Lesson number 5. How to Become A Tough Guy. Ang siga, dapat malakas, hindi lampa, at higit sa lahat magaling makipag-laban. Dahil sa nangyari sa pagitan nina Haze at Sydney laban sa grupo ni Atom, nagdesisyon ang Pirates na turuan na si Sydney ng tamang pakikipaglaban.
Araw ng Sabado, nagpunta sila sa boxing gym na madalas tinatambayan ng mga Pirata at noon din ay nagsimula ang madugong training nila. Dahil sa injury ni Haze, si Deck ang nagsilbing trainer ni Sydney. And, he didn’t go easy on ‘him.’ Ang unang itinuro ni Deck ay ang pag-iwas. Isa yon sa pinaka importante sa pakikipaglaban. Kahit na hindi ka makatama sa kalaban, mas importante na wag ka nyang matamaan.
Nakasuot ng boxing gloves si Deck habang inaatake si Sydney. Ang rule, iiwasan ni Sydney at iba-block ang atake ni Deck. Kapag hindi nya naiwasan, sorry sya. Hindi rin sya pwedeng sumugod. Nakakailang suntok na si Deck kay Sydney pero isa pa lang ang naiwasan nito. Tuwang-tuwa naman ang mga Pirata dahil mukha ng punching bag si Sydney.
Pero kahit na ganon ang sitwasyon, mukhang determinado si Sydney na matuto kaya naman hindi sumusuko si Deck sa pagtuturo. “Sab. Importanteng matutunan mo dito ang pagbabasa ng mukha at kilos ng kalaban. Kapag nagawa mo yun, madali mong mape-predict kung saan at paano sya aatake. Sa ganung paraan, madali kang makakaiwas at madali mo syang maka-counter attack.”
Ginawa naman ni Sydney ang sinabi ni Deck. Tinatamaan pa rin sya minsan dahil sa liksi ng kamao ni Deck pero madalas na syang nakakaiwas sa mga suntok nito. Namangha naman ang mga Pirata dahil mabilis matuto ang bago nilang kasamahan. Dahil dito nag-aya si Haze sa Yellow Cab.
============================================================================
Napuno ng ingay ang kaninang tahimik na pizzeria ng Yellow Cab na malapit sa Southville dahil sa pagdating ng mga Pirata. Magkatabi sina Deck at Sydney, sina Paolo at Haze, at sa may extrang upuan si Third. Habang kumakain ay napag-usapan nila ang training ni Sydney kanina.
“Grabe ang bilis mo palang matuto. Isang araw pa lang ang training, ang laki ng inimprove mo.” Sabi ni Deck na proud na proud sa kanyang apprentice.
“Ganun talaga pag determinado.” Proud din na sagot ni Sydney, habang punung-puno ang bibig ng pizza.
“Ano ba kasi ang inspirasyon mo? Bakit gustong-gusto mong maging siga?” Itinapat ni Third ang kanyang kamao sa bibig ni Sydney na tila isang reporter na nagtatanong.
Inubos muna ni Sydney ang laman ng kanyang bibig at kinuha ang ‘mic’ ni Third. “Uhh...” Nag-isip ito saglit at nagmistulang Miss Universe sa pagsagot. “Ayoko kasing maging pabigat.”
Natawa naman ang mga Pirata sa pinaga-gagawa ng dalawa at lalo na sa sagot ni Sydney. “Pabigat?” Tanong ni Third.
“Opo. Pabigat.” This time naging seryoso na ang itsura ni Sydney, at tinanggal na ang mic. Tumingin na lang sya sa kinakain na pizza para naman hindi awkward.
With Sydney’s sad look upon her face, alam na ng mga Pirata kung anong iniisip nito. Hineadlock sya ni Deck, at nagulat naman si Haze sa nasaksihang eksena. Mukha itong naiinggit? Or rather, nagseselos. “Iniisip mo na naman yung nangyari kay Haze? Wala kang kasalanan don.”
