WYBHBM ~~ Chapter 60

175K 1.9K 237
                                    



HEIRA POV

Nakatayo kaming tatlo nila Ren at Rhea sa tapat ng isang kwarto . Pagkatapos sabihin sa amin ng guard kung saang ospital naroroon ang pamilya ni Jen, agad kaming nagtungo dito. Si Ren ang kumatok. Ilang segundo pa ang lumipas bago kami pagbuksan ng pinto.


Si Jen.


Nagulat pa sya ng makita nya kaming tatlo.


Parang hindi sya ang Jen na nakilala ko. Para syang pagod na pagod. She loss weight too.


"Jen. . ." sambit ko.


"b-bakit kayo nandito?" lumabas sya ng kwarto. Nanginginig pa ang mga kamay nya na nakahawak sa doorknob.


"anong nangyari sayo?" hindi ko sinagot ang tanong nya sa amin. Mataman kaming nakatitig sa kanya.


Hindi ko alam kung anong nararamdaman ni Rhea at Ren pero ako, naaawa ako sa nakikita kong pagbabago ni Jen. At the same time, I wonder kung bakit bigla syang nagkaganyan. Umiwas lang si Jen ng tingin at hindi din sinagot ang tinanong ko.


"pano nyo nalaman na nandito ako?"


"sinabi samen ng guard.Bakit hindi ka na pumapasok?" tanong ni Rhea.


"I-I. . .I don't have-"


"tell us what happened." hindi na pinatapos ni Ren ang sasabihin nya.


"hindi ko kailangang magpaliwanag sa inyo kung bakit. . .kung bakit nandito ako at hindi na pumapasok."


"Jen,malapit na ang graduation. . ." sabi ko.


"I know."


"kung ganon,bakit ngayon ka pa nagkakaganyan? Patapos na ang klase." iritableng sabi ni Rhea.


"wala kayong alam. . ." tumalikod si Jen samin. Alam ko kung bakit. Naiiyak na sya. Lumingon ako kina Ren at Rhea.


"I'll talk to her. . ."


"pero Heira-" mapoprotesta pa sana si Rhea pero hinawakan na ni Ren ang kamay nya. Tumango sakin si Ren at sabay silang naglakad palayo.


Ibinaling kong muli ang paningin ko kay Jen. Yumuyugyog ang balikat nya.


"Jen. . ."


Hindi sya sumagot. Ni hindi sya lumingon.


"Jen, let's talk. . ."


Wala pa din akong natanggap na reaksyon mula sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako. Nag-isip ng mga dapat sabihin. Saan ko nga ba dapat simulan?

Will you be his BABY . . .MAKER ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon