10 Things To Do Before I Die

By iamatemptation

1.6K 75 20

You only have 100 remaining days to enjoy your life what are the things you will do before you die? More

Prologue
The Meeting
Unexpected
The Result
List Number 1
The Problem
Meet the brother
What Should I Do
Accomplishing list number 2

Meet Ylize Reymundo

255 10 5
By iamatemptation

Ylize (POV)

"Good morning baby girl." bati sakin ni papa pagpasok ko pa lang sa kusina.

As usual nagkakape nanaman sya habang nagbabasa ng dyaryo.Bakit kaya hilig na mga matatanda sa ganyang gawain?

Lumapit naman ako sa kanya at humalik sa pisngi nya.

"Good morning din pa." nakangiti kong ganti sa kanya sabay upo sa

harapan nya.

"So kamusta po ang business natin sa abroad?" tanong ko habang kumakagat ng hotdog. Kauuwi lang kasi ni Papa galing sa states,nagkaroon daw kasi ng problema kaya pinuntahan nya,bale 2 months din sya don.

"Well naayos ko na,kaya wala ka na dapat pang problemahin." sabi nya na nakatitig pa rin sa dyaryo.Tumango na lang ako,sa edad ko na 19  tumutulong na ako kay Papa sa pamamalakad ng Kompanya.

"Pa napansin ko,medyo nangayayat ka ha. Di ka ba kumakain doon?" tinignan ko sya ng maigi,mataba kasi si papa noon tapos ngayon medyo mapayat na sya tapos maputla pa.

"Medyo stress lang this past few days." sagot nya sabay higop ng kape. Parang di benta sakin ang palusot nya,dati kasi kahit gano sya kabusy hindi naman sya nangangayayat ng ganyan.

"Are you sick?"walang preno kong tanong.

*cough* *cough* *cough* nabigla

siguro sya sa tanong ko, umiinom kasi sya ng kape nong time na yun.

Lumapit naman ako sa kanya at hinagod ang likod nya.

"Pa are you okay?" tanong ko habang patuloy pa rin ang paghagod sa kanya.

"Yes baby im okay." sumimangot naman ako at bumalik sa upuan ko.

"Pa I told you, stop calling me baby. Im not baby anymore, im full grown woman now."maktol ko.

Tumawa naman sya."You can't blame me baby, nasanay lang kasi ako sa tawag ko sayo." naiintindihan ko naman sya eh,nag-iisang anak ako kaya ganyan na lang ang turing nya sakin.

"Ah Dad may lakad kami ngayon ni Ji-An, dadaan na lang ako mamaya sa opisina,give yourself a rest. Ako ng bahala sa lahat." Si Ji-An nga pala ang one and only bessy ko.

"But---" i cut it.

"No buts Pa. Just leave it to me. Pahinga ka na. Masyado ka ng Stress,baka gusto mong samahan kita sa hospital." Naiisip ko kasi na ipacheck-up si Papa baka mamaya may sakit na sya sa sobrang trabaho..

Todo iling naman sya.

"Wala akong sakit baby,Im perfectly fine.Go ahead pumunta ka na sa pupuntahan mo." pagtataboy nya sakin.

Tinaasan ko naman sya ng kilay"Malaman ko rin Pa kung lalabas kayo,kaya wag mo ng subukan." pagbabanta ko sa kanya. Nakakatawa nga eh,para ako yung magulang tapos si papa ang anak.

"Oo na baby mag-ingat ka." sabi na lang nya.

Tumayo ako at yumakap sa kanya.

"Bye pa." sabi ko at ngumiti naman sya.

Pagkalabas ko ng bahay dumiretso na ako sa garahe para kunin ang kotse ko. Napag-usapan kasi namin ni Ji-An na magkita na lang kami sa mall.

Ako nga pala si Ylize Reymundo

(I-LAYZ po ang pronounciation ng name ko.) 19 years of age. Taking up bachelor of science in business Administration. Mag fofourth year college na ako sa pasukan.

Katatapos lang kasi ng school year kaya nga ngayon lang ulit kami magkakabonding ni Ji-An. HRM kasi ang kinuha nyang course kaya medyo magkaiba kami ng schedule.

George Reymundo ang pangalan ni papa, sya ang nagpapatakbo sa RGC or Reymundo Group of Companies. Nag-iisang anak lang kasi si Papa tapos maagang namayapa sila lolo at lola kaya in the end mag-isang namamalakad si Papa sa kompanya.