“Hep hep hep!” Tumayo si Haze at sumenyas na maghiwalay ang dalawa. Mukha itong nagpapanic. “Ano sa tingin mong ginagawa mo [to Deck]? Pumunta ka nga dito tootsie [to Sydney]! Ikaw, lumipat ka don [to Paolo]!”
Agad namang sumunod ang mga Pirata. “Tootsie?” Natatawang tanong ni Deck.
“Oo. Tootsie as in tuta. Tuta ko kaya to.” Nagyayabang na sabi ni Haze. Maya-maya pa ay binatukan nito si Sydney. “At ikaw naman! Bakit ba ganyan ang takbo ng kokote mo? Kumain ka na nga lang pede?”
“Kelan naman ang susunod na training ni Sab?” Tanong ng kanina pa tahimik na si Paolo.
“Kaya na ni Sab yan.” Sabi ni Haze. “Yung opensa parang depensa din naman yan.”
Nagulat naman si Sydney sa sinabi ni Haze. “Pano naman nangyari yon?” Nakanganga si Sydney dahil hindi makapaniwala at kinokontra si Haze. Kaya naman sinaksakan sya nito ng pizza sa bibig.
“Alam mo Sebastyan, ang rambol ay isang malaking mind game. Basahan lang ng utak yan. Tsaka alam mo brad, hindi ka nakikinig eh. Diba sinabi naman ni Deck kanina kapag nabasa mo na ang galaw ng kalaban, madali ka nang makaka-iwas sa atake nya AT makaka-counter attack.”
Medyo na-gets na ni Sydney ang sinabi ni Haze. “E ano nang gagawin ko ngayon?”
“Nakikita mo yan?” Nag flex si Haze ng kanyang biceps. Maliit lang naman ang muscles nya pero maganda ang tone. Sakto lang. Kinilabutan naman ang mga Pirata. “Kailangan mo nan braaaad. Tingnan mo naman yang sayo...” Sabay pisil sa braso ni Sydney. “...walang ka-muscle-muscle. Ang lambot. Para kang babae! Ang gawin mo, mag-gym ka. Magbuhat ka ng weights, para na rin magka-pwersa yang suntok mo.”
“K.” Eto na lang ang naging response ni Sydney. Patuloy itong kumain ng pizza. In a short period of time, na-adapt na nya ang pagiging kilos-lalaki. Lumakas na rin syang kumain ngayon, pero hindi sya nataba. [Oh, this lucky fella.]
“Pero Sab, eto matinong usapan to ha. Usapang lalaki.” Naging seryoso na ang hitsura ni Haze kaya naman seryoso ring nakinig si Sydney. “Mangako ka. Hinding-hindi mo gagamitin ang itinuro namin para manakit ng walang dahilan.”
Bumilib si Sydney sa narinig. Hindi ba ganun ang pagiging siga? Hindi ba pagiging barumbado ang pagiging siga? Sa lahat siguro ng nabasa nyang manga, napanood na anime, teleserye at pelikula, eto ang unang pagkakataon na naka-encounter sya ng siga na hindi nananakit ng walang dahilan.
“Promise.” Tumingin ito sa mga mata ni Haze at ngumiti. Hindi na sya nagsusuot ng salamin kaya naman EYE-TO-EYE talaga ang titigan nila. Hindi naman kinaya ni Haze kaya kumain na lang ulit ito ng pizza. He placed his left hand on his chest and felt his racing heartbeat.
============================================================================
Walang pasok ngayon dahil araw ito ng pagunita sa EDSA Revolution. Kaya naman excited na pumasok si Haze sa kwarto ng kapatid para sana ayaing mag wii. Laking gulat naman nito nang makitang bihis na bihis si Hazel at naga-ayos. Mukha itong masaya.
“SAN KA PUPUNTA?! SINONG KA-DATE MO?! IPAKITA MO SAKIN YANG BASTARDONG LALAKING YAN!” Galit na galit na tanong ni Haze.
