Will you be his BABY . . .MAK...

By Khira1112

24.5M 250K 26.7K

UNEDITED VERSION. Maraming errors. Maraming wrong grammar at maraming emoticons. Read at your own risks. More

PROLOGUE
WYBHBM~~ Chapter 1
WYBHBM ~~Chapter 2
WYBHBM ~~ Chapter 3
WYBHBM ~~ Chapter 4
WYBHBM ~~ Chapter 5
WYBHBM ~~ Chapter 6
WYBHBM ~~ Chapter 7
WYBHBM ~~ Chapter 8
WYBHBM ~~ Chapter 9
WYBHBM ~~ Chapter 10
WYBHBM ~~ Chapter 11
WYBHBM ~~ Chapter 12
WYBHBM ~~ Chapter 13
WYBHBM ~~ Chapter 14
WYBHBM ~~ Chapter 15 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 15 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 16
WYBHBM ~~ Chapter 17
WYBHBM ~~ Chapter 18 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 18 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 18 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 18 part 4
WYBHBM ~~ Chapter 19
WYBHBM ~~ Chapter 20 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 20 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 21
WYBHBM ~~ Chapter 22
WYBHBM ~~ Chapter 23
WYBHBM ~~ Chapter 24
WYBHBM ~~ Chapter 25 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 25 part 2
WYBHBM ~~Chapter 25 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 25 part 4
WYBHBM ~~ Chapter 25 part 5
WYBHBM ~~ Chapter 26
WYBHBM ~~ Chapter 27
WYBHBM ~~ Chapter 28 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 28 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 28 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 29
WYBHBM ~~ Chapter 30
WYBHBM ~~ Chapter 31
WYBHBM ~~ Chapter 32
WYBHBM ~~ Chapter 33 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 33 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 33 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 34 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 34 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 35
WYBHBM ~~ Chapter 36
WYBHBM ~~ Chapter 37
WYBHBM ~~ Chapter 38
WYBHBM ~~ Chapter 39
WYBHBM ~~ Chapter 40
WYBHBM ~~ Chapter41
WYBHBM ~~ Chapter 42
WYBHBM ~~ Chapter 43
WYBHBM ~~ Chapter 44 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 44 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 45 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 45 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 45 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 46
WYBHBM ~~ Chapter 47
WYBHBM ~~ Chapter 48
WYBHBM ~~ Chapter 49
WYBHBM ~~ Chapter 50 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 50 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 50 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 51
WYBHBM ~~ Chapter 52
WYBHBM ~~ Chapter 53
WYBHBM ~~ Chapter 54
WYBHBM ~~ Chapter 55 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 55 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 55 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 56
WYBHBM ~~ Chapter 57 part 1
WYBHBMM ~~ Chapter 57 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 58 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 58 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 58 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 59
WYBHBM ~~ Chapter 60
WYBHBM ~~ Chapter 61
WYBHBM ~~ Chapter 62
WYBHBM ~~ Chapter 63
WYBHBM ~~ Chapter 64
WYBHBM ~~ Chapter 65
WYBHBM ~~ Chapter 66
WYBHBM ~~ Chapter 67
WYBHBM ~~ Chapter 68
WYBHBM ~~ Chapter 69
WYBHBM ~~ Chapter 70 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 70 part 2
WYBHBMM ~~ The Last Chapter
"Will You Be His Baby. . .Maker?!" is published under Life Is Beautiful (LIB)

WYBHBM ~~ EPILOGUE

283K 5.6K 2K
By Khira1112

HEAVEN POV


I cross out the 19th day of September in my calendar. Napatitig muna ako doon ng matagal bago ibinalik iyon sa side table.


"baby, 3 months na lang. . .please be strong." bulong ko habang hinihimas-himas ang tiyan kong may kalakihan na.


Ilang minuto na akong nakaupo sa gilid ng kama ng marinig kong may kumatok sa pintuan.


"come in."


Bumakas ang pinto at sumungaw si Kuya Hale. He looks handsome in his tux plus the gorgeous smile that could make women swoon in his feet.


"ready,princess?" nakangiting tanong nito.


"5 minutes pa,Kuya Hale. P-pwede?" nag-aalangang sabi ko.


"hurry, princess. Everyone is waiting downstairs."


Sunod-sunod ang tango na ginawa ko.


"I'll come back in 5 minutes." tapos lumabas siyang muli ng kwarto ko.


Tumayo ako at tinunga ang full length mirror. Matagal kong tinignan ang repleksyon ko sa salamin.


Wala naman akong nakitang pagbabago maliban sa paglalaki ng tiyan ko, yet I feel like I'm totally different person now.


. . .pero pakiramdam ko lagi na lang may kulang. . .


Napawi ang konting lungkot ng mapadako ang tingin ko sa mga litratong nasa center table. A picture of my family : Mom and Dad smiling sweetly, a picture of my brothers grinning like a pirate and a picture of me with the whole family.


It's glad to be back.


I reunited with them six months ago.


Ang pagkikita namin ni Kuya Hale sa airport ang nagsilbing tulay para makabalik ako sa piling ng totoo kong pamilya. . .


I will never forget the first time he introduced me to Lincolns. All of us couldn't hide our emotions. Lalo na sa parte ko. Hindi ko napigilang umiyak sa harap nila.


Sinabi ko kay Kuya Hale ang nangyari labing-walong na taon na ang nakalipas. The story behind my disappearance. Si Kuya Hale na din ang nagkwento sa buong pamilya. Nakita ko ang galit sa mga mata ng mga magulang ko para sa mga taong gumawa nito sa amin. Agad ding nawala yon at napalitan ng pananabik.


The first time they hugged me, nakaramdam ako ng kuryente sa buong sistema ko kasabay non ay ang walang kapantay na galak.


God gave me the chance to know my true identity and meet my true family.Faith had been kind. Lalo na ng marealize ko na ang totoo kong ina ay minsan ko ng nakita at nakausap. Remember the day when I went to Australia with Xandrei? Nang pauwi na kami,may babae akong nakatabi sa plane at nagbigay saken ng GC sa isang world class hotel.She's Hannah Lincoln. My biological mother.


Ang masasabi ko tungkol sa tunay kong ina ay puro magagandang katangian. Wala akong maipipintas sa kanya. She's lovely inside and out. An epitome of a good and loving mother. Napakaswerte ko na magkaroon ng nanay na tulad nya.


Lagi kaming nag-uusap, nagkwekwentuhan ng kung anu-ano. Walang araw na hindi kami nag-ba-bonding. Masaya ako dahil sa wakas, nararamdaman ko na ang kalinga ng isang ina.


My biological father's name is Jared. A protective but loving father. Tahimik lang si Daddy at laging seryoso. Nung una,natatakot ako sa kanya dahil baka isang oportunista o manloloko ang tingin niya saken. Pero noong araw na siya na mismo ang lumapit saken, nawala ang pag-aalinlangan ko. That was the first time I saw him cry. He apologize for being so careless. Kasalanan daw niya ang matagal kong pagkakawalay sa kanila. Pero agad akong kumontra, hindi niya kasalanan iyon. Hindi ko din naman masisisi ang kahit na sinong miyembro ng pamilya ko dahil hindi naman din nila ginusto ang lahat ng nangyari.Hindi din naman kasalanan ni Dad kung bakit may mga masasamang tao.


Ang mahalaga nakabalik ako sa kanila.


Nagpapasalamat na din ako sa mga tunay kong magulang dahil hindi sila nawalan ng pag-asa na makikita pa nila ako. Hindi sila nag-alinlangan na iparamdam sa akin ang buong pagmamahal nila. Nagpapasalamat din daw sila sa taong nagligtas at nag-aruga sa akin. Hindi na sila nagsalita tungkol sa pagtatago ni Papa ng katotohanan. Wala din naman akong maramdamang sama ng loob kay Papa dahil pinalaki naman nya ako ng tama at kahit hindi ako lumaki sa karangyaan, natutunan kong maging kontento at masaya. Siya ang tumayong ama at ina ko kahit hindi naman nya ako tunay na anak. Doon palang, sobra-sobra na ang dapat kong ipagpasalamat sa kanya.


Narealize ko din na masaya ang magkaroon ng malaking pamilya. Ang magkaroon ng mga 'kuya' na sobrang istrikto at minsan nakakainis na ang pagiging dominante pero mararamdaman mo na mahal na mahal ka naman nila ako. Feel na feel ko na din ang pagiging ate ko. Kung meron man akong masasabi, siguro request na lang para magkaroon ako ng kapatid na babae. Lahat kasi ng kapatid ko ay lalaki. Sobrang namangha nga ako ng malaman ko na may kuya akong kambal. Si Kuya Harren at Kuya Hale. Kambal sila pero hindi naman magkamukha at mas lalong hindi magkaugali. Maliban sa parehas sila ng edad at apelyido, parehas din silang gwapo. Yun lang ata ang common sa kanilang dalawa eh.


Isa pang kuya ko ay si Arqus. Ayaw niyang magpatawag na 'kuya'. Okay na daw ang 'Arq or Arqus' total magkalapit naman daw kami ng edad.


Ang bunsong kapatid ko ay si 'Harvs' short for Harvy James. Napakatahimik. Minsan di ko na maintindihan although I find him sweet in his own way. Minsan kasi bigla na lang siyang magbibigay ng kung anu-ano, mostly chocolates and bears. He calls me 'ate Heaven'. Even my parents call me by my true name. Ang mga Kuya ko lang ang tumatawag saken ng iba't-ibang endearments like 'princess'. I didn't mind.


No one calls me 'Heira'. Nakakamiss din pala ang matawag sa dati kong pangalan. 'Heaven' naman talaga ang pangalan ko kaya wala naman akong reklamo kung tatawagin ako ng pamilya ko sa pangalan ko na iyon.


Ngayong araw, pormal akong ipapakilala bilang Lincoln. Dapat maging masaya ako pero . . .tama nga bang maging masaya sa lagay ko ngayon?


Muling bumalik ang lungkot ,natabunan ang saya ko sa aking pamilya ng maalala ang aking kalagayan.


I'm six months pregnant. Ang pagbubuntis ko ay hindi normal. May mga komplikasyon pang kasama. I'm on a critical condition.


Nang malaman ko na buntis ako, sobrang saya ko. Pero gumuho ang mundo ko ng ipaliwanag ng doktor ang mga mangyayari saken at sa anak ko.


Kritikal ang kalagayan naming dalawa dahil sa paglaki ng tumor na hindi pa din natatanggal hanggang ngayon.


The doctors wanted to induce the child dahil naniniwala silang hindi darating sa full term ang anak ko,na maaaring mamatay lang ang bata once na maipit siya dahil sa lumalaking tumor o kaya naman malaglag na lang bigla.


Wala akong ginawa kundi iyakan ang mga sinasabi ng mga doctor.I had been so hysterical na halos magmakaawa sa kanila na iligtas nila ang anak ko.


They kept on insisting the operation to remove the tumor hanggang sa pinapili nila ako kung sino ba talaga ang dapat nilang iprioritize. My family got so angyry lalo na si Mommy, wala daw karapatang pumili ng buhay na ililigtas ang mga doktor. Its their job, bakit daw kailangan ko pang pumili? Bakit di na lang nila gawin ang parte nila?


Doctors defended themselves. Hindi naman daw sila gumagawa ng milagro. They wouldn't take all the blame. Scientifically speaking, hindi daw sila naniniwalang makakasurvive kaming pareho ng anak ko. Maliit na chance lang ang meron kami para mabuhay.


So,I've finally decided. Pinili ko ang bata. Ipinilit ko sa mga doctor ang gusto ko. Hihintayin kong dumating sa full term ang bata, isasabay ang operation sa pagdedeliver at mas as ipaprioritize nila si baby . . .


Gusto kong mabuhay ang anak ko. Gusto kong maranasan nya ang buhay ng normal na tao. I want him to feel love and to be love. I want him to find his own happiness, build his dreams and live his life to the fullest. I want him to know the feeling of satisfaction and contentment of what he will have and what others could give to him.


Him. . .sana nga lalaki ang anak ko.


Xandrei wants our first baby to be a boy. . .


Napangiti ako ng mapait.


Pumikit ako at tumingala. Ayoko ng umiyak. I've been crying too much since I left him.


Kung meron man akong pinanghahawakan ngayon, yun ang faith ko kay God.


Umaasa pa din ako na bibigyan nya ako ng chance na mabuhay. . .


Doctors are not God. Modern tech can't save all critical lives . Miracles do. Kaya nga dapat hindi ako mawalan ng pag-asa. Miracle will happen. . .


Dahan-dahan kong hinaplos ang tiyan ko.


I know life is really unfair. What I didn't know is how unfair it is.


Gusto kong maging ina. Gusto kong ako mismo ang magpapalaki at magaalaga sa baby ko.


Kailangan ba talaga na ganto kahirap? Yung ibang babae nga, kayang ipalaglag ang mga anak nila para lang magbuhay dalaga pero pagdating sa sitwasyon ko. . .napailing na lang ako. Sino ba naman ako para sumbatan ang mga plano Niya?


Dapat nga magpasalamat ako dahil hanggang ngayon, buhay pa kami ni baby.


Isa pang dapat ipagpasalamat ay madaling natanggap ng pamilya ko ang kalagayan ko. Alam kong nag-aalala sila and they are trying to hide it from me. Instead , they kept on motivating me. Isa sila sa pinagkukunan ko ng lakas ng loob.


Nakailang buntong hininga na ako para mawala ang bigat na nararamdaman ko.


Ang magagawa ko na lang ay magpakatatag.


I need to be brave for my baby. . .


May kumatok muli sa pinto at agad kong binuksan iyon. Bumalik na si Kuya Hale.


"time for you to go downstairs, princess. Naiinip na sila. . ."


Tuluyan kong naitago ang lungkot na nararamdaman. Napalitan ng excitement at kaba.


"I'm scared,Kuya. . .what if they won't like me?" insecurity takes place.


Kuya Hale held my hands and leaves a kiss in my forhead. "they will like you,princess. No need to worry. Lets go."


Humawak ako ng mahigpit sa kamay ni Kuya Hale. Ito ang unang pagkakataon na haharap ako sa madaming tao. Lahat ng imbitado ay mahahalagang tao kung hindi man parte ng pamilya.


Naramdaman siguro ni Kuya Hale ang panginginig ko dahil muli siyang lumingon saken.


"relax,princess. They won't bite you."


Tumango na lang ako at nagbuntong hininga.


Ang nakakapagpakaba saken ay baka husgahan nila ang sitwasyon ko because I'm pregnant with no husband. Natatakot ako na may masabi silang masama sa pamilya. Ayokong magkaroong eskandalo . . .


"ready?" nakangiti na muli si Kuya Hale. I smiled back with hesitation and nod.


-


Habang dahan-dahan kaming bumababa hagdan, nakatingin ang lahat sa amin. Kinakain ako ng kaba.


Malakas ang tugtog. Waltz. Geez. Parang disney princess lang ang feeling.


I saw my parents smiling on us. Ganon din sila Kuya Harren, Arqus at Harvs. Maski ang mga taong nasa paligid.


Nang tuluyan na kaming nakababa. Lumapit si Kuya Harren at kinuha ang kamay ko kay Kuya Hale.


"you're so lovely tonight,princess." he whispered. Kuya Harren gathered me in his arms and place my hands on his shoulders.


