BLOOD SERIES: THE VAMPIRE PRI...

By Minilloven

147K 1.5K 118

Love between hatred and vengeance. Get ready to be bitten. More

NOTE
THE VAMPIRE PRINCESS
1
2
3
5
6

4

3.7K 113 0
By Minilloven

She got her back on him but Victoria could feel that blazing eyes from Zackarhus, well most of the male students were into her. Who wouldn't? She's the most beautiful woman here, walang tatalo sa kagandahan niya and she's fully aware of that but her only goal is that particular man, Zackarhus. She'd heard a lot about him. His popularity and wealth.

Sino nga ba naman ang hindi maiinlove sa isang lalaking katulad ni Zackarhus kung ordinaryong mamamayan sila, nasa lalaki na ang lahat ng hinahanap ng isang babae. Face, wealth and power. Zackarhus have it all but when it comes to his attitude it is a different story.

Her lips curved up when she face them again. It's been six days since she started teaching here. If only she's an ordinary teacher, baka nastress na siya sa mga pinagagawa sa kaniya. But she's different, kaya niyang tapusin ang lahat ng walang pinoproblema, well not with Zackarhus because she wasn't sure on that part if she could tame him. She knew by then, the man is attracted to her but his patience wasn't a joke. She could feel how he restrained himself from wanting her more, mga kabataan nga naman. Sa una ay uurong pero alam niyang kaya niyang unti-untiin si Zack. She still has a lot of time after all.

"That's for today" she gave them her last sweet smile and her eyes immediately darted on Zack. Her other students started to pack their things and went out of that room. "You have to stay, Mr. Grey"

After the students got out and the two of them were left alone, Victoria picked up her notes and walked to where Zack was sitted. She handed him the notes and smiled again, she better be good at pretending to be sweet to get on his side.

"This is your notes, I already gave you some classifications about our last lesson and I bet you already read them. I will call you or text you on weekend so we can start on our one on one study. Which place would you prefer it to be done? I know a public library and I have fully access on it or you...prefer at your house?" Natawa siya sandali. Well, she expected it na tulala nanaman ang lalaki pero kapag hihinto siya sandali ay parang babalik ito sa katinuan at makikinig na ng maayos sa kaniya. "Well, Zack? You still have 20 minutes before your next class. You want some briefing?"

Umiling ito. Natawa nanaman siya. "I know that I am a new teacher, Mr. Grey. But, don't be shy. You can say what you are thinking. Baka may ipinagagawa na pala ako sa'yong labag sa kalooban mo.

Damn hot. Gustong ibulalas 'yon ni Zackarhus at tumbasan ang bawat ngisi ng bago niyang guro ngunit malakas ang pagpipigil niya. Muli, nagpanggap nanaman siyang walang epekto ang babae sa kaniya. Maraming babae na ang nagtangkang umamin na may gusto sa kaniya, kuhanin ang atensyon niya at lantarang landiin siya ngunit naiiba si Victoria. Tila natural lang ang kilos nito at walang ginagawa na pang-aakit sa kaniya pero nitong mga nakaraang araw, parang mawawalan siya ng pagtitimpi at hindi alam kung anong nangyayari sa kaniya at natatameme siya.

She's like snow white, a living Disney Princess that has that unique beauty which caught everyone's attention once she passed by them. 'Yong matutuwa ka nalang sa pagtutulala sa mukha niya. Where is she from? May lahi ba ito o hindi talaga ito Filipina? Bakit kasi kahit pagtatagalog nito ay ang ganda pakinggan. 'Yong diretso pero masarap—maganda pakinggan. Strick pero hindi siya natatakot bagkus ay mas lalo pa siyang namamangha.

She's that typical teacher who will give you a hard time when it comes to activities and other school papers. Well, seems like it. Ilang araw na ba ito dito? A'yon sa kaibigan niyang si Clint ay anim na araw na ang babae sa kanilang eskwelahan.

"Can you go to our house? Or is it wrong to ask for it?"

Umiling ang babae. Namuo nanaman ang matamis na ngiti sa mga labi nito. Ang lakas yata ng tama niya sa kanilang guro. Well, hindi. Mali lang siguro siya ng akala na may gusto siya dito. Maybe, physically attracted lang siya dito, hindi emotionally. Ibang usapan na ang pagkakagusto niya that way, hindi niya pa nararanasan 'yon at hindi kailanman sa guro niyang ito.

