Perfect Online Boyfriend

By iamkenth

785K 10.3K 1.5K

°°°° Highest Rank Achieved #2 in Humor °°°°° He is PERFECT but he is not for FREE. °°°° Warning: This story i... More

Author's Note
Teaser
Pt. 1
Pt. 2
Pt. 3
Pt. 4
Pt. 5
Pt. 6
Pt. 7
Pt. 8
Pt. 9
Pt. 10
Pt. 011
Pt. 012
Pt. 013
Pt. 014
Pt. 015
Pt. 017
Pt. 018
Pt. 019
Pt. 020
Pt. 021
Pt. 022
Pt. 023
Pt. 024
Pt. 025
Pt. 026
Pt. 027
Pt. 028

Pt. 016

8.1K 257 34
By iamkenth

Pt. 016
[[***Day 05: 9:51 PM***]]

"...I want to... Go to CR first. And that's my decision for now. Okay?" Sabi ko!!! In englishhh!
Bakit ba???

"Okay. We will wait you here. Pero kagaya ng sinabi mo, kung wala ka pa ng 10PM, wala na rin talagang dahilan pa para bumalik ka sa table na ito. Aalis na rin kami. You'll receive a message from POB Services. Thank you for considering us." Sabi ni Mr. Lokoooo!!!
Lokong to!
Nagpapaalam na talaga???

At si Fifty???
Ayaw na niyang tumingin pa sa akin!
Nakeeeerrr!
Ako pa ba???

"Okay." Sabi koooo!!!

Iniwan ko muna silang dalawa.
Ramfa kaagad ako sa CR. Pero sa totoo lang, gusto ko lang munang mapag-isa sa ganitong naka-time pressure situation.

Okay.
Kailangan ko ng mag-isip!!!

Kung hindi na ako babalik pa?
May pera na ako ulit.
Sa akin na ulit ang 100k!!
Magiging thousanaire na ako ulit.
That's for sure...

Pero kung ipagpapatuloy ko ang kagagahang ito.
Wala akong anda pero may jowa akong may abs na bawal makipag make love!!
Grrrr..

Kung aayaw na ako... Mawawala na si Fifty.
Wala ng yayakap at maglalambing sa akin, kagaya noon.
Magkukunwari nalang akong may jowa kahit wala naman sa mga baklang bebe... Ulit.

At kung ipagpapatuloy ko?
Baka naman mainlove ako sakaniya...
At ang ending ko..
Crying out loud.
Iyong tipong meron akong inaasahang Broken Heart Syndrome in the making.

Haaaaist!
Pero kasi...
May binulong siya sa akin!!!

Eh paano pala kung kasama iyon sa mga scripts niya?
Aasa lang ako ganun?
Eh mukhang hustler na sa pagpapaiyak ang mga POB after 30 days eh.

Paiinlove'in nila ang client nila, para mag extend ng mag extend???
Eh anong ieextend ko?
Pwede bang iyong hair extension ko na lang na nasa bahay if ever??

At the first place, alam naman siguro ni Mr. Loko na purita ako.
Wala akong pang extend.
Okay lang sana kung kagaya sa TM at TnT na 5 lang ang extend!!
Why not???

Pero hindi iyon ganun!
Hmmmm...

Should I stop right now thank you very much I need somebody with a human touch??
Kanta ng spice girl or...
I need you like water like breathe like rain, I need you from mercy on heaven's gate? There's a freedom in your eyes that cheerish me through, I need you...
Ewan ko kung tama ang lyrics ko no.
Basta ganun!

Baby boy...
Alam ko naman may war tayong dalawa.
Alam ko nagalit ka sa akin.
Pero normal naman sa isang relasyon iyon di ba?

Relasyonn??
Nubeeee!
Basta.

I need money... But I need honey too.
And I can't have them both.
Why?
Hue hue hue.

What should I do?
What should I choose?
Fifty Three or One Hundrer Thousand???

Hmmm
Teka nga,
Bakit ba ako pinahihirapan mag-isip?
Kailangan ko ba talaga si Fifty? I don't know... Yet.
Kailangan ko ba ng One Hundred Thousand?? Yes, of course!!!





Pumikit ako...
Bumabalik sa akin ang ikalawang gabi namin ni Fifty sa Grandé Hotel.



[[***Day 02: 9 PM***]]

Hindi pa talaga kami umuuwi. Nandito lang kami sa hotel. Sayang naman daw kasi ang reservation.
I asked him, sino nagbayad??
Hindi na raw importante pa iyon.
Tapos nag smile lang siya.

At habang magkasama kaming dalawa...
Pakiramdam ko, totoong boyfriend ko talaga siya.
Kasi naman no, hindi niya binibitawan ang palad ko. Ilang beses niya pa akong binubuhat buhat.

Binilang ko ang I Love Yous niya sa akin... Umabot na sa 100.
Nakakasawa???
Hindi kaya!
Sarap pakinggan... Lalo na kapag tinatawag niya akong baby ko.


Sabi ko noon, kahit isang araw na magkajowang gwapo lang... Magiging masaya na ako.
Eh nagkataon na... Hindi lang isang araw, 30 days!!!
Weeeeee!
Ang saya.

At may napansin ako sa kaniya.
May pagkaseloso siya!

Kasi kanina, may gwapong tumabi sa akin.
Tumabi lang naman no!
Pero syempre, bakla lang ako kasi nagmemelt ang panty ko.
Ang bango pa, at ang brasooo..
Aw!
Laki!
Feeling ko nga may abs siya!!

May binili kasi siya nun.
So moment ko iyon mag isa!!
Bakiiit???

Hindi ko napansin na dumating siya.
Pinatayo niya kaagad ako at lumipat kami ng mauupuan.
Pwede naman nila akong pagitnaan.
Urrrrr..

Sabi ko pa, "Ang gwapo nung boylet na tumabi sa akin!"
Sagot niya, "may asawa na iyon. Hindi mo ba napansin ang wedding ring?"
Hindi ko naman talaga napansin no!!!
Sa mukha ako nakatuon at sa bicepsss!
Sabi ko, "hindi. Eh ano kung may asawa? Nagugwapuhan lang naman ako. Bawal ba iyon?"
Sagot niya???? "Bawal kasi may boyfriend ka na."

Naloka ako!
I know naman na maganda ako pero hindi niya kailangan maging overprotected sa akin no.

Sabi ko agad, "So bawal akong tumingin sa mga gwapo?"
Sagot niya, "Pwede, hindi naman maiiwasan iyon.. Pero kasi kung makatingin ka sa kaniya kanina parang hinuhubaran mo na."
Pinalo palo ko talaga siya ng palad ko.
Natawa siya sabay sabi ni joke!!
Tapos biglang nagseryoso at nagsabi ng, "baby ko, nagseselos kasi ako. Ganun ka rin kasi tumingin sa akin, pakiramdam ko tuloy. Hindi ako ganoon ka espesyal sa iyo."

Ganeeeerrrrnnn!

Masisisi niya ba ang pagiging bakla ko kung pare parehas at pantay pantay ang pagtingin ko sa mga gwapoooo???

Pero ng marinig ko ang salitang "selos"
I was like, anubeeeee!
Inaanu kebe!

Kaya sabi ko nalang, "Mas gwapo ka doon. Ikaw may abs, siya wala."

Sabi niya?? "Talaga ba? Eh paano mo nalaman wala siyang abs?"

Sagot ko, "Oo. Ginamitan ko ng xray vision. Bulaklakin nga ang brief niya eh."

Natawa siya. Ganunnnn!!!!

"Hmmm, ako baby ko? Anong suot kong brief?" Tanong niyaaa!
So I was like, anubeeengtanong yan in public!
Urrrr...

