A Written Love Story -- For t...

By vesperaze

8.3K 116 43

[FILIPINO; Currently rebuilding] "Fate doesn't always decide who you'll end up with." (c) 2010-2011 More

A Written Love Story: Prologue (★)
AUTHOR'S NOTE.
(1) For the Hundredth Time and A Leap of Faith (★)
(2) The Most Common Type of First Encounter (★)
(3) Hang-outs and What-nots. (★)
(3.1) A Date, it is. (★)
(4) Closer You and I (★)
(5) Enchanted to be with you (★)
(6) The Confession and Some Acts of Chivalry. (★)
(7) Some Random Requirement and We're Partners-in-Crime (★)
(8) Flash Forward And it All started. (★)
(10) You and I and Everything in Between (★)
(11) BFF Talks and Someone Rocks. (★)
(12) Les Miserables ala Gerard and Ren (★)
(12.1) We could... Love. (★)
(13) And Now I'm Falling, Falling Fast Again~ (★)
(14) Don't Forget About Us. (★)
(14.1) What She Really Needs To Know. (★)
(15) The Story behind GeLaire. (★)
(16) My Brother's Keeper? (★)
(16.1) The Truth is... (★)
(16.2) The Hardest Part. (★)
(16.3) The Bro Code (★)
Eto na ba ang Special Chapter?

(9) The Christmas When It All Happened. (★)

240 2 0
By vesperaze

(9) The Christmas When It All Happened.

(ECLAIRE)

Second sem na. Bagong taon na rin. Next academic year – this June – magiging busy na kaming lahat.

Nasa school canteen uli kami ngayon. Ito nalang yung time na nagkasama-sama kami uli. Pero imbis na maging masaya, ito. Depressed na depressed ang itsura ni Ren. Nagtatanong kami sa kanya pero ang sinasabi lang niya eh, "wala to". Bakit kaya? Si Ola naman magma-migrate na daw abroad this sem. Haay. Ang lulungkot naman ng pambungad ng bagong taon samin. Si Chen, mukhang heart-broken naman. Hala. Why are all the people so sad today?

Well... Magkukwento nalang ak— "Guys. We broke up." I almost blew my juice. Pero siyempre, joke lang yun.

"BAKIT?!”

 

 

“Anyare?”

 

 

“Totoo ba yan? Baka joke mo lang yan, Ren." tanong naming tatlo kay Ren. Sa relasyon ng dalawang yun, parang imposible ang salitang 'break up'.

"I can't explain... Hindi ko pa kaya. Just let it be. Kung ready na ko, tsaka ako magku-kwento."

We stooped. Hindi naman naming mapipilit si Ren e. And then, sumunod naman sa pagda-drama si Chen. "Hindi na niya ako pinapansin..."

"Sino?" tanong ni Ola.

"Si Gerard. Tapos ang rude niya pa sakin... Why oh why? Parang kailan lang ang sweet niya at ang gentleman. It looked like he likes me, pero bakit ganun?" Ganito kasi talaga ang babaitang ‘to. Wagas maka-drama sa mga crushes niya.

"Minsan kasi, sa buhay, wag tayong assuming." sabi ko. Sorry ha, straight-forward talaga ako masyado.

"Haaaay. Oo nga eh... I think I gave his actions a lot of meanings na hindi naman dapat. Pero bakit kasi siya ganun? Sino ba naman hindi maiin-love sa kanya?" Well, I can't say 'ako' because I was actually falling for this guy in the process. You read that right. May gusto nga kaming tatlo sa kanya. Si Ren lang ata wala. Siya pa naman 'tong gustong-gusto ni Gerard. Haaaay. Buhay.

“Uh... Si Ren?” Sagot ko.

“Uh, kasi may bf na siya, Air. Given na yun.” Nagsimulang umiyak si Chen. Mukhang seryoso pala talaga siya kay Gerard.

"Girl, alam mo kasi, hindi siniseryoso yang ganyang tao. Obvious naman sa simula palang mukhang pinapaikot na tayo eh." Sabi ni Ola. HUH? Pinagsasabi ni Ola? Siya rin naman dati kilig na kilig dito kay Gerard.

"Ano, Ola?" Tanong ni Ren na parang hindi nakikinig sa napaguusapan namin.

"Ang ibig kong sabihin mga teh, mukhang playboy yung si Gerard. Hindi dapat siniseryoso."

"Pero... bakit...?" Tanong ko. To think she is a Psych major, malamang alam niya. At malamang matagal na niyang nabasa ang pagkatao ni Gerard.

"Anong bakit, Air? Wag mo sabihing pati ikaw, head over heels na sa lalaking yun? Namaaan." Sagot niya sa’kin. At dahil defensive ako, sinagot ko siya ng, "h-hindi ah!"

"So, Ola, anong ipinaglalaban natin? Makapagsalita ka parang di nakipag-agawan sa'kin ah." Si Chen. Medyo naligtas ata ako dun.