Mukha namang nagulantang at na-terrorize si Hazel dahil sa pinagsasabi ng kapatid. “K-kuya... tumawag kasi yung kaklase ko... nagpapasama sya sakin sa mall. Sorry kuya kung hindi ako nakapagpaalam agad. Kung ayaw mo, ok lang. Sasabihan ko na lang sya.” Naging malungkot ang hitsura ni Hazel.
Na-guilty naman si Haze dahil sa paga-assume nya. “Ah hindi-hindi. Okay lang. Go ahead. HEHEHEHE.”
Ito ang unang beses na nagkaroon ng kaibigan si Hazel sa school. At ito rin ang unang beses na gigimik sya. Dalaga na ang bunso kooooo. Mukha pa man din syang excited. Sino ba naman ako para hadlangan sya.
Tuwang-tuwa naman si Hazel at excited na umalis. Nalungkot naman si Haze dahil naiwan syang mag-isa ng hindi man lang nagbabye ang kapatid. Magdadamdam na sana sya nang biglang bumalik ito at hinalikan sya sa pisngi at muling nagpaalam.
“Thank you, kuya. You’re the best. See you later~”
Natats naman si Haze sa ‘you’re the best’ part ng sentence ng kapatid. And now that she has left, ano na naman ang gagawin nya sa bahay ng mag-isa? Isa-isa nyang tinawagan ang mga Pirata. Cannot be reached sina Deck at Third. Si Paolo naman ay pumunta sa Laguna para sa long weekend. Si ‘Sab’ naman ay kasalukuyang nasa gym.
Mula nang mag-training sila, sinunod ni Sydney ang payo ng mga Pirata. Kaya naman nagpa-member sya sa isang gym malapit sa mall [na malapit din sa coffee shop], para magpalakas at maghanda para sa susunod na rambol, just in case.
Dahil nabo-bore, nagpasama si Haze kay ‘Sab’ sa mall na wala namang kaide-ideya sa tunay na intensyon ni Haze. Gusto lang naman nitong makita how her baby sister is doing sa first gimik nito. He wants to see how much his sister has changed mula ng magsalita ito. Syempre, gusto nya rin makita kung anung klaseng kaibigan ang sinasabi nito. In short, he wants to make sure that his sister is fine and that she’s with good company. Nagdesisyon silang magkita sa mall pagkatapos mag work out ni ‘Sab.’
Dahil ito ang unang beses na gigimik si Hazel, napaaga sya ng dating sa meeting place nila dahil sa excitement. Dun sila magkikita ng kaibigan nya sa coffee shop [see Chapter 5^^] ng 11 ng umaga pero 10:30 pa lang ay nandun na sya.
Maganda ang ayos ni Hazel ng araw na yon. In fact, she looks extra special today. Hindi sya nagme-make-up dahil bukod sa bata pa sya, allergic sya dito. Gayunpaman, lagi syang napagkakamalang may blush on dahil sa natural na rosy cheeks nito. Nakalugay ang mahaba at kulot nyang buhok. Naglagay rin sya ng lip balm. Iba ang kislap ng mga mata nya habang hinihintay ang katagpo.
10:45 am. Mula sa likod nya ay may lumapit kay Hazel para takpan ang mga mata nito. Nagulat sya, but it seems like she definitely knows who this person is. Eto na ang hinihintay nya. She flashed a smile and gently removed the hands covering her face. Lalo pang namula ang rosy cheeks nya nang makita ang taong kanina pa nya hinihintay.
Umupo ito sa harap ni Hazel. Nagso-sorry sya for being late kahit na parehas naman silang maagang dumating. Maya-maya pa’y sumenyas ang kaibigan ni Hazel na tila hinihiram ang kanyang cellphone. Inilabas naman nito ang kanyang blackberry curve at ibinigay sa kaibigan. Nilagyan ito ng kaibigan nya ng isang cellphone chain na teddy bear. Tuwang-tuwa si Hazel sa natanggap. Ilang saglit pa’y umorder na rin sila ng coffee.
