The Ice Breaker [COMPLETED]

By keizaki56

57K 1.3K 403

Follow Ice , an easy-go-lucky boyish gal as she experience the ups and downs of love and life . *WARNING : If... More

The Ice Breaker (On-Going)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
SP

Chapter 28

840 24 12
By keizaki56

Helena Wang (Yoon Hae Young) --->

---

Sa wakas , naipagupit ko na ulit ang buhok ko . Maiksing maiksi na ulit sya . Just the way I like it . Sinipat ko ang bago kong hairstyle sa salamin ng CR ko . Buti na lang nagpagupit na ulit ako . Magaan na ulit ang ulo ko .

Biglang napadaanan ng isip ko ang nangyari one week ago . Yung nagconfess na naman si Royce ng feelings nya , yung muntik nya na akong halikan , at yung biglaang pagpasok ni Chester sa unit ko . One week ko na ring hindi kinakausap at iniiwasan si Royce . Si Chester naman , after mangyari iyon , hindi pa ulit bumabalik dito . I guess , masyadong awkward ang nangyari kaya ayaw na muna namin pag usapan or what .

Ginulo-gulo ko ang maiksi kong buhok at pinilit na tanggalin ang nasa isipan ko .

Matapos magawa lahat ng morning rituals ko , lumabas na ako ng unit ko . Magkikita kami ngayon ni Kuya Andrew , kasama ng Mama nya . Kaya kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang dapat kong iasal .

Pag dating ko sa restaurant , nakita ko agad si Kuya Andrew na kumakaway sa akin . Dahan-dahan akong lumapit . Nakatalikod ang isang eleganteng babae na nasa harapan ni Kuya Andrew . Ito na sya . Ito na ang Mama nya . Wooo kabado !

Lumingon ito sa akin bigla . Ngumiti ako ng alangan .

Tinitigan ako ng Mama ni Kuya Andrew simula ulo hanggang paa . Naasiwa ako . Pakiramdam ko kinikilatis ako ng husto . Napatingin din tuloy ako sa suot kong black and white checkered polo shirt , rugged ripped up jeans , at maduming pair ng black sneakers .

Pero nagulat  ako nang tumayo ito at yakapin ako bigla . Tumingon ako kay Kuya Andrew . Sumenyas naman ito ng “ok” . Kaya niyakap ko na rin ang Mama nito .

Nang magkalas kami , ngumiti ang Mama nya at hinila ako palapit sa table .

“Ice , ako ang Mama ni Andrew . Ako si Helena Wang .”

Napatulala ako . Halos pigil ko ang hininga ko kanina dahil natatakot ako . Pero ngayon , feeling ko , magiging at ease naman ang pakiramdam ko sa presence ng Mama ni Kuya Andrew .

“Uhm . H-hello po . Nice to meet you po , Mrs . Wang .” bati ko habang nagkakamot ng ulo .

Tumawa ito at hinawakan ang magkabilang balikat ko .

“Naku namang bata ito ! Mrs . Wang ? ? ? HAHAHA ! Tawagin mo akong Mama . Ikaw talaga !”

Napangiti ako . “Ehe . Talaga po ? Nakakahiya po e .”

Pinitik ni Kuya Andrew ang tenga ko . “Nahiya ka pa . Pitikin ko lalo tenga mo .”

Natawa na lang ako . Sakto namang may dumating na waiter na maganda pa ang suot na damit kesa sakin . May dala itong isang tray ng soup . Walangju , mag iihi ako neto e .

“Ice , I want us to be one family . Ok lang ba kung hahayaan mo kami ni Andy na kilalanin ka ng maayos ? I’ve always wanted a daughter . And Andy always asked me for a sister . Sana ok lang sayo .” sabi ng Mama ni Kuya Andy . Hindi ko pa sya matawag na “Mama” kahit metally lang . Nakakaasiwa kaya .

Namula ako sa sinabi nya . “P-po ? Eh , hindi ho ba nakakahiya ? Hindi po ba kayo galit sa akin ? O kaya sa Nanay ko ? Hindi po ba , sampid lang ako ? Bakit po ang bait nyo sa akin ?” sunod-sunod na tanong ko . Hindi ko napigilan ang bibig ko e .

Inilapit nya ang silya sa akin at hinawakan ang kamay ko . “Ice , hindi mawawala ang sakit na naramdaman ko sa ginawa ng Papa nyo ni Andy . Masakit sa akin na may ibang babaeng minahal ang Papa mo . Pero naisip ko na mas walang kwenta kung magtatanim ako ng sama ng loob . Lalo na at patay na sya . Isa pa , wala ka namang kasalanan dito . Pati na rin ang Nanay mo . Dahil hindi nyo naman iyon ginusto , hindi alam ng Nanay mo na pamilyado na ang Papa nyo . Para saan pa ang sisihan ? Tapos na ang lahat . Nangyari na ang dapat mangyari . At ikaw , wag na wag mong iisipin na kagagalitan ka lagi dahil sa isang bagay na hindi naman ikaw ang may kasalanan .”

Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata ko . At sa unang pagkakataon , iniyakan ko ang topic tungkol sa buhay ko na pilit kong iniiwasan simula noon .

“Sssshhh . . . Wag ka nang umiyak . We came here to have fun .” Inalo ako ng Mama ni Kuya Andy . Hinahagod nito ang likod ko habang patuloy ako sa mahinang pag iyak .

Iniabot sa akin ni Kuya Andy ang panyo nito . Tinanggap ko yun at ipinampahid sa luha ko . Shet , muka na akong timang . Muka na nga akong hindi belong sa hitsura ng mga kasama ko , tapos nadagdagan pa .

“Ok na po ako . Thank you po . Salamat po sa inyo . Na kahit hindi nyo ako kaano-ano ay itinuturing nyo akong hindi iba . Salamat po talaga .” sabi ko habang sumisinghot .

Umiling ito . “Nope . Salamat sa iyo . Sa wakas , magkakaroon na ako ng anak na dalaga .”

Napakamot ako sa ulo sa sinabi nya . Nagtawanan kami bigla dahil nagets ko na nagjojoke lang pala sya .

***

Ini-off ko ang call button matapos akong tawagan ni Sir Greg . Ok na daw ang Volume 2 . Kakapasa ko lang non nung isang araw . At tumawag sya para ipaalam sa akin na ready na sya for publishing . Under pa rin shempre sa publishing company ni Kuya Andy .

Inilagay ko na sa loob ng bulsa ng pantalon ko ang cellphone bago nagpatuloy sa paglalakad . Andito ako sa mall kasi bibili ako ng mga supplies sa office . Wala na kasi akong magamit e . Nahihiya na akong manghiram kina Kuya Baste .

Pumasok ako sa National Bookstore . Pumunta ako sa Fiction Section ng pocketbooks . Naghanap na rin ako ng bagong libro na pwedeng mabasa . Nakakabagot na kasi paulit-ulitin yung ilang libro na nakatambak sa unit ko .

“Hi !”

Ano kaya ang mas maganda , suspense and crime na naman o sci-fi ? Mas hilig ko kasi ang suspense e . Alin kaya ang pipiliin ko ?

“Ilyza , Hi !”

Napalingon ako bigla sa kumalabit sa balikat ko .

“Ooow . Hehe . Hello .” bati ko kay Shena .

Naka-high heeled shoes ito kaya naman mas matangkad sya sa akin ng mga dalawang pulgada .

Ngumiti ito . “Kamusta ?”

Napakamot ako sa kilay ko . “Eh , ok naman . Hehe .”

Nagkibit balikat ito . “I can see na hindi ka talaga girly-type . I wonder ano ang nakita sayo ni Royce ? No offense . Alam mo naman ako , talagang honest at prangka lang .”

Ngumiti ako . “Hmm . Hindi ka dapat naniniwala kay Royce . Walang gusto sa akin yun . Feeling ko mas type nya ang mga kagaya mo na sophisticated saka girl na girl .”

Tumawa ito . “Hahahaha ! Tsk , in my dreams . Ewan ko ba , kahit na maganda , mayaman at sexy ako , hindi nya ako magustuhan ? Ikaw ang bukambibig nya pag magkasama kami . Lagi nyang ipinapamukha sa akin na kahit pwede na akong maging perperktong nilalang , hindi ako makapantay-pantay sayo sa hindi ko malamang kadahilanan . Sabi nya sa akin , mahal ka daw nya .” Umiling iling ito . “Pero kahit anong mangyari , hindi ako magpapadaig . Lalo na at alam kong hindi mo naman sya gusto .”

Napatigil ako sa pag iisip sa sinabi nya . Teka nga , hindi ko nga ba gusto si Royce ? Ano ba talaga ? Gusto ko rin ba sya o hindi ? Shit , di ko rin alam !

Nagkibit balikat na lang ako sa sinabi nya sa akin .

“Oh well , t’was nice seeing you here . I hope etong pagkakalink natin pareho kay Royce ay hindi maka affect sa atin as two women . Gusto kita e , gusto kitang maging friend .” sabi nito .

Ngumiti ako . “Ako rin naman , pareho tayo ng naiiisip .”

“Ok then . Let’s hang out sometimes . Malay mo , maging super close pa tayo . I’ll go now . Bye !” sabi nito at hinila ako para i-beso .