She nodded slightly at him and smiled even more. "Okay, advance reading" she pointed his notes and turned her back again. "You can go now, Mr. Grey. I thought you still want to stay here so we can talk about your lessons," muli itong lumingon sa kaniya nang makarating ito sa gilid ng lamesa nito. "But I guess you have plans for your vacant time? I will leave now, then"

Huli na nang makatayo si Zackarhus dahil nakalabas na ng kwarto ang babae matapos mabilis na damputin ang mga gamit nito. Napatingin siya sa folder na hawak niya. There's a red stain on it. Muli siyang napatingin sa pintong nilabasan nito pagkatapos ay sa pulang markang naroon.

"Her lipstick" napailing siya. Hindi niya namalayang hinahaplos na pala niya ang parteng 'yon ng papel. Sht, he has to stop this if he wants to survive their private lesson. Baka mabaliw siya kung sakali.

Pagkalabas niya ng kwartong 'yon ay nasa tabing pader ng pintuan ang kaibigan niyang si Clint. He has this questioning look on his face. Halos maningkit pa ang mga mata ng pilyo niyang kaibigan sa kaniya, alam niya na sa ganoong kilos palang ng kaibigan ang gusto nitong tanungin.

Nauna na siyang naglakad saka umiling sa kaibigan. Clint putted his arms on his shoulder and started to be nosy. "What was that? Bakit ba lagi ka niyang pinaiiwan? Advantage ba 'yan ng isang tagapagmana? Kung ganoon ay aagawin ko na ang lahat sa kapatid ko"

"Shut it, Dude. I am just late with our lessons and Tito Davior asked for her assistance. She—"

"So may one on one tutoring kayo?!"

"Mga ilang beses lang. And it's only for sunday or Saturday, it depends on her"

Mas lalo itong naging maingay. "Sa inyo ba?"

"Why are you so crazy about her"

Nahinto sandali si Clint kaya naman ganoon rin siya saka ito tumitig ng matagal sa kaniya, tila may isang hindi kanais-nais na joke siyang sinabi. "Dude! She's hot! Hindi pweding maging yelo parin ang hormones mo pagdating sa kaniya. We're used of having female teachers above fourties. Ngayon lang talaga naiba at saktong si Miss Wood ang new teacher natin. Buti nga sa atin siya napunta" nahinto ito sa pagsasalita at umiling sa kaniya, parang disappointed pa. "Parang hindi ka lalaki. Kulang nalang iisipin ko talaga, bakla ka" nanginig pa ito at tila nandidiring lumayo sa kaniya.

Clint earned a scowl face from him after that. Natawa nalang ang kaibigan sa kaniya. Hindi naman kasi niya pweding aminin na gusto niya rin ang bago nilang guro physically.

Two days before weekend. Well, dalawang araw lang naman siya maghihintay.

"Princess"

Victoria did not even look at Kazhius. She directly sat on her bed and closed her eyes. Not minding the presence of her assistant, Kazhius.

"Your father has been calling you since morning. Asking what have you been doing these past few days, I already told—"

"Don't you dare!" Mabilis ang naging kilos niya,agaran ang pagsakal niya dito.

"Mi—miss"

"Did you tell him?!"

Kanda ubo ang lalaki nang bitawan niya ito. Mabilis na yumuko sa kaniyang harapan at agad na humingi ng tawad. "He will eventually know about it, hindi naman po buo ang sinabi ko sa kaniya at—"

Bumaling ang tingin niya sa madilim na parte ng gubat, sa labas ng bintana niya. "Ilang tao pa ba ang tutulungan ko at tatalikod din naman sa akin pagkatapos na uuwing lumuluhod sa ama ko?" She gave her raging look at Kazhius again. "Did he finally earned your loyalty, Kaz?" 'yon ang pangalawang beses na tawagin niya ito sa maikling tawag na 'yon. Her reflexes is more quicker than his kaya naman hindi nito nasilayan ang mabilis na pagdaan ng lungkot sa mga mata niya. "Get out. I will call him myself tomorrow, just don't pester me tonight. I have other plans for tonight. Don't come looking for me" saka na siya umalis doon, hindi na siya nagawang pigilan ng lalaki.

Kazhius eyes stayed on Victoria's window. Kung saan mabilis na nawala ang babae. Hindi niya malaman ang bigat sa kaniyang dibdib pagkatapos niyang marinig ang pagtawag nito sa kaniya sa kaniyang palayaw.

"I just want you safe, Princess".

Tatlong katok sa pintuan ang narinig niya. Nang buksan niya ito ay nabungaran niya si Timothy na siyang katulong niya sa mansyong 'yon. Nakauwi na pala ito, ito ang kahalili niya sa pagbabantay kay Victoria. Alam niya kasi na hindi niya kaya minsan ang pagiging pasaway ng babae. Masyado itong nagmamatigas sa bawat desisyon na ginagawa nito, ang ending ay ito rin ang napasasama at mas lalong nalalayo sa ama.

