The Scorned Lover

Galing kay greatfairy

2.8M 70.6K 4.8K

Now a published book under Lifebooks. Available in bookstores nationwide! It takes a second to read the word... Higit pa

GOLD REIGN MIJARES
Overview
TSL 1: Jollibee
TSL 2: Viral
TSL 3: Dare
TSL 4: Serenade
TSL 5: Deposit
TSL 6: Date
TSL 7: Chase
TSL 8: Traditional
TSL 9: Surname
TSL 10: Kiss
TSL 11: Tricked
TSL 12: Party
TSL 13: Amiss
TSL 14: Revenge
TSL 15: Coincidence
TSL 16: Distant
TSL 17: Vivid
TSL 18: Wrath
TSL 19: Done
TSL 20: No One Else
Ikalawang Yugto
TSL 21: The Truth
TSL 22: Remorse
TSL 23: Mijares
TSL 24: Gaze
TSL 25: Goodbye
TSL 26: Gone
TSL 27: Dream
TSL 29: Condition
TSL 30: Finale
Epilogue
Special Chapter

TSL 28: Boyfriend

70.5K 1.7K 81
Galing kay greatfairy

"I'M SORRY, apo. Hindi ko muna inisip na masasaktan pala kita dahil sa ginawa ko. Ang akala ko kasi makakabuti sa'yo ang ginawa ko."

Bumuntong-hininga ako habang nakatingin kay Nanay Divina. Abala ako sa paghahanda ng mga kakailanganin ko sa pamamanhikan sa pamilya ni Reign nang bigla siyang sumulpot dito sa opisina ko.

"Alam mo kung kanino ka dapat humingi ng sorry, Nay."

"I already did, Apo. N-nagkita kami at nagkausap ni Gold." I paused and tilted my head.

"N-nagkausap kayo? How? When?"

"Actually, kagagaling ko lang sa school na pinagtuturuan niya. Hindi ko akalaing mabait pala siyang bata."

"Nagtuturo?"

"Yes, Apo. Hindi mo ba alam 'yon? Some sort of religion teaching---ah, she's a catechist!"

"S-She is?" I was literally surprised with the news.

"Yes. Wait-- You really don't know about it? Sabagay, kahit ako nga nagulat din. She's a wonderful woman, Apo! Kaya nga nagsisisi ako na hinusgahan ko agad siya. She's one of a kind."

I can't help but to smile. My woman really never fails to surprise me. Ano pa ba ang kayang gawin ng babaeng 'yon?

"Apo... Kung maaari sana, sasama ako sa pamamanhikan. Gusto ko rin kasing personal na humingi ng dispensa sa mga magulang niya."

"Sure, Nay. Matitiis ba naman kita?"

"Oh! Thank you, Apo! Kailangan ko na palang umalis. Magpapaganda pa ako. Bye!"

Napailing na lamang ako. Konting tiis na lang, babalik din sa dati ang lahat. I just hope she will never say no this time.

I realized I was too impulsive to propose a marriage to her despite our unsettled issues. I understood her rejection of my first proposal. It was my fault after all.

I decided to talk to her parents after that day. Noong una nagalit sila sa'kin pero nagmakaawa ako at humingi ng isang chance na patunayan ang sarili ko kanilang anak. And I'm thankful that they heard my pardon.

"We're giving you one last chance, Villaceran. Don't ever blow it away. Oras na saktan mo ulit ang anak namin, ako na mismo ang maglalayo sa kanya mula sa'yo. You know what I am capable of."

"Yes, Sir. Ang saktan siya ang pinakahuling bagay na gugustuhin ko. I love your daughter more than anything else."

It wasn't easy for me to convince them. Sino ba naman ako sa buhay ng anak nila? I'm just a mere lunatic lover of their princess who wasted those damn chances I am with her. I'm f*cked up.

From: Mom

Anak, papunta na kami ng Daddy mo. Sa bahay ng ate mo na lang kami tutuloy. Daanan mo na lang kami bukas ah?

Agad akong tumayo mula sa swivel chair ko pagkabasa ko ng text ni Mommy. They were more than excited to meet Reign's parents. They have been bragging about my status since last year. Gusto kasi nilang magkaapo ng babae kasi puro lalaki ang anak ni Ate Bridgette.

"Is everything set?" I asked Edmund when got out of my office. Siya lang ang pinagkakatiwalaan ko sa ganitong pagkakataon.

"Yes, Sir. Everything is ready para sa date n'yo ni Miss Reign. You can check the place kung may gusto pa kayong ipadagdag. Narito rin sa folder ang menu na ihahain."

"Thank you, Edmund. Maaasahan ka talaga." I tapped his shoulder and left. Kailangan ko pang maghanda para bukas.

Pagkatapos ng pamamanhikan namin ay yayayain ko siyang lumabas para kunwari mag-usap lang pero ang totoo ay para ma solo ko siya. At doon ko gagawin ang sorpresa ko para sa kanya. I will make her feel that she is not just a princess, but she is my queen.

I am confident that she won't refuse this time. Hindi naman niya siguro ako ipapahiya sa harap ng kanya-kanya naming mga magulang. I know she still love me. Hindi ako naniniwalang hindi na niya ako mahal.

* * *

"HINDI na talaga ako makakapaghintay na magka-apo sa'yo, anak!"

"Mom!"

