Shadow Lady

By Sweetmagnolia

431K 15.2K 1.8K

Unknown to humanity, there are two kinds of secret society inhabiting this modern world, both possess abiliti... More

Shadow Lady
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28

Chapter 20

7.7K 345 27
By Sweetmagnolia




Naikot na ni Bradley ang buong Beverly Hills pero ni anino ni Amerie ay di niya natagpuan. Ginalugad ang lugar na madalas nitong puntahan. Ang mga parke, supermarket at ang bahay ni Hector. Nang malamang bakante na rin ang bahay ni Hector, mas lalong umigting ang takot sa kanyang dibdib.

Bumalik siya sa kanyang mansiyon upang hanapin ang iniwang sulat ng dalaga na mabilisan niya lang binasa sa pagtanggi sa sariling may katotohanan ang laman niyon. Sa ikalawang pagkakataon ay muli niya itong binasa, mas mabagal baka sakaling nabanggit kung saan ito pumunta. Tiniis ang kirot na hatid ng bawat lamang salita. Nang masigurong walang nabanggit na anumang lugar na pupuntahan, nanginginig ang mga kamay na ginusot niya ang sulat. Galit na itinapon ito sa sahig. Nangingilid ang mga luha habang di malaman kung saan papaling ng tingin. Naninikip ang kanyang dibdib sa tindi ng nararamdamang kabiguan, galit at lungkot.

"Bradley hindi mo kailangang magdamdam ng ganyan sa pag-alis ni Amerie," wika ni Phoebe na imbes na may lakad ay nanatili na lamang sa tabi ng nobyo.

"Hindi umalis si Amerie! Nangako siyang hindi ako iiwan! Hindi siya aalis ng ganun-ganun na lamang!"madiing pagtanggi pa rin sa sarili ni Bradley.

"Respetuhin mo ang desisyon niya. Malaki na siya at may sarili din siyang buhay na dapat panghawakan. Wala kang karapatang angkinin ang isang taong hindi mo pagmamay-air," malumanay na kumbinsi ni Phoebe sa kabila ng nasasaktang damdamin dahil sa nasasaksihang reaksiyon ng direktor.

"Nangako siya sa akin! At higit sa lahat ang bahay lang na ito ang kaisa-isang lugar kung saan ligtas siya!"

"Mukhang kasama niya naman si Hector. Sa tingin ko ay nagmamahalan ang dalawang yun kung kaya't di mo dapat ipag-alala ang kaligtasan niya."

Nagpanting ang mga tenga ni Bradley sa narinig. Dinampot niya ang plorera sa mesa at ibinato ito sa sahig.

"Hindi siya pwedeng mapunta kay Hector!"

Napagitla si Pheobe kasabay ng pagkakapira-piraso ng plorera sa sahig. "B-Bakit hindi pwede?" takot na tanong niya.

"Sapagkat hindi totoong may nararamdaman sa kanya ang lalaking yun! Hindi niya ako pwedeng iwan nang dahil lamang sa mayabang na stuntman na yun!"

"Bakit hindi pwede?" kabado ngunit diretso pa ring tanong ng dalaga.

Humarap si Bradley sa girlfriend. Buong tapang na tinitigan ito sa mga mata. Walang naramdamang anumang pag-aalinlangan sa isasagot. "Dahil kailangan ko siya... Kailangan ko siya sa sining ko. Ipinaliwanag ko na dati na simula nang dumating siya ay mas lalong akong ginanahang magtrabaho. P-Pero ngayong bigla na lamang siyang umalis, anong gagawin ko kung layasan na ako lahat ng mga magagandang ideya?"

Ngumiti nang matamlay si Pheobe habang unti-unting pinangingilidan ng luha. "Bakit kailangan mong maramdaman yan sa ibang babae? Bakit kailangan mong magwala nang dahil lang sa pag-alis ng isang gaya ni Amerie? Kulang pa ba na nasa tabi mo lang ako?"

"Hindi mo ako naiintindihan dahil hindi ka isang alagad ng sining."