"King Luca wants your full report"

He stopped from walking. He faced Timothy and seriousness filled his face. Walang kahit na anong pagmamakaawa nang mga oras na 'yon.

"Look for our Miss this time. I'll take your place now" saka na niya iniwan ang babae.

Kapag talaga gusto ng kuya niya, kailangan agaran. Inis na inis si Afarra nang makarating sa Zeus' Gold. Hawak niya sa kaliwang kamay ang maliit na kamay ni Fionna. Wala kasing magbabantay sa kapatid dahil apat na araw ang hininging araw ng kanilang tagapangalang si Flor para sa pag-uwi nito sa sariling bahay. May sakit kasi ang isang pamangkin nito at walang mag-aalaga.

"Behave,okay?" Inagaw niya sa isang kamay nito ang pinahawak niyang mga documents na pinadadala ng kuya niya. "We have a lot of maid kaya. Bakit ba ang arte at need pa ako ang magdala dito"

"Ate, it's a confidential documents. Kuya already said about it"

Minsan para talagang mas matanda ang kapatid niya keysa sa kaniya. Wala naman kasi siyang pakialam sa business stuff. Naroon ang kuya niya para umasikaso sa mga ganoong bagay.

Panaka-naka ang mga empleyadong kaunting yumuyuko sa kanila. Tipid lamang naman siyang ngumingiti. Kilala na rin kasi silang dalawa ni Fionna dahil nga madalas silang bumibisita dito nang nabubuhay pa ang ina nila.

Muling kudlit ng sakit ang dumaan sa kaniyang dibdib. Nang nakapasok na sila sa elevator ay saka naman nahulog ang mga documents na dala niya. Binitawan niya tuloy ang kamay ni Fionna upang pulutin ang mga 'yon at may butihing lalaki din naman ang tumulong sa kaniya para magpulot.

He handed her the rest of the papers so she smiled sweetly to thank him kaso nabitin ang pagngiti niya nang masilayan ang lalaki. Sht, parang biglang humarot ang puso niya.

"Thank you" mahinhin ang pag-ipit niya ng kaniyang buhok sa likuran ng kaniyang tainga. Ngunit nawala ang ngiti niya nang mapadaan ang tingin niya sa nakababatang kapatid, masungit kasi na nakataas ang kaliwang kilay nito sa kaniya. She even crossed her little arms on her chest.

"Just take care next time" cold ang boses na pagmamay-ari nito at mukhang masungit. Tipid lang kasi itong tumango.

Dalawang empleyado ang sumakay sa sumunod na palapag na dinaanan nila kaya naman natahimik na lamang siya imbis na tatanungin niya pa sana ang lalaki kung anong pangalan nito.

Dalawang babae ang mga empleyadong sumakay, ang isa ay medyo chubby at ang isa naman ay curvy.

Ang curvy-ng babae ang lumingon sa kanila, yumuko ito ng bahagya sa kaniya pero mabilis din naman ang pagngiti nito sa katabi niyang lalaki. "Tate, saang floor ka?"

"Sis, 'wag mo na kausapin" saway ng kasama nito ngunit naging mas makulit ang babae.

"Magbebeer ang buong department mamaya after uwian. Gusto mo bang sumama sa amin?"

Hinintay talaga ni Affarra ang sagot ng lalaki na nagngangalang Tate, well, she will surely remember his name. Na-starstruck yata siya nang makita niya ito kanina.

Akala niya hindi sasagot ang lalaki ngunit halos mapanganga yata siya nang bumuka ang bibig nito upang sumagot.

"I'm allergic to beer...and to layers of foundation" saka ito lumabas sa sumunod na floor.

Dang, labis labis ang pagpipigil ni Affarra sa pagtawa.

Continue Reading

You'll Also Like

721K 14.2K 50
ABS #1 FIN (September 16, 2017 | 7:07 PM) THIS STORY IS FULLY AVAILABLE AT DREAME AND HINOVEL. AD Asinas will never be your typical ob-gyne in town...
401K 8.2K 48
I had gum stuck on my skirt, been accused of something I didn't do and got punished for it and I even got hit by a ball on the back of my head. All b...
1.2M 21.3K 47
WARNING: READ AT YOUR OWN RISK! MARAMING MGA ERRORS TO SO PASENSYA NA. KUNG PERFECTIONIST PO KAYO; I'M TELLING YOU, IT'S NOT SUITABLE FOR YOU. Tungko...
12.9K 5K 37
A man so hard to read. A man so cold and deep. How could you stay within his reach? Jeon Farrell, CEO of SKY Industries and FMMMC Corp. Typical boss...