"What? I really can't wait iho. Siguradong magiging magaganda at gwapo ang mga apo ko lalo na't napakaganda ng magiging daughter-in-law ko, di ba Mama?"

"Of course, kaya dapat bilis bilisan mo, Apo. Gusto ko namang makabili ng damit pambabae. Puro kasi lalaki 'yang mga anak ng Ate Bridgette mo. At di ba may kambal si Gold na sabi mo nasa Japan? Aba'y may lahi palang kambal ang pamilya nila. Baka magkaroon din kayo ng kambal. Ipapakatay ko ang lahat ng alagang baboy sa hacienda pag nangyari 'yon!"

Natatawa na lang ako sa pinagsasabi nila. We are on our way to Mijares mansion. Iisang sasakyan lang ang ginamit namin para hindi na magkasalisihan pa.

"Mom, Nay, lalo n'yo lang dinadagdagan ang kaba ko. Wala pa nga ang kasal, apo na agad ang naiisip n'yo. Tsk!"

"You can't blame us, son. Akala nga namin hindi ka na mag-aasawa sa sobrang pihikan mo sa mga babae." Dad interrupted. Nasa backseat sila ni Mommy at nasa tabi ko naman si Nanay.

Pagkaparada palang ng sasakyan ay agad akong sinalakay ng kaba. This is it! Darn it! Bakit ba bigla akong natakot? She will say, yes. Tiwala lang.

"Mauna ka na, anak. Kami na ang magdadala ng mga pagkain." I nodded and nervously entered their house. I already informed Mr. and Mrs. Mijares regarding this so they are expecting for us today.

Hindi nga ako nagkamali dahil naabutan ko silang lahat sa kanilang sala na nanonood ng TV. Kompleto sila, ang matandang mag-asawang Mijares at ang kuya niya at asawa nitong buntis.

I felt the unusual beating of my heart when my gaze set unto her. There she is. Nakasuot pa siya ng pink na pajama at puting sando. Nakatali din ang kanyang buhok pero magulo ang pagkakatali. But she looks beautiful on it. Mukhang bagong gising lang siya. Ang sarap niyang ikulong sa yakap. Nakakagigil ngunit pinigilan ko ang sarili ko.

I cleared my throat to get their attention. Ang katulong lang kasi ang nagpapasok sa'min.

"Good morning."

Sabay-sabay silang nag-angat ng tingin sa'kin. Nakita ko pa ang panlalaki ng kanyang mga mata. She looks cute! Damn!

"Teka, ikaw na naman? Bakit ka nandito? Hindi namin ibibigay sa'yo si Goldie!" Bumelat sa'kin ang babaeng buntis. Skeet Alvan immediately hugged his wife from behind.

"Oh, Bryce! Ikaw pala. Halika, upo ka. Akala ko ba sabi mo isasama mo ang parents mo?" Mrs. Mijares gestured me to sit in their front. I followed her without moving my gaze towards Reign. Mukhang naka-recover na siya sa pagkagulat dahil agad niyang itinuon ang kanyang atensyon sa cellphone niya.

"Nasa labas po sila, may kinukuha lang sa sasakyan-- ayan na pala. Sir, Ma'am, meet my parents. Mr. Joaquin and Mrs. Theresa Villaceran. This is my grandmother, Donya Divina."

"Mom, Dad, Nay, sila po ang parents ni Reign. This is Mr. Stanley Drew and Mrs. Shane Amethyst Mijares, their eldest son, Skeet Alvan and his wife."

"Magandang umaga! Have a sit!"

"Salamat! Ito pala may mga dala kaming pagkain. Ako talaga ang nagluto nito."

"Naku! Nag-abala pa kayo. Pero salamat na rin para dito. Sandali, ipapaayos ko muna 'to sa mga katulong."

Nag-umpisang mag-usap ang mga matanda. I stared at her. Parang wala lang siyang pakialam sa paligid niya.

"Reign..."

"Princess, kausapin mo muna si Bryce." Her mom tried to talk to her but she didn't uttered.

"Teka, Mommy. Bakit ba nandito 'yan? Ibig sabihin friends na kayo? Na-follow n'yo na rin ba ang isa't isa sa twitter?" Inosenteng tanong ng babaeng buntis na nagpatigil sa aming lahat maliban kay Reign na tahimik lang sa tabi nito.

"Nandito sila para pormal na hingin ang kamay ni Gold."

"Ibig sabihin magpapakasal ka na din Goldie?!" Everybody nodded with glee, including me. Pero nang biglang nagsalita si Reign nang dire-diretso ay para akong ginawang bala sa kanyon.

"Kasal? Bakit ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal? I already have a boyfriend, at siya lang ang pakakasalan ko."

-GREATFAIRY

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

1.2M 18.6K 50
Sophia's a hopeless romantic. Ayaw niyang pumasok sa isang relasyon kung hindi naman ito pangmatagalan. At kung papasok man siya sa isang relasyon, d...
388K 2.4K 5
Katerina Torres, sole heiress to one of the richest businessmen in Asia, was kidnapped on the night of her eighteenth birthday. Nakilala niya si Alec...
1.7M 49.2K 47
Barkada Babies Series #5 PUBLISHED UNDER PHR ❣ Price: 199php -- Lahat na ata ng klase ng pagmu-move on ay ginawa na ni Michelle. Umakyat sa bundok, n...
1M 32.8K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...