After All

By wonderwall23

1.1M 14.4K 1.2K

As the song goes... After all that we've been through, it all comes down to me and you. I guess it's meant t... More

Forewords
Chapter 1: It Ended Before It Even Started
Chapter 2: Nothing Has Changed
Chapter 3: Scheming Friends
Chapter 4: Forewarning
Chapter 5: Pre-Dinner Ploys
Chapter 6: The Counter Plot
Chapter 7: His Plan
Chapter 8: Let the Games Begin
Chapter 9: Of Tricky Questions and Compromising Positions
Chapter 10: One More Chance
Chapter 11: No More Mr. Nice Guy
Chapter 12: If There's A Will, There's A Way
Chapter 13: Fire vs Ice
Chapter 14: A Morning of Oddities
Chapter 15: The Other Side
Chapter 16: Creepers
Chapter 17: Cat Fight
Chapter 18: Powerful or Powerpuff?
Chapter 19: The Jealous Type
Chapter 20: Let the "LOVE" Begin
Chapter 21: Half Meant Banters
Chapter 22: Sabotage
Chapter 23: Aspirins and Amnesties
Chapter 24: Deal or No Deal
Chapter 25: While You Were Sleeping
Chapter 26: The Show
Chapter 27: Metamorphosis
Chapter 28: It's Raining Men
Chapter 29: Redemption
Chapter 30: Suppressed Emotions
Chapter 31: The Decree
Chapter 32: Caught in Between
Chapter 33: Storm of Emotions
Chapter 34: In His Arms
Chapter 35: Beneath The Stars
Chapter 36: My Stupid Mouth
Chapter 38: Suddenly You're Mine
Chapter 39: Hungry For Love
Chapter 40: Piecing the Puzzle Together
Chapter 41: Heart's Lament
Chapter 42: Close To The End
Chapter 43: Just So You Know
Chapter 44: After All

Chapter 37: Stranded

20.2K 307 54
By wonderwall23

Nagising si Kathryn sa patuloy na pagtunog ng kanyang cellphone. Kahit nakapikit pa ay pilit niya itong inabot sa side table.

“Istorbo ka.” She sleepily mumbled.

“I’m guessing that translates to ‘hello’?”

Bigla syang napadilat nang marinig ang boses na iyon.

“Diego!” Hindi nya napigil ang pagkabigla sa boses nya na dapat ay hindi nangyari dahil araw araw naman syang tinatawagan ni Diego kahit parang di na maubos ubos ang mga meetings nito at conferences nung mga nakaraang araw. Umupo sya sa kama para mas maging kumportable.

“May ineexpect ka bang ibang tao?” Nang-aasar na sagot ni Diego.

Napatigil si Kathryn dahil she was thrown off balance by that simple query. Dahil sa totoo lang, OO. May ibang tawag syang hinihintay. Or at least nageexpect sya na tatawagan sya ng taong iyon for 3 days now. Hindi pa nya nakakausap uli si Daniel simula nung gabing nagkiss sila sa garden. At kapag naiisip nya ang moment na iyon ay nakakaramdam pa rin sya electric current sa katawan nya.

Napagkasunduan nilang dalawa ni Daniel na kung ano man ang nangyari sa kanilang dalawa nung gabing iyon ay hindi nito mababago ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Pero simula noon ay hindi na nya nakakausap ang binata. Lumipad ito papuntang Australia kinaumagahan for business. Nagiwan lamang ito ng maiksing sulat sa post it sa bedside table nya na nagsasabing aalis sya at mawawala ng ilang araw at babalik na lamang sa araw ng kasal nila Julia M. at Enrique.

That was it. Hindi man lang ito tumawag ni minsan.

The familiar sense of disappointment – na ilang araw na nyang nararamdaman – ay muling bumalot kay Kathryn. Alam nyang nag-agree sila na manatiling platonic, pero kahit platonic friends may karapatan naming magworry sa isa’t isa diba? Kaya dapat ay tinatawagan pa rin sya ni Daniel para lamang ipaalam sa kanya kung buhay pa ba ito. And perhaps para din hindi nila mamiss ang isa’t isa ng sobra…

“Chandria?” Diego’s call of her name jolted Kathryn out of her trance.

“Huh? Oh sorry! No, wala naman akong ineexpect na iba.” Mabilis na sagot nya at medyo naguiguilty sa dami na ng kasinungalingan nya.

“Nagising ba kita?”

