WYBHBM ~~ Chapter 17

281K 3K 396
                                    

 


-AUSTARALIA-

 

HEIRA POV

Sa buong duration ng byahe namin, hindi masyadong nagsalita si Xandrei. Nag-uumpisa naman akong kabahan . Natatakot naman akong magtanong . At kung sakaling magawa ko ngang itanong ang nasa isip ko ngayon, hindi ko alam kung kaya kong marinig ang sagot.

Well, andito na nga kami sa ospital. Dito sa tapat ng room ni papa to be exact.

Pag binuksan ko 'tong pinto, it's either makikita ko ng gising ang papa ko o ganun pa din ang lagay nya. O baka naman. . .

Ipiniling ko ang ulo ko. Hindi. Hindi dapat ako nagiging nega.

Positive lang.

Ngumiti ako kahit sobrang kinakabahan.

Iba talaga yung feeling.Parang may hindi tama . . .

Lumingon ako kay Xandrei. Nakatingin sya saken. Obvious na worried at tensyonado din.

Alam ba nya ? May alam na ba sya ?

Siguro, oo. . .

Kasi di nya ko dadalhin agad-agad dito ng walang dahilan. . .

"X-xan. . ."

Hindi sya sumagot. Nanatili lang syang nakatingin saken. Pagkatapos, biglang hinawakan yung kamay ko ng mahigpit.

"h-hindi mo ko dadalhin dito nang walang dahilan ,di ba ?"

Hindi pa din sya umiimik. Ayokong pangunahan kung ano ang makikita ko sa loob ng kwarto pero parang kahit andito pa lang kami sa labas, iba na ang pakiramdam ko.

"Xan,please tell me the truth. . ."

Hindi agad sya umimik. Yumuko lang.

"I'm sorry. . ." sobrang hina ng pagkakasabi nya. Halos hindi ko marinig.

"I'm sorry, Heira. . ."

Napakagat ako sa labi ko. Nagsisimula nang manginig ang mga kamay ko. Gusto ko nang maiyak.

"b-bat ka nag. . . nagso-sorry ? May g-ginawa ka bang mali ?" ayokong marinig. . .ayokong marinig. Please. Wag muna. Please, Lord. . .

"Hindi ko akalaing ganto pala kahirap sabihin 'to. Ang hirap simulan. . . Walang ibang way para maging magaan ang sitwasyon. . ." tumingin sya saken. "kahit anong gawin n tao, kapag oras na nya, kukunin at kukunin pa din sya." humigpit ang hawak nya sa mga kamay ko.

Please , wag. . .

Wag mong sabihing. . .

"I'm really sorry, Heira. He's gone. . ."

He's gone. . .

He's gone. . .

He's gone. . .

He's gone. . .

Marahas kong binawi ang kamay ko at umatras.

Napasandal ako sa pinto sa likod ko at yumuko.

He's gone. . .

He's gone. . .

Bakit ? Nagkulang ba ko sa pagsasakripisyo? Nakulang ba ko sa pagiging anak? Ginawa ko naman lahat , e. Ginawa ko lahat. . .

Sunud-sunod na hikbi ang nagmula saken. Lumapit si Xandrei at niyakap ako ng mahigpit. Pilit akong kumakawala.

"let go !" lalong humigpit ang yakap nya. Halos di na ko makahinga.

Will you be his BABY . . .MAKER ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon