Shadow Lady

By Sweetmagnolia

431K 15.2K 1.8K

Unknown to humanity, there are two kinds of secret society inhabiting this modern world, both possess abiliti... More

Shadow Lady
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28

Chapter 22

7.5K 372 35
By Sweetmagnolia




Tahimik na pinapanood ni Hector si Krishna. Seryoso ang babae at istriktang-istrikta sa mga tinuturuang Oxus. Napangiti siya nang lihim nang muling naglaro sa isipan niya ang sinabi ni Amerie. Mahal din siya ni Krishna? Mahirap paniwalaan pero imposibleng nag-iimbento lamang ng kwento isang gaya ni Amerie.

Dama niya ang pagbabago sa tibok ng kanyang puso habang pinagmamasdan ang pinakamagandang Gadian. Maliliit pa lang sila ay may lihim na siyang pagtingin sa babae. Pero unti-unti itong naisantabi dahil sa kinalakhang paniniwalang walang karapatang umibig ang mga tulad nila. Hindi niya ito hinayaang mamayani sa sarili bilang pagsunod sa batas ng kanilang angkan. Subalit muling nagising ang kanyang nararamdaman nang dumating ang araw na nalaman niyang si Krishna ang itinakdang maging kabiyak niya. Pero naging panandalian lang ulit ang saya matapos mapansing hindi siya importante sa dalaga. Wala itong pinapakitang espesyal na pagmamalasakit sa kanya. Ang turing nito sa kanya ay isang simpleng kapwa extremus lamang. Kasama sa pagsasanay, pakikipaglaban at mga misyon. Lalaking pagdating ng araw ay pakakasalan sapagkat yun ang utos ng mga Pillis.  Ang buong akala niya mapapangasawa niya ang pinakamagandang robot sa mundo.

Pero nang malamang mahal din pala siya ng babae napagtanto niyang maaring siya ang may pagkukulang. Masyadong naging mataas ang tingin niya dito. Hindi naisip na katulad din ito ng ibang mga babae na kailangan ng tamang diskarte para lumabas ang kalambutan ng puso.

Napatingin sa direksiyon niya si Krishna. Pansamantala siyang naging tuod nang magtama ang kanilang mga paningin. Ngumiti ang babae at lumabas ang mapuputi nitong mga ngipin. Lalong lumakas ang tunog ng tambol sa kanyang dibdib. Patay malisya at napapalunok na ipinaling niya sa ibang direksiyon ang ulo. Akmang nakita niya namang naglalakad papalapit sa kanya ang isa pang kapwa Extremus na si Leberum.

Si Leberum ay anak ni Acziluz. Nagmula ito sa lahi ng bathalang Ares at Artemis. Dalawampung limang taong gulang. Mahaba ang buhok. May tangkad na anim na talampakan. May mga brasong halos singlalaki ng katawan ng isang normal na puno at katawang nababalot ng mga tattoo. Hindi matatawaran ang galing nito pagdating sa paghawak ng pana.

Noon lamang nakita ni Hector ang naturang kasamahan simula nang bumalik siya sa Celentru. Tumabi ito sa kanya at ilang saglit ding pinagmasdan ang nagtuturong si Krishna.

"Alam mo pare maasahan talaga yang si Krishna. Nang mawala ka nang matagal, yan ang humawak sa mga estudyante mo at lahat naturuan ng mahusay," ani Leberum.

Tumawa si Hector at patay malisyang binago ang usapan. " Saan ka ba nanggaling at ngayon lang kita nakita dito?"

"May sinundo akong binatilyong Gadian sa bayan ng Momordo. Nais nang ipadala dito ng mga magulang matapos maramdamang may mga kakaibang umaali-aligid sa kanilang lugar. Ah... oo nga pala, nakita ko yung pinag-uusapang Gadian na bitbit mo galing Amerika, paano mo natagpuan ang babaeng yun?"

"Mahabang kuwento pare. Pero eto lang ang hihilingin ko at bilang pagsunod na rin sa bilin ng mga Pillis. Tulungan mo akong protektahan siya at huwag hahayaang basta-basta makalabas ng Celentru. "

"Bilin ng Pillis?" taka ni Leberum. "Bakit kailangang ihabilin ng Pillis ang isang bagong tuklas na Gadian?"

Tinapik ni Hector sa balikat ang kausap. "Hindi ko rin maipaliwanag pare sumusunod na din lamang ako pero dahil madalas na ulit akong nasa labas ng Celentru, pwede bang tulungan mo ako sa pagbabantay sa kanya?"

"S-Sige Pare... walang problema," naguguluhang sagot ng maskuladong lalaki.

Iniwan ni Hector ang kasamahan at nagtungo sa pinagsasanayan ni Amerie. Naabutan niya ang dalaga na umaakyat sa hagdan ng lubid. Natawa siya dahil kulelat ito at inaasar na naman ng mga kasabayang dalagita.