“B-bye .” sabi ko nang bitawan nya ako .

Napailing ako habang nakatingin ako sa kanya habang naglalakad palayo . Mejo weird yung babaeng yun . HAHA .

***

“Girl , kelangan nating mag usap .”

Nagkibit balikat ako bago tumango . Umupo ako sa couch ko at hinintay na magsalita si Karina . Tumawag kasi sya sa akin kanina at sinabing pupuntahan nya daw ako dahil may importante daw syang sasabihin sa akin .

“Karing .” Untag ko sa kanya dahil hindi pa rin sya nagsasalita .

Ngumiti ito bigla .

“Ice , pumunta kagabi sa bahay namin si Sir Greg .”

Napatawa ako . Sabi na nga ba e . May something tungkol kay Sir Greg ang ichchika nito sakin .

“Ano , close na kayo ?” tanong ko .

Umiling ito bago nagsalita . “Sinabi nyang . . . Mahal nya ako .”

Nalaglag ang panga ko sa sobrang pagkabigla .

“Seryoso ? ? ?” halos pabulyaw kong sabi .

Ngumiti si Karina at tumango . Hala , nakakatawa naman ! Tunay ba ito ?

“Girl , inamin nya sa akin na matagal na nya akong gusto pero hindi nya lang magawang aminin sa akin dahil natatakot daw sya . Shit lang , girl , sobra akong kinikilig ! ! !”

Ngumiti ako at niyakap sya .

“O ayan , nakuha mo na ang matagal mo nang wish . So , kayo na ?”

Ngumiti ito bago umiling . “Papakipot muna ako , shempre . HAHA .”

Kinutusan ko sya . “Baliw ka talaga .”

Biglang may kumatok kaya sumenyas muna ako sa kanya na bubuksan ko lang ang pintuan .

Parang gusto kong lamunin ako ng lupa nang mabungaran ko sa pintuan si Royce . Nakangiti ito ng alangan habang nakasandal sa gilid ng pintuan ko .

Tumikhim ako bago nagsalita .

“Oy . Napadaan ka yata ?” Shit ano ba naman yun ? Ang lame naman ng sinabi ko !

Tumawa ito ng marahan . “Aayain sana kitang lumabas ngayon . Kung ok lang sayo .”

“Sino yan , girl ?” narinig ko ang boses ni Karina habang papalapit ito sa pintuan .

“Ah e , ano . . .”

“Ayyy ! Hi , Papa Royce !” bati ni Karina nang sumilip ito sa labas ng pintuan . Siniko nya ako at palihim na pinandilatan ako ng mata .

“Hi , Karina . Nandito ka pala . Saka na lang ako babalik . May best friend bonding time yata kayo .” sagot ni Royce .

Pinigilan ni Karina ang bisig ni Royce bago pa ito makatalikod . “Ay hindi , hindi ! Halika , pasok ka . Dali ! Aalis na rin naman ako e . Dinalaw ko lang si Ice kasi may ikinuwento ako . Aalis na ako . Kaya kayo naman . Hihi , if you know what I mean . . .” Tapos kinindatan nito si Royce .

Tinapik ko ang likod ni Karina . Lokong ito ! Kung ano-ano na naman pumapasok sa utak !

“Bye , girl ! Enjoy ! ! ! Have FUUUUNNNN !”

Hindi ko na sya nahabol ng palo sa puwit dahil mabilis itong nakalabas agad ng pintuan .

Tumikhim ako bago humarap ulit kay Royce . Namamawis ang mga palad ko . Shit , ang awkward lang talaga .

“S-so , pwede ka bang lumabas kasama ko ?” nakangiting tanong nito , mukhang nag aalangan .

Nag isip ako . Siguro nga , tama sina kuya Baste . Baka nga dapat ko nang i-embrace ang reality na hindi ko pwedeng basta na lang itaboy parati ang mga taong nagpapahalaga sa akin . Susubukan kong gawin ang normal na ginagawa ng isang tao – ang magtiwala ulit . Kahit kaunti lang . Kaya tumango ako . Wala namang masamang mag try ulit .

Biglang nagningning ang mga mata nito .

“Talaga ?” sabi nito na parang bata .

Tumango ulit ako . “Saglit , magpapalit lang ako ng damit . Hintayin mo ako . Pasok ka muna .”

Nakangiti itong pumasok .

Dali-dali akong pumasok sa loob ng kwarto ko at naghanap ng pwedeng ipalit . Lecheng yan , kakalaba ko lang kaya wala pa akong matinong damit na tuyo . Nag settle na lang ako sa isang puting tshirt , faded jeans at yung luma kong chucks . Kinuha ko ang isang bullcap sa rack ko at lumabas na ako .