Tiningnan ni Kathryn ang orasan sa bedsite table nya.

6:05AM

“Stupid question.” Pabirong sabi ni Kathryn. At narinig nya ang tawa ng kausap.

“Well, forgive me for wanting to hear my lovely bride’s voice at 6AM, Philippine time.”

Si Kathryn naman ang tumawa. Sinet ba ni Diego ang orasan nya sa oras sa Pilipinas or what?

Pero knowing Diego’s tendency to be sweet, malamang ay yun nga ang ginawa nito.

“Namimiss ka na naming lahat dito, Chandria. Dad sends his love, by the way. Yung daddy mo rin hinihintay na ang paguwi mo. And I guess, hindi ko na kailangang ispell out how much I miss you.”

Pakiramdam ni Kathryn ay nakalunok sya ng bato. Ang mga alaala ng halikan nila ni Daniel ay parang kinukuryente ang buong katawan nya. God, how can she be so cruel? She was betrothed to this wonderful man! Pero bakit sya nakikipaghalikan with an old flame who also brought her nothing but heartbreaks and headaches?

Bakit nya ba inaaksaya ang oras nya with an ex-boyfriend na kahit kelan ay hindi sya minahal at isang callous polygamist? It really doesn’t make any sense to her.

Okay, except maybe kapag kinonsider nya how good looking and sexy Daniel can be without even trying. And kung gaano ito kabait sa kanya nung pinagtanggol sya nito against some bitchy slash wanna be designer. Or if she bears in mind his presence sa fashion show nya despite his anti-fad principle. O di kaya nung dumating itong parang knight in shining armor after that horrible episode with Jon Lucas. And especially kapat tinake account kung gaano ito kagaling humalik…

*Stop that, Kathryn!* Pinapagalitan nya ang sarili nya sabay pikit ng kanyang mga mata para mawala ang mga gumugulo sa isip nya.

“I’m sorry Diego.” Naibulong nya ng di nya namamalayan.

“Para saan?”

Nanigas si Kathryn nang marealize ang sinabi nya.

“For…for…” Nauutal na sagot nya habang nagiisip ng excuse.

Kung sasabihin nya kay Diego ang tungkol sa kiss, ibig sabihin nun ay kailangan nyang sabihin dito ang lahat lahat. At siguradong magttrigger iyon ng marami pang katanungan na hindi sya handang sagutin at 6 in the morning.

Alam ni Kathryn na kailangan nyang sabihin sa fiancé nya ang lahat. At gagawin nya talaga iyon. Pero hindi pa sa ngayon.

“For… not coming home earlier. And for making everyone miss me and worry about me. Hindi pa ko palaging naguupdate o di kaya ay tumatawag.”

Funny pero ang kanyang mga sariling salita ay nagremind sa kanya tungkol kay Daniel. Naiimagine nyang tinatawagan sya nito at sinasabi ang mga salitang iyon sa kanya.

“Sweetie, it’s alright. Kailangan mo ang mga oras na ito to be with your friends. After all, hindi ka nakauwi dyan ng 6 years. You’ve got a lot of catching up to do. Naiintindihan ko yun.”

Tila ay nakalunok na naman sya ng isang mas malaking bato. Kung hindi siguro ganito kabait si Diego ay mas mapapadali ang lahat.

“So naibigay mo na ba sa kanila yung mga invitations?”

 

“Uhm… no.” Sagot ni Kathryn.

Ang katahimikan sa kabilang linya ay ikinabahala ni Kathryn. Hindi nya alam kung anong iniisip ni Diego.

“Nabanggit ko naman ang tungkol sa engagement pero I have yet to follow up with the wedding news. Kasal ni Julia M ngayon and it’s her big day – hers and Quen’s – kaya ayoko namang agawin ang spotlight sa kanila.” Isa na namang dagdag sa listahan ng kasinungalingan nya.

“Oh. Okay. I understand.”

 

Sabi na nga ba nya at iyon ang isasagot ni Diego. Lalo tuloy syang nahirapan.

“Well, since sabi mo na ngayon ang wedding, I suppose sasabihin mo na sa kanila ang news soon enough para makabalik ka na agad dito para sa sarili mong kasal?” Tanong ni Diego sa kanya.

Kathryn knows that she is getting married but hearing it from someone else make it feel more…real. Feeling nya ay nagtutumbling ang sikmura nya.

“Of course.” Pilit na sagot nya.

“Okay. I’ll see you in a few days!”

 

“Okay.”