"Uhm, maroon 5???" Panghuhula ko.

Sabi niya, "Mali."

Tinanong ko kung ano pala, lumapit siya at bumulong ng......
Wala.

Feeling namulang kamatis ang fes ko!!!

At ngayon nga, piniringan niya ang mata ko.
Ipi-fifty shades niya ata ako!!!

"Saan ba tayo pupunta at kailangan may piring portion pa???" Sabi ko. Naglalakad kami, nasa likod ko siya, hawak niya ako sa balakang ko.
Dadalhin na ata niya ako sa red room!
Anubeeee!

Hindi nga ako pumayag kagabi eh.
Pero baka ngayon, pwede naaaa!!
Chaaaarrrooot!

"Sa isa ko pang surpresa baby ko." Pabulong niyang sabi.

"Malayo pa ba? At nasa Earth pa rin ba tayo?"

"Malapit na baby ko. Hmmm, kahit naman wala na tayo sa Earth, okay lang kasi magkasama naman tayong dalawa. Hindi kita iiwanan." Sabi niya.
Medyo kinilig ako, medyo lang.
May part kasi na...
Hindi totoo..
Iyong..
Hindi kita iiwan.
Pweeeee!
Iiwan mo rin ako!
At walang makakapigil doon, not unless may 100k ako ulit, but if ever magkaroon ako ulit noon?
Okay na sa akin itong one month experience lang no!
Pwede ko ng idagdag sa resumé ko ito.





Hanggang...
Huminto kami.
Habang dahan dahan niyang inaalis ang piring ko...
Somewhere out there... Nagplay ang isa sa mga music na nasa playlist ko.
At nakakalokaaa!

LOVE ME LIKE YOU DO!!!!

Iyong intro palang... Pak na pak na at umayon sa eksenang nakikita ko.
MORE led lights everywhere na parang bituin ang romantic ng scene!
Sa ginta meron table for two na may running water na nakapalibot, except syempre sa parang pintuan sa paradise.

At ang lahat ng nakikita ko ay sobrang ganda na mahirap idetalye sa maraming salita... Isang salita lang pwede na... Paraiso.

Hindi ko ala kung nasa hotel pa kami.
Mga ilang minuto akong nakatulala sa nakikita ko. Kahit madilim.. Sobrang naappreciate ko!!!

Love me like you, l-love me like you do.
Touch me like you do, t-touch me like you do.
What are you waiting for.

Sabi sa kanta!!

"Do you like it here baby ko?" Malabing niyang sabi.

"No." Sabi ko, tumingin ako sa kaniya... "I love it here." Sabi ko. Ngumiti ako. Hinawakan niya ang palad ko at dinala niya ako sa gitna.

Mas lalo akong na-amazed kasi parang nasa loob kami ng tubig na may mga bituin!!!


Binigayan niya ako ulit ng flowers. Roses!!
At isang malaking malaking bearrrrr!


I will never ever forget this night.
I am not lucky.... I am blessed.

Inalalayan niya ako sa pag-upo na sa mga movies ko lang napapanuod. At umupo na rin siya.
Hinawakan niya ulit ang palad ko.

"Araw araw, gabi gabi... Gusto ko na ganitong uri ng saya ang mararamdaman mo kasama ako. I love you Adrian. I love you baby ko."

Sa pagkakataon ito, gusto ko ng mahulog talaga...sa mga sinasabi niya.

"Sa loob ng 30 days?" Tanong ko.

Ngumiti siya.
Yeah right, alam ko naman ang sagot sa tanong ko.

"Huwag mo ako masyadong painlove-in sa iyo. Baka hindi ko kayanin kapag wala ka na sa tabi ko." Madrama kong sabi. But I mean it!!!
I meeeeannn it!
It has to be said!
Ganun!

"Pero iyon ang tungkulin ng isang boyfriend."

