Exquisite Saga #2: Roussanne...

By JhasMean_

1.5M 34.1K 907

Doctor Roussanne Shelkunova's life is simple. It's composed of a routine that she has to follow every day. Pa... More

Copyright
Author's Note
Prologue
Chapter 1: The Show Girl
Chapter 2: The Client
Chapter 3: The Buyer
Chapter 4: The Party
Chapter 5: The Confession
Chapter 6: The Car
Chapter 7: The Contract
Chapter 8: The Lawyer
Chapter 9: The Date
Chapter 10: The Call
Chapter 11: The Dilemma
Chapter 12: The Lie
Chapter 13: The Confusion
Chapter 14: The Truth
Chapter 15: The Talk
Chapter 16: The Choice
Chapter 17: The Night
Chapter 18: The Visitor
Chapter 20: The Downfall
Chapter 21: Puzzle
Chapter 22: Rafael
Chapter 23: Advice
Chapter 24: Happy
Chapter 25: Insecurities
Chapter 26: Hug
Chapter 27: Free
Chapter 28: Interested
Chapter 29: Better
Chapter 30: End
Epilogue

Chapter 19: The Doubt

37.2K 888 22
By JhasMean_

JhasMean: Hello! Pasensya na at super tagal ng last na update ko. Susubukan ko na po talagang magsipag. Hahaha salamat sa mga naghintay at pasensya na rin. Sana po ay patuloy niyo pa ring basahin ang Exqyisite Saga. Maraming salamat po! 여러분 감사합니다!
-----------------
Chapter 19
Roussanne Shelkunova

Nagising ako na may mahigpit na nakayap sa akin. Nasa sala pa rin kami ng bahay ko, parehas kaming nakaupo sa sopa ni Alastair habang nakabalot ng kumot, nakasandal ang likod ko sa dibdib niya at nakapulupot ang kanyang braso sa bewang ko. I can smell his familiar scent, that strong, minty scent that rattles my whole being.

Dahan dahan kong inalis ang yakap niya sa akin at bumungon, I fixed the blanket on him tapos ay pinatay ang naiwang movie na naka-play sa DVD player. Binalik ko iyon sa case at nilagay sa may rack na nasa tabi ng TV stand. I went to the kitchen to prepare something for dinner. Alas-otso na ng gabi and we both haven't eaten anything since he came here.

Pukunta ako sa kusina at kumuha ngbisang pack ng coffee beans sa box na nasa cabinet. May isang box akong ciffee beans dito dahil binigyan kami ni Gaige nang 70 percent discount sa kape nila kaya nilubos ko na. May bago rin akong coffee machine, binigyan kami ni Gaige.

Gumawa ako ng caramel latte para sa akin tapos ay tea naman para kay Alastair, peppermint tea. Habang gumagawa ako ng latte art ay nagpainit na ako ng tubig para sa tsaa. Marunong akong gumawa ng latte art dahil minsan akong nagtrabaho sa coffe shop.
Nilapag ko sa tray ang kape at tsaa ni Alastair at tumungo na ako sa sala kung saan mahimbing na natutulog pa rin si Al. Nilapag ko sa coffee table ang tray at lumuhod ako sa tabi ng sofa at hinaplos ang mukha ni Alastair.

"Hey, wake up..." I whispered. Pumiksi siya at kumunot ang noo sa ginawa ko. I lay a chaste on his lips and whispered again. "Wake up."
Ngumiti siya at unti unting minulat ang mata, namumungay ang mata niyang tumitig sa akin pagkamulat. "What's that smell? Did you make a tea?" Tumango ako at tumayo. Bumangon siya at naupo ako sa tabi niya tapos ay sinalinan siya ng tsaa.
"Peppermint tea 'yan." He nods and take a sip. Kinuha ko ang kape ko at sumimsim na rin.

