixteen
Chapter Sixteen Part Two
Chapter Seventeen
Chapter Seventeen Part Two
Chapter Eighteen
Chapter Eighteen Part Two
Chapter Nineteen
Chapter Nineteen Part Two
Chapter Twenty
Chapter Twenty Part Two
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-One Part Two
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-Two Part Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Three Part Two
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Four Part Two
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Five Part Two
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Six Part Two
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Seven Part Two
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Eight Part Two
Chapter Twenty-Nine
Chapter Twenty-Nine Part Two
Chapter Thirty
Epilogue
Special Chapter

Chapter Nine

21.1K 547 2
By reina_khaleesi

NIKI'S POV

Bumuntong-hininga ako saka muling ibinalik ang tingin kay Cookie na nasa baba ng puno at naghihintay.

Malamang kahit siya napapagod na rin.

Kasi ako nga pagod na pagod na.

Isang linggo na akong bumubuntong-hininga.

Kasi isang linggo na rin mula ng huli kong makita ang anino ni Mico. At pagod na pagod na ako kakahintay na isang araw, lalabas na lang siya sa tree-house gaya ng dati. 

Feeling ko ngayon, hindi na kumpleto ang  araw ko kapag hindi ko siya makita. At naaasar ako kapag nangyayari yun. Kasi bakit ko ba siya hinihintay in the first place?

Para akong adik sa inaasta ko ngayon.

Ano bang pakialam ko kung umalis na siya at iniwan niya na ako at nagsawa na siya saken?

Saka, bakit ba parang mga malaking kamay na pumipiga sa puso ko kapag naiisip ko na binisita niya si Nigella kaya siya nawawala?

Taeeeeee!!!?

Nasabunot ko ang buhok ko dahil sa inis.  Dapat nakikipaglaro ako kay Cookie, o di kaya dapat lalayas din ako para quits kami.

Tinunton ng mga mata ko ang daan patungo sa dagat. Medyo masukal nga, at ayaw niya na mag-isa akong pupunta pero wala naman siya kaya anong magagawa niya? Kung gusto niya akong pigilan, di dapat andito siya sa tabi ko.

Bumaba ako mula sa taas ng tree-house. Alas nuebe pa lang naman ng umaga, babalik na lang ako bago magtanghalian. Pinitik ko ang dalawang daliri ko para tawagin ang atensiyon ni Cookie. Mas mabuti na rin na may kasama ako para hindi ako matakot na mag-isa.

Sinipat ko ang kabuuan ng bahay. Last chance Mico, magpapakita ka o hindi? Nang wala akong makitang tao, sinimulan kong tahakin ang landas.

Masukal lang pala siyang tingnan sa taas pero maayos naman kapag nasa daan ka na.

Habang naglalakad ay kinakausap ko pa si Cookie. 

"Sa tingin mo ba nagsawa na talaga saken si Mico?"

Umungol-ungol ito na parang sinasabi na hindi niya alam. 

"Pero okay naman kami last time ah. Nakaunan pa nga siyang natulog sa binti ko e. Bagong ligo naman ako nun kaya sure akong di ako nangangamoy." saad ko pa.

Nabubuang na yata ako at aso na kinakausap ko ngayon.

Mga ilang minuto na rin ang lumipas nang mapansin kong tumigil sa paglakad si Cookie. Ipiniling nito ang mga tenga sa kabila na parang nakikinig sa kung ano. Sinundan ko ang tingin niya pero wala akong makitang sinyales na may buhay na nilalang sa parte na iyon ng bukid.

"Cookie, here boy. Tara na." inilipat niya ang tingin sa akin saka naglakad na muli na parang walang nangyari. Umismid ako. Parehong-pareho ng amo niya.

Ititigil ang mundo mo tapos biglang parang wala lang! Nakakabanas! Bakit ko ba siya laging naiisip kasi!

Malayo pa kaya? Parang pag nasa taas ka hindi naman kalayuan ang dagat, pero pakiramdam ko kanina pa ako naglalakad at wala man lang akong makita ni maamoy na dagat.

Di kaya nawawala na kami? Pero imposible naman, nasa trail naman kami ni Cookie e. Teka nga, speaking of Cookie.

Luminga-linga ako sa paligid pero wala akong nakita. Saan na nagpunta yun? Di man lang nagpaalam. Nagmana talaga sa amo niya! Naku, pag makita ko lang yun, kukutusan ko talaga! Silang dalawa ni Mico.

"Cookie! Asan ka?" sigaw ko sa gitna ng gubat. Wala akong ibang marinig kundi ang kaluskos ng dahon dahil sa ihip ng hangin. 

"Cookie! Lumabas kang aso ka! Oras na makita kita, hinding-hindi na kita itatabi sa kama, sige ka." pagbabanta ko pa. Kaso nagmukha lang akong bobo sa pandinig ko kaya itinigil ko na lang ang kasisigaw.

Tumakbo ako habang palinga-linga, nagbabakasakali na makita ang bulto ng pasaway na aso. Medyo sumasakit na ang tagiliran ko pero nagpursige parin ako. Baka kung saan na kasi magpunta yun at pagalitan pa ako ni Mico pagdating.

Habol ang hiningang lumabas ako mula sa gubat at bumulaga sa akin ang isang paraiso. Napamulagat lang ako at halos mapako sa kinatatayuan dahil sa ganda ng lugar. Puting-puti ang buhanginan niyon na sa sobrang pino ay dumudulas sa kamay ko. Mula sa malayo ay may iilang isla akong nakikita. Kulay asul ang dagat  at sobrang linis ng dalampasigan. Parang alagang-alaga ang parte na ito ng dagat. Sobrang ganda! 

