A Written Love Story -- For t...

By vesperaze

8.3K 116 43

[FILIPINO; Currently rebuilding] "Fate doesn't always decide who you'll end up with." (c) 2010-2011 More

A Written Love Story: Prologue (★)
AUTHOR'S NOTE.
(1) For the Hundredth Time and A Leap of Faith (★)
(3) Hang-outs and What-nots. (★)
(3.1) A Date, it is. (★)
(4) Closer You and I (★)
(5) Enchanted to be with you (★)
(6) The Confession and Some Acts of Chivalry. (★)
(7) Some Random Requirement and We're Partners-in-Crime (★)
(8) Flash Forward And it All started. (★)
(9) The Christmas When It All Happened. (★)
(10) You and I and Everything in Between (★)
(11) BFF Talks and Someone Rocks. (★)
(12) Les Miserables ala Gerard and Ren (★)
(12.1) We could... Love. (★)
(13) And Now I'm Falling, Falling Fast Again~ (★)
(14) Don't Forget About Us. (★)
(14.1) What She Really Needs To Know. (★)
(15) The Story behind GeLaire. (★)
(16) My Brother's Keeper? (★)
(16.1) The Truth is... (★)
(16.2) The Hardest Part. (★)
(16.3) The Bro Code (★)
Eto na ba ang Special Chapter?

(2) The Most Common Type of First Encounter (★)

376 6 2
By vesperaze

(2) The Most Common Type of First Encounter

"There. This will be the perfect ending." Ako pala si Gerard Xavier Naz. "Rob --"

Si Rob nga pala. Siya ang best friend ko. Magkaklase kami nung high school, pero ngayong college, nagkahiwalay kami. Two years na din ang nakalipas mula noon, pero close parin kami. Nandito kami ngayon sa work room ko. Tinatrabaho ko yung isusunod kong ipa-publish. Ganun talaga, in-demand e.

"Oho. Alam ko na. Pupunta ako sa publisher para ipa-publish yang libro mo."

I grinned. "Thanks, Rob. Maaasahan ka talaga." Everytime I finish a book, si Rob ang pumupunta sa publisher para ipa-publish ito. Sinisikreto ko ang identity ko for some personal reasons. My publisher tolerated this idea to not reveal my identity until all my books are published kasi ang lakas naman daw ng kita ng mga libro ko. Kumbaga, kanya-kanyang trip nalang din.

"Siyempre naman, ‘tol. That's what friends are for!"

"Cheesy mo pare." We burst out with laughter. Inabutan niya ako ng isang baso ng wine. Dumiretso si Rob sa bintana at nagsimulang mag-emote. "Ay, pare. Alam mo ba, gustong-gusto ng girlfriend ko yung mga libro mo. Hit na hit nga sa mga kabataan mga gawa mo eh. Astog ka."

I started to turn off the computer, and took a sip from the glass. "That’s great news, pards. Nakakataba ng puso yang mga ganyang balita. Pero secret parin ‘to ha?" Para kaming mga batang nagtatago ng sikreto, but there’s nothing more I could do. I have to remind him regularly from now on, lalo pa’t nalaman ko ngayong nasa fan base ko pala ang girl friend niya.

"Oo naman. Dapat nga matagal na kitang naipakilala sa kanya, pero ayaw mo kasi eh."

"Basta pag-graduate nalang natin tsaka mo nalang pakilala. I guess, I am finished with the 14th by that time."

Hinarap niya ako. He drank a little wine from his glass. "Bakit nga ba ayaw mong ipakilala kita sa girlfriend ko? Ayaw mo ba nun, may fan kang kilala na agad? Ni wala ka ngang ibang alam sa kanya maliban sa "girlfriend ko" siya. Ni hindi ko pa nababanggit pangalan niya sayo." Ibinagsak niya ang sarili sa sofa.

I returned the drama, saying, "okay lang yun… Hintayin na lang natin ang araw na magkakakilala kami. Para suspense! Hindi kasi pwede na may makakilala sakin bilang Saccharine, Rob. Once na may nakakilala, pwedeng kumalat information ko."