 

“You take care. I love you.” Malambing na sabi ni Diego.

Alam ni Kathryn na dapat syang sumagot sa sinabi nito. But for some reason, nahihirapan syang sabihin ang mga salitang iyon. Ilang segundo ang nakalipas bago sya nagsalita muli.

“I will. I love you too.”

__________

10AM

It had been 15 mins matapos silang magchismisan nila Julia B, Janella, at ni Julia M about their gowns, hairstyle and make up. Ngayon si Julia M ay nasa loob na ng isa sa mga villas sa resort kung saan gaganapin ang kasal nito kasama ang kanyang ina at glam team. Sina Janella at Julia B naman ay nagpunta na rin sa kanya kanyang kwarto para mag-ayos kasama ang kanilang mga boyfriend.

Dahil wala pa ang kanyang “boyfriend”, mag-isa lang si Kathryn sa loob ng cottage nya at ang tanging kasama nya ay ang isang bote ng alak na itinakas pa nya papasok doon.

Pinapanood nya ang mga tao habang nagpapatay ng oras. Napakadami ng taong invited sa kasal nila Julia M and Quen. Siguro ay nasa 500 na tao ang nasa guest list. At karamihan dito ay mga kilalang personalidad sa bansa. Sa totoo lang ay ayaw sana nila Julia at Quen ng magarbong kasal, mas gusto nila ang isang intimate wedding.

*Siguro ang pagpapasara ng isang buong island at pagrent ng ilang dozens ng yachts para matransport ang mga guests ang definition nila ng non-extravagant* Sabi niya sa utak nya habang tinitingnan ang mga padating na bisita na lulan ng mga yate.

Ang mga kasal talaga ng mga prominenteng tao ay kailangang ‘front page worthy’. At alam nyang hindi maiiba doon ang magiging kasal nya.

Napabuntong hininga sya at saktong napabaling ang kanyang tingin  sa isang bagay na kumikinang sa kanyang kamay. Isang diamond ring na nakabalot sa kanyang 4th finger.

It was her engagement ring.

Accidentally, ay naiwan nya iyon sa kanyang apartment sa Canada. At dahil thoughtful si Diego ay ipinadala nya ito sa kanya kasama ng bouquet at invitations na natanggap nya pagkatapos ng fashion show. Pilit nya itong itinatago pero naisip nya itong isuot ngayon pero sa maling kamay.

Pinagiisipan pa rin nya kung pano sasabihin sa lahat ang tungkol sa engagement nya. Naisip nga nya na iwan na lang ang mga invitation sa mailboxes nila at tumakas na papaalis ng bansa para hindi na sya matanong pa ng kahit ano. Pero hindi nya iyon magawa dahil paniguradong si Daniel naman ang guguluhin nila. At magiging unfair para sa binata dahil sya din ay walang alam tungkol dito.

Kinuha nya uli ang wine glass nya at pinuno iyon ng alak. Ininom nya ang laman noon sa dalawang lagok lamang. Hindi na sya natatakot sa kung ano mang sasabihin pa sa kanya ng mga kaibigan nya pag nahuli syang umiinom. Wala ang impact na iyon kumpara sa mararamdaman nya sa oras na malamang ni Daniel ang katotohanan.

Anong iisipin nya? Anong sasabihin nya? Magagalit ba sya? May pakialam ba sya?

“What are you doing?” May biglang nagsalita at muntik na syang mapatalon sa gulat. Only to see Julia B. na nakatayo sa may likuran nya.

“Geez. Tinakot mo ko!” Hindi nya pinansin ang matalim na tingin ni Julia B sa baso ng wine na hawak nya.

“Are you drinking?”

 

“Oh. Uhm. I just felt like having a glass.” Walang ganang sagot ni Kathryn.

Lumapit si Julia B sa lamesa at kinuha ang bote ng wine. At nakita nyang halos kalahati na lang ang laman nito.

“A glass? You mean a bottle?”

 

“Nacarried away lang ako. It’s good stuff.”

Ibinaba muli ni Julia B ang bote sa lamesa at humila ng upuan para maupo sa harap ng kaibigan.

“Alright, Kath. What’s wrong?”

Nakita nyang bumagsak ang balikat ni Kathryn sa tanong nya.

“Nothing.”

 

“And you seriously think na papaniwalaan kita?”

 

“Hindi ba talaga ako magaling magsinungaling?”

 

“I read somewhere na people become more transparent when they’re with people they deeply care about.” Nakangiting sagot sa kanya ni Julia B.