"Para sa sining nga ba o may iba ka pang tinatagong dahilan?"

Hindi nakaimik si Bradley.

"Bakit kailangan si Amerie? Hindi ba pwedeng ako ang maging inspirasyon mo dahil yun ang dapat di ba?"

Ngumisi ang direktor habang tinitingnan ang batid niyang may husga nang kasintahan. "Wala kang alam Pheobe..." pabulong na wika niya. "Kahit kailan ay hindi mo magagawa ang mga bagay na magagawa ni Amerie. Hindi mo maibibigay ang mga bagay na tanging si Amerie lamang ang makakapagbigay sa akin."

Sinampal ni Pheobe ang lalaki. "Paano mo nakakayanang magbitaw ng ganyang mga salita sa harap ko pagkatapos ng lahat-lahat ng pagmamahal na ibinigay ko sayo? Kung siya naman pala ang kailangan mo, dapat sa umpisa pa lang siya na ang minahal mo! Manggagamit ka! Nawala lang siya pati ako ay itinataboy mo na rin, pwes magdiwang ka dahil simula ngayon hinding-hindi na ako magpapakita sayo! Ubusin mo lahat ng oras mo sa paghahanap sa kanya!"

Nanghihinang napaupo si Bradley habang walang imik na pinanonood ang paglakad papalayo ng kasintahan. Napahilamos siya ng palad sa mukha. Pinagsisihan ang mga nabitawang salita subalit wala siyang sapat na lakas para habulin at muling amuin si Pheobe.

Nilalamon ang buong sistema niya nang pagkawala ni Amerie. Di niya maintindihan ang dulot na sakit sa walang kaabog-abog na pag-alis ng dalaga. Umasa siyang tutuparin nito ang pangakong mananatili sa pangangalaga niya. Na magtutulungan silang hanapin ang pumaslang sa kanyang ina. Subalit hindi iyon pinakamasakit. Sa biglang pagkawala ng babae, pakiramdam niya ay nagdilim ang kanyang kabahayan sa loob ng isang iglap. Naging masaya at kampante siya sa lahat ng bagay sapagkat may isang inosenteng nilalang kung saan ang simpleng mga ngiti ay sapat na para magliwanag ang kanyang dating masalimuot na buhay. Pero ngayong wala na ang mga ngiting yun, ano na ang mangyayari sa kanya?

Hindi siya papayag na mawala sa kanya ng tuluyan si Amerie! Gagawin niya ang lahat para muli itong bumalik sa kanya. Kung nasaan man ito ngayon sisiguraduhin niya na balang araw tatahakin ulit nito ang daan pabalik sa kanya.

                                 ----

Walang ganang bumangon si Amerie. Nagising siya dahil sa isang malakas na sirena bilang hudyat na kailangan nang gumising ng lahat. Mag-isa lamang siya sa kubong matatagpuan sa tabi ng lawa. Doon siya pinatuloy ng pinuno ng mga Gadians. Maliit lamang ang bahay ngunit malinis at napakaayos nito. Meron itong kuwarto, sariling banyo, simpleng sala at maliit na balkonahe. Lumabas siya ng balkonahe para magunat-unat. Natigilan siya nang makita ang payapang lawa at unti-unting nalungkot. Naalala niya si Bradley. Humawak siya sa kanyang dibdib at minasahe ito. Kapag napapag-isa, madalas niyang naiisip ang direktor.

Sumang-ayon siya sa ideya na magsanay bilang tulong na rin sa sarili upang maibsan ang kalungkutan at may pagkaabalahan para huwag gaanong maisip si Bradley. Wala rin siyang magagawa kundi sumunod sa patakaran ng mga Gadians dahil sila lang ang makakapagdala sa kanya kay Heigro.

Tumigil siya sa malalim na pag-iisip nang mapatingin sa direksiyon ng malaking kusina. Isa-isa nang nagsisipagdatingan ang mga mag-aalmusal. Nakaramdam na rin siya ng gutom. Napawi ang lungkot niya nang matanaw ang masisiglang mukha ng mga Gadians, handang-handa na ang mga ito para sa buong araw na pag-eensayo. Bumalik siya sa loob ng bahay. Naligo, nagbihis ng damit pangsanay na itim na t-shirt at itim na pantalon at masigla nang nilisan ang kubo.