Kung itatanong nyo naman si mama, Alice ang name nya. 3 years old palang ako ng iniwan nya kami ni papa at ipagpalit sa ibang lalaki. Sa picture ko lang sya nakilala,aaminin ko galit ako sa kanya. Dahil sa kanya kaya laging malungkot si Papa, ni minsan hindi ko narinig na may sinabing masama si Papa tungkol kay Mama lahat ng nalaman ko ay sinabi lang sakin ni Tito Jeff na matalik na kaibigan ni Papa.

Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang pagmamahal ni Papa para kay Mama. Kasi nahuli ko sya minsan na iniiyakan nya ang picture ni Mama habang nagmamakaawang bumalik.

Alam nyo bang ang sakit makita na umiiyak ang taong mahal mo para sa isang tao na hindi naman deserving sa luhang iyon. Kaya isinusumpa ko na hinding hindi ko mapapatawad ang ginawa nya saamin.

~~

Sa sobrang drama ko hindi ko na namalayan na nasa mall na pala ako. Pagkababa ko pumunta na ko sa bookstore, don kasi ang meeting place namin ni Ji-An. Mahilig kasi kaming magbasa ng mga stories lalo na yung mga naipupublish na galing sa wattpad.

"Bessy." may narinig akong sigaw kaya tinignan ko naman ang pinang galingan nito. Nakita ko si Ji-An na kumakaway. Kaya lumapit naman ako sa kanya.

"Bruha ka talaga kung makasigaw wagas ah, feeling mo nasa palengke ka." biro ko sa kanya.

"Namiss kita bessy." bigla nya akong niyakap kaya gumanti na rin ako. Bessy nga pala ang tawagan namin.

Pagkatapos ng dramahan namin tumingin tingin na kami ng mga libro.

"Bessy balita ko dumating na ang Papa mo." sabi nya habang nabubuklat ng libro.

"Yup,kararating nya palang kanina."

"So how is he? di ba may problema ang business nyo abroad?" alam lahat ni Ji-An ang tungkol saakin syempre hindi ko naman inililihim sa kanya.

"Oh thats great,so what are your plans this vacation?"

"As usual magtratrabaho ako sa company,hindi ko naman pwedeng pabayaan si Papa don. Tyaka gusto ko rin munang magpahinga si Papa medyo napapabayaan na nya ang kalusugan nya sa sobrang trabaho." nag aalala kasi ako kay Papa grabe kasi ang pinayat nya.

"Sabagay,marami sigurong iniisip ang papa mo kaya siguro nakakaligtaan nya ang kalusugan nya."

"Nakapili ka na ba? halika na at bayaran na natin." yaya ko sakanya. Nang makapili na rin sya nagbayad na kami.

"Bessy san gusto mong kumain?" tanong ko sa kanya paglabas namin ng bookstore.

"punta nalang tayo sa foodcourt don na lang tayo maghanap." tumango na lang ako.

Nang makahanap kami ng pwesto umorder na kami.

"Kaw bessy anong balak mo ngayong bakasyon?" tanong ko sa kanya, happy go lucky kasi tong babaeng to eh,hindi man lang nya tulungan ang mga magulang nya sa kompanya nila.

"Wala, mabuburo nanaman ang beauty ko sa masyon."

"Bakit kasi hindi ka nalang tumulong sa company nyo,para naman maging productive ka."

Sasagot na sana sya ng dumating ang order namin. Nang makaalis na yung waiter saka sya nagsalita.

"Bahala na sila don,tutal para sa kanila wala akong silbi. Puro si kuya na lang ang nakikita nilang tama." nakasimangot nyang saad.

Naging magkaibigan kami ni Ji-An noong first year college kami.Mula noon ramdam na ramdam ko ang pagbabalewala ng mga magulang nya sa kanya. Nasa ibang bansa pareho ang mga magulang nya kasama ang magaling nyang kapatid.

Mag-isa lang sya dito sa Pilipinas, naaawa nga ako sa kanya kasi mag-isa lang lang sya kung magcelebrate ng birthday nya,pasko at new year. Kaya nga halos sa bahay ko na yan pinatitira kasi wala naman syang kasama sa bahay nila.

"So hindi ka bibisita sa kanila?" tanong ko.