"Aalis ka na naman?" wika ng babae nang matapos ang paghihirap sa pag-akyat. Bakas sa mukha ang inis sa pang-aasar sa kanya ng mga bata.

"Oo. Babalik din ako bukas. Huwag kang magpagala-gala sa gabi at lalong huwag mo akong hihintayin dahil lang nababagot ka," paalala niya.

Unti-unting ngumiti si Amerie. "Hindi na kita hihintayin dahil may bago na akong kaibigan."

"Sino?"

"Si Krishna."

Natawa si Hector. "Sinabi mo rin yan nung isang gabi. Itigil mo na yang pagsisinungaling mo."

"Hindi ako nagsisinungaling. Totoong nag-uusap na kami!"

"Talaga? Hindi ako naniniwala."

"Totoo sabi! Gusto mo patunayan ko halika puntahan natin!" Hinila ni Amerie ang braso ng binata at pinuntahan si Krishna. Hinintay muna nila ang sandaling hindi ito masyadong seryoso sa pagtuturo.

"KRISHNAAA!" masayang tawag ni Amerie nang may kasamang kaway.

Lumingon ang dalaga. Nagulat si Hector nang ngumiti nga ito at gumanti rin ng kaway. Pagkatapos ay sa kanya naman ito ngumiti. Ngumiti rin siya at atubiling kumaway.

"Uy ano yan?!" tukso ni Amerie.

"Bakit binabasa mo na naman ba ang isip ko?" agad na palag ng binata.

"Hindi. Nahuli ko lang kayong nangingitian. Uyyy!"

"Tumigil ka na Amerie. Yang kabaduyan mo huwag mong bitbitin dito sa Celentru."

"Di ba babaero ka? Ba't natotorpe ka kay Krishna? Kung gusto mo ako na lang ang magsasalita para sayo. May ipapasabi ka ba?"

Napakagat ng labi si Hector. Pinipigilang ngumiti. Nais niya sanang ipakiusap kay Amerie na iparating sa kanya kung sakaling may sabihin tungkol sa kanya si Krishna. Subalit napagtantong sa pagkatsismosa ni Amerie tiyak na kusa na itong gagawin ng babae.

Kunway naiinis na hinila niya paalis ang kasama. " Halika na. Nang-iistorbo ka ng mga nagsasanay. Saka ikaw imbes na kung ano-ano ang inaatupag mo paghusayan mo na lang yang pagsasanay mo!"

Sumimangot si Amerie. " Hindi ko naman kasi kailangang magsanay. Kahit magpursigi ako, baka extremus na ang ilan sa mga kasabayan ko, ako delica pa rin. Hindi ako pinanganak para sa ganitong mga bagay."

"Seryosohin mo kasi. Kailangan mong makipagsabayan kung gusto mong makuha ang loob ng mga Gadians. Hindi ka nila pagkakatiwalaan kapag wala silang makitang dedikasyon na handa kang ipagtanggol ang aming lahi. Hindi mo kailangan maging magaling, kailangan mo lang magpakita ng determinasyon."

Tumahimik ang dalaga. Saan siya kukuha ng determinasyon eh sa simula't sapul ay wala siyang balak makisali sa alitan ng Gadian at Refurmos? Higit sa lahat batid niyang hindi rin siya magtatagal sa mundo ng mga Gadians dahil hindi siya tunay na kauri.

"Aalis na ako. Bumalik ka na sa pag-eensayo," ika ni Hector.

"Mag-iingat ka," paalam niya.

Seryosong bumalik siya sa kanyang grupo. Naabutan niyang mag-isang nakaupo sa damuhan si Rosendal, ang batang babaeng madalas mang-asar sa kanya. Tahimik ito at bakas ang pagod sa mukha. Bigla siyang nakaramdam ng awa sapagkat sa murang edad, imbes na paglalaro pa ang inaatupag ay kinakailangan na nitong magsanay at mamulat sa daigdig ng galit at alitan.

Marahang tinabihan niya ito. " Ba't mukha kang malungkot? Naalala mo ba ang mga magulang mo?"

Tumango ang bata.

"Nasaan ba sila?"

"Nasa Laguerto."

"Hindi ka na ba nag-aaral?"

"Hindi na. Huminto ako kasi pinatay yung Tiyo ko ng mga Refurmos. Sabi ako na daw ang susunod dahil ako ang natitirang may pinakamalakas na kapangyarihan sa aming pamilya. Sabi ni Mama mas mabuti daw na nandidito ako sa Celentru mas ligtas tapos matuto pa akong ipagtanggol ang sarili ko."