“Tara na .” sabi ko sa kanya .

Nakangiti ito habang nakatingin sa akin .

“Ice , kahit na mas pogi ka pa sakin pumorma , para sakin , maganda ka pa rin .” sabi nito .

Namula tuloy ako . Lecheng ito ! Kinamot ko ang batok ko at hinila sya sa manggas ng polo shirt nya hanggang makalabas kami ng unit ko . Nag iinit talaga ang pisngi ko sa sinabi nya . Badtrip .

***

Wala kaming imikan ni Royce habang kumakain kami ng kwek-kwek . Nandito kami ngayon sa LaMesa Dam EcoPark . Dito nya ako inaya kasi daw gusto nya muna ang stress-free na lugar .

Paborito ko ang kwek-kwek . Hindi ko nga alam kung bakit e . Buti hindi ako nao-over protein nito . HEHE . Habang sarap na sarap ako sa pagnguya , biglang nagsalita si Royce .

“Ice , yung tunay , ano ba ang nararamdaman mo para sakin ? Meron ba , o wala ?”

Napaubo ako ng mahina sa itinanong nya . Naman tong taong to , pa-bigla bigla na lang magtanong eh ! Kitang nagmomoment pa kami ng kwek kwek ko .

Tumikhim ako . “Ano , ano kasi . . . Hindi ko rin alam eh . Hehe . Kasi hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung ano man ang nagustuhan mo sa akin .”

Tahimik ito for a few seconds . Tapos tumunghay ito at tumingin sa langit .

“Noong bata pa ako , sabi ko sa sarili ko , pag ako ay nagmahal , gusto ko hanggang wakas na . Yun bang wala nang sakit-sakit , iyak-iyak , break-break . Sabi ko , dapat , kapag nagmahal ako , ibuhos ko lahat para sa kanya . Para hindi nya ako iwan , para hindi ako masaktan . Kaya bumuo ako ng perpektong babae sa pag iimagine ko . Sabi ko , dapat ang perfect girl ko lang ang mamahalin ko ng sobra . Yun nga lang , dumating ka . Sinira mo ang image ng perfect girl ko .”

Napalunok ako . Ano na naman ba ang ibig sabihin nya ?

Napakamot ako habang kumakain pa rin ng kwek kwek . Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react e . Kaya tumahimik na lang ako .

“Sinira mo ang perfect image nya . Yung hot at super girly na babae na sophisticated in any way . Yung masasabi mong elegante kahit na simple lang . Pero dahil nga dumating ka , wearing your loose shirts , rugged jeans , and dirty kicks , parang bubble na pumutok at nawala ang image ni perfect girl sa utak ko .”

“Eh . . . Sorry ?” yung lang ang naisip kong sabihin sa kanya . Wala e , halos speechless ako .

Ngumiti sya at nilingon nya ako . Tapos yung ngiti nya , naging tawa .

“Bakit ka tumatawa ?” tanong ko habang nanguya .

Umiling-iling pa ito bago nagsalita .

“You’re so naïve , yet you’re cute as hell . HAHA .”

Tapos lumapit ito sa akin at hinawakan ang gilid ng labi ko . Shit ito na naman sya . Baka may balak na naman syang manghalik . Lumalapit na naman yung mukha nya . Pakinshit , ano gagawin ko ? Tapos nakakadagdag pa ng kaba yung init ng palad nya .

Ngumiti ito bago marahang idinampi ang daliri nya sa labi ko .

“Ang amos mo , may sauce ka pa sa labi .” At isinubo nya ang sariling daliri .

Para na naman akong naestatwa . Ano yun ? Sine-seduce nya ba ako ? Leche !

Ngumiti sya bago nagsalita . “Oyy , natulala ka na jan .”

Yumuko na lang ako dahil naramdaman kong umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko . Taeng lalaki ito ! Kung ano ano na namang pinag gagagawa ! Nakakairita !

Marahan nyang tinapik ang ulo ko bago ako binulungan .

“Huwag kang mag-blush , Ice . Lalo kang nagiging cute .”

Potek na . Nakakainis na talaga sya !

------

Lame , I know . Sorry . >.<

Continue Reading

You'll Also Like

785K 24.3K 53
Ace And Spade twins who suffered from an abusive childhood,those twins who carry a big scar deep in their hearts they were raised in a private and to...
1.7M 47.3K 23
~ COMPLETED ~ Side story 1 of Sweet Surrender 🦋 Started: July 24, 2021 Ended: October 30, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
2.4M 79.2K 56
Athena Louise Sarxel, ang babaeng hinahangaan ng SU o Sarxel University. Sya ang cheerleader captain. Sya rin ang tinuturing na Campus Bitch Queen. D...