Matapos mag coffee ay nagdesisyon naman silang pumunta sa mall na katabi nito. Nagpunta sila sa National Bookstore, Tom’s World, at kung saan-saan pang shops. Marami-rami na silang napamili [actually si Hazel] nang mapadaan sila sa Forever 21.
Merong isang damit doon na nakita si Hazel. Isa itong tube dress na kulay pastel pink na pinatungan ng isang denim vest. Hindi ito ang style ni Hazel pero nakuha ng damit ang atensyon nya. Matagal nyang tiningnan ang mannequin at may inimagine... si Sydney. Hindi pa nya nakikita ng walang wig si Sydney kaya naman inimagine na lang nya ito. Dahil maputi sya, siguradong bagay to kay ate Sab.
Naisipan tuloy ni Hazel na pumasok sa loob ng Forever 21 para bilhin ang damit na nakita. Matapos bumili ay nagdesisyon silang manatili muna doon at tumingin-tingin pa ng mga damit.
“Alam mo bagay sayo yung binili mo. I can’t wait to see you wearing it.” Pabulong na sabi ng kaibigan ni Hazel na nakatayo sa likod nya.
Humarap ito sa kaibigan at ngumiti. “Salamat. Pero hindi para sakin to eh.”
Sobrang nage-enjoy pa si Hazel sa pagtingin ng damit nang biglang magpaalam ang kaibigan na si-CR ito. He must be bored. Lalaki eh. Pumayag naman si Hazel pero nagpaiwan para bayaran ang iba pa nyang napiling items. Nagdesisyon silang dito na lang ulit magkita, at babalikan na lang sya ng kaibigan.
Tapos na si Hazel magbayad. Para mabilis syang makita ng kaibigan, dun sya pumwesto sa may accessories na malapit lang sa entrance ng store. Ilang saglit pa’y naramdaman nyang may humawak sa balikat nya.
Hazel looked startled and nervous at the same time nang makita nya si Sydney. Naka pang work out clothes ito pero she’s a girl today. Naka lugay ang buhok nito at kitang-kita ang hubog ng katawan nito sa kanyang work out clothes. Nakangiti ito sa kanya at tila tuwang-tuwa rin na makita sya.
“Hazel! Andito ka pala. Uhh... kilala mo naman siguro kung sino ako diba?” Pabirong sabi ni Sydney.
“O-oo naman... ate Sab.” Nakangiting sabi ni Hazel. Nakangiti sya at mukha namang masaya. Pero somehow, basa ni Sydney na may bahid ng kaba si Hazel ng makita sya. Inilabas nito ang cellphone nya at may itinext. Hinintay nya munang matapos ito bago sya ‘nagpakilala’ ng maayos.
“Actually... it’s Sydney. My name’s Sydney. Yung kapatid ko, sya si Sab. Hehe. Ike-kwento ko na lang sayo lahat next time. Ano nga palang ginagawa mo dito? Sinong kasama mo? Kasama mo si Haze?” Nang mabanggit ang pangalan ni Haze ay nag-panic si Sydney dahil nakapang-babae pa sya at hindi pa nagpapalit ng damit.
“Naku hindi eh. Bakit po?” Nagtataka si Hazel kung bakit nagpa-panic si Sydney.
“Ah wala naman. Magkikita kasi kami eh. Hindi pa ko nakakapagpalit.”
Si Hazel naman ang nag-panic ngayon matapos marinig na padating na ang kuya nya. Dali-dali nyang sinamahan si Sydney sa CR para magpalit. Naisipan nilang dun na lang sa coffee shop magpalit since mas konti ang tao, at kakilala na nila ang staff. Mas convenient at mas maliit ang chance na makita sila ni Haze.
Dali-dali silang lumabas para pumunta sa kabilang establishment kung san nandoon ang paboritong coffee shop. Kahit na pawisan at haggard [on Sydney’s perspective], headturner pa rin sya. At ngayon, may kasama pa syang isa ring headturner. Hindi maiwasan ng mga boys na ngumanga kapag nadaanan sila ng dalawa. And because of the panic, hindi sila aware na meron palang nagkakainteres sa kanila.