"Hindi naman. I just realized things. Kaya nga pansin mo, lately, hindi na ako gaanong nakikipagkumpitensya sa'yo? I just find the guy so mysterious. So mysterious that ang alam lang natin sa kanya ay pangalan niya, course niya. At gwapong lalake siya. Period. Do you, guys, even know what he is when we're not in school? Naaalala mo nun, Chen, yung sa mall. Ayaw niyang aminin na siya yung kumakantang narinig mo nun sa Lit hallway. What's the purpose?" Seryoso niyang pag-eexplain. Hindi ko alam ganito nap ala kaseryoso ang issue na ‘to. What’s the big deal with Gerard?

Sasagot na sana ako nang... "Oo nga, pero sapat na ba yan, Ola, para husgahan natin siyang playboy agad agad?" Seryoso talaga si Chen kay Gerard.

Nagsimula nalang kumain si Ola. "Ewan ko. Alam kong mali... pero malakas ang pakiramdam kong baka tama ako. Ano bang malay natin sa kanya, eh hindi pa naman natin siya ganung kakilala."

"That's the point, Ola. We don't even have the right to judge the person because we barely even know him." Sagot ko. Defensive ako eh, bakit ba.

"Tama na yan, guys. Hayaan niyo na muna siya. Hindi niyo naman problema diba kung ganun man siyang tao. Oh, right. Wag pala manghusga. Isipin niyo nalang na hindi kayo magpapaloko sa kung kanino man. At ikaw naman, Miss Chen, minsan kasi, kilalanin mo muna yung tao bago ka magpalunod sa nararamdaman mo." Si Ren. Ang dakilang nagpapangaral saming lahat.

"May pinanghuhugutan, teh?" Natawa nalang si Ola saka kumain uli.

"Wala naman. Sige na, kain na kaya tayo. Magta-time na oh." Ngumiti na rin si Ren sa wakas.

Napaisip ako habang kumakain. Sabi ni Ren... Kilalanin daw muna yung tao bago magpalunod sa nararamdaman. Pero...

Pa'no to? Itutuloy ko ang kwento ko nang malaman niyo.

Ito nga pala ang nangyari nung Christmas break.

Nasa mall ako. Mag-isa lang ako. That's the usual me. Hindi ko naman pwede isama yung tatlo kasi para sa kanila yung mga regalong bibilhin ko. And then when I was picking something at a certain stall...

"Hi Air." Lumingon ako at... Ohgosh. Si Gerard. Don’t get me wrong here. Hindi ko pa siya gusto ng mga panahong ‘to. Nagulat lang ako kasi nga kaibigan namin siya, tapos nakita niya ko ngayon. Baka sabihin niya sa mga girls na bibilhan ko sila ng regalo.

"Uh. Hi.” Bati ko. Hindi ko siya masyadong tinignan. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pamimili.

"Smile ka nga," pag-uutos niya. Nilingon ko siya saglit. And then he smiled. Parang inuuto niya lang ako. Inilayo ko agad ang tingin ko sa kanya at itinuon ko sa isang bagay na hawak ko.

Ibinalik ko yung kinuha ko, hindi ko naisip na magandang regalo yun. Bumalik nalang ako sa pagtingin-tingin ng mga bagay dito saka ko siya tinanong ng hindi nakatingin sa kanya. "Bakit naman?"

"You look so cute when you smile." Grabe. Nakakangiti naman daw yung sinabi niyang yun. Hindi ko mapigilang hindi kiligin.

"Gotcha! Lagi ka nalang kasi magsmile. It suits you." Kumindat siya sakin. Stop being so cute, Gerard! Please lang. Wala akong balak makipag-agawan sa mga kaibigan ko.

Nahihiya na tuloy ako... Mas lalo akong na-o-awkward sa sitwasyon. "Ah. Thanks."

"Ano palang ginagawa mo dito?" Naglalakad-lakad kami habang ako naghahanap ako ng pwedeng mai-regalo. Hindi ako makatingin sa kanya kasi sobrang awkward ng nararamdaman ko.

"Nothing special. I was just buying some gifts for the girls."

"Wow. How thoughtful of you... Well since andito ka na din lang naman at gutom na gutom na talaga ako, kain tayo.” Napalingon ako nang sabihin niya yun. Inaaya ako kumain ni Gerard! Is this real? “Libre ko, don't worry." Napatawa siya, ‘kala siguro niya iniisip ko na wala akong pera. Pero, sa totoo lang, I could use some food treat from a friend right now. Saka turo sakin ng nanay ko, masama daw tumaggi sa grasya.

"Really? That's great then!" Natuwa narin ako dahil sa libreng dinner na siya pa mismo nag-offer. Ako pa ba ang choosy?

"So tara na?" Aya ni Gerard. Mukhang gutom na yata talaga siya.

"Pero wala pa akong nabibiling regalo para dun sa tatlo."

"It can be helped. Samahan kita mamaya. Kain muna tayo, please. Nagugutom na ako eh." Hindi ko alam kung totoo ba ang puppy eyes, pero mukhang ganun ang ginagawa niya sa ngayon.

