A Written Love Story -- For t...

By vesperaze

8.3K 116 43

[FILIPINO; Currently rebuilding] "Fate doesn't always decide who you'll end up with." (c) 2010-2011 More

A Written Love Story: Prologue (★)
AUTHOR'S NOTE.
(1) For the Hundredth Time and A Leap of Faith (★)
(2) The Most Common Type of First Encounter (★)
(3.1) A Date, it is. (★)
(4) Closer You and I (★)
(5) Enchanted to be with you (★)
(6) The Confession and Some Acts of Chivalry. (★)
(7) Some Random Requirement and We're Partners-in-Crime (★)
(8) Flash Forward And it All started. (★)
(9) The Christmas When It All Happened. (★)
(10) You and I and Everything in Between (★)
(11) BFF Talks and Someone Rocks. (★)
(12) Les Miserables ala Gerard and Ren (★)
(12.1) We could... Love. (★)
(13) And Now I'm Falling, Falling Fast Again~ (★)
(14) Don't Forget About Us. (★)
(14.1) What She Really Needs To Know. (★)
(15) The Story behind GeLaire. (★)
(16) My Brother's Keeper? (★)
(16.1) The Truth is... (★)
(16.2) The Hardest Part. (★)
(16.3) The Bro Code (★)
Eto na ba ang Special Chapter?

(3) Hang-outs and What-nots. (★)

331 6 0
By vesperaze

(3) Hang-outs and What-nots.

(G)

Sabado na. Mag-a-alas-sais na ng gabi. Nakaupo na naman ako sa tapat ng computer ko at kahit na nagti-Twitter ako sa phone ko habang nagmi-meryenda, naghihintay ng go signal mula kay Ren.

Yes! Makakasama ko si Ren ngayong gabi! Tumawa na naman ng mala-demonyo ang mala-demonyo kong utak. Oops, teka. Baka isipin niyo manyak ako. Pero siyempre hindi. Mamayang gabi kasi, magma-mall daw kami. Wala, medyo light gimik muna. Gala-gala din pag may time. Ito yung buhay na wala ako nung freshman year. Susubukan ko na ngayon. Kasama pala sina Chen, Eclaire, at Reolla. Sana kami na lang dalawa ni Ren! Pero hindi eh. Hindi naman ako isasama nun kung hindi dahil dun sa dalawang kinikilig… ehem ehem… sa'kin.

Well, yes. Um-oo ako sa offer ni Ren. Siyempre, kasi gusto ko nga siya maka-bonding! Eh wala eh, kasama yung tatlo. Anyway, good tactic narin yun para maka-lapit sa kanya. Napapangiti nalang yung utak ko. Hindi mapigilan e.

And because I'm a gentleman, I offered them a ride.

"Well, pwede naring date ‘to. #Happy!" Sabay pindot ng tweet. Ewan ko rin ba, mas kumportable ako sa Twitter kesa sa Facebook. Meron din akong Tumblr, pero puro blogs lang naman ang nandun. At least sa Twitter, nakaka-interact ko ang maraming fans. Pagkatapos kong mag-tweet ay agad na akong nagpunta sa kwarto at namili ng maisusuot.

"Hi, Girls. Sunduin ko na kayo?" Nag-GM ako dun sa tatlo pagkatapos kong magbihis. Hindi ko na mahintay ang go signal! Gutom narin ako e. Gusto ko nang maghapunan. Oo, gutumin ako. Kahit kakatapos ko lang magmeryenda, gutom na ulit ako.

"Sure! :)" Reply ni Chen.

"Oo ba!" Reply ni Reolla.

O kay bilis namang magreply ng dalawang yun. Hahaha! Parang kase-send ko lang may reply na agad. After 10 minutes, nagreply na din si Eclaire. "Ok." Grabe, sayang load. Di bale. Baka naman unli siya.

After ulit ng ilang segundo lang… nagreply na ang pinakahinihintay kong magreply sa kanilang lahat. Si Ren. Basta, like at first sight ako. Walang basagan ng trip.

"Sorry, Gerard. Meron akong dapat asikasuhin eh. Hmm. Samahan mo naman yung tatlo oh. Tutal, gusto ka naman makasama nung mga yun eh. Tinamaan ata sa'yo! Haha. Well, ayun. Bahala ka na sa kanila ha? Lagot ka sa'kin pag umiyak yung mga yun. ;)"

Anak ng pitumpu’t pitong tipaklong! Parang nawala lahat ng gana ko. Biglang parang gusto ko na magpalit ng damit. Kainis naman, wrong timing yung pag-aasikaso niya ng kung anuman yun. Tch! May magagawa pa ba ako? Eh ipinagkatiwala niya sakin yung mga girls. Haaaaay. Buhay! So unfair.

