Next Time I Fall In Love (Soo...

By aLexisse_rOse

4.3M 64.3K 5.1K

Sequel of Invisible Girl (Jared's side story) This time, siya naman ang bibida! All rights reserved 2013 alex... More

Next Time I Fall Inlove
Chapter One: Destiny
Chapter Two: The Party
Chapter Three: She's A Girl!
Chapter Four: The Heartbreaker
Chapter Five: Red Sports Car
Chapter Six: Her Black Knight
Chapter Seven: The Substitute
Chapter Eight: Rescue Her
Chapter Nine: He's Blushing
Chapter Ten: Creepy Feeling
Chapter Eleven: Dedma
Chapter Twelve: Babysitters
Chapter Thirteen: The Punishment
Chapter Fourteen: Living With Her
Chapter Fifteen: Exile
Chapter Sixteen: Girl In The Shore
Chapter Seventeen: Chinita
Chapter Eighteen: Lady In Red
Chapter Nineteen: Savior
Chapter Twenty: Second Life
Chapter Twenty One: Unexpected Confession
Chapter Twenty Three: What if?
Chapter Twenty Four: The Past
Chapter Twenty Five: The Big Day
Chapter Twenty Six: Untamed
Chapter Twenty Seven: Forgotten
Chapter Twenty Eight: Giving Up
Chapter Twenty Nine: His Old Self
Chapter Thirty: Conspiracy
Chapter Thirty One: My Destiny (The Finale)
Epilogue
Special Chapter:

Chapter Twenty Two: She's Mine

98.8K 2K 272
By aLexisse_rOse

Chapter Twenty Two: She's Mine

JARED

                Mabigat ang ulo ko nang magising. Saka ko lang na-realized na wala ako sa sariling kuwarto. It's either nasa condo ako ni Mark o kaya ni Tyron. Silang dalawa lang naman ang kasama kong uminom kagabi. Absent sina Riley at Vince na mayroong mga sariling lakad. Naparami yata ang inom ko na halos wala na akong maalala. Pasaway kasi si Tyron. Siya ang nagpumilit na uminom kami ng uminom. Kailangan daw naming mag-celebrate. Pero ayaw naman niyang sabihin kung ano ang dahilan. Tamang trip lang ang binata.

                Nang lumabas ako ng silid ay naabutan ko sa kusina si Tyron. "Good morning!" Masiglang bati niya na pinagtataka ko. May pakiramdam ako na may ginawa siyang kalokohan na hindi ko alam.

                "Nasaan si Mark?" Naisip kong itanong. Eksakto naman na pumasok siya ng kusina. Bumili pala siya ng pagkain sa labas.

                "Nakitulog na nga kayo sa unit ko, may taga bili pa kayo ng almusal ninyo," padabog na inilapag niya sa mesa ang biniling pagkain. "Iinom-inom kayo hindi n'yo naman pala kaya."

                "Si Jared lang naman ang nalasing sa ating tatlo," sabay turo sa akin ni Tyron. "Ang lakas ng loob maghamon, siya rin naman pala ang unang babagsak."

                Nagsalubong ang mga kilay ko. "May ginawa ba kayo sa akin nang hindi ko nalalaman?" Nagdududa na tanong ko.

                "Kami wala, pero ikaw mayroon," sagot ni Mark habang inilalabas ang pagkain sa paperbag.

                "Huwag mong sabihin na hindi mo maalala?" Si Tyron.

                Hinagilap ko sa isipan ang mga nangyari kagabi. Ang huli kong naaalala ay ang pag-uusap namin tungkol kay Pate.

                "Bakit? Ano bang ginawa ko?"

                Bumulanghit ng tawa si Tyron sa pagkamangha ko. Hindi na rin napigilan tumawa ni Mark. "Jared, ihanda mo na ang sarili mo. Isa sa mga araw na ito ay makakatanggap ka na lang ng flying kick mula sa kay Trisha."

                "May ginawa ba akong kalokohan kagabi? Mayroon ba akong sinaktan na tao?"

                Nagtinginan lang ang dalawa at muling nagtawanan. Pakiramdam ko tuloy ay ginu-good time lang nila ako.