"Well tumawag sila sakin kanina at baka daw umuwi sila dito."

"Kailan daw?" tanong ko, nagshrug na lang sya.

"So mamemeet ko na pala ang kuya mo finally." hindi ko pa kasi namemeet ang kuya nya.

"Mabait naman si Kuya eh, sila mama at papa lang ang strict." hindi ko pa naman sila namemeet in person eh, si Ji-An lang ang nagdedescribe sa kanila. Kaya parang sumasang ayon na lang ako.

"Hello beautiful ladies." say nong isang lalaki na lumapit samin.

"Hi." bati naman ng malanding bestfriend ko.

"Im Jake and you are?" sabi ulit nong lalaki. Pakialam ko naman sa kanya no masyadong papansin.tss

"Im Ji-An."wika ni Bessy.

Tinignan naman nya ako at nginitian. As if naman mapapakilala ako sa kanya. Isang malaking ASA.

"Ah eh she's Ylize." sabay turo sakin ni bessy.

"Can I get you number Ms. Ylize." sabi nya. Tinaasan ko naman sya ng kilay.Tyaka kinuha yung number na nasa table namin. Remember kapag nasa mall ka kumakain may ibang restaurant na may number number per table.

"Here number 12 yan.Pumunta ka  don sa harap at bayaran ang bill namin." naiinis kong sabi sabay bigay yung number.

Di naman maipinta ang pagmumukha nya. Maya maya umalis na sya.

"Hoy bakit mo ginanon si Papables. Ano ba yan ang waffu nya kaya." malanding saad nya.

"tss." pagbabalewala ko sa sinabi nya. Ano naman kong gwapo no as if naman papatululan ko yun.

"Masyado ka kasi choosy. Look at you, your 19 years old and. still single." mataray nyang sabi sakin.

"single is not a status.it is a word that best describes a person who is strong enough to live and enjoy life without depending on others ." mahaba kong lintanya sa kanya.

"AMEN." natatawang sabi nya.

"Oh by the way, in gotta go. I need to go to the office." yumakap na ko sa kanya saka umalis papunta sa opisina.

~~~

"Sam give me the schedule for the whole week." sabi ko pagdaan ko sa desk ni Sam, sya kasi ang secretary ko.

"Yes Maam." sagot nya,pumasok na ko sa office ko.

Wala pang ilang minuto ng binigay na sakin ni Sam yung schedule. Tinignan ko lang then hinarap ko na yung mga paper works sa desk ko.

~bzzzzt bzzzzt~

pinindot ko ang intercom.

"Yes Sam."

"Maam Mr. Marco wants to talk to you." sagot nya sa kabilang linya.

"Ok."  then pinutol na nya ang line at kinonek kay Mr. Marco.

"Hello." bati nya sa kabilang linya, sa tono ng boses nya halata mo nang nasa late 50's na sya.

"Yes." sagot ko.

"Can I talk to Mr. Reymundo."

"Mr. Reymundo is not here right now so if you have something to say then spill it. Im his daugther by the way."

"Oh i see, well then I have a great deal for him. Maybe he can give me some his time." sabi nya sa kabilang linya. Nasanay na rin ako sa mga ganyang tactic nila. Gusto lang naman nilang mapabilang sa kompanya.

"Im sorry to say Mr Marco but my father can't make it. Maybe we can settle that thing." gusto ko munang magpahinga si Papa, bakasyon naman eh kaya ako muna ang bahala dito.

"Ok. then lets settle this on saturday 10:00 at King place hotel." sabi nya, tinignan ko naman yung sched ko kung may appointment ako.

"Ok." sagot ko then I hang up. Marami talagang Company ang gustong makipagventure saamin. Our company is one of the famous company here in the philippines. Mula kasi ng maitatag itong business namin hindi pa ito nagkaproblema about financial matter or what so ever heavy problems. Magaling kasing magpatakbo si Papa.

~~~

Gabi na pala hindi ko man lang napansin. Inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng opisina.

Pumunta na ako ng parking lot para kunin ang kotse ko. Gusto ko ring kausapin si Papa ngayon para sabihing ako muna ang magtatake over ng company.

*Bahay*

Paglabas ko ng kotse sinalubong ako ng katulong namin.

"Yannie San si Papa?' tanong ko.

"Nasa library po siguro Maam."

Dumiretso na ako sa library. Kumatok muna ako pero maka ilang katok na ko pero wala pa ring sumasagot kaya pinihit ko ang doorknob. And luckily its open. Hinanap ko si Papa then i found out na may kausap sya sa telepono kaya siguro hindi nya narinig yung pagkatok ko.

Aalis na sana akong ng narinig kong  nagsalita si Papa.

"I dont think if this is the right time to say it."

"Yaah i know. "

"I have to do something."

Medyo naguluhan ako sa takbo ng usapan nila.Tyaka curious din ako kung sino yung kausap nya sa kabilang linya.

Nang naibaba na nya yung phone humarap ako kay Papa.

"Is there any problem Pa?" nagulat ako sa naging reaksyon ni Papa medyo kasi namutla sya sa tanong ko.

"K-a-nina ka pa ba dyan baby?" tanong nya.Bakit medyo naiistutter sya.

"Nope i just came in."

"May narinig ka ba?" medyo nag-aalala nyang tanong.

"Nothing"

"Ah ok, so what brought you here?" sabi nya sabay upo sa swivel chair nya.

"Gusto ko lang sanang sabihin na ako muna ang magtatake over ng company. Magpahinga ka muna pa." sabi ko.

"Are you sure you can handle all by yourself?" seryosong tanong nya.

"Yes pa, im sure."

"Okay. Would that be all?"

"Yes Pa. I go ahead. I want to take a rest na." hindi ko na narinig yung sinabi nya dahil lumabas na ako.Inaantok na kasi ako,medyo sumasakit din kasi ang ulo ko.

Naligo muna ako then iniscan ko muna yung mga paper works na inuwi ko. Nang medyo nakaramdam na ko ng pagkirot ng ulo ko nagdecide na ko na matulog.

(-_-)z Z z Z

~~~

~Krinng krinng~

Kinapa ko sa side table yung alarm clock. Nang nakuha ko na pinatay ko na kaagad then bumangon na ko at naligo. Maaga akong papasok ngayon dahil may meeting kami with the board.

Pagkatapos kong mag-ayos bumaba na ko.

"Yannie pag nagising si Papa pakisabi pumasok na ko." saad ko kay sa katulong namin.

"Yes Maam." sagot nya.

*RGC*

Pagpasok ko sa opisina tumambad kaagad sakin si Sam.

"Maam the board are waiting for you."

"Ok just give me a second."

Pagkaalis ni Sam inayos ko na ang mga gamit then pumunta na ako sa conference room.

Pagpasok ko halos lahat ng board nakatingin sakin mapa babae o lakaki.  Pumunta na ako sa harapan at pinasa ko sa kanilang lahat yung dala dala kong folder.

"Good morning ladies and gentlemen." bati ko sa kanilang lahat.

"Good morning din Maam." chorus nilang sagot.

"Gusto ko lang sabihin na ako muna ang magtatake over ng company habang bakasyon ko pa. So if you have any problem with regards of this kindly spill it. Ayoko ng nakakarinig ako ng mga bulong bulongan dyan. Is that clear?" ma autoridad kong saad sa kanila. Nasitanguan naman sila.

"Ok so lets start." umupo na ko at humarap ako sa kanila.

"Take a look to the folders infront of you, those are companies who want to invest us in their businesses." Tinignan ko silang lahat at busy sila sa pagtingin sa mga folders.

"Now, may i ask you. Are we going to invest or not? I want to hear your opinion."

"In my opinion, yes we can invest in their company but first lets study their background if they really deserve it." sabi nong isang matanda,nasa late 60' s na yata sya.

Tumango tango naman ako." Yah thats what i thought ."

"Then lets settle this thing. I will assign one of my employee to investigate each of this company listed in the folder then after that lets continue this meeting." nag agree naman sila kaya nagpaalam na ako.

Haist umagang umaga naiistress ako. Ang dami kasing company ang gustong maginvest kami sa kanila. Syempre hindi naman pwede na invest lang kami ng invest baka mamaya bankrupt na pala ang.  business nila.

Si Sam ang inutusan kong maginvestigate sa mga company nanakalista sa folder mga 50 companies din yun.

Pumasok na ko sa office ko and inasikaso ang iba ko pang trabaho. Aish what a long tiring day.:((

-----

I hope na nagustuhan nyo..Thankie for reading.:)) Thankie din Kay @MusicOnMyGuitar kaya dedicated ko sayo to..

Continue Reading