I like this scene. Just the two of us. Iyong kahit hindi kami nag-uusap ay alam naming masaya kami. Sa magulang ko lang ito nakikita datiz Noong bata ako ay mauupo lang sa wooden swing sa may patio sila Mama at Papa, parehas na tahimik na umiinom ng kape at nakangiti sa kawalan. For them it was so normal pero para sa akin, highlight ng araw ko iyon. Tuwing pauwi ako ng bahay ay iyon ang maabutan ko. Alas-kwartro nang hapon ay nasa tapat na ako ng bahay at mananatili ako sa tapat ng gate namin at nakasilip lang sa kanila habang magkatabing nakaupo. It was so wonderful.

Tumunog ang telepono ni Alastair, nagpaalam siya sa akin para sagutin iyon, tumango lang ako bilang sagot. Binuksan ko ang telebisyon at nanonood ng balita.

"Rous, I have to go. May kliyente akong nagpunta sa bahay for an urgent matter. I'm really sorry." Tumawa ako at nilapag sa coffee table ang tasa ko.
"It's alright. Pero hindi ba siya maghihinyay nang matagal? Ang layo pa ng Tagaytay." Tinulungan ko siyang ayusin ang necktie niyang inalis kanina. He held my hand when I was done.
"Dito sa may Ternate siya nagpunta." Kumunot ang noo ko. May bahay siya rito?
"May bahay ka rito sa Ternate?" Nag-aalanganing tumango siya. "Why aren't you staying there? Nandito rin sa Ternate ang firm na pinagtatrabahuhan mo, 'di ba?"
"Yeah. Its stressful here kaya sa Tagaytay ako umuuwi." Hinalilan niya ako sa labi dahilan para mayanig ang buo kong sistema at mawala sa aking iniisip. Saglit lang ang halik na iyon ngunit malalim. "I'll see you tomorrow. We'll have a proper dinner, would you like that?"

Tumango ako at hinatid siya sa labas. Hinintay ko ang sasakyan niyang makaalis bago bumalik sa loob ng bahay, hawak ko pa ang aking labi nang makabalik ako sa loob at wala sa sariling nakangiti sa kawalan.

"Anong nakain mo ngayon?" Tanong ni Syrah sa akin. Puno nang pawis ang supt nitong sleeveless na pang-itaas na hapit sa katawan niya, terno nito ay isang itim na skimpy shorts.

Pinuntahan ko siya ngayon sa kanyang studio dahil wala akong ibang plano sa araw na ito. Kinansela kasi ni David ang pagkikita namin ngayon dahil nagkaron siya nang biglang appointment sa Maynila.

"Wala naman, eh, ikaw, anong meron sa'yo? Iba ang pagsasayaw mo ngayon." Normal kay Syrah na magpakapagod sa pagpo-pole dancing dahil iyon ang hilig niya, pero iba siya ngayong araw, kahit na wala bago sa routine niya at perpekto pa rin ang pagkakasayaw niya ay alam mong wala sa ginagawa ang takbo ng isip niya.
"Anong iba? Ganito naman palagi ang routine ko, well, hindi pala ganito ang routine ko, kasi ang usual routine ko may hubarang nagaganap." Tumawa siya nang mapakla at naupo sa dulo ng stage niya. "I loathe Exquisite. I loathe the founders. Roussanne, what if you find out that you are here right now because someone planned it?"
"What do you mean?" Nag-iwas siya ng tingin ag umiling.
"Wala. Nababaliw lang ako. Alam mo na, resulta ng mainit na panahon."

Kahit naguguluhan ay hindi ma ako nagtanong pa ulit. Syrah will talk when she's ready to talk. Tinawagan namin ni Syrah si Asti at Chi at sinabing pumunta sa condo ni Syrah para roon mag-lunch.

Ako ang nagluto para sa aming apat habang si Syrah ay nagpapahinga. Sa kalagitnaan ng pagluluto ko ay dumating na si Asti, naghahanda na naman kami ng mga plato sa lamesa nang dumating si Mrs. Hendrix na hindi kababakasan ng emosyon sa mukha.