Tumahimik si Amerie. Naisip niyang na ganoon na nga ba ka delikado sa labas para sa isang Gadian?  Masyado na bang malakas ang Refurmos at tila ito na ang naghahari-harian. Habang pinagmamasdan ang malungkot na mukha ni Rosendal, naalala niya rin ang sanhi ng pagkamatay ng ina ni Bradley. Unti-unting may namumuong galit sa kanyang dibdib. Hindi niya maintindihan kung bakit may mga nilalang na sa halip na gamitin sa kabutihan ang kapangyarihan ay mas gustong maging dahilan ito ng pagdurusa ng iba. Imbes na magkaisa ang mga iilan lamang sa mundo na biniyayaan ng kapangyarihan ay mas pinipiling magaway-away.

"Ikaw bakit matanda ka nang pumasok dito sa Celentru?" usisa ni Rosendal.

Lumaki ang butas ng mga ilong niya. "Kung makamatanda ka naman, bente uno pa lang ako," nguso niya.

"E matanda na iyan para sa isang Delica. Siguro hindi malakas ang kapangyarihan mo kaya di ka natatakot kay Heigro."

"Kasi nga galing akong Amerika. Hindi ko alam na may ganito palang komunidad tapos di ko nga alam ang tungkol sa mga Refurmos na iyan. Tsaka anong kinalaman ng kapangyarihan ko para matakot kay Heigro?"

"Yung pinapatay lang kasi ni Heigro ay yung malalakas ang kapangyarihan para manakaw niya."

"Ah malayo kasi ako kaya ligtas ako sa mga panggugulo nila," ngiti niya.

"Hindi totoo yan. Sabi nila kahit saang sulok ng mundo ay natutunton daw ni Heigro ang mga makakapangyarihang nilalang. Siguro hindi lang talaga malakas ang kapangyarihan mo."

"Naku ikaw!" gigil na sambit niya na tila tuksung-tukso nang tirisin ang bata. "Kung makita mo lang kung ano ang mga nagagawa ko, ewan ko na lang kung di ka matunganga!"

Ngumiwi si Rosendal. "Nakita ko na kaya. Pinatumba mo yung kawawang puno tapos yung mga nagkasakit na Rosemary hindi mo nga nagawang buhayin samantalang ang dali-dali lang nun."

"Kung madali sige nga gawin mo!" kunway taas noong hamon niya.

"Ganito oh..." Nakangiting hinawakan ni Rosendal ang isang maliit na katabing halaman. Unti-unti itong lumaki. Dahan-dahang may humiwalay na sanga. Umusbong dito ang isang bukol ng bulaklak. Namukadkad hanggang sa bumungad sa kanila ang isang malusog na kulay lilang Larkspur.

Namangha si Amerie sa nasaksihang kahusayan. Napapalakpak siya. "Wow ang galing! Dapat binuhay mo na yung mga Rosemary sa may kusina."

"Nagawa ko na. Hindi mo kasi magawa," ingus sa kanya ng bata na ginantihan niya naman ng ngiwi. 

Tumingin sa malayo si Rosenda at nangangarap na ngumiti. "Pagtanda ko, gusto kong gawing isang magandang hardin ang mundo. Malulusog ang mga puno, berdeng-berde ang kagubatan at maraming bulaklak kahit saan. Ikaw anong pangarap mo?"

Natigilan si Amerie. Biglang wala siyang naisagot... sapagkat wala naman talaga siyang pangarap. Buong buhay niya ang gusto niya lang ay malaman ang pagkakakilanlan niya. Sunod na naging layunin niya sa buhay ay ang matulungan si Bradley. Bukod doon ay wala na. Matagal siyang namuhay sa ilalim ng isang maitim na anino ng kapalaran. Walang sariling direksiyon, bumubuntot lamang sa kung saan siya dalhin ng tadhana basta ang mahalaga ay naililihim niya ang tunay na pagkatao sa daigdig ng mga normal.

"Wala ka bang pangarap? Yung magandang magagawa mo para sa mundo dahil sa kapangyarihan mo!" sambit ng bata na hirap makapaniwalang tila naghahagilap pa ng isasagot ang dalaga.

Tiningnan ni Amerie ang inosenteng mga mata ng kausap. Kita niyang buhay na buhay dito ang pangarap na pinakamimithing mangyari. Sa kabila ng kaguluhang pinagdadaanan, nakakahanga na nagagawa pa rin nitong tingnan nang makulay at maganda ang buhay.

"Meron," ngiti niya. "Pangarap ko na matupad mo ang mga pangarap mo."

"Anong klaseng pangarap yun?" litong sambit ni Rosendal.

"Poprotektahan ko ang mga pangarap niyo sa sinumang hahadlang sa mga katuparan nito," madiing salita ng dalaga.

"Hindi kita maintindihan! Tsk ang labo mo na ngang kagrupo, malabo ka pang kausap!"