"w-what are we going to do?" para akong ewan na nangingiti na lang. Wala kasi talaga akong alam sa mga dapat gawin. Ang instruction lang nila saken ay 'go-with-the-flow'. Wala ngang rehearsal man lang ang okasyon ngayon. Siguro, meron. Hindi nga lang ako sinasama. Wala akong alam sa plano nila. Hindi din nila sinabi kung ano ba talaga ang ise-celebrate namin ngayong araw.


"we will dance."


Nanlaki ang mata ko. Seryoso?


Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Nahihiya ako. Mamaya, maapak-apakan ko lang ang paa ni Kuya Harren.


"nervous?"


"and tense." dugtong ko. Natawa si Kuya. "seryoso,Kuya? Hindi ko talaga alam na may ganto. Sana sinabihan mo ako para nakapag-practice naman tayo." mahinang sabi ko.


"no need for that,princess. I don't mind kahit tapakan mo pa ang paa ko." sagot ni Kuya Harren.


Natawa na lang ako ng mahina. He is my Kuya Harren. Ewan ko kung bakit sobrang ganda ng aura nya ngayon. Sa totoo lang, Kuya Harren is a serious type of guy. Take note : He is a snob when it comes to women. Siya yung tipong nakakunot na agad ang noo kapag may lalapit sa kanyang babae. Yun ang pinagkaiba nila ni Kuya Hale. Si Kuya Hale kasi malapit sa mga babae. Woman hater kaya si Kuya Harren?


We dance slowly. Nakalimutan ko na ang hiya.


"pricess?"


"hmm. . ."


"be strong. I know you can survive the operation with the baby. . ."


Napahinto ako sa pagsasayaw.


"I know you are brave. I really admire your braveness. Huwag mong kakalimutan na nandito lang ako. Kami."


My eyes become misty.


"you're making me cry,big bro. . ." natatawang sabi ko pero ang totoo, babagsak na ang mga luha ko.


"my turn,brother." dahan-dahan akong pinaikot ni Kuya Harren. In one swift move, hawak na ni Arqus ang bewang ko.


"Hi,princess. Miss me?" Natawa na lang ako sa biglang bira nya. Ganto talaga si Arqus. Madaming alam. "do you want me to punch,Harren? He made you cry." nakangising sabi nito.


"silly."


"Actually, I also want to do the same. Pero syempre dapat tears of joy. I'm going to punch myself afterwards." pinalo ko sya sa braso habang tumatawa ng mahina.


Arqus is a joker. Siya talaga ang nagpapatawa sa loob ng bahay. Minsan nga nagpapakornihan kami ng jokes. Sa kanya medyo havey. Ako? Asa pa.


"anong itsura ni pooh?"


"joke ba yan?"


He grinned.


"kamukha ni winnie?" hula ko.


"hmm,hindi."


"o e ano?"


"edi. . .POOHgi." tapos tumawa sya ng malakas.


Seriously?! Hindi ko din napigilang matawa ng malakas. Masnatawa pa ko sa lakas ng tawa nya kesa sa joke. Napapangiti ang mga taong nakatingin samin.


"meron pa."


"eh. Ayoko na. Nakakahiya sa mga bisita oh."


"hayaan mo sila.Last na 'to, promise."


"oh ano pa?"


"anong surname ni Cedie?"


"hmm,ano?"


"player."


"player?"


"oo.CEDIE player."


Napatakip na lang ako ng bibig para di matawa sa kakornihan ni Arq.Nakakahiya na talaga sa mga bisita.


"sana marinig ko pa ang mga tawang yan after your operation." humigpit ang pagkakahawak ni Arqus sa bewang ko.Napatigil ako sa paghagikgik.


"you are so precious to me. Sayo lang bumibenta ang mga jokes ko,eh. Kapag nawala ka, sino pang mapapasaya ko?"


Hindi ko mapigilang mapangiti sa mga sinasabi ni Arqus.


"I love you,princess. We all love you. Tandaan mo yan." he kiss my forehead and make me turn.


My partner now is Harvs.


"sis." he smiled a little. A rarely see him smile. Tahimik lang din kasi itong bunso namin. Minsan blanko din ang mukha. Hindi mo mababasa ang emosyon sa mga mata. Pero kahit na ganyan sya, katulad nga ng nasabi ko kanina, sweet si Harvs in his own way.


"I have something for you."


"let me guess. A box of chocolate or cake? A teddy bear?"


He grinned boyishly. "none of the above."


"ano?"


May kinuha sya sa bulsa nya at may maliit na box syang kinuha. Pinahawak nya yon saken.


"mamaya mo na buksan. Huwag mo lang bibitawan."


"anong laman nito?"


"secret."


Kinurot ko sya sa pisngi. "cute cute! Sumi-secret ka na ngayon ha."


Umiwas sya ng tingin. Harvs is blushing! "I'm not cute.I'm handsome."


Natawa na lang ako sa huling sinabi niya.


I hug him and whispered "I guess you're right."


We dance for a minute bago sya muling magsalita.


"be happy,sis."


Hindi ko na sya natanong kung ano ang ibig niyang sabihin dahil inikot na nya ako. Si Kuya Hale na ulit ang partner ko.


"my turn to dance our princess."


"tinalo ko na ata ang disney princesses jan sa tawag nyo saken ni Kuya Harren at Arqus." biro ko.


"you will always be our princess kahit 50 years old ka na."


We both chuckle.


"its good to hear you laugh,Heaven."


"ikaw din dapat Kuya. You should laugh more often."


Kumunot ang noo niya.


"you've change since your break up with Kara."


The magic moment was gone. Napaiwas ng tingin si Kuya Hale. Pinagsisihan ko naman ang pagpapaalala non sa kanya.


Kara and him broke up four months ago.


Nasaktan sya nang aminin ni Kara na ginamit lang sya nito.


Ilang araw naming hindi nakausap si Kuya Hale. Then he took a week vacation at di namin alam kung saan sya pumunta. Pagbalik nya,parang ibang tao na sya. Hindi na siya si Hale na madaling tumawa, palabiro at masayahin. Nagbago sya. "sorry kung pinaalala ko pa. . ."


"it's okay. Nakapagmove-on na ako."


I don't think so. . . Hindi sumasang-ayon ang utak ko. Alam kong minahal talaga ni Kuya Hale si Kara. Hindi madaling mag-move on kapag mahal na mahal mo ang tao. . .


Moving on. . .


Baka pagtawanan lang ako ng mundo kapag nalaman nila na sa anim na buwan lumipas, hindi naman nabawasan ang nararamdaman ko kay Xan. Others wouldn't believe me pero di talaga ganun kadaling kalimutan ang lahat. Sa totoo lang, my memories with him is my source of strength. Yun ang dahilan kung bakit hindi ko magawang bitiwan ang anak namin. . .


The baby is a big bonus. A remembrance of my love for him. Hindi ko hahayaang mawala lang ang anak namin ng ganun na lang.


Naalala ko three months ago, muntik ng mawala si baby. Yun yung araw na umuwi ako ng Pilipinas at nagpumilit sumama kina Kuya Harren at Kuya Hale. Then I saw him. . .


He is happy without me and he's getting married.


Nasaktan ako. Ang akala ko madali na lang tanggapin kung sakaling makahanap sya ng ibang babae na makakapagpasaya sa kanya.


Hindi pala.


The day I saw him with Miyu. Parang gumuho na lahat.


Nang mawalan ako ng malay, sa ospital na ako nagising. Narinig kong nag-uusap ang doctor at ang mga kuya. The doctor said that my baby is in distress . Na malaki ang posibilidad na malaglag si baby kapag hindi ako nag-ingat.


After two days, we went back to L.A. Hindi ko na gustong makita ulit si Xan at Miyu dahil ayoko maulit ang nangyari.


But still, I love him. . .


and I'm missing him. . .


"princess."


Naputol ang iniisip ko ng marinig kong nagsalita si Kuya Hale. Tumingala ako sa kanya.


"masaya ka ba?"


Masaya nga ba ako?


Sa pamilya ko? Oo.