"Magandang araw!" bati niya sa bawat nakakasalubong subalit wala ni isa mang gumaganti ng bati sa kanya. Dama niya pa rin ang pagiging malamig ng lahat.

Naupo siya sa mesang may nakahaing tunay na nakakagutom na mga pagkain. Napakadaming pagpipilian. May sariwang prutas, gulay, kamote, patatas, tinapay, karne ng baka, baboy, pabo at manok at maraming klase ng inumin. Halatang batid ng tagaluto na kailangan ng sapat na lakas ng mga kakain.

Walang nais tumabi sa kanya. Lahat umiiwas na mapadako sa kanyang pwesto. Nag-uusap-usap ang lahat ng nasa mesa habang tahimik lang siyang sumusubo at kiming lumulunok. Ni walang gustong tumingin sa kanya. Mabuti na lamang ay dumating si Hector. Nakangiti itong tumabi sa kanya. Sa pagkakaupo ng lalaki, may pangilan-ngilan agad na tumingin nang masama.

"Kumusta ang tulog mo?" masiglang tanong ng binata.

"Ayos lang. Mahimbing naman," ngiti niya na may halong pagpapasalamat na sa wakas ay may makakausap na rin siya.

Napamaang siya nang masaksihan kung gaano kadaming karne ng pabo ang inilagay ni Hector sa plato nito.

"Kailangan to para may lakas buong araw," kusa at tatawa-tawang paliwanag ng lalaki sa naging reaksiyon niya. "Ikaw din kumain ka nang mabuti para di ka tatamlay-tamlay mamaya." Nagulat siya nang nilagyan nito ng inihaw na hita ng pabo ang pinggan niya.

"H-Hindi ako kumakain ng pabo," aniya.

"Masarap yan tikman mo. Subukan mo lang. Mas malasa ang karne ng pabo dito dahil mismong kami ang nagpapalaki sa mga hinahain sa mesang ito," sabay maganang subo nito.

Napipilitang tinikman niya ang pagkain. Nang lumapat ang kanyang dila agad niyang nagustuhan ang lasa nito. "Mukhang masarap nga!" sabay kagat niya nang malaki sa hita.

Pansamantalang naistorbo ang magana nilang pagkain nang biglang may tumabi kay Hector. Si Krishna. Diretso ang upo nito. Blangko ang mukha habang kumukuha ng pagkain nang di tumitingin sa mga katabi.

"Hindi magandang tingnan na sa umpisa pa lang ng araw ay mas pinili mo nang tumabi sa ibang babae kesa sa mapapangasawa mo," matigas na salita nito ngunit wala pa ring naging pagbabago sa hilatsa ng mukha.

Napatanga si Amerie hanggang sa unti-unting nagliwanag ang kanyang mukha.

Siya ang mapapangasawa mo? Nakangiting tingin niya kay Hector.

Pinandilatan siya ng lalaki. Sinabi nang bawal gamitin dito yang kapangyarihan mo!

Sayo lang naman!

Bawal ang tsismosa dito!

Ang ganda ng magiging asawa mo. Okay naman pala ang taste ng mga Pillis. Ipakilala mo ako.

Suplada yan sa hindi niya kaibigan.

Okay lang magiging kaibigan ko rin yan!

Tumikhim si Hector pagkuway may kapormalang nilingon si Krishna. "Krishna si Amerie."

"Hi!" abot tenga ang ngiting kumaway si Amerie. Nilingon siya ni Krishna ngunit tinaasan lamang siya ng isang kilay saka itinuloy ang tahimik nitong pagkain.

Sabi ko sayo! ngingisi-ngising tingin sa kanya ni Hector.

Nginiwian niya ang lalaki. Malakas ang paniniwala niyang makukuha niya rin ang loob ng mailap na babae at lahat ng mga naroroong Gadians pagdating ng araw.