......

Ito, medyo nagkwe-kwentuhan na rin kami nung mga girls habang kumakain ng ice cream dito sa Dairy Queen. Little something about ourselves lang naman ang topic namin. Course, year, ganun. Hobbies. Yung mga common na pinag-uusapan. Siyempre, getting-to-know phase palang naman kami.

"Ui, Gerard. Bakit pala wala si Ren? She didn’t even text me." tanong ni Chen.

"Oo nga eh, di man lang siya nagsabi." Sabay pout ni Ola.

I shrugged my shoulders. "May aasikasuhin daw siya eh." Saka ko nagsubo ng isang kutsarang Strawberry Kitkat blizzard ko. Oo, mahilig ako sa strawberry. Bakit ba?

"Ah, baka they have date na naman." Sabi naman ni Chen, sabay subo with poise sa isang kutsarang Banana Split blizzard.

May boyfriend na pala si Ren? Haaaaaay! Kainis. Wala na palang pag-asa. Akala ko pa naman magiging masaya ang weekend ko. Puro pala kalungkutan! Gusto ko sanang malaman kung sino, pero ang rude naman nun. Baka isipin pa nila interesado ako masyado kay Ren. Interesado naman talaga ako, pero siyempre, wag naman pa-halata.

Omaygood. Baka sabihin niya sa boyfriend niya na kilala niya ako. So ayun, tinext ko na lang siya para sabihin na hindi dapat niya ipagkalat na kilala niya ako. Napaparanoid kasi ako; alam niyo na, anti-social ako. Saka may pinoprotektahan akong identity. Tama na yung itong tatlong to lang may kilala sakin. Masyadong lalaganap ang ka-gwapuhan ko niyan eh. Pero, bakit nga ba ayaw kong makilala ako? Basta, malalaman niyo rin yun.

"Ui, Gerard!" Tinigilan ko na ang pagtetext nang tawagin ako pabalik sa tunay na mundo ni Chen.

"Bakit, Chen?" First name basis na talaga kami. Isinilid ko na sa bulsa ko yung phone ko.

"Kumakanta ka ba?"

Sinimulan ko na namang atakihin yung ice cream ko. "Huh? Bakit mo natanong yan?"

"May narinig kasi ako kahapon sa university... Ganito yung kinanta niya..." Nag-hum si Chen ng isang pamilyar na tunog. Nakinig lang ako sa kwento niya. "Sinundan ko yung tunog ng gitara. Napunta lang ako dun sa Literature department. Yung hallway nila, wala nang masyadong tao. Di ba konti lang naman kayong sa BA Lit?"

"Oo. Two classes lang kaming second years. Nasa three to four naman ang higher years. Yung freshmen ata isa lang." I took one spoonful of ice cream upon explaining.

"Maaaga ba ang mga uwian nyo?" Interrogation ba 'to? Pero sige, sakyan natin ang trip. "Hmm, pinaka-late na ata ang 6pm sa pagkakaalam ko."

Ipinagpatuloy lang niya ang pag-iimbestiga sa kung kaninong boses ang kanyang narinig noon. "At nung Friday, nasa L517 ka ng around 6:30, I guess?"

"Yup. With like, 49 others."

"Then, ikaw nga yun! Ikaw yung kumakanta nun! You sound like him e." Agad agad? Wala pa siyang matinong proweba ah. Sakai sang klase kaming nandun. Out of 50, ako agad? Ano klaseng paged-deduct ba ginawa nitong si Chen? Natatawa tuloy yung utak ko.

"Ows? Pano mo nasabi eh hindi mo naman ako nakita? Tsaka may ibang tao pa naman dun sa hallway – mga higher years, di ba? Malay mo sa ibang room pa nanggaling. May klase din ako ng mga panahong yun." Rumason nalang ako. Nagdadasal na kakagatin niya yung rason ko. Sana nga.

"Tsss. Kainis ka naman eh. Eh sino yun?"

"Ewan ko lang.” Napatawa ako ng konti. “Bakit kasi hindi mo tinignan? Saka, ba’t interesadong-interesado ka?"

                “Oo nga naman, Chen. Sumabad sa usapan si Eclaire.

"May klase pa kasi ako nun eh… Nag-CR lang kasi ako. Paglabas ko, natripan kong dumaan sa hallway ng Lit. Eh nasa kabilang side pa ng hagdan yung music…" Halatang disappointed siya sa naging resulta ng imbestigasyon niya. “I like singers kasi e.”

"Awww. Kawawa ka naman."

"So hindi talaga ikaw yun?" Pagpipilit niya.

"Hindi nga."

"Weh? How do I know if nagsasabi ka ng totoo?"

"Maniwala ka nalang. Bakit kasi interesadong-interesado ka dun?" Tanong ko ulit.

"Eh kasi..." Nagblush siya bigla. "Nakaka-inlove talaga yung voice! Alam mo yun?" Hindi, hindi halatang kilig na kilig siya. Humahampas-hampas pa siya kina Reolla at Eclaire.

"Hayaan mo na yun! Magpa-singing contest ka nalang para malaman mo." Sabay tinawanan ko siya ng malakas na halos mabugahan ko na siya nung ice cream. Natawa kasi ako sa ideya ko. Parang yung mga contest lang sa TV.

Lumingon siya sa gilid. Hala! Mukhang may evil plan ata ‘tong mga ‘to ha. "Ayaw mo talagang sabihin ha... Girls…"

Nilamon – oo, nilamon talaga – ko yung natitirang ice cream at sinimulan kong tumakbo palayo sa kanila. Nagtagu-taguan kami dun sa mall. Grabe. Parang mga bata lang eh. Well, dahil magaling ako, hindi nangyare ang evil plan ni Chen sa'kin. Ako pa!

Mukhang magsasara na yung mall in any minute, kaya napagdesisyunan kong ihatid na sila pauwi. Gabi na rin kasi. Kung ma-pano pa mga 'to, sisihin pa ko ni Ren. Pero nag-take-out muna kami ng mga makakain sa Chowking. Masarap kasi ang chow fan nila e. Paborito ko yung beef, tas with siomai toppings!

.........

Una kong inihatid si Eclaire. "Bye, Air!" Sigaw nung dalawa. Nilingon niya kami, nag-wave at pagkatapos ay ngumiti. Woa! First time ko nakita siya ngumiti… Kanina kasi poker face talaga siya. Andami nang nangyari kanina parang wala man lang siyang reaksyon. "Sana lagi kang nakangiti! Mas bagay sa'yo." Sinigaw ko sakanya. Mukha na ba akong playboy neto? Mukhang nagulat siya sa sinabi ko at biglang tumalikod na. Pagpasok niya ng gate, umalis na rin kami.

Tapos, si Reolla. "Bye, Ola!" May nickname pala si Reolla?

"Bye, Chen. Bye, Gerard. Ingat kayo ha? At Chen, hmm..." Sabi ni Reolla na para bang binabalaan si Chen. "Pasalamat ka mas malayo bahay mo sa'kin." Nagpout na naman siya.

Si Chen naman parang nang-aasar lang, pero sinabi rin naman niyang, "Oo no, patas ako kung lumaban." Sabay tawa ng malakas. Parang hindi naman nila kasama yung ehem... Pinag-uusapan... Ehem. Nila.

Nagsmile din si Ola samin. Wala! Iba pa rin ang smile ni Eclaire. Ay grabe. Parang isang gabi lang, nakalimutan ko na agad si Ren. Medyo bad boy.

Si Chen kasi ang may pinakamalayong bahay, sabi nga ni Reolla, kaya siya ang huli. Pero hindi naman kalayuan ang bahay niya kina Ola. Mga 20 minutes siguro.

"Thank you, Gerard!" Pero iba ang diskarte niya. Kinindatan niya ako. Ewan ko ba, natatawa nalang ako sa loob loob ko. Tumalikod siya na nakangiti. Pano ko nakita yun? Siyempre, alam ko yun. Maniwala nalang kayo.

"Thank you din! Good night!" Napailing nalang ako. Wag naman sana nila akong pag-agaw-agawan. Grabe, natatawa na talaga ako.

--------------------------------------------

A/N: The Media on your right represents the song Chen heard at the Lit department hallway. Hero, by Sterling Knight!

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 33.5K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...
392K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
71.6K 4.5K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
258K 17.6K 84
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...