Sa sobrang ganda ay nakalimutan ko si Cookie. Agad-agad kong tinanggal ang strap-in sandals ko at nagtampisaw. Kahit ngayon para na akong baliw na first time makakita ng dagat, hindi ko talaga mapigilan ang tawa na kumawala sa bibig ko. Ikot ako ng ikot sa tubig habang nakadipa ang mga kamay patungong langit.

Para akong nakawala.

Ang saya-saya ko.

Mula sa malayo ay naririnig ko ang kahol ng aso at boses ng lalaki. Si Mico?

Agad-agad akong pumihit, nakapagkit ang ngiti sa mukha at nagsimulang tumakbo papunta sa kanila.

Napatigil ako ng tumingin sa akin yung lalaki. Unti-unting naglaho ang mga ngiti ko sa labi. Hindi naman ito si Mico e, pero sobrang pamilyar ng mukha niya. Parang nakita ko na siya dati. 

Hindi pa siya gaanong katandaan. Mga nasa limampu hanggang animnapu ang edad niya. Kahit ganun ay may tikas pa rin ang katawan nito na halatang alaga sa gym. Nakakunot ang noo nito at mukhang nakakatakot tingnan. Kinabahan ako bigla.

Naramdaman kong lumapit sa akin si Cookie at kahit anong amoy niya sa pwet ko, hindi ko na napansin. Nakatunghay lang ako sa lalaki, pilit na inaalala kung saan ko siya nakita at kung bakit ganito ang pakiramdam ko gayong wala naman akong maalala sa kanya.

"Hi." bati niya saken. Malalim ang boses niya dahilan para magsitayuan ang balahibo ko sa batok.

"H-hello p-po." nauutal kong saad.

"Ikaw ba ang sinasabi ni Manang Trina na babaeng isinama dito ni Mexico?"

Napaawang ang bibig ko. Hindi kaya.. Pero hindi sila magkamukha. Hindi ko namalayan na nakatunganga lang ako sa kanya. Ni hindi ko narinig na may itinanong siya sa akin.

"Oh, where's my manners? I'm Pyre Montereal by the way, Mexico's dad." saad niya saka inabot ang kamay niya.

Pinilit kong kumawala sa kung ano mang nakagabos sa isip ko at inabot din ang kamay ko.

"N-niki." saad ko.

"Ah. Bakit andito ka?"

"Nagpapahangin lang po, medyo nakakabagot na kasi sa Villa."

"Ah." yun lang ang sinabi niya bago muling ibinalik ang tingin sa dagat. 

Ginamit kong muli ang pagkakataon para pag-aralan ang mukha niya. 

Saan? Saan? Saan?

Paulit-ulit na tanong ng isip ko. Saan ko nakita ang mukhang ito?

"Maganda dito no?"

Napasinghap ako sa gulat ng bigla siyang magsalita.

"O-opo. Pasensiya, pwede pong magtanong?"

Tumingin siya sa mga mata ko. Parang naiimagine ko ang mga mata niyang umiilaw ng kakaiba. Yung tipong manghihipnotismo. Naiyapos ko ang dalawa kong braso sa katawan ko.

"Ano yun?"

"Nagkita na po ba tayo? Parang ang pamilyar po kasi ng mukha niyo."

Nakita kong nagulat siya sa tanong ko. Ipinilig niya ang mukha na parang iniiwasan ang tanong.

Nagtatakang tumitig ako sa kanya. Parang may mali. May sinasabi ang isip ko pero hindi ko makuha-kuha. 

"Parang nagdidilim, uulan yata. Tara bumalik ba tayo."

Tinawag niya si Cookie saka nagsimulang bumalik sa mansiyon. Habang papaalis siya, hindi ko mapigilang magduda. Kakaiba kasi ang kinikilos niya.

Bumaba ang tingin ko sa mga kamay niya, nakakuyom iyon na parang pinipigilan niya lang na manakit.

Napapitlag ako sa kinatatayuan ko nang bigla siyang tumingin sa akin.

"Hindi ka pa ba sasama?"

"Ah, sasama na po."

Nagmamadali akong tumakbo papunta sa kanila. Saka sama-sama kaming bumalik sa Villa.

"Meron nga pala akong ipapakilala sayo." saad niya nang malapit na kami.

Napatingin ako sa kanya, nagtatanong ang mga mata.

"Hmm?"

"You will like her for sure." saad niya na nakatawa. Hindi ko alam pero parang kakaiba ang dating saken ng tawa niya. Parang puno ng malisya. Naalala ko yung aso na nakangiti.

Hindi normal.

"Sino po?"

"Si Nigella. Fiance ng anak kong si Mexico."

***

---a/n: konting kembot na lang, maaalala mo na baby Niki. Isipin mong mabuti kung sino ang lalaking yan! 

Vote please guys. And make me your friend by commenting.

Continue Reading

You'll Also Like

234K 7.3K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
152K 3.3K 52
Ayaw man ni Abraham ay pumunta siya sa bulubundukin ng Abra upang hanapin ang naglayas niyang kapatid. Sa pagpunta niya sa lugar na 'yon ay iba ang k...
32M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
424K 11.6K 56
Itinuloy pa rin ni Natalie Herrera ang pakikipag-relasyon kay Tristan Montenegro kahit na alam niyang pinagkasundo na ito sa ibang babae. She can't d...