"Ang saktan ako sa huli????"

"Ang mahalin ka at matutunang mahalin din ako." Sabi niya.

Anobaaa!
Hindi naman ata niya naiintindihan ang sinasabi ko.
Tumahimik nalang ako.
Ieenjoy ko nalang ito.

"Hey, you have to trust me. Hindi kita sasaktan, hindi dapat sinasaktan ng boyfriend ang karelasyon niya. Kaya huwag ka ng mag-isip ng kung ano ano pa baby ko. Mamahalin kita dahil iyon ang gusto kong gawin at hindi dahil sa kontratang gumugulo lagi sa isipan mo. Huwag mo kasing isipin iyon, isipin mo ay ang tungkol sa ating dalawa." Sabi niya.

Hindi ko kaya!
Hindi ko kayang hindi isipin iyon!
Ayaw kong umasaaaa!

"Iiwanan mo rin ako." Nakangiti ko pang sabi.

"Pero dala dala mo pa rin ang mga bubuoin nating alaala." Sabi niya.

At...
God!
Muntik na akong mapaiyak.
Why?
Coz that's is.
That's all it was.

Bubuo lang kami ng masasayang alaala.



"Sorry. Pero hindi ko kaya ang ganito." Ngumiti pa ako para itago ang hindi ko maipaliwanag na nararamdaman ko... Tapos tumayo ako kaagad!
Drama na kung drama!
Eksena na kung eksena!
Pero hindi ko kayang gumawa ng masasayang aalala na iiyakan ko lang din naman!!!!

Nahawakan niya ang braso ko at inikot niya ako. Kaagad niya akong nakulong sa mga yakap niya.


"Stay. Please. Stay baby ko." Sabi niya.

"Give me one reason kung bakit kailangan ko pang ipagpatuloy ito." Sabi ko.





"If you fall. I won't just catch you. I will love you... Even more. I promise." Bulong niya.




Promise??
Game of promises???
Maglalaro ba ako?
Makikipaglaro ba ako?


"I love you, today, tomorrow... Forever." Dagdag niya.

Forever????







[[***Day 05: 9:55 PM***]]


Forever he said!!!
30 days of forever???
Ganun!!!

Pero...


Kasama ba sa forever niya iyong away awayin ako on our third day dahil lang nakipag-happy happy ako sa mga baklang bebe na hindi siya kasama?????
At take note!!! Buong araw ng fourth day siya walang paramdam... At kanina lang bago kami makipagkita kay Mr. Loko nagkita????
Nakeeer ha!
It cannot be!!!



Bumalik ako sa pwesto namin!!!

"Bumalik ka. 4 minutes Mr. Huelar. Your decision please." Sabi ni Mr. Loko!!!!

Umupo muna ako.
Hindi ako sumagot!!!
Umupo muna ako!
Tinitigan ko si Fifty!!!

Matagalllll!!!!
Hindi ako nagsasalita!!!
Naloloka na si Mr. Loko!!!
Tingin siya ng tingin sa orasan niya!


"2 minutes Mr. Huelar." Paalala niya.
Ngumiti ako at tumayo ako!!!!
Napatingin silang dalawa sa akin.







Nakapagdesisyon na ako!!!
Actually kanina pa!
And my decision will be....

Continue Reading

You'll Also Like

115K 3.4K 17
Nakilala ni Nathaniel si Mark sa school na pinasukan niya sa probinsiya ng Lola niya. Sa tatlong na taon na pagsasama nila ay mas lalong lumalim ang...
105K 4.3K 29
Love has no gender...
6.1K 330 23
We often feel like we're paperplanes, trying to fly high with hopes. But just like paperplanes, we easily get broken as we land at the surface of gr...
187K 8.4K 60
Blue ( Aoi ) fell to a man like him at his sixteen years of age. But this man ( ADAM ) broke his heart. Pinatay nito ang kaibigan niyang si Jae, par...