Natatawang pinandilatan ni Amerie ang katabi. "Oist! Ikaw bawas-bawasan mo yang katarayan mo ha!" sabay gusot niya sa buhok nito.

                                                  -----

Malalim na ang gabi. Pagod na pagod si Amerie sa maghapong pagsasanay subalit di pa rin siya dalawin ng antok. Tila may apoy na ayaw mamatay-matay sa kanyang dibdib tuwing naalala ang pag-uusap nila ni Rosendal. Sa unang pagkakataon pakiramdam niya ay may direksiyon na ang buhay niya. Magkakaroon na ng silbi ang kapangyarihan niya. Gusto niyang pangalagaan ang kaligayahan ng mga batang kagaya ni Rosendal sapagkat minsan na siyang naging isang malungkot na bata at ayaw niyang maranasan din ito ng mga batang isinilang na may kakaibang kakayahan. Hindi dapat nasisira ang kainosentehan at magagandang pananaw sa buhay ng mga bata nang dahil sa takot at madugong labanan. Tutulong siya para mabuo ang mas masaya at payapang komunidad para sa mga kabataang may angking kapangyarihan, maging Gadian man o hindi.

"Amerie....Amerie..."

Napakunot siya ng noo. May tumatawag nang pabulong. Nakarinig siya nang mahinang katok.

"Amerie...Amerie..."

Panandaliang ginamit niya ang abilidad. Nakita niya sa labas ng kanyang pintuan si Krishna kasama ang apat pang kadalagahang Gadians. Dali-dali siyang tumayo at pinagbuksan ang mga babae. Nagtaka siya sa mga kasuotan nito. Nakabestida ang tatlo at mga nakapormang animong may dadaluhang party. Si Krishna ay naka-tube na itim, hapit na leopard pants at sapatos na may napakataas na takong. Lahat nakamake up.

"Amerie," bulong ni Krishna habang palinga-linga sa paligid. "Magbihis ka dali!" sabay itinulak siya papasok para lahat makapasok sa loob ng kubo.

"Bakit ako magbibihis?" taka niya.

"Pupunta tayo ng Laguerto!" namimilog ang mga matang wika ni Krishna.

Agad na gumuhit ang ngiti ni Amerie pagkarinig sa lungsod subalit nabura din agad nang maalalang ipinagbabawal pa ng mga Pillis at ni Hector na lumabas siya ng Celentru. "Hindi ako pwedeng lumabas sabi ng mga Pillis," matamlay na sabi niya.

Napangiwi si Krishna. "Bakit naman?"

"Delikado daw dun."

"Huwag kang mag-alala. Walang makakaalam na tumakas tayo. Ilang beses na namin tong ginagawa at hindi naman kami nahuhuli. Kung natatakot ang mga Pillis sa kaligtasan mo, pwes kasama mo naman ako, kayang-kaya kitang ipagtanggol sa mga kalaban."

Muling sumigla ang mukha ni Amerie. "Talaga?! Hindi nila malalaman?"

Sumagot nang siguradong-siguradong tango si Krishna. Napangiti sa isipan si Amerie. Hindi niya akalaing may itinatago palang katigasan ng ulo at kapilyahan ang supladang Extremus.

"Anong gagawin natin sa Laguerto?" tanong niya.

"Mamimili ng mga bagong damit at magtitingin-tingin sa mga club."

"Maghahatinggabi na may bukas pa bang pamilihan dun? Saka malayo ang Laguerto di ba?" biglang atubiling sabi niya.

"Ang dami mong tanong. Sasama ka ba o hindi?" diretsong saad ni Krishna.

"Sasama!" mabilis na sagot niya. 

"Pwes," sabay mwestra ni Krishna sa mga kasama. "Amerie si Candice, isang Corum. Hermia at Grindal, parehong Oxus. Trixie, isang Mertil  kapatid ni Candice."

"Hi!" bati ni Amerie. Napalunok siya nang tiningnan maiigi ang mga hitsura ng kasama. "W-Wala akong dalang maayos na damit," naiinggit na wika niya.

"Walang problema!" ani Trixie sabay labas nito sa bag ng itim na bestida.

"Candice, Grindal at Hermia, kayo na ang bahala sa mukha," utos ni Krishna. 

Sabay-sabay na kumilos ang mga dalagang Gadians. Pansamantalang nagmistulang manikin si Amerie na mabilisang binihisan at inayusan. Nang matapos ay napangiti si Amerie nang makitang hindi na pahuhuli ang hitsura niya sa mga kasama. Walang ingay silang lumabas ng kubo at maingat na sumunod sa kung anumang daan ang tahakin ni Krishna. Panaka-nakang naghahagikhikan at pare-parehong di maitago ang pagkasabik na makalabas ng Celentru.




Continue Reading

You'll Also Like

14.3K 1.5K 73
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
21.4M 791K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
21M 767K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
61.9M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...