Pero sa sarili ko? Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot.


From the very start, I know there was something missing kaya hindi ako lubusang maging masaya.


"I'm happy ,Kuya Hale. . ." pilit akong ngumiti.


Napatitig sya saken ng matagal.


"I honesty wanted you to be happy,Heaven. I know you are happy with us, with the whole family. . .pero what about your feelings that you keep on hiding? Hindi mo matatago samin ang lungkot mo. . ."


"am I that transparent?"


"you hide it well,Heaven. Others wouldn't notice it . Pero saken?" umiling sya. "I can read minds,you know. I am a reincarnation of Edward Cullen."


Natawa ako sa huling sinabi niya. "means you're a vampire?"


"I'm too handsome to be a vampire.God of Olympus suits me more."


"ang yabang!"


He laugh with me. It feels good.


Atleast sa oras na 'to,totoo ang pagtawa ni Kuya Hale.


"time to dance with the King,princess."


He spin me slowly. The next thing that I knew, I am already in my father's arms.


"looking good."


"thanks,Dad. Atleast maganda ako sa paningin mo kahit malaki ang tiyan ko."


He chuckled. "that gives you additional attraction."


"totoo nga sinabi saken ni Mom,Dad. Bolero ka talaga."


"nah. Minsan lang."


"by the way,Dad. You look handsome too."


"I am fishing for more compliments."


Natawa ako. "nagmana pala sayo si Kuya Hale. Parehas kayong mahangin."


"Hindi kayabangang ang tawag doon ,anak. I'm proud. Is that a bad thing for my only daughter?" nakangiting sagot ni Daddy.


"nah. I'm also proud of it."


"and I'm proud of you , my dear."


"papaiyakin mo din ba ako , Daddy ?"


Ngumiti lang si Dad. Inayos ang ilang hibla ng buhok ko na kumawala sa pagkakatali.


"alam mo ba kung ano ang araw ngayon ?"


"Wednesday. September 19. Why ?"


"do you know what are we celebrating today ?"


Umiling ako.


Matagal na hindi sumagot si Daddy. Nagpatuloy lang kami sa pagsasayaw. Nang hindi ko na mapigilan ang curiousity ko ,ako naman ang nagtanong .


"ano bang meron ngayon , Daddy ?"


"today is a very special Day, Heaven. . ."


"ano nga pong meron ? Birthday nyo po ?"


Umiling si Dad.


"anniversary ninyo ni Mommy ?"


Umuling ulit sya.


"e ano pong meron ngayon ?"


"first of all ,anak. . . gusto kong malaman mo na mahal na mahal ka namin ng mommy mo . . .ng mga kapatid. When you came back after eighteen years of suffering , hindi birong saya ang naramdaman naming lahat."


Huminto saglit si Dad at hinalikan ako sa noo.


"Happy 18th Birthday , Heaven."


Napasinghap ako.


"D-dad?'


"at gusto ka naming maging masaya." dagdag pa ni Dad.


Tuluyan na akong napaiyak. Hindi ko inaasahan ang sorpresa nila sa akin . Hindi ko alam na ngayon pala talaga ang kaarawan ko. I thought I already turned eighteen six months ago.


Mahigpit akong kumapit sa leeg ni Dad at umiyak sa balikat nya.


"thankyou ,Dad. . .sa inyong lahat. You surprised me."


"May regalo kami sayo." bulong ni Dad sa akin. Napatingala ulit ako sa kanya.


"what is it ?"


Sumayaw kaming muli . Hindi na ulit sumagot si Dad, isang makahulugang ngiti lang ang ibigay nya sa akin.


"Dad, ano nga po yun ?" pangungulit ko pa.


"He's here. . ."


Hindi ko na lubos na naisip ang sainagot ni Dad saken dahil inikot na nya ako. Ang sumunod na naramdaman ko ay ang pagdapo ng mga kamay sa bewang ko.


Ang when I looked up, I gasped once again.


"X-xandrei. . ."


He's smiling at me.


Siya ba talaga ang nasa harap ko ngayon ?


Lumingon ako sa likod , nakangiti pa din sa akin si Dad.


He's here. . .


He's here. . .


He'e here. . .


. . .gusto ka naming maging masaya. . .


Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. .


My happiness is here . . .

 

XANDREI POV


"nasa taas pa sya, maya-maya lang bababa na na yon kasama ang Kuya Hale niya."


Wala akong nagawa kundi tumango na lang.


Kinakabahan ako. Pinagpapawisan ng malamig. Para akong hihimatayin anumang oras.


"huwag kang kabahan . Alam kong magiging masaya ang anak ko kapag nakita ka nya." nakangiting sabi sa akin ng magandang babae na may edad na .


Tango lang ang naisagot ko sa kanya. Hindi pa rin kasi non napapaalis ang kaba na nararamdaman ko.


Nakatingin lang ako sa sahig . Hindi ko na nga napapansin ang pagdami ng mga bisita sa paligid.


"hijo. . ."


"po?"


"mahal mo pa din ba ang anak ko ?"


Nabigla ako sa tanong niya. Ang nasa harap ko ngayon ay si Hannah Lincoln. Heira's biological mother. Hindi ko malaman kung ano ba ang dapat kong isagot.


"mahilig magkwento saken si Heaven. Karamihan ng napaguusapan namin ay tungkol sa lalaking mahal na mahal nya . Sinabi nyang madami syang kasalanan sa lalaking yon . . .na nasaktan nya ito , nasira nya ang pangako nya at malamang wala na itong tiwala sa kanya. Ang pinakamalalang kasalanan daw na nagawa nya ay tinalikuran nya ito at iniwan na alng basta-basta."


Napaiwas ako ng tingin . May kurot ng sakit sa dibdib ko pero hindi ko yon binigyang pansin . Huminga na lang ako ng malalim. Hindi pa nga naguumipisa ang lahat , magiging emosyonal na agad ako. Parang hindi ako tunay na lalaki sa lagay na 'to.


Nagpatuloy si Mrs.Lincoln.


"gusto ko lang malaman kung gaano mo pa kamahal ang anak ko. Pagtapos ng mga nagawa nya , hindi ba naging malaking kabawasan iyon sa nararamdaman mo , hijo ?"


Tumatak ang bawat tanong nya sa isip ko.


Bakit nga ba ganon ?


Bakit nga ba naging ganto ang sitwasyon ?


Bakit nga ba nandito ako ngayon ?


Mahabang paliwanagan pero handa naman akong sabihin ang lahat.


Kusang naglakbay ang isip ko sa mga pinagdaanan ko ng mawala saken si Heira.


Nang dumating si Miyu para tulungan akong ayusin ang sira-sirang pagkatao ko.


Miyu is a good woman . Siguro iniisip ng iba na isa syang kontrabida pero hindi naman talaga. napakabuti nyang tao. . .


Nang inakala kong maayos na ang lahat at masya na ako sa piling nya , I offered to marry her. Dahil na rin sa natanggap ko na sya talaga nga talaga ang para saken . Yun naman kasi dapat ang mangyari , di ba ? Sa umpisa palang , sya namn talaga ang dapat kong paksalan dahil huli naman na ng malaman ko ang tungkol sa addendum. Isa pa , gusto ko na talagang masiguro ang nararamdaman ko. Desperado na kumbaga. Kaya sa loob ng tatlong buwan na nakasama ko sya , inalok ko na ng pormal ang pangalan ko.


Naaalala ko pa kung ano ang mga katagang isinagot nya saken.


FLASHBACK


Hinihintay ko ang sagot nya sa akin . I expect this moment to be glorious. . .na hindi na kailangang pahabain pa ang usapan.


pero hindi sya agad sumagot. Nakatitig lang sya saken ng matagal.


"Have I grown two heads?" biro ko. "wala ka bang isasagot sa proposal ko ? Silence means 'yes'. . ."


Hindi pa din sya umiimik pero umiwas sya ng tingin . I saw her eyes got misty.


"Miyu-"


"Xan , I'm sorry. I reealy am." napahagulgol sya sa harap ko.


Nawala ang ngiti sa mga labi ko at napakunot na lang ng noo.


"may problema ba , Miyu ?"


Hindi sya sumagot. Patuloy lang sya sa pag-iyak.


"hey." lumapit na ako sa kinauupuan nya at lumuhod sa harap nya. "may problema ba tayo , Mi? May nagawa ba ko ?" nababahalang tanong ko.


"I c-can't marry you , Xan. . ."


"why?"


"I-I'm pregnant. I'm four months pregnant , Xan."


napaawang ang labi ko . Napabitaw ako sa pagkakahawak sa kamay nya. Dumako ang tingin ko sa tiyan nya na hindi naman napapansin ang kalakihan . For me , she's still slim. . .paano nangyari yon ?


"I know what you're thinking . I can explain , Xan. Maliit lang ang pagbubuntis ko kaya nagawa ko 'tong matago sayo ng ganto katagal. . .kahit kay Dad." pinunasan nya ang mga luhang bumabagsak sa pisngi nya. "Sorry , Xan. Hindi kita mapapakasalan."


"Paanong . . . I mean -"


" nangyari 'to bago pa kita nakita ulit. Kailan ko lang din nalaman na buntis ako. Hindi ko alam na nagbunga ang mgta kalokohan ko. . .I love you , Xan. I really do. Pero hindi ako ang babae para sayo. . ."


Matagal akong natigagal.Paano ba dapat magreact sa gantong sitwasyon ? Nakatingin lang ako sa kanya sa loob ng mahabng sandali.


"sino ang ama ?" imposible naman kasing ako. She said it's already a four month fetus. Isa pa , wala namang nangyari samin ni Miyu.


"you don't know him . . ."


"you will raise your child alone ?" tumaas ang boses ko.


"y-yes."


"damin it, Miyu. Walang kikilalaning ama ang bata ? Hindi mo amn lang hahanapin ang ama nya ?"


"It was just a . . .one night stand. Hindi ko na gustong magkita pa kami."


Napaawang muli ang labi ko.


"what now? Anong gagawin mo?"


"h-hindi ko alam. . ."


Napapikit na lang ako sa gusto nyang palabasin . May naisip akong isa pang paraan at agad kong sinabi yon sa kanya.


"Let's get marry then. Kesa naman maging single parent ka. Kaya ko namang . . .kaya ko namang maging. . . ama." medyo humina ang boses ko sa pagbanggit sa huling salita. A long time ago , I dreames of becoming a father. Pinangako ko sa sarili kong magiging mabuting ama ako sa magiging anak namn ni. . .


Pinutol ko na ang mga alaala . Hindi ko na kailangang isipin pa ang mga bagay na nagbigay saken ng sobra-sobrang sakit. Kinalimutan ko na yon at masaya na ako ngayon . . .


"ayoko , Xan . Hindi mo na ko kailangang saluhin . This is my fault. . ."


"isipin na lang natin ang bata , Mi-"


"I don't want you to feel trap ng dahil lang sa kalagayan ko ngayon . Mapapalaki ko ng maayos ang anak ko without a father. . .at kahit pa mahal kita , hindi ko gugustuhing maging replacement ka lang ng iba. You deserve happiness , Xan . At gusto kong mahanap mo ang sarili mo."


"I already found myself, Miyu. Tinulungan mo pa nga ako , di ba ?"


"masaya ka lang , Xan. Pero hindi ko magagawang ibalik yung dating , Xandrei. . ." malungkot na sabi nya.


"what do you mean ?"


"hindi ko sya mapapalitan , Xan . Alam ko . . .Ramdam ko na pinipilit mo pa din syang kalimutan pero hindi mo magawa. Nabubuhay ka sa pagbaon ng mga alaala at pagtatago ng galit. Nagpapanggap kang masya kahit hindi naman talaga. Siguro nga napapasaya kita , pero Xan , masmasaya ka pa din sa kanya. . .mas mapapasya ka nya."


Kinuha nya ang kahon na naglalaman ng singsing at isinara yon .


"ang mapapayo ko sayo , hanapin mo sya. Give yourself a chance to find true happiness. Maghanap ka ng paliwanag , pansamantala mong kailimutan ang galit, wag mo ng pangibabawin ang pride and the last thing will be the most imporant, hwag mo na piliting itago ang pagmamahal mo kay Heira. Baka pagsisihan mo yan habang-buhay. . . "


Hindi ako makapagsalita. Tumututol ang isip ko sa mga pinagsasabi nya pero ang puso ko ? Hindi ko alam . Bumilis lang ang tibok pero hindi ko alam kung ano ba ang ibig sabihin non . . .


"are you breaking up with me ?" mahinang tanong ko.


"No ,Xan. I'm making you happy. . ."


END OF FLASHBACK. . .


"hijo?" naputol ang mga iniisip ko ng muling magsalita si Mrs. Lincoln.


"I'm s-sorry. Lumilipad ang isip ko. . ."


Bahagyang natawa ang babae at pinisil ang balikat ko.


"sa tingin ko hindi ko na kailangan pang magtanong . Papanuorin ko na lang ang mangyayari mamaya. . .Make my daughter happy , Alexandrei. . ."


Iniwan na ako ni MrsLincoln at nag-accomodate na ng mga bagong dating na bisita. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko.


"nagbago na ba ang isip mo ?"


Napalingon ako sa likod ko. Lumapit saken si Xandra. Kasama ko syang pumunta dito.


Umiling ako. "natetensyon ako."


"Normal lang siguro yan , lil bro. Lalo na kapag nakita mo na ulit ang taong mahal mo . . ."


"parang may pinaghuhugutan ka ha."


"w-wala ah."


Hindi ko na sya pinansin . Nadadala na ako ng kaba at takot . Ano kaya ang magiging reaksyon nya kapag nalaman nya na nandito ako ?


Matutuwa kaya sya ?


I sipped on my wine para na din mabawasan man lang ang kaba ko. Paano ko sya natunton dito ?


Ilang araw kong pinag-isipan ang ang sinabi ni Miyu. May pagaalinlangan nung una. Pakiramdam ko nga sa simula , napipilitan lang ako.


Kinausap ako ni Xandra. Ang sabi nya sasamahan nya ako sa Italy. Magbakasakali na nandun si Heira at Cyfer. Humingi ng paliwanag. . .


I obliged. Para na din mapakawalan ko na ang sarili ko sa mapapait na alaaala.


Pagdating namin sa Italy , Cyfer was already working on a farm owned by his uncle.


Nabigla pa sya ng makita nya kami ni Xandra.


Nkaramdam ako ng galit ng makaharap ko sya , gahiblang pagtitimpi ang ginawa kio para lang hindi sya sugurin at paulanan ng suntok.


Si Ate Xandra ang unang kumausap sa kanya. Nang magtanong si Ate kung nasaan si Heira , parehas kaming nabigla sa sinagot ni Cyfer.


FLASHBACK


"She didn't come with me. . ."


"what?!" napabulalas kaming dalawa ni Ate.


"Naghiwalay kami sa Airport."


"Bakit? Saan ba sya pumunta? Nagsisinungalingt ka ba ha ?"


Matalim na tingin ang ibinato saken ni Cyfer . "Damn you. Kung ayaw mong maniwala , wala na akong pakialam . I'm going." akmang aalis na si Cyfer pero pinigilan sya ni Ate.


"Cy, wait! W-we want some explaination. Nasaan si Heira? Bakit sya biglang umalis? May alam ka ba ? P=-pwede mo bang sabihin samen ? Please. . ."


"what took you so long ? Bakit ngayon mo lang sya hinanap?"


Hindi agad ako nakasagot.


"I need time to heal myself." mahinang sagot ko. "now , tell me what happened. . ."


"She went to L.A. Hahanapin nya ang magulang nya."


Ipinaliwanag ni Cyfer ang paghahanap ni Heira sa tunay nyang pamilya. Nalaman nito na ampon lang sya ng kinilala nitong ama at may pag-asa pang makilala ang tunay na pamilya.


Nakikinig lang ako kay Cyfer. Maslalaong dumami ang tanong sa isipan ko .


Nang huminto si Cyfer sa pagsasalita , nagtanong ako ulit. Hindi ko naitago ang sakit at pait na itinatago ko.


"why. . .did she leave me ?"


Matagal na natigagal si Cyfer.


Para akong nagkapira-piraso ng marinig ang tunay na rason kung bakit umalis si Heira.


"She can't give you a child. Thre's a tumor in her womb."


END OF FLASHBACK


Nang maipalawan na lahat ni Cyfer , pakiramdam ko nabugbog muli a ng buong pagkatao ko. Hindi ko kinaya ang araw na yon . Halos lunurin ko na naman sa alak ang sarili ko.


Thye next day , nag-hire ako ng PI para alamin ang hotel na sinabi ni Cyfer. Paglipas ng ilang araw, nakakuha ako ng feedback.


Ang owner ng hotel ay ang mga Lincolns.


Una , kailangan kong masiguro na sila talaga ang pamilya ni Heira. The PI worked hard to get a lot of informations. Nalaman ko na may nawalang anak ang mag-asawang Lincoln eighteen years ago. Doon palang tumining na ang hinala ko. I planned the first move.


Hindi naging madali ang pagharap ko sa pamilya nila. Kailangan kong ipaliwanag ang lahat.


Hindi din madaling kumuha ng appointment sa mga ito. Kung di lang sa madaming koneksyon ng DVI , hindi ko siguro makakusap ang mga taong 'to.


Ang una kong nakaharapa ay ang kambal na kapatid ni Heira. Sa kanila ako unang nagpakilala. Kung di ko napaliwananag ng husto ang kailangan ko sa kapatid nila , malamang binangasan na nila akong dalawa. Mahabang paliwanagan ang nangyari. Dumating din sa punto na pinapunta na nila ang mga magulang nila. Nakumpirma ko na sila talaga ang pamilya ni Heira.


Halos nagmakaawa ako sa kanila. Nasabi ko na lahat ng alam ko . Mag-iisang buwan na haloas ng mangyari iyon .


"The party is going to start , Xan . Nakatulala ka na naman jan."


"sorry."


"Hwag ka ng kabahan jan. Think positive."


"pano kung di na nya ako gustong makita ?"


"napaka-nega mo , lil bro. Give yourself a break."


Nahinto ang pag-uusap namin ng dumilim ang paligid. There is the spotlight . . .nakatutok yon sa dalawang taong bumababa ng hagdan.


"Heira. . ."


Nanikip ang dibdib ko ng mapagmasdan ko syang bumababa ng hagdan .


Halos matanggal ang puso ko sa saobrang dami ng emosyon na nararamdaman ko. . .


She's pregnant . . .


Her family told me so . Iba lang ang pakiramdam kapag nakita na nangharapan .


Isa pa , minsan ko lamang sya makita . Sa malayuan pa parati. Ang pamilya nya mismo ang nagtakda kung kailan ko sya pwedeng lapitan at makausap.


and they set it today. . .


Kumwala ang isang butil ng luha mula sa mata ko.


Wala na akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao.


Masaya ako. . .


Ito yung saya na hinahanap ko. .


Ito yung saya na sinasabi ni Miyu. . .


Siya ang kasiyahan ko.


I watched her every move. . . the way she smiles, God. I miss her smile. She laugh as she talks with them . She danced with her brothers then with Mr Lincoln , her biological father.


I've met them all. The men in her family. They already gave me their threats. Sa ibang pagkakataon matatawa siguro ako. Pero guinawa kong tulay ang mga sinabi jila saken para magkaroon ako ng lakas ng loob na harapin siya sa araw na 'to.


Hindi na nga pala 'Heira' ang pangalan nya. She is now 'Heaven Erah Lincoln'.


Her mother tapped my shoulders ,it's my turn . . .


Dahan dahan akong lumapit sa kanila. Narinig ko ang ilang bulungan ng mga bisita , masmalakas pa din ang tibok ng puso ko kesa sa tugtog na naririnig ko. Nakuha ko ang atensyon ng karamihan.


Nang iikot sya ni Mr. Lincoln papunta saken at nahawakan ko na ulit sya , natitigan ng malapitan , parang huminto ang oras.


She gasped as she recognized me.


"X-xandrei . . ."


Tumingin sya sa paligid pagtapios ay saken muli. Nanginginig ang mga kamay ko.


Ano ba ang dapat kong sabihin ?


Hindi ko alam .


Ang isang bagay na alam ko , hindi ito isang panaginip. Kung panaginip man , isusumpa ko ang taong gigising saken .


"Am I dreaming ?" she whispers.


Umiling ako.


"What are you doing here? How . . .did you find me here ?"


"I followed my heart."


"Xan . . ."


"I want to punish you for leaving me unexpectedly."


"Sorry , Xan. Sorry. Sorry. . ." patuloy ang pag-iyak nya at para akong pinapatay sa bawat hikbi mula sa kanya.


"hush now. . .ang mahalaga ngayon , nakita na kita. . "


Nagtatakang napatigin sya saken . Hurt visible in her eyes.


"you're pregnant. Akin din sya di ba ?"


"y-yes. . ."


"ang dami mong kasalanan sakin ,babe." nakangiting sabi ko.


"I know . . ."


Alam kong madaming nakatingin sa amin . Wala akong ibang nakikita kundi sya lang. Oras namin 'to. Wala na kaming pakialam kung madami mang makakakita at makakakinig sa aming dalawa.


"kailangan mo bumawi. . ." hindi ko na sya hinintay sumagot. I cupped her face and kissed her passionately sa harap ng maraming bisita. When she kissed me back , my wounds already healed. I'm finally free from missery.


In that long kissing moment , I've realized many things, tama si Miyu. Isang babae lang ang makakapagpadama saken ng sobrang kasiyahan. The old Xandrei is back.


"I want to give you a lifetime punishment. You'll be my wife, Heaven Erah Lincoln. I wont accept  'no' for an answer." I said between my kisses. Marahan nya akong tinulak.


"w-what did you say?"


"We will marry."


"H-hindi mo alam ang sinasabi mo ,Xan." nabasag ang boses nya.


"Alam ko lahat , Heira. Alam ko lahat. . .ang tungkol sa pamilya mo , ang kalagayan mo , ang sakit mo . . ." gumagaralgal na din ang boses ko. "alam ko lahat ng tungkol sayo. Nahuli man ako ng ilang buwan , I still have a lifetime to prove it to you. Just give me a chance. Chance lang ang hinihiling ko."


"I don't want to be a burden to you-"


"You will never be a burden to me. Kahit may sakit ka , aalagaan kita. Kahit di na tayo magkaanak , tatanggapin ko. Pero Heira, may pag-asa pa tayo di ba ? " nilagay ko ang kamay ko sa tiyan nya. "Andito na sya. All we have to do is wait and keep our faith strong. Bakit kailangang bitawan mo agad ako? Hindi ba pwedeng lumaban tayo pareho?" kinuha ko ang box na hawak nya. Yun ang box na binigay ni Harvy kanina kay Heira habang nagsasayaw silang dalawa. "I'm yours and will be yours forever. Accept my proposal ang lets fight together." binuksan ko ang box at lumuhod sa harap ni Heira. "For the second time around . . .will you marry me ?"


She was stunned, unable to say even a single word.


"I'm waiting , babe. . ."


"a-ang alam ko . . .magpapakasal ka di ba ? t-the addendum ? I thought-"


"Miyu wants me to be happy. Siya pa nga ang nagsabi na hanapin kita. Madaming dahilan kung bakit andito ako ngayon . Ipapaliwanag ko sayo lahat kung 'oo' ang isasagot mo."