Pakiramdam ni Kathryn ay parang sinuntok sya sa sikmura.

*Kaya pala lagi na lang akong nahuhuli ni Daniel.*

Parang gusto na lamang nyang uminom muli pero alam nyang hindi na sya papayagan ni Julia B.

“Cmon. Spill it. Kahit ano pa yan.” Pilit sa kanya ni Julia B.

Pagod na si Kathryn sa mga kasinungalingan.

This has to stop.

Huminga sya ng malalim at tumitig kay Julia B.

“Babalik na ko sa California bukas.” Diretsang sabi nya dito.

Nawala ang pagkakalmado ni Julia.

“Bakit biglaan? Akala ko may 1 week ka pa dito?”

 

“Something came up at work. Kailangan ko ng bumalik agad.” Pagsisinungaling ni Kathryn. Hindi pa rin pala nya kayang sabihin lahat.

“Oh I see. Nasabi mo na ba kay DJ?”

 

That question caught her off-guard.

“No.”

Nabalot sila ng katahimikan. At bago pa man sya mainterrogate muli ni Julia B…

“Hindi ba dapat yung mga bridesmaids tinutulungan yung mga taong magprepare instead na magrelax sa loob cottage?”

Isang pamilyar na baritone voice ang narinig nila na nagpatalon sa puso ni Kathryn.

“DJ!” Ang matinis na boses ni Julia B ang nagconfirm ng hinala nya kung sino iyon bago pa man sya makalingon.

Nakatitig lamang sya kay Daniel at tila walang lalabas na kahit ano mula sa bibig nya.

Napansin iyon ni Daniel kaya sya na ang gumawa ng first move dahil nasa ilalim sila ng scrutiny ng nag-iisang Queen B. Hinila niya si Kathryn patayo at niyakap nya ito ng mahigpit.

“Missed me?” Nakangiting tanong ni Daniel kay Kathryn.

Nararamdaman ni Kathryn na nanghihina na ang tuhod nya sa mga pangyayari. Nakatitig sa kanya si Daniel na tila ba ay may gustong ipahiwatig. Luckily, nagets naman iyon ni Kathryn at naalalang nakatingin pala sa kanila si Julia B. Napakurap sya at ibinaba ang kamay na nakayakap sa balikat ni Daniel pababa sa dibdib nito.

Napalunok ang binata sa ginawa nya.

“Of course! You should’ve called…” Narealize nya ang pagkakamali. Hindi dapat malaman ni Julia B na wala silang communication buong time na wala sa bansa si Daniel.

“…more often.” Dagdag nya para pagtakpan ang pagkakamali.

“Ano? Kulang pa ba ang 5x na tawag sa isang araw?” Pang-aasar ni Daniel na sinasakyan lang ang kwentong gawa gawa nya.

“Kulang pa. Long distance relationships require more work than that.” Nilakasan ni Kathryn ang pagkakasabi para marinig ni Julia B.

Napataas ang kilay ni Daniel sa narinig at tiningnan nya si Kathryn na tila nagtatanong. Kathryn knew na kapag inopen nya ang subject na iyon ay makakaramdam na si Julia B ng queue para umalis na ito. Hindi na nya kayang makayakap pa ng ganito kahigpit si Daniel for one more minute.

Saktong nakuha naman ni Julia B ang gusto nyang mangyari at tumikhim ito saka nagpaalam na aalis na. Pero bago iyon ay binigyan nito si Kathryn ng isang makahulugang tingin.

“Anong ibig sabihin nun?” Tanong ni Daniel nang maiwan silang dalawa sa kwarto.

“What do you mean?” Alam naman nya na ang titig sa kanya ni Julia B ang tinutukoy ni Daniel pero nais lamang nyang magmaang maangan.

“The look that Julia B gave you. May kailangan ka bang sabihin sa kin?”

At this point hindi sya sigurado kung kaya pa nyang iwasan ang topic na iyon. It’s either sabihin nya ang kasinungalingang sinabi nya kay Julia B na aalis na sya kinabukasan or wag na lang syang magsabi ng kahit ano. Hindi nya alam kung pano sasabihin dito na aalis na sya, at mas lalong di nya kayang sabihin na magpapakasal na sya…sa iba.

“No. Wala lang yun. Nagchichismisan lang kami about Julia M and Quen.” Kunwari ay inayos nya ang suot na gown para hindi sya mahalatang nagsisinungaling.