                "Tell me! Bakit hindi nyo pa ako diretsahin?" Naiinis na tanong ko.

                "Tinawagan mo si Trisha kagabi at..." Sinadya pang ibitin ni Mark ang sasabihin at nakakalokong ngumisi. "At bigla ka na lang nagtapat ng wagas mong pag-ibig sa kanya."

                "Ibang klase ka palang malasing. Bigla ka na lang nag-i-i love you. Ano kaya ang naging reaksyon ni Trisha sa sinabi mo?" Nag-aasar na sabi ni Tyron.

                Nanlaki ang mga mata ko. "N-nag-i love you ako sa kanya? Hindi nga? Wala namang lokohan."

                "Do you want me to rephase what you said last night?" Hamon ni Mark.

                "If I tell you I love you, you'll think I'm lying. But I'd rather tell you I love you blah, blah..." Iyon na naman ang mapang-asar na tawa ni Tyron. "Ayos sa banat. Kunwari ka pa na hindi mo gusto si Trisha pero deep inside in love ka na pala sa kanya."

                Nakuha ang atensyon naming lahat nang biglang mag-ring ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa. Pangalan ni Pate ang nag-register sa screen. Awtomatikong napatingin ako sa kanila.

                "Hala! Lagot ka, Jared!" Pananakot ni Tyron.

                Ngunit imbes na sagutin iyon ay mabilis kong ini-off ang phone. Kung totoo man na sinabi ko iyon kay Pate, lagot nga ako sa kanya. Naman!

 

TRISHA

                Tama bang patayan ako ng cellphone!

                "Sino ba 'yan tinatawagan mo at kanina ka pa hindi mapakali ?" Hindi nakatiis na tanong ni Nanay Ising habang hinahanda niya ang almusal ko.

                Ngunit tila wala akong narinig na muling dinayal ang number ni Jared. Pero naka-off na talaga ang phone niya. "Buwisit ka! Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sayo. Tapos ayaw mo akong kausapin ngayon!" Naiinis na basta ko na lang hinagis ang cellphone sa ibabaw ng mesa.

                "Ang aga-aga ang init ng ulo mo. Kumain ka na muna baka sakaling humupa ang topak mo," inilapit niya sa harapan ko ang paborito kong hotdog pero hindi nakatulong iyon para ganahan akong mag-almusal. "Si Jared ba ang dahilan?"

                "Hindi po!"

                "Nagkaila ka pa. Siya lang naman ang tumawag sayo kagabi. Umamin ka sa akin, Pate. Ano ba ang sinabi niya sa'yo at nagkakaganyan ka?"

                Hindi ako kumibo. Siguradong tutuksuhin niya lang ako kapag sinabi ko sa kanya ang totoo. At isa pa gusto ko munang kumpirmahin kung nasa matinong pag-iisip ang lalaking iyon nang magtapat siya sa akin kagabi.

                "O siya, kung ayaw mong sabihin hindi kita pipilitin." Sa wakas ay tinigilan din ako ni Nanay Ising at lumabas na siya ng dinning room.

                Napatitig ako sa cellphone. Ganon na lamang ang pagpipigil ko na damputin iyon. "Kung ayaw mo akong kausapin, bahala ka! Basta huwag ka nang magpapakita pa sa akin kahit kailan!" Patuloy kong pagsisintir.

                Pabalik na ako sa kuwarto ko nang bigla na lang akong hilahin ni Ate Pamela sa loob ng silid niya.

                "Sis, what do you think? Ang ganda, 'di ba?" Excited na ipinakita niya sa akin ang hawak na brochure. "Actually, ito talaga ang gusto kong wedding gown. Pero dahil mauuna ka namang ikasal sa akin, ipapaubaya ko na lang sayo."

                I smiled bitterly. Hindi ko malaman kung matutuwa o hindi dahil napakamaunawain ni Ate Pamela. Siya ang dapat ikakasal next month. Pero nag-give way siya para sa akin. Handa naman daw siyang maghintay next year. Subalit sa nagging desisyon niya ay lalo lamang akong na-guilty. She looks so happy and contented. Her pregnancy became her. At ngayon ko lang siya nakita na ganito kasigla. Tama lang siguro na hindi natuloy ang engagement niya kay Jared.