Bawat segundo na lumilipas tumataas ang kabang nararamdaman ko. Natatakot ako na tanggihan nya ulit ako dahil sa kalagayan nya.


"Please , Heira. Let me be with you again . . ."


Then she gave me a smile that could light the whole world.


"punishment granted. I'll marry you , Xan. . ."


I put the ring on her finger. I stood up and kissed her once again.


"Happy 18th Birthday , my Heaven. I love you so. . ."


- WEDDING DAY -


Punung-puno ang ng mga bisita ang reception venue.Heira and I just got married. Halos isang buwan lang ang paghahanda para sa kasal naming dalawa. Wala na din kaming inaksaya pang panahon.


Araw-araw kaming magkasama . Hindi ko na gustong malayo pa sa kanya. Si Ate ang namamahala ng mga trabaho ko sa DVI. Hangga't-maaari , ayokong iwan si Heira lalo na sa kalagayan nya ngayon.


May mga araw na inaatake sya ng sakit . Gusto kong pawiin iyon . Sa tuwing nakikita ko syang dumadaing , hinihiling ko na sana ako na lang ang nasasaktan. Nanghihina ako sa tuwing naiisip ko ang kalagayan nila ng anak ko. . .yun ang dahilan kung bakit ayaw ko syang iwan.


Huminga ako ng malalim . Hindi dapat ako nagiisip ng negatibo. This is a memorable day. Our wedding Day. . .


"Xan. . ."


Lumingon ako. I saw my wife so lovely with her wedding dress. Kahit malaki na ang tiyan nya , she managed to wear a bridal dress. Inalalayan ko syang maglakad. Hinarap namin ang mga bisita. Lahat ay bumabati at masaya para saming dalawa.


"andito na sya. . ." bulong ko sa kanya.


"sino?'


"the most awaited guest."


"sino ba yun ? May hinihintay ka ?"


Ngumiti lang ako at tinuro ang taong nasa entrada. She gasp as she saw him.


"Cyfer!"


Lumapit agad kami kay Cyfer.


"wow. . .Ilang buwan na yan ?"


"mag-e-eight months na. God , Cy! Ibang-ba ka na."


"masgwapo ako ngayon ?"


"you look . . .old."


tumawa ng malakas si Cyfer pagtapos ay tumingin saken.


"Congrats sa inyo." nakipag-kamay sya saken at tinanggap ko naman yon . "Masaya ako para sa inyong dalawa."


"Thanks, lil brother."


"Salamat. Cyfer. Akala ko hindi ka pupunta sa kasal namin. . ."


"I want to surprise you kaya di ko pinasabi ."


"and you did. Kamusta ka na?"


"I'm fine."


Hinayaan ko silang mag-usap. Lumapit naman sa akin si Ate at sumenyas kaya naglakad ako papalapit sa kanya.


"ano yon ?'


"Miyu is here." nakangiting sabi nito.


"where?" agad na hinanap na mga mata ko si Miyu. There she is. Wearing a simple yellow dress na medyo hapit sa katawan nya kaya kitang-kita ang umbok ng kanyang tiyan but it doesn't make her less pretty. Agad din akong lumapit sa kanya.


"Congratulations , de Vera."


"I'm glad na pumunta ka sa kasal ko. . ."


"syempre naman ."


"how are you ?"


"enjoying my pregnancy. Ang sarap pala talaga kumain."


Natawa ako sa pinagsasabi nya. Ilang minuto na kaming nagkwekwentuhan ng makita kong papalapit sila Heira at Cyfer.


"come and meet my wife." sabi ko kay Miyu.


Pinakilala ko si Miyu kay Heira. Nagakagulatan pa silang dalawa.


"I. . .know you. . ." sambit ni Heira.


"such a small world. Hi , Heaven."


"You know each other?" manghang tanong ko.


"I saw her before sa isang department store." sagot ni Miyu. "ohmy. Preggy ka din ?"


Cyfer and I felt out of place dahil tuloy-tuloy na ang usapan ng dalawa, nakikinig lang kami ni Cy sa takbo ng usapan nila. Masaya silang nag-uusap. Magkakasundo pala silang dalawa. Ganun ba pag buntis?


Nagkita na pala si Heira at Miyu dati. Napakaliit talaga ng mundo. Hindi ko maiwasang mapangiti.


Nawala ang ngiti sa labi ko ng marinig ang pagdaing ni Heira.


"Heira!" para syang nauupos na kandila na babagsak sa sahig kung di ko sya nahawakan agad.


"w-what happened to her?" tanong ni Miyu na nabigla sa pagdaing ni Heira.


"Xan , ang s-sakit. Si baby . . ." naluluhang sabi nya.


"Shit!" napatingin ako kay Cyfer. Nanlalaki ang mata nya at nakatingin sa binti ni Heira. Nawalan ng kulay ang mukha ko ng makitang may dugo sa sahig.


No!


Nagsilapitan ang lahat ng bisita . Sumigaw ang isa sa mga kapatid ni Heira na dalhin na si Heira sa ospital . Nagpanik ang buong sistema ko. Hindi ko malaman kung ano ang una kong gagawin . Umiiyak si Heira at unti-unting nanghihina.


"Xan. . .si baby. . .iligtas natin si baby. . ."


Bumagsak ang mga luha ko.


Wala akong magawa para pawiin ang sakit nya. Natatakot ako sa maaaring mangyari.


Sinugod namin sya sa ER at agad syang inasikaso ng mga doctor.


Ilang minuto ang lumipas, inilipat sya sa operating room.And sabi ng doctor, nanganganib na ang asawa at anak ko.


Nanginginig ako sa takot. Ngayon lang ako natakot ng ganto. Pero kung kailangan kong mamatay para sa mag-ina ko , masmatatanggap ko pa .


God, iligtas nyo sila. . .please. . .


"Gusto kong nasa tabi ako ng asawa ko , doc. Kailangan nya ko." may pinasuot muna sila saken bago pinayagang sumama sa OR. Meron din silang pinapirmahan , hindi ko na nga binasa pa. Gusto ko ng makita si Heira. . .


Pagpasok ko don , nagkakagulo ang mga doctor. Agad akong lumapit kay Heira at hinawakan ang kanang kamay nya.


"babe,naririnig mo ba ko? Open your eyes please. . ."


Unti-unti nyang dinilat ang mga mata nya.


"Sorry , Xan. . .h-hindi ko k-kinaya. . ."


"You'll survive. Makakaligtas kayo ni baby. . . Andito lang ako , ok ? Andito lang ako. . ." ayoko sanang ipakita sa kanya na naiiyak ako pero ayaw magpatigil ng mga luhang 'to.


"choose our baby , Xan. . ."


"N-no . . I can't lose you. . .hindi ko kaya , Heira. . .please fight. You promised that you will never leave me,d-di ba ? Please, w-wag naman . . "


Umiiyak na din sya . Wala na syang lakas para hawakan ang kamay ko. Ramdam ko ang panghihina nya.Kung pwede lang na ibigay ko ang lahat ng lakas ko sa kanya , gagawin ko.


"Heira please. . ."


Hindi sya sumasagot. Unti-unting bumagsak ang mga mata nya.


"No , Heira! No please!" lumingon ako sa mga doctor. "Save her please! Save my wife!"


"calm down ,Sir." sagot ng isa sa kanila. Gusto ko ng magmura. Paano ako kakalma ? Mga baliw ba sila ?


"Sir , the baby is in distress. Kailangan na pong mailabas ang bata. Madami din pong dugo ang nawala sa asawa nyo. You need to choose-"


"Damn you! Damn all of you ! Hindi ako pipili! wala akong pipiliin ! Parehas silang mahalaga sakin kaya iligtas nyo silang dalawa!"