"Someone didn't get some. Anong meron, Mrs. Hendrix?" Hindi pinansin ni Chi ang pang-aasar ni Syrah at naupo na sa tapat ng hapag. Nagkibit na lang si Syrah at tumabi kay Chi habang ako ay ginising si Asti na saglit na umidlip sa kwarto ni Syrah.

Naabutan ko si Asti na nagpapabaling baling sa kama at umuungol na para bang nananaginip ito ng hindi magandang bagay. Naupo agad ako sa tabi niya at magaang tinapik ang mukha niya, tumigil siya sa pag-ungol at unti unting nagmulat nang mata, kasabay non ay ang pagluha niya.

"Okay ka lang?" Tanong ko. Mahinang tinapik ko ang likod niya, naluluha pa rin ang mata niya nang lingunin ako.

"Oo." Kasabay nang pag-agos ng luha niya ay ang pagkalito sa mukha niya.

"Bakit?"

Umiling siya. "Alam kong nanaginip ako ng masama, sobrang nakakatakot ng nasa panaginip ko pero kahit isang pangyayaring naganap doon ay wala akong maalala..."

Bumuntong hininga ako at ngumiti sa kanya. "Normal 'yan, ano ka ba? Tara na—"

"Hindi eh, Rous, may pakiramdam ako na dapat maalala ko 'yung panaginip ko..."

Inalalayan ko si Asti palabas ng kwarto, sa kusina ay nakatitig lang si Chi sa pagkain na sinuway kaagad ni Asti dahil sa malas daw iyon, si Syrah naman ay nasa pangalawang kanin na ata niya.

Tanging ang pag-nguya ni Syrah ang maririnig sa buong kusina, gusto kong magsimula ng mapag-uusapan pero hindi ko magawa dahil sa tensyon na meron sa amin. Kung si Syrah ay hirap magbukas ng topic ngayon, hopeless case na kami.

Nang matapos kumain ay si Chi at Asti ang nagligpit ng pinagkainan namin habang kami ni Syrah ay pumunta sa sala at nanood ng telebisyon.

"Anong problema ni Chi?" Nagkibit ako. "Tanungin ko nga si Fafa Gaige."

Hinampas ko siya sa braso. "Akala ko ba ititgil mo na ang pagtawag ng '*Fafa*' kay Gaige."

Ngumisi siya. "Oo nga... pero kapag nandyan lang si Chi. Fafa naman kasi si Gaige... anyway, tanungin mo si Gaige!"

"Ngayon na?" Tumango siya. Kinuha ko ang cellphone at nagtipa ng mensahe kay Gaige Hendrix na lumipas na ang sampung minuto ay wala namang sinagot pabalik. "Hindi siya sumasagot, eh. Baka busy."

"Baka..."


Dumating si Chi at Asti mula sa kusina, naupo sa tabi ko si Asti, pinulupot ang kanyang kamay sa aking braso at pinatong ang ulo niya sa balikat ko.

"Chi has a problem." Bulong niya. Naupo si Chi sa single sofa at tumitig sa TV.

"Chi, okay ka lang ba?" Tanong ko. Lumingon siya sa akin at tumango. "Okay lang ba kayo ni Gaige?"

Sa halos isang oras na magkakasama kami ay ngayon lang siya ngumiti. "Yeah, we're good. Wait, may movie akong nalaman, eh, tungkol daw sa zombies. Asti, i-download mo nga."


Nagkibit na lang kaming tatlo at hindi pinansin ang pagbabago ni Chi. She's trying to be happy but when I look at her... everything is just not real. Like she is distracted or something.

Matapos ang movie ay hinatid ko si Asti sa bahay niya, out of the way kasi kung si Chi pa ang maghahatid sa kanya. Hindi muna ako umuwi pagkahatid ko kay Asti, pumunta muna ako sa SM para mamili ng rekados sa lulutuin ko mamayang gabi, nag-message kasi ako kay Alastair na sa bahay ko na siya mag-dinner.