                "Nakausap ko nga pala si Ate Paula kagabi. Excited na din siya sa wedding mo," ang tinutukoy niya ay ang panganay naming kapatid na naka-based sa Singapore kasama ang sariling pamilya.

                "Excited siya dahil magpa-flower girl si Phoebe," naisip kong sabihin.

                Tumawa si Ate Pam. "Sinabi mo pa! Alam mo ba na plano nilang mag-anak na umuwi next week? Ganon siya ka-excited!"

                It seems like everyone is happy...except me. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin napagdedesisyunan kung hahayaan kong matuloy ang kasalang iyon.

                "Trisha..." Inabot ng kapatid ang kamay ko. "Aaminin ko na sobra akong na-guilty nang ikaw ang ipinalit nila bilang financee ni Jared. I know how much you hate being manipulated. Ganon na lang ang takot ko na baka gumawa ka ng hakbang na maaari mong ikapahamak. Pero sa nakikita ko ngayon, I think, hindi ko na kailangan mag-worry." Ngumiti siya sa akin. "I can see the chemistry between the two of you. You guys are a good match. Bagay kayong dalawa."

                Magpoprotesta sana ako pero inunahan ako ng kapatid.

                "I know that you like him. And don't you dare deny it!"

                I like...him?  Si Jared?

                "Trish, huwag ka nang magtaka kung paano ko nalaman. Obvious naman sa mga kinikilos mo. Ganyan din ako dati kay Jeric. Noong una ayaw ko sa kanya. Hanggang sa na-realized ko na mahal ko na pala siya."

                Me? No way!

JARED

                Pumasok pa rin ako sa opisina sa kabila ng pananakit ng ulo ko. Pero lalo lamang sumakit iyon nang salubungin ako ni Mama. Kanina pa pala niya ako hinihintay.

                "Ma, not now!" Inunahan ko na siya bago pa siya magsalita. "Marami akong trabaho na tatapusin ngayon," tuluy-tuloy ako sa loob ng opisina. Pero sinundan pa rin ako ni Mama hanggang doon.

                "Hindi na kita uuriratin kung bakit late ka ngayon. Sinadya lang kita para i-remind sayo ang seminar na kailangan ninyong puntahan ni Trisha. I already told her that you are going to pick up her after lunch," bahagyang inaayos ni Mama ang collar ng polo ko bago siya tuluyang lumabas ng opisina.

                Kung kailangan naman gusto kong iwasan si Pate ay saka naman nananadya ang pagkakataon. Hindi ko siya iiwasan dahil natatakot ako sa kanya. Hindi ko lang alam kung paano siya haharapin sa kabila ng mga sinabi ko kagabi.

                Bago mananghalian ay nagpatawag ng isang board meeting. Tuluyan nang nawaglit sa isip ko ang tungkol sa seminar na pupuntahan namin ni Pate. Sinubukan ko siyang tawagan. Nagkataon naman na na-lowbat ang cellphone ko. Alas singko na nang matapos ang meeting. Pauwi na sana ako nang magkakayayaan lumabas ang mga board members. Hindi ako nakatanggi at napilitang sumama sa kanila.

                "Jared, mahina ka yatang uminom ngayon?" Puna ni Gary nang tignan ang hawak kong baso. Halos hindi ko pa nakakalahati ang laman n'yon.

                "Hindi lang maganda ang pakiramdam ko." Which is partly true. Hindi pa ako gaanong nakaka-recover sa hang-over ko kaninang umaga.

                "Thinking about her? Oh come on, Jared! Let it go. This is our night. Kalimutan na muna natin ang tungkol sa mga love life natin."

                Nakakapagtaka na sumang-ayon ang lahat sa sinabi ni Gary. Halos lahat sila ay mga asawa't anak na. Kaming dalawa lang ang natitira na bachelor.

                "Guys, look!" Lahat ay napalingon sa itinuro ni Gary mula sa glass wall.

                Isang nakamotorbike na babae ang pumarada sa tapat ng bar. Bagaman balot na balot siya sa suot na leather black jacket at pants, ang lakas pa rin ng kanyang dating. She looks so sexy and seductive. Kitang-kita ang magandang curve ng katawan niya.

                "Wooh!!" Sabay-sabay nilang react nang maghubad ang helmet ang nasabing babae.

                Pate! What the hell she is doing here?

                Hanggang sa pumasok ng bar si Pate ay nakasunod ang tingin ng mga kasamahan sa kanya. Dumiretso siya sa counter at doon puwesto bago umorder ng maiinom. Sa tingin ko ay may hinihintay siya. Malamang baka si Jianne. Pero hindi ko na nagugustuhan ang inaakto ng mga kasama. Si Pate ang target nila.

 

                "Paano ba yan, guys? Ako ang unang nakakita sa kanya," pagyayabang ni Gary. Tatayo na sana ang binata nang pigilan ko.

                "Don't! Mapapahamak ka lang kapag nilapitan mo siya."

                "How did you know?" Natatawa na tanong niya.

                "Because she is my fiancee," madilim ang mukha na sabi ko sabay tayo at tinungo ang kinaroroonan ni Pate. Walang salita na hinablot ko ang braso niya at hinila siya palabas ng bar.

                "What is your problem?" Pagpupumiglas niya.

                "You're my problem. Bakit ganyan ang suot mo? You looked..." Hindi ko maituloy ang sasabihin.

                "Ano bang problema sa suot ko?" Tinignan niya ang sarili. "Ganito naman talaga lagi ang outfit ko."

               

                She's right. Wala namang nagbago sa suot niya. Pero hindi ko maintindihan kung bakit naging sexy at seductive ang dating n'yon, na halos lahat ng mga kalalakihan ay nasa kanya ang atensyon.

                "Where do you think you're going?" Mabilis ko siyang pinigilan nang magtangka siyang babalik sa loob ng bar. "Umuwi ka na. Hindi bagay sayo ang lugar na ito. Baka mapahamak ka lang."

                "And so? Pakialam mo ba!"

                "Trisha, I care about you."

                "Why?"

                "Because I don't want you to get in trouble."

                "Why?"

                "I don't want you to get hurt."

                "Why?"

                "Because I love you!"

                Kung nagulat siya ay mas lalo na ako. Hindi ko ine-expect na lalabas iyon sa bibig ko.

                Matapang na sinalubong ni Pate ang mga mata ko. "Why do you love me, Jared? Tell me."

                I lost my tongue. I just don't know what to say.

                Be true to yourself, Jared. Bigla kong naalala ang sinabi ni Mark kanina.

                Tumingin ako kay Pate. Nakatitig siya sa akin habang naghihintay ng sagot ko. Iyon na naman ang pamilyar na mabilis na pagtibok ng puso ko. Now I know the answer.

                Bago pa makapagprotesta si Pate ay mabilis kong sinapo ng mga kamay ang mukha niya and claimed her surprised mouth. And when I finally released her, my heart was beating so fast that I could hardly breathe.

                "I love you because you are you, Pate. And I love everything about you," I murmured as I touched my forehead to hers. Her eyes wide and she was too strechten to utter word.

                My lips twisted in amusement. "Will you marry me?"

                Nagsalubong ang mga kilay niya. "Whether not I like it, nakatakda na akong ipakasal sayo."

                Wrong question!

                "C-can I have your heart and be mine?"

                Bigla siyang nawalan ng sasabihin at naging mailap ang kanyang mga mata.Bakit ko pa siya tinanong gayong alam ko naman na tatanggihan niya ako.

                "Forget it!" Tumalikod ako at hinanda ang sarili para umalis nang bigla niya akong pigilan.

                "Jared!" Kinabig ako ni Pate paharap sa kanya at walang babala na hinalikan ako sa mga labi. "I'm yours," aniya nang bitiwan niya ako.

                I smiled huskily. At hinuli kong muli ang mga labi niya and kissed her lightly...tenderly.

Continue Reading

You'll Also Like

600K 10.5K 38
"I fell in love with you the first time I saw you. Kahit na suplado ka, self-centered, selfish, and conceited. I thought deep down inside you, mabait...
1M 34.8K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
492K 21.1K 53
There are things science can't explain to us. And one of that is how I fell for you. But like you said, things don't need to be explained all the tim...
341K 18.1K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.