And he's just freakin' irresistible. "Ok then. Mahirap din malipasan ng gutom."

What we did was more than just eating. Nawala din yung awkwardness ng kusa. Hindi ko alam kung paano, pero, bigla nalang siyang nawala. Siguro, napansin ni Gerard, at siya yung gumawa ng paraan para matanggal yun. Hindi pwedeng maging ako yun, kasi hindi naman ako ganun. Hindi ko kayang mag-deal sa ganitong klase ng sitwasyon. Besides, I’ve never been out with a guy before. Sina Chen, Ola, at Ren ang kasa-kasama ko lagi. This is too new to me. Too new to make me feel a feeling I’ve never had before.

Nagpunta pa kami dun sa amusement park malapit sa mall. We had a lot of fun. DATE BA YUN? Oh no – no Air. Wag assuming. Buti nga napigilan mo ang kilig kanina. Hindi ka na dapat dumagdag sa mga kaibigan mo. Saka... baka may mga iba pa. Sa itsura niyang ‘to?

"Whoo. Kapagod yun ah." Sabi ni Gerard habang naglalakad na kami palabas ng Amusement park. Nakangiti lang ako. Parang bumalik kasi yung awkwardness sakin. Ewan ko ba, siguro dala ng mga naiisip ko.

"T–thanks pala ha. Dahil sayo may gift na ako sa kanila." Although si Gerard naman talaga ang kumuha ng mga ‘to para sa kanila. Binigay kasi niya sakin yung mga napanalunan niyang stuff sa mga palaro, sabi niya, yun nalang daw ang i-regalo ko. He also gave me this life-sized bear he got from the watergun shooting booth. Ito daw ang regalo niya sakin.

Ngumiti siya. "That’s nothing, Eclaire. Thanks for helping me buy a gift for Ren. Sana maappreciate niya." He said. I felt like having a heart-ache. Parang tinutusok lang yung puso ko ng maliliit na karayom. Kasi ibang babae yung iniisip niya habang kasama ako... Pero, kailangan niya ‘tong gawin eh. "Oo yan. She likes cute stuff."

"Thank you. Pero secret lang yung nalaman mo kanina, please. Sa’yo ko lang sinabi yun." He pleaded.

"Oo po." Nginitian ko siya habang papasok kami sa kotse niya para ihatid ako pauwi.

Ano yung nalaman ko? Secret nga namin eh. Don't worry, malalaman niyo rin. Hindi ko nga rin alam kung bakit niya sinabi sa’kin ang sikreto na yun. Hindi ko rin maintindihan ang mga nangyayari sa ngayon. Medyo magulo, pero, masaya ako. Napagtanto ko rin na siguro, nakasama narin siya ni Chen ng ganito. Kaya nahulog ng ganun katindi ang loob ni Chen. Because, honestly? You just need one day to realize that you really do like him. Hindi dahil gwapo siya, o mayaman. Kundi dahil merong something sa mga mata niya. Merong something sa paraan ng pagiging gentleman niya. Yun bang, kahit hindi niya sinasadya at hindi niya intensyon e, mapapa-ibig ka niya.

Sa loob ng kotse niya... "Ingatan mo yang si Gelaire ha." Si Gelaire yung stuff toy na binigay niya na binigyan niya ng pangalan using our names. How cute!

"Yea. Sure. Thanks pala ha... Thanks talaga. I really had a great time."

"You’re welcome! Kita mo yang bear oh, naka-belat pa sayo. Wag ka daw poker face. Smile ka para hindi ka niya belatan." He was giggling as he started to turn the engine on. And maybe, he does that with my heart, too.

"Oo po." I giggled a little so to match his reaction. At dala narin ng matinding kilig.

So there. Natapos ang byahe na nagkukulitan lang kami. Parang mas nakilala ko na siya. Kahit sandali lang yun... Iba yung Gerard na nakita ko nung araw na yun. Parang hindi siya yung Gerard na nakakasama namin. This Gerard is an awesome person. May pagka-mayabang at talagang gwapong-gwapo siya sa sarili niya, pero, may maipagmamalaki naman kasi siya e.

Ipinagbukas niya ako ng pinto at paglabas ko ng kotse niya, agad na akong lumakad papunta sa gate saka ko siya hinarap. "Thank you, Gerard. Thank you din sa araw na 'to." I smiled. Sana nagustuhan niya yung smile na yun. I wanted to please him, to impress him. I want him to notice me.

Inabot niya sakin mula sa trunk yung mga ipangreregalo ko. "Thank you din Air. I'm happy I have helped you. Tsaka I'm happy I made you smile." After that, I waved goodbye.

Isang araw.

Isang araw ko lang nakasama si Gerard... pero parang sa iisang araw na yun, nakilala ko na siya ng sobra. Lalo na nung sinabi niya yung secret niya sa'kin. Parang ang laking parte na ng buhay niya ang nakita ko.

Hindi pa ba sapat yun?

Continue Reading

You'll Also Like

71.8K 4.6K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...