Hindi nakaimik ang mga doctor. One of the said something na ipagpatuloy ang gagawing operasyon . Lumapit ako kay Heira at hinawakan ang mukha nya.


"Heira please. . .d-dont leave me. . ."


Hindi sya sumasagot. Hinawakan ko ang kamay nya , nanlalamig na ito. Parang nanlamig din ang buong sistema ko.


Madami na ding usapan ang mga doctor pero hindi ko na sila pinansin pa. Tutok ang paningin ko kay Heira kahit nanlalabo na ito dahil sa mga luhang ayaw tumigil sa pagpatak.


"X-xan. . ."


"Open your eyes, babe. Fight. . ."


"you know that I love you so. . ."


"y-yes. . . so please, please live if you really love me. . ."


"take care of our baby, Xan. . .love him the way you love me. . ."


"d-don't talk as if you're dying ,babe. I'll never forgive myself if you die on me."


Hindi sya sumagot.


Nagkakagulo na din ang mga doctor.


"Heira!"


Isang malakas na iyak ang nagpalingon sa akin sa gawi ng mga doctor.


I saw one of the doctors carrying my child . . .


Oh god.


"a baby boy. . ." the doctor smiled on me .


baby boy. . .


The baby survived!


"Heira, our baby survived! He's a baby boy. Did you hear his cry? Heira , wake up. . . "


pero wala akong narinig na kahit ano sa kanya .


"She's not breathing. . ."


No. . .


"I'm sorry , sir."


Huminto din sa pagtibok ang puso ko.


Our most memorable day went tragic.


6 years later. . .



"Daddy!"


"yes baby ?"


"are we going to Tita Miyu's house later? I wanna play with Miyara."


"yes,baby. Pupunta muna tayo ng cemetery then we'll go to Tita Miyu's house."


"yehey!"


Kinarga ko ang anak ko papasok sa sasakyan . Hindi nagtagal nasa byahe na kami. 30 minutes din ang byahe papuntang cemetery. Para di ako mainip , kinukulit ko ang anak ko. Tawa naman sya ng tawa. My son's name si Xyrex, he turned six years old yesterday.


Bumili muna kami ng bulaklak sa flower shop na nadaanan namin papasok ng cemetery. Xyrex picked white flowers.


Pinulot ko ang mga tuyong dahon sa ibabaw ng puntod hanggang sa mabasa ko ang pangalan na nakalagay doon .


Heaven Lincoln - de Vera.


Nilagay ni Xyrex ang binili naming mga bulaklak sa gilid ng puntod. Tahimik akong nagdasal para sa kanya. . .


"Daddy. . ."


"yes, baby ?"


"nasa Heaven din po ba si baby Heaven ?"


Nginitian ko ang anak ko. "of course."


"why did you named her 'Heaven? Bakit di na lang 'Angel'? Di ba Angels are from Heaven ?"


Natawa na lang ako sa logic ng anak ko. Xyrex is smart and witty kahit bata palang sya.


"Because I named her after Mommy."


"I know that Daddy but why same name?"


"because I love baby Heaven same as I love Mommy and you. . ."


Heira gave birth to a twin . Xyrex who came out first survived while Baby Heaven died. Naipit ang bata . Kahit nung nailabas na ng mga doctor si baby Heaven , hindi na ito humihinga.


Hanggang ngayon nanghihinayang pa din ako. Pero natututunan ko na ding tanggapin ang lahat.


Ilang minuto din ang tinagal namin sa semeteryo bago nagpasyang dumiretso sa bahay ni Miyu.


Pagdating namin don , agad na sinalubong ni Yara si Xyrex. Sila ang madalas na magkasama at magkalaro. Ilang buwan lang naman ang tanda ng anak ko sa anak na babae ni Miyu.


"Okay lang ba talaga na iwan ko dito si Xyrex? " tanong ko kay Miyu.


"ano ka ba ? Okay lang no. Mabuti nga yon para may makalaro naman ang anak ko."


"kukunin ko na lang sya bago mag gabi."


"kahit wag mo na kunin para may baby boy na ko."


"mukhang sila din naman ata ang magkakatuluyan."


"hoy , de Vera. Anong ibig mong sabihin jan?"


"wala. Aalis na ko. I'll call you later."


"hoy , baka itali mo ang anak ko sa anak mo ha. Ikaw ang ibibigti ko."


Natawa na lang ako sa banta ni Miyu. Sumakay na ako ng kotse . Tinungo ko ang daan papuntang rest house namin.


Isang oras din ang naging byahe ko.


Hindi naman ako nag-aalala kay Xyrex dahil alam ko namang hindi sya papabayaan ni Miyu. Busy na yon sa pakikipaglaro kay Yara.


Pagpasok ko sa bahay , agad kong tinungo ang kwarto.


Then , someone hugged me from behind.


"you're late."


"I'll pay every seconds of it."


"dapat lang."


Humarap ako.


She will always be the Heira I know. Kahit pa lumipas ang mga taon , hindi magbabago ang tingin ko sa kanya. The only woman I love. The girl who agreed to be my baby maker. The mother of my child. 


She survived 6 years ago. Ilang segundong huminto sa pagtibok ang puso nya, nagawa syang i-revive ng mga doctor. Sa loob ng tatlong araw , tulog lang sya. Pero pagtapos non , natapos din ang masamang panaginip ko. 


We live simply. Napagkasunduan namin na dito na lang sa Pilipinas tumira. Paminsan-minsan dumadalaw kami sa L.A. para bisitahin ang mga magulan nya. Ang mga kapatid naman  namin ay may kanya-kanyang buhay na din . 


Hindi perpekto ang pagsasama namin . Minsan may konting tampuhan pero never kaming nag-away ng malala. Normal lang sa buhay mag-asawa. 


Nag-aral sya ulit. Interior designing. Sya ang nagdedecorate ng bahay namin at iba't-ibang opisina . Ako? I'm on leave. Si Cyfer muna ang acting CEO ng DVI.


Si Ate Xandra ? Nasa honeymoon pa kasama si Harren. Yeah , sila ang nagkatuluyan . Ewan ko ba sa dalawang yon . Ang daming arte sa buhay . Sa simbahan din naman ang tuloy.


Si Xandie? No boyfriend pa din. Teacher sya sa isang University. 


Namamanage naman namin ang oras namin bilang magulang ni Xyrex. Lagi kaming nagbabonding.


Kahapon , 6th anniversary ng kasal namin . Hindi naman namin na-celebrate dahil busy kami sa party ni Xyrex. Kaya napagdesisyunan namin na ngayong araw na lang . . .


Napangisi ako.


Napatili sya ng buhatin ko sya sa kama.


"Let's celebrate now , babe, make another baby. . ."


"nah. Alam mong imposible yan. . ." natatawang sagot nya. Hindi na kasi sya pwedeng magkaanak after the operation . 


"I know , but you'll always be my baby maker. . .forever."


Makahulugan syang ngumiti. "I love you , Xan. Happy 6th year anniversary."


''I love you more, my babe. . by maker. "


She laugh so hard and I take my time covering her mouth with mine.


We will love each other 'til we both find our ways to Heaven.



___________________________


FB ACCOUNT : KHIRA WP

FB Group : KHIRA1112 Stories

                                                                       

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 28.6K 15
Binalot ng pagtataka at pag-aalinlangan si Rhyme nang magkamalay siya sa isang di-makilalang silid. Ang pakiramdam na iyon ay napalitan ng takot nang...
1.7K 76 31
Lions Series No. 7 : JDEX LAWRENCE [ Book 1 ]
44M 401K 112
Arranged marriage meron pa rin ba sa mga panahong ito? Kung ikaw si Althea ano ang dapat mong gawin kung nasa ganito kang sitwasyon?
3.5M 49.9K 15
It all started with one stupid mistake and since then Hope's life has never been the same again. Pahamak kasi ang love letter ng kanyang nakababatang...