Ilang hakbang na lang ay nasa coffee shop na sila nang bigla silang harangan ng isang grupo ng mga kalalakihan. Isa sa kanila ay si Atom. Pero base sa sitwasyon, hindi sya ang leader ng grupong ito pero mukhang mga taga Lindt High din ang mga ito. Merong isang mas maangas na lalaki na mahaba ang buhok. Lumapit ito sa dalawa.
“Alam mo bang kilala kita?” Pananakot na sabi ng long-haired ‘leader’ ng grupo kay Hazel. Nakayuko ito at nakakapit sa braso ni Sydney. Halatang natatakot. “Ikaw ang... kapatid ng kriminal na Haze na yon diba?”
Nainsulto si Sydney sa sinabi ng taga Lindt High. Dahil sa nakakatakot na aura mula sa grupo, na-sense ng mga taong dumadaan at nasa loob ng coffee shop na malapit ng magkagulo. Meron pang ilan na nakiki-usyoso kaya napaligiran na sila ng ilang tao.
Samantala, sa di kalayuan ay dumating na pala si Haze. Nakita nya ang grupo ng mga tao na tila nanonood ng laban ni Pacquiao. Lumapit sya, at tumambad ang grupo ng mga taga Lindt High laban sa... teka! Si Hazel ba yon? At... at... si coffee shop girl! Dahil sa magulo at distracted na pag-iisip ni Haze ay hindi na nya nagawang lumapit at hindi na rin nag sink-in sa kanya na nasa panganib ang dalawa.
“Hindi kriminal ang kuya ko! Baka ikaw!” Palaban na sagot ni Hazel.
Mukhang nagulat ang mga taga Lindt High. “E nagsasalita pala to eh! Hindi ba’t pipi ka?! HAHAHAHAHAHHAHA!” Nagtawanan ang buong grupo.
“Alam mo bata, lahat ng nag-aaral sa Southville, mga kriminal. Nagbi-breed ng kriminal ang eskwelahang yon. At yang kuya mo ang pasimuno ng lahat. Walang pinag-aralan yang mga taga Southville na yan! Ang alam lang nila ay makipag basag-ulo! Tatanda kang mag-isa bata dahil yang kapatid mo, utak kriminal at mabubulok yan sa kulungan balang araw. Walang future.”
Nabadtrip na si Hazel sa mga narinig mula sa grupo ng mga siga mula sa Lindt High. “Kung ang Southville ay nagbi-breed ng mga kriminal, e ano ang eskwelahan nyo? Impyerno? Para kayong mga nakawalang demonyo!”
Umusok sa galit ang long-haired leader sa narinig mula sa kapatid ng mortal nilang kaaway. Indeed, magkapatid nga sila. Sa sobrang galit ay sumugod ito at tila sasampalin si Hazel.
Mula sa di kalayuan, doon na nagising mula sa pagkatulala si Haze at nakitang sasaktan ang kapatid nya. Susugod na sana ito nang bigla nyang makitang hinawakan ni coffee shop girl ang kamao ni Jerome, a.k.a. long-hair.
“Sa ginagawa nyo ngayon, sino ang mas mukhang walang pinag-aralan? Sino ang mga mukhang kriminal? Sigurado ba kayong mga taga Southville ang dine-describe nyo, o kayo? Alam ko ang stereotype against sa kanila, pero alam nyo, they don’t deserve it. Nakakalungkot lang isipin, dahil ang mga lumot na kagaya nyo, hinihigit sila pababa. Nakakahiya kayo...” Tiningnan ni Sydney mata sa mata si Jerome. Matatalim at nakakatakot ang mga tingin nito sa kanya, just like what Haze taught her. “Nakakasuka.”
Hinablot at susuntukin na sana ni Jerome si Sydney nang biglang may umawat sa kanila. Mula sa likod ng grupo ng mga taga LINDT HIGH, isang medyo matangkad, gwapo, at “mabait” na lalaki ang pumunta sa harap para awatin si Jerome. “Brad, awat na.”
Mukhang natakot si Jerome nang lumapit ang lalaking ito, kaya naman kaagad syang sumunod at binitawan si Sydney. Kahit si Atom ay kakaiba rin ang reaksyon sa kanya. Base sa nangyari, lumalabas na ang lalaking ito ang totoong leader ng grupong naka-engkwentro nila.
Walang kakurap-kurap si Sydney at walang bakas ng takot sa kanyang mga mata nang tingnan nya ang lalaking umawat sa kanila. He seems gentle, pero at the same time masama ang kutob sa kanya ni Sydney. Para syang coin na may dalawang side. Ngumiti ang lalaki kay Sydney at humingi ng paumanhin sa dalawa.
“Pasensya na kayo ha. Medyo mainit lang kasi talaga ang dugo ni Jerome sa mga taga Southville.” Napaka-plastic ng ngiti nito pati narin ng apology, and it disgusted Sydney.
Sumenyas ito sa grupo na aalis na sila. Bago tuluyang umalis ay tinapik ng lalaki si Hazel sa ulo. Pagkatapos, hinawakan nya sa balikat si Sydney at nagpaalam. “Hanggang sa muli... Sab.”
Nanlaki ang mga mata ni Sydney at nakaramdam ng kaba habang tinitingnan ang papalayo ng grupo mula sa Lindt High. Mabilis ang tibok ng puso nya at hindi maipaliwanag ang nararamdaman. Bakit kilala nila si Sab? Sila ba? Samantala, ang mga taong nasa paligid naman ay mukhang masaya dahil walang nangyaring gulo, at dahil in a way ay medyo napahiya ang mga taga Lindt High. Hindi sila natutuwa sa grupo ng mga siga mula sa dalawang paaralan.
Na-tats naman si Haze dahil sa unang pagkakataon, merong ibang taga school na iba ang tingin sa kanila. At bukod pa dun, ang taga ibang school na ito ay si coffee shop girl. Matagal na syang may crush dito, mula nang makita nya itong umiiyak sa coffee shop.
Nang makabalik na sa realidad si Haze, dali-dali itong pumunta kina Hazel. Alalang-alala ito, samantalang mukha namang hindi masaya ang dalawa sa pagkakita sa kanya. Tumalikod si Sydney sa kanya para hindi nito makita ang mukha nya. Tinakpan nya ang mukha nya ng buhok nya. Hindi naman malaman ni Hazel ang gagawin.
Nag-ayos ng buhok si Haze and he cleared his throat para magpakilala kay coffee shop girl. Mukha namang nagpa-panic ang dalawa. Inilagay ni Haze ang kamay nya sa balikat ni Sydney at nang magsasalita na sya...
“S-sorry Hazel. Kailangan ko na palang umalis. Ingat ka. Bye.” Dali-daling umalis si Sydney at nagmamadaling naglakad palayo.
Hahabulin sana sya ni Haze pero pinigilan naman sya ng kapatid. Nagkwento na lang ito tungkol sa nangyari para sa kanya mapunta ang atensyon nito. Halata namang na-disappoint si Haze dahil sa pangalawang pagkakataon, the girl of his dreams slipped away just like that. She’s so close but still... so far. [♪♫♫~]
Habang naglalakad malapit sa pinangyarihan ng ‘gulo’ kanina, ay may nabangga si Sydney. Laking gulat nya ng makita si Third. Nagtakip na naman ito ng mukha gamit ang buhok nya. Tutulungan sana syang tumayo nito pero tumayo na lang sya mag-isa. Magpapaalam na sana sya pero hinarang sya nito.
Para itong sumisilip sa mukha nya na parang kinikilala sya. “Miss... parang kilala kita.” Tiningnan pa nya ito at kinilatis ng maigi. Sobrang kabado ni Sydney dahil baka mabisto sya ni Third. “Aha!”
Sa pagkabigla ay natanggal ni Sydney ang pagkakatakip ng mukha nya. Bistado na sya. Napalitan ng takot ang kaninang kabadong reaksyon nya.