Kaunti lang naman ang nasa list ng mga kailangan kong bilhin kaya mabilis akong natapos. Dumaan lanh ako sa isang lingerie shop bago umuwi at kaba at takot kaagad ang naramdaman kong pagdating ko sa bahay.

"Anong ginagawa mo rito?" Sa harap ko ay si Rafael Ceballos na nakasandal sa hood ng sasakyan niya, naka-itim na polo siya na may kurbata na maluwag na ang pagkakalagay, kunot ang noo niya na nakatingin sa akin ngunit unti rin iyong lumambot ang ekspresyon sa mukha niya at ngumiti sa akin. "Tatawag ako ng pulis. May restraining order ako sa'yo."
"We both know that filing a TRO won't work, Roussanne, no matter how good your lawyer is, it just won't work on me." Nakangising sagot niya. Hindi ko alam kung anong kapit ang meron si Rafael pero kahit ilang beses ko nang tinangkang sampahan siya ng kaso ay walang nangyayari. Hindi ko naman iyon inungkat sa kanya dati kung ano bang trabaho niya, ang alam ko lang ay mula sa mayamang pamilya siya. "I won't hurt you, Roussanne..."

Umiling ako at naglakad palayo sa kanya.

"Rafael, please lang, nagmamakaawa ako sa'yo, tigilan mo na ako."
"I'm in love with you, Roussanne." Namumungay ang mata niyang nakatitig sa akin. Gusto kong maawa pero pinangunhunahan ako ng takot, pinangungunahan ako ng alaala ng mga pananakot niya sa akin noon. "Is it Alastair?"
"Sorry..." Saad ko. Mabilis na napalitan ng galit ang mukha niya at nilapitan ako tapos ay mahigpit na hinawakan ako sa braso. "Rafael..."
"He'll just hurt you, Roussanne!"
"You're hurting me!" Sigaw ko at nagpumiglas sa kanya.

Nagulat siya sa ginawa ko at napatitig sa kanyang kamay. Hinimas ko ang braso kong hinawakan niya, namumula na iyon at may marka ng kamay niya. Halos mamanhid ang braso ko sa higpit ng pagkakahawak niya kanina.

Binigyan ko siya ng masamang tingin at binuksan ang gate ng bahay ko. "Umalis ka na rito, Rafael, bago pa dumating si Alastair at tumawag ng pulis."
"He's coming here?" Hindi ko siya pinansin at dumiretso sa sasakyan ko. Hawak ko na ang pintuan nang sasakyan nang may sinabi siyang nakapukaw ng atensyon ko. "You don't know, do you?"
"Don't know what?"

Bago pa niya masagot ang tanong ko ay may bumusinang sasakyan sa likod ko. Sabay kaming lumingon para makita kung sino iyon at hindi ko alam kung matutuwa ako o madidismaya sa pagdating ni Alastair.

Anong hindi ko alam? May itinatago ba sa akin si Alastair?

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyri dahil lunod na ako sa iniisip ko, ang natatandaan ko lang ay kinausap ni Alastair si Rafael at umalis na ito, hindi ko alam kung paano ako nakapasok sa loob ng bahay.

"Roussanne, talk to me." Hinawakan niya ang mukha ko, mabilis akong pumiksi at lumayo sa kanya. "Are you alright?"
"Is there something you're not telling me?"

Hinimas niya ang balikat ko at nag-iwas ng tingin, hindi mapakali ang titig niya.

"No. Why would you think that?"

Gusto kong maniwala sa kanya pero hindi ko magawa.

"I'll cook for us, what do you want to eat?"

Anong tinatago mo sa akin, Alastair?

Continue Reading

You'll Also Like

11M 274K 47
X10 Series: Dustin Lloyd Jimenez Side story of Accidentally Inlove With A Gangster. [[Story of Chloe and Dustin of X10]] Who will fall inlove easily...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
4.2M 244K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...