"Bakit nga ba ayaw mong ilantad identity mo?" He asked, while I made my way to the sofa where he sits, thinking I cherish this pen name so much. Much as Bob Ong do. We might be best friends, but there are things that needed so much secrecy. "Trip ko lang. Para suspense!" Sabay upo ko sa tabi niya.

"SUS! Pasuspense-suspense ka pang nalalaman diyan. Arte mo, tol!" Napangiti ako. I took a sip in the glass again, samantalang ubos na pala ni Rob yung kanya.

“Hayaan mo na. Malalaman mo rin yan. Sa ngayon, sikreto muna."

"Opo, boss!"

Kinabukasan, nagsimula na ang isang bagong academic year. Second year college na ko. Sa totoo lang, puro aral lang ginawa ko nung freshman year ko. Alam mo yun, walang thrill. Walang masyadong gimik-gimik. In short, boring. Liban nalang sa pagsusulat ko. Kaya yung pagka-busy ko, dala na rin ng pagiging author. Pag may pumapasok na idea sa'kin, I always go home immediately so I could write it. Ganun na ang buhay ko. I was concentrated on my studies and on writing and improving myself. Pero sa isang hindi inaasahang pagkakataon…

Natagpuan ko na ang babae sa love story ko.

The University world was just so big, but we had a small world.

Nung papasok na ako sa isang classroom para sa isang minor subject (well, minor sa karamihan, pero ito ang major ko eh), may nakabangga ako. Her books dropped and messed on the floor. Well, the most common type of first encounter. But I never knew it will mean that much...

"Sorry, Miss. Di ko sinasadya…" I helped her fix her things. Then I saw the book, For the Hundredth Time. Siyempre, napangiti ako. "Wow. For the Hundredth time…"

But she just answered back with a shy-but-beautiful smile and an, "it's ok…"

Naniniwala ba kayo sa Love at First Sight?

Eh sa second sight? That's why I decided to approach her after class. "Uh. Hi. I'm Gerard. And you?"

"Nice meeting you, Gerard?" She replied, as if not sure if she heard the name right.

"Yup, Gerard."

"My name's Laurren. You can call me Ren, kung nahahabaan ka sa pangalan ko." Nagsimula kaming lumakad palabas ng classroom.

"No, it's not that long. Bagay nga sa'yo eh." Nagmumukha sigurong dinidiskartehan ko siya. Siguro, ganun, pero kayo na bahala humusga. Medyo napangiti siya nung sinabi ko yun. Medyo lang. Siguro, crush ako nito. Napatawa nalang yung isip ko. "So… friends?" Inalok ko.

Napangiti ulit siya at tumango. "Hmm."

Yung ngiti niya… Grabe, nakakaloko na to. Talagang love and first sight ang drama ko. Well, sige, kung di kayo naniniwala sa love at first sight edi like at first sight nalang. Eh sa nagustuhan ko nga siya eh. Ewan ko ba, parang may magnet siya nung una naming pagkikita. Parang gustong-gusto kong nakatabi sa kanya. Merong something sa babaeng ‘to. Yun nga yung nakakatawa eh – kasi akala ko sa pelikula at libro lang posible ‘to. You never really believe it’s true until you experience it.

"Ui, Ren!" Three girls approached her. "Last class mo yan? Tara, gala tayo!"

Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto narin ako. "Ah, teka lang ha. Pakikilala ko muna kayo… Gals, meet Gerard. Kaklase ko siya sa English class." Ngumiti lang ako sabay sabing, "uh, hi!"

"Hi! My name’s Chen, best friend ni Ren. Oh! That rhymes!" Tumawa siya ng tipid (na halata namang hindi talaga ganun yung tawa niya) saka inabot niya yung kamay ko tapos nakipag-shake hands.

"H-hi!" Bati ko naman. She seems like a nice girl. Maganda siya, tsaka matangkad. Parang model lang. Naka-red heels siya, red top, red bag, red earrings. Di masyadong halata sa kanya na ang favorite color niya ay Red. Hindi. Hindi talaga halata.

"I'm Eclaire." Pakilala naman nung katabi niya. Parang desert lang! Nakakagutom tuloy. Natatawa na naman yung isip ko, pero pinigilan ko muna kasi kailangan kong kilalanin ang mga babaeng ‘to. I can tell by her looks that she’s very different from Miss Chen. We, then, shook hands. Maganda rin siya. Though, hindi siya yung tipo na ka-pansin-pansin. She's slim and the curls of her hair's the Victorian style. Pero bakit ganun? Parang poker face lang siya lagi.

"I'm Reolla. Nice meeting you." Pakilala naman nung katabi ni Miss Eclaire, at naka-shake hands ko rin siya. Ui. Petite naman ‘tong isang ‘to. Pero cute siya kahit maiksi lang yung buhok niya. I can tell she’s a music-lover.

Wow. Grupo ba ito ng Charlie's Angels plus one? Tss. Lumang-luma na. Hmm, Mean girls plus Lindsay Lohan? Nanunuod din naman kaming mga lalake ng ganun, para naman may knowledge kami about girls. Ah, basta, grupo sila ng magaganda. Ba't kaya walang mga lalakeng umaaligid sa mga 'to? Tumingin-tingin ako sa paligid para tignan kung meron at baka naiwan lang sa tabi, pero wala talaga eh.

Oo nga pala. Hindi sila noticeable. Masyadong malaki ang university na ‘to para maging sobrang popular ka. Maliban nalang kung may banda ka, o artista/model ka, o varsity, o talagang famous personality ka (yung mga madalas na lumalabas sa internet o iba pang klase ng media). Hindi na ‘to tulad ng high school na may stereotype ang mga popular.

Nung ibalik ko ang tingin ko sa kanila, yung si Chen abot-tenga ang ngiti. Parang nakakita ng artista. Ehem. Hindi ako magaling na observer no? Hindi eh, hindi talaga. Napatawa na naman ng malakas yung utak ko.

Hinila nila si Ren palayo pero sa sobrang lakas ng boses ni Chen, narinig ko pa usapan nila. "Girl! Kaloka ka! May kaklase ka palang gwapo! Isama mo sa gala!"

"Ssshhh. Ano ka ba….." Medyo napakunot yung noo ko. Pilit kong pinapakinggan pero hindi ko marinig yung ibang sinabi ni Ren. Mahina siguro talaga ang boses niya.

"Sige na, Ren, ipamigay mo na kay Chen yan. Kawawa naman oh, wala pang lovelife. Pa'no ba naman kase, sobrang pihikan. Ngayon nga lang naging ganyan yan eh." Si Eclaire naman yun. Grabe ha, uso ba malakas ang boses sa barkada nila?

"Yayain mo na siya, Ren! Please?" Isa pa ‘tong si Reolla, kung kiligin, wagas! Hmm… Mukhang si Eclaire lang hindi tinamaan sa… ehem ehem… akin ah? Teka, si Ren kaya? Nagsimula na namang mag-imagine ang magaling kong utak. Tapos tumatawa pa siya.

"Akin na siya, Reolla! Maghanap ka ng sa'yo!" May katarayan, pero halata namang nagbibiro lang si Chen. Pero ang ingay talaga niya. Hindi yung nakaka-iritang ingay, basta, malapit na dun.

"May the best girl win!” Kung makatawa naman si Reolla. Imaginin niyo nalang yung pinaka-evil na tawang narinig niyo sa buong buhay niyo.

"May the best girl win ka pa diyan! Ako nauna!" Chen’s arms are crossed at medyo tumataas-taas pa ang kilay. Nakapout naman itong si Reolla. Seryoso ba talagang pinag-aagawan nila... ehem ehem. Ako? Dahil mahilig tumawa ang utak ko, oo, tumatawa ulit siya ngayon.

Nagsalita ulit si Ren pero hindi ko na narinig yung sinabi niya. Lumapit na sila sa'kin ulit. Medyo nagbabangayan pa ‘tong sina Reolla at Chen. Dahil sa… ehem ehem… akin.

"Ah… Gerard." Lumingon siya dun sa dalawang hindi maipinta ang mukha sa sobrang kilig. "Pwede ka ba daw sumama sa Sabado ng gabi?"

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
663K 14.8K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
71.9K 4.6K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...