“Ikaw yung kaibigan ni Hazel diba?” Tuwang-tuwang tanong ni Third.
Medyo nagtataka naman si Sydney sa sinabi ni Third. Andun sya? Kung nandun naman pala sya, bakit hindi sya nagpakita? Bakit pinabayaan nya lang kami don? Sabagay, mas mabuti na rin sigurong hindi sya lumabas. Baka natuloy pa yung rambol kung nagpakita sya kanina.
“Uhh... oo.” Medyo relieved na sagot ni Sydney matapos syang makahinga ng maluwag. Gustong-gusto na nyang makaalis sa lugar na iyon as much as possible. Hindi na nya kaya ang sunod-sunod na stress. “Ah, pasensya ka na ha. Medyo nagmamadali kasi ako. Una na ko, bye.”
Umalis kagad si Sydney at pumunta na lang sa direksyon papunta sa ospital. She knows na safe sya doon at walang makakakita sa kanya as long as nasa kwarto sya ni Sab. Doon na sya nagpalipas ng oras bago sya umuwi.
Habang nanonood ng TV, hindi maalis sa isip ni Haze si coffee shop girl. Kanina pa ito tulala at hindi nagfo-focus sa pinapanood nila ni Hazel. Napansin naman ito ng kapatid, at kinakabahan dahil baka nabisto ng kuya nya ang sikreto ni Sydney.
“A-anong problema kuya?”
Umayos ito ng upo at masinsinang kinausap si Hazel. Nadagdagan tuloy nag nerbyos nya dahil sa seryosong aura ng kapatid.
“Ahh... Hazel. Yun ba yung kaibigan mong nagpasama sa mall kanina? Matagal na ba kayong magkaibigan?”
Nag-iisip mabuti si Hazel at maingat na sumagot sa mga tanong ni Haze. In a way, she felt relieved dahil akala ng kuya nya ay si Sydney ang katagpo nya kanina. She toook advantage of the situation. Tumango ito bilang sagot sa unang tanong ng kapatid. “Kailan lang kami nagkakilala ni ate Sydney pero naging close na kami agad.”
Sydney. Sydney pala ang pangalan nya. Hihihhi. ♥ “Uhhmm... taga St. Mary’s din ba sya?” Kinikilig na tanong ni Haze na abot hanggang tenga ang pagkakangiti.
Tumango ulit si Hazel. “4th year na sya.”
Hindi mai-alis ni Haze ang pagkakangiti. Napansin naman ni Hazel na type ng kuya nya si Sydney. Boto naman sya at gustong-gusto maging ate si Sydney. Yun nga lang, medyo mahirap ang sitwasyon at imposible pang mangyari yon sa ngayon.
Nakita ni Haze ang plastic ng F21 na nakapatong sa sofa.
“Yan ba ang napamili mo? Patingin nga.”
Excited na ipinakita ni Hazel ang damit na binili para kay Sydney. Nagulat naman ang kapatid nito.
“Teka teka teka! Magsusuot ka nyan? Hindi ba masyadong sexy yan? Ibalik mo yan!” Napagalitan pa si Hazel ng over-protective nyang kuya.
“Hindi naman to para sakin eh. Binili ko to para kay ate Sydney.” Nakakunot ang noong sabi ni Hazel. Napalitan naman ang reaksyon ni Haze nang marinig ang pangalang ‘Sydney’. Dali-dali namang nanukso si Hazel. “Ano sa tingin mo kuya? Bagay kaya to sa kanya?” Nakangiting tanong ni Hazel na tila nanunukso.
Namula si Haze at inialis ang tingin sa damit at kay Hazel. “O-oo, oo naman.” Nauutal na sabi na Haze na tumayo na para umakyat sa kwarto nya. “Matulog ka na nga.”
Napangiti si Hazel dahil ito ang unang beses na narinig nyang mautal ang kapatid. Akalain mo yun, ang isa sa sikat na fire and ice, nauutal dahil sa isang babae. Kilig much.