Sumingkit ang mata ni Daniel habang nakatitig sa kanya na tila ba ay may gusting sabihin pero pinigilan na lamang nito ang sarili. Nararamdaman ni Kathryn na alam na ng binata na nagsisinungaling sya pero hindi na lamang sya nito inintindi. Na medyo ikinatuwa na rin nya.

“Dapat na siguro tayong lumabas. Magsisimula na yung ceremony.”

 

Ngumiti na lamang si Daniel at inilahad ang kanyang palad para alalayan si Kathryn. Huminga muna ng malalim si Kathryn bago tanggapin iyon.

She had all the intention na ituloy ang planong umalis kinabukasan. Pero hindi naman kailangang malaman ni Daniel iyon. Siguro kapag umalis sya ay iisipin na lamang nila na mas mahalaga sa kanya ang trabaho kesa kay Daniel. And yun ang break up na magtatapos sa mga plano nila ni Daniel nung una pa lang.

“By the way, you look beautiful, Kath.” Bulong ni Daniel sa kanya habang papalabas sila ng pintuan.

A tingling sensation coursed through her entire body sa sinabing iyon ng binata. A mix of longing and alarm came over her. Hindi magiging madali ang lahat para sa kanya.

Kahit parang ang hirap ay pinilit nyang tumingin dito at ngumiti.

“Ikaw din, DJ. Ang gwapo mo ngayon.” And she meant every word she said.

__________

The ceremony was everything like Julia and Quen wanted it to be. It was intimate and filled with so much love.

Habang pinapanood ni Kathryn na nageexchange of vows ang mga kaibigan nya, something inside of her is aching. Lalo na  ng tingnan nya ang mga kamay nya at nakita ang engagement ring na suot.

Ilang araw na lang at sya naman ang nasa katayuan ni Julia – exchanging vows with a wonderful man and promising to never love another for the rest of her life. Wala nga sigurong reason para kwestyunin nya ang kanyang desisyon na pakasalan si Diego dahil napakabuti nito sa kanya and sobrang lucky nya na sya ang gusto nito.

Nagulat sya ng may kamay na biglang pumatong sa kamay nya pero agad napalitan ang pagkagulat ng paggaan ng pakiramdam nya at pagkawala ng tension na kanina pa nya nararamdaman. Hindi pa rin nya alam how and when he began to read her so well.

*People become more transparent when they’re with people they deeply care about.* Umulit sa utak nya ang sinabi ni Julia B kanina.

Ang sakit sa puso nya na sa susunod na maupo silang magkatabi sa ganitong okasyon ay isa na syang married woman.

Pigil na pigil nya na dumaloy ang mga luha nya.

Nang tingnan nya muli ang kamay nya ay nakita nyang inintertwine ni Daniel ang mga kamay nila.

__________

Magtatakipsilim na ng matapos ang party. Sila Daniel at ang barkada nya ang huling umalis sa isla dahil napagpasyahan pa nilang uminom ng isang bote ng champagne para magcelebrate. Nang maubos na ito ay pares pares na silang sumakay sa 4 na natitirang yacht na nakadaong sa port.

Daniel and Kathryn were the second to the last to leave. Si Daniel ang nagnanavigate habang tinatanggal naman ni Kathryn ang sapatos nya at nahiga sa kama sa loob ng yacht saglit.

Habang nakahiga ay pinapakinggan ni Kathryn ang kalmadong tubig dagat at ang tunog ng motor ng yate. But as tempting as the serenity that is surrounding her, alam nyang hindi ganito palagi. Hindi sya pwedeng magstay dito. Hindi sa Pilipinas, hindi kasama si Daniel. It just wasn’t how her life was mapped out.

Nagbuntong hininga sya at tumayo mula sa kama. Kailangan na nyang gawin ang phone call na iyon. Ang phone call para kumuha ng ticket na magbabalik sa kanya sa California.

Inabot nya ang purse nya para kunin ang cellphone nya. Pero hindi nya ito makapa. Nilaglag na nya lahat ng gamit sa loob nito pero wala ang phone nya.

Walang bulsa ang suot nyang gown kaya imposibleng naibulsa nya ito.

Habang busy sya sa pagiisip kung saan nya naiwan ang phone nya, narinig nyang biglang namatay ang makina ng yate.

Nag-alala sya at agad na lumabas at pumunta sa dock kung nasaan si Daniel.

“Namatay yung engine.” Sabi ni Daniel na tila nagtataka din sa nangyari.

“Ahh. Tumawag ka na ng pwedeng tumulong sa atin.” Sagot nya na may halo pang optimism.

Dumukot si Daniel sa pantalon nya para sundin ang utos ni Kathryn pero narealize nya na wala din doon ang phone nya.

“What’s the matter?” Tanong ni Kathryn nang makita ang troubled look ni Daniel.

“Naiwan ko ata kay Jerome yung phone ko. Hiniram nya kasi ung kanina sa reception.” Luminga linga si Daniel na tila naghahanap ng pwedeng makatulong sa kanila.

Sinundan ni Kathryn ng tingin si Daniel habang sinusubukan nitong paganahin ang radio sa may control panel, pero hindi ito gumagana. Nakakita rin si Daniel ng telepono sa gilid at agad nitong iniangat iyon upang malaman lamang na patay pala ang linya.

Tumingin si Daniel kay Kathryn.

“I’m out of options. Bakit hindi mo tawagan sina Julia?”

 

“Gustuhin ko man. Wala din akong phone. Nawawala din.” Distressed na sagot ni Kathryn.

Bago pa man makapagsabi ng kung ano si Daniel ay may narinig silang tunog ng motor sa di kalayuan. Paglingon nila ay may isang yacht na papalapit sa kanila. They gave a sigh of relief ng makita kung sino ang sakay noon.

“Jerome!”

 

“Janella!”

Sabay na sigaw nila Kathryn at Daniel, frantically waving their arms sa mga kaibigan. Pinanood nila while Jerome maneuvered his yacht para itabi sa yacht nila.

“What’s going on?” Tanong ni Janella.

 

“Kailangan naming ng tulong. Ayaw umandar ng makina. We’re stranded.” Daniel summed up.

Nagulat na lamang si Daniel at Kathryn when Jerome and Janella exchanged meaningful glances.

“Yeah, you’re stranded alright.” Makahulugang sabi ni Jerome.

Hindi alam nila Daniel at Kathryn ang dapat na irereact sa cryptic message ni Jerome.

Janella pulled something out of her purse.

“Phone ko yan! Pano yan napunta…” Sigaw ni Kathryn na naputol nang mapagtagni tagni nya ang mga nangyayari.

“Teka. Did you sabotage our yacht?” Pagaakusa ni Kathryn.

“Ano ba to? Isang twisted set up?” Segunda naman ni Daniel.

“Bingo.” Pagkumpirma ni Janella na may kasamang tango.

“Ano? Pero bakit? Hindi nyo na kailangang gawin ito. Kath and I spend more than enough time together. Yun ang ginagawa ng couples.” Apila ni Daniel.

“Tama si DJ. Jusko naman. Nakatira na nga kami sa iisang bahay!” Sigaw ni Kathryn na halatang naiinis na.

Pero tila kahit anong sabihin nila ay hindi apektado sina Jerome at Janella.

“We know the truth.” Parang isang bomba sa kanila ang simpleng mga salitang iyon ni Jerome.

“Anong ibig mong sabihin?” Nerbyos na tanong ni Kathryn.

Tumingin si Jerome kay Daniel at ngumisi.

“Alam mo naman siguro DJ na may malalaking glass framed paintings sa bahay nyo diba? Sobrang glossy nila dahil inaalagaan nila Manang Fe ng mabuti. Kaya nung araw ng birthday mo ay may nahuli akong nageeavesdrop sa likod ng wall na nakita ko mula sa reflection. At isa pa, I’m also getting my daily dose of caffeine lately, at may paborito akong coffee shop. Ito yung kung saan kayo pasikretong nagkita nung araw pagkatapos dumating ni Kath dito sa bansa.”

And with that, Kathryn and Daniel knew they’re screwed.

__________

Author’s Note: Malapit na… O__O

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 92 54
[COMPLETED ||UNEDITED] (1.0 - 1.25) Dear Ayesha, I like you po. Kaso di ko masabi ng direkta kaya sasabihin ko nalang through letters habang wa...
3.2K 168 40
Akala ni Kate ay siya lang. Pero akala niya lang yun,simula ng malaman niya ang malaking pagkakamali. Nagkakakilala ang dalawa dahil sa isang app. A...
37.2M 775K 65
(COMPLETED) Montenegro Series #1 Highest Rank: #1 in Romance Category I'm Akira Sapphire Santos-Montenegro, nineteen years old, currently taking Busi...
5.6K 62 18
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...