WYBHBM ~~ Chapter 46

205K 1.6K 91
                                    


XANDREI POV


Nakatayo ako ngayon sa harap ng isang malaking company building.


ASYLVIAR TG COMPANY.  .  .


Isa sa mga branches ng TGC dito sa Canada.


Siguro naman may idea kayo kayo kung bakit ako nandito?


Nandito ako para kausapin ang Daddy ni Miyu.


I sighed and looked up. Kasing taas ng building na kaharap ko ngayon ang kaba ko.


Yes,kinakabahan ako. Natetensyon. Normal naman yun di ba? Lalo na pag kakaharapin mo na ang problema mo. In my case, kailangan kong itago ang kaba ko.


Pero kahit kinakabahan ako, hindi ako takot. Hindi ako duwag para gawin ang mga plano ko. Hindi ko rin iisipang umatras.


Sa halip na tumuloy sa loob,dumiretso muna ako sa katabing coffee shop. Kailangan kong mag-isip. Kung kailan kailangan kong maging focus, saka naman nagiging blanko ang utak ko.


I take a sipped in my coffee. Nabawasan ang lamig na nararamdaman ko. Winter pa rin dito at sobra ang lamig. Para sa isang tulad kong nasanay sa mainit na klima, madali akong lamigin. Hindi din ako makakatagal sa gantong lugar kung araw-araw na ganto ang lagay ng panahon.


Naalala ko naman ang naging usapan namin ni Miyu kanina. Sya ang nagpaalam saken kung anong address ng kumpanya ng Daddy nya dito sa Canada.


FLASHBACK


"oh." bigla na lang syang sumulpot dito sa kwarto ko habang nakatutok ang buong paningin ko sa laptop ko. Hindi ko sya nilingon kaya di ko alam kung anong nilapag nya sa table.


"ano yan?"


"tignan mo."


"ano nga yan?"


"basta tignan mo na lang!"


"mamaya na."


"importante yan."


"gaano kaimportante?"


"ang dami mong tanong ! Tignan mo na lang kaya ,no?"


"mas importante tong ginagawa ko ngayon." pinadala kasi ni ate ang ibang trabaho sa opisina through my e-mail. Hindi ko naman matanggihan.


"talaga lang ha? Bahala ka jan!"


Will you be his BABY . . .MAKER ?Where stories live. Discover now