Pagkatapos mag-almusal ay sinamahan siya ni Hector sa isang malawak na damuhan ng parte ng Celentru kung saan naroroon din ang mga baguhang sasanayin. Nagulat si Amerie nang malamang ang mga kasabay ay halos nasa edad labingisa o labindalawang taon pa lamang. Tatlong dalagita at apat na binatilyo.

"Bakit mga bata ang kasama ko?" bulong niya kay Hector.

"Dahil sila lang ang kalebel mo... Ahh baka nga mas magaling pa sila sayo," asar ng lalaki.

Napapalunok na tumingin si Amerie sa mga bata. Nakasimangot ang mga ito. Magkakatabing nakahalukipkip ang mga dalaginding habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. Di makapaniwalang may isang matandang kagaya niyang makakasama sa kanilang grupo.

"Hi!" asiwang kaway niya sa mga batang wala ni isa mang gumanti ng kaway o ngiti.

Dumating ang magsasanay sa kanila. Isang lalaking nasa edad labing anim na may blondeng buhok.Napalunok si Amerie, pati sa magtuturo ay mas matanda pa siya.

"Iwan na kita," ani Hector.

"Saan ka pupunta?" tila batang takot maiwanang bigkas niya.

"Sa Laguerto dadalawin ko ang aking ina."

"Sama ako!"

"Narinig mo ang opinyon ng mga Pillis. Hindi ka pa pwedeng pumunta sa Laguerto."

Tumamlay ang mukha ni Amerie. "Kung ganun kelan ka babalik?" Batid niyang malayo ang Laguerto sa Celentru. Marahil ay ilang araw siyang mapapag-isa. Madalas na naman niyang maalala si Bradley.

"Mamayang gabi."

"Mamaya?! Talaga papano? Malayo ang Laguerto di ba?" Malayo pa ang Abrillentes. Kahit ito ang gamitin ng binata sa paglalakbay, imposible itong makabalik sa gabi.

"Kaming mga Gadians, lagi kaming may alam na paraan," ngisi't kindat ng binata.

"Ano? Puno na naman?" ngiwi niya subalit sa kaloob-looban ay natutuwa sapagkat makakabalik din agad ang lalaki.

Napagitla siya nang mamalayang nasa tapat niya na ang isang dalaginding. Nakataas ang kilay at nakahalukipkip na nakatitig sa kanya. "Ate, matagal ka pa ba makikipagkuwentuhan? Kanina pa kami naghihintay," taray sa kanya.

Tatawa-tawang tinalikuran siya ni Hector habang ilang saglit siyang natameme sa pagsusungit ng bata. "Ha? Ah-eh... kinakausap pa ako ng anak ng lider nyo, yung parang prinsipe niyo. Di ba dapat igalang natin siya?"

"Siya lang ang iginagalang namin hindi ang sinumang bagong salta. Isa pa kaya ka niya kinakausap dahil walang tigil ka sa pagtatanong," nakataas ang kilay na katwiran ng dalagita.

Napalunok siya. Tama nga ata ang hula niyang ipinanganak na may pusong gawa sa yelo ang mga Gadians. 

"Mag-umpisa na tayo!" sigaw ng tagasanay. "Ako si Jokaz isa sa mga tagaturo sa Delica, ang tawag sa mga katulad niyong baguhan. Ito ang unang yugto ng pagsasanay. Kapag nahasa na kayo at naging maganda ang ipanamalas na galing, mapapabilang na kayo sa mga Mertil. Pagnahigitan niyo na ang abilidad ng isang Mertil, mapapabilang na kayo sa mga Oxus. Sila ang mga mandirigmang Gadians na kaya nang ipagtanggol ang sarili sa mga ordinaryong kalaban. Maari nang payagang gumalang mag-isa kahit sa mga lugar na posibleng pinamumugaran ng mga kalaban. At pag mas lalo niyo pang napaghusay ang inyong galing sa pakikipaglaban, mapapasama na kayo Corum, ang mga mandirigmang kusang tumutugis at lumulusob sa mga Refurmos. Pero kapag kayo ay naging Helius, narating niyo na ang pinakamataas na antas. Nangangahulugang kayo na ang isa sa mga namumuno sa pag-atake sa kalaban."

Nangislap ang mga mata ng kabataang nakikinig. Halatang napukaw ang interes na maging mahusay at magaling. Samantalang kunot noong namomroblema si Amerie. Sa paliwanag ng guro, tila kailangan niya munang maging Oxus para makarating ng Laguerto. Ilang panahon ang kailangan niyang sayangin sa pagsasanay  para maging isang Oxus? Gaano katagal ang kanyang hihintayin upang makaharap ang lider ng Refurmos? Hanggang kailan siya magpapanggap na isang Gadian?

"May katanungan pa ba?" saad ng tagasanay.

Mabilis na nagtaas si Amerie ng kamay. "Si Hector, saang antas siya nabibilang?"

Ngumisi ang lalaki. "Sa extremus."

"Huh? Wala ka namang nabanggit na ganyan kanina," wika ng dalaga.

"Sila ang pinakamagaling sa lahat ng magaling. Bilang na bilang lamang sa mga daliri ang napapabilang sa extremus. Hindi iyan ranggo na bukas para sa lahat. Kung hindi ka ipinanganak na may taglay nang galing at husay sa pakikipaglaban imposibleng mapabilang ka sa kanilang antas. Ang mga extremus ang pangkalahatang lider ng mga madirigmang Gadians. Sila rin lamang ang pinagkakatiwalaan ng mga Pillis para sa mga mahahalagang misyon."

"Ilan silang extremus?" walang tigil na pangungusisa ni Amerie.

"Tatlo."

"Sino-sino?"

"Leberum. Krishna. Hector."

"K-Krishna?" Lunok niya. "Y-Yung pinakamaganda?"

"Mismo."

Pasimpleng napahawak ng dibdib si Amerie. Biglang kinabahan na kabilang pala sa pinakamahuhusay na tagapaglaban ang babaeng mabigat ang dugo sa kanya.

"Umpisahan na natin!" palakpak ni Jokaz upang tawagin ang atensiyon ng mga estudyante. "Ngayon ay susukatin muna natin ang abilidad ng mga katawan niyo. Sisimulan natin sa pagtakbo. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya ng baga't mga paa niyo!"

Napipilitang sumunod si Amerie. Tumakbo siya ngunit isang kilometro pa lang ay hingal na hingal na siya. Napag-iiwanan siya ng mga kasama na halos lahat maliliksi at mabibilis. Nakakailang pabalik-balik na ang mga ito habang siya ay maya't mayang tumitigil para habulin ang paghinga at dagling kumuha ng lakas. Dati pa man ay kulelat na siya lagi pagdating sa mga palakasan. Dahil sa naranasang diskriminasyon nung nag-aaral pa siya, bihira siyang maisali sa mga programa sa araling pangkalusugan.

"Ay ang bagal!" tawa sa kanya ng mataray na dalaginding.

Nagtitimping nginusuan niya ang bata. "Kahit gaano kayo kabilis, mapapahinto ko kayo," yamot na wika niya sa sarili. Muntik niya nang ikumpas ang mga kamay subalit agad niyang napigilan ang sarili. Napaalalahanang nasa lugar siya kung saan hindi malayang gamitin ang kanyang kapangyarihan. Kakaibang disiplina sa sarili ang hatid ng Celentru sa kanya. Animong isa itong sagradong lugar kung saan may tamang dahilan at panuntunan sa paggamit ng kapangyarihan. Meron mang mga di pangkaraniwang abilidad, ngunit hanggat maari, lahat ay namumuhay pa rin bilang mga normal na nilalang nang may respeto at paggalang sa isa't isa. At yun higit sa lahat ang ikinatutuwa niya na kung saan napapahiling siya na sana'y isa na lang siyang tunay na Gadian.

Continue Reading

You'll Also Like

12.7K 1.3K 69
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
36.6K 1.4K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...
4.2M 193K 61
GIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letter...
11.3M 506K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...