Awakened Casualty: The Prince...

נכתב על ידי AberrantChase

3.2K 279 7

Naranasan mo na ba na mapaglaruan ng tadhana? Ika nga eh mapaglaruan na ng kahit sino wag lang ng tadhana... עוד

Author's Note
Chapter One: Scarlet
Chapter Two: Story behind Lucifer
Chapter Three: Unexpected
Chapter Four: Beginning of an End For Me
Chapter Five: New Student
Chapter Six: Strange Feeling
Chapter Seven: Five Days Away
Chapter Eight: Outing
Chapter Nine: Death's Kiss
Chapter Ten: Vergessen
Pls. Read!!!
Chapter Eleven: Angel's Cry
Chapter Twelve: Into A New World
Chapter Thirteen: A Friend Or a Foe?
Chapter Fourteen: Levidshi Gelan
Chapter Sixteen: Change of Plans?
Chapter Seventeen: Faked
Chapter Eighteen: Behind the Hurricane
Chapter Nineteen: Joyous I
Chapter Twenty: Joyous II

Chapter Fifteen: Twist

37 10 0
נכתב על ידי AberrantChase




Chapter Fifteen
"Twist"







"Maghanda na kayo at tayo na'y pupunta sa kampon ng kadiliman....." nagturo na si Michael ng mga dapat at hindi dapat gawin. Oo ikalimang araw na at babawin na namin kung sino ang amin. Mayroong usapan kaya ang dadalhin lang ay dalawampu't limang tagapagprotekta na mga anghel. Mukhang tutupad naman sila sa usapan kaya siguraduhin lang nila.

Patuloy na nagpapa-alala si Michael sa maaaring mangyari kaya hanggang hindi pa nag gagabi ay iniensayo muna nila ang mga kawal.

Michael.....

Naaalala ko nanaman ang nangyari nung isang araw....

Flashback...

"Huwag mong ituloy iyan Mahal ko!" Natigilan ako ng marinig ko iyong boses na matagal ko ng ninanais marinig muli

"Sataniel!!!" At tuluyan na akong umiyak. Kinusot ko aking mga mata, at pagkatapos nun ay iniangat ko aking tingin..

Nakita ko si Michael hawak ang nakagapos na si Michael. Saglit, ano?! May binigkas naman yung nakatayong Michael at ilang segundo pa ay nag-iba ang anyo nung lalaking hawak hawak nung Michael na may binigkas. Hindi si Michael ang nakasagupaan ko kani-kanina?

"Nababaliw na ba kayong mga anghel kayo?! Alam niyo ang maaaring mangyari kapag hinayaan niyo pa siyang mabuhay. Masisira--" bago niya matapos pa ang kaniyang sinasabi ay nailabas na agad siya  kaya nawala na rin ang pokus namin sa kanya.

End of flashback...

Mamaya na ang aming alis patungo ng triangula kaya kailangan ng mag-ayos at maghanda, Ngunit ako naman ay naglakad nalang patungo sa kwarto na nakalaan para sa akin.

Malapit na tayo magkita ulit mahal ko... saglit lang.... diba kaya kong kontrolin ang lahat at..... "oo nga bakit hindi ko agad iyon naisip--" napatayo ako dahil sa pag isip ng ideyang biglaang pumasok sa aking isipan.

Kaya kong kumontral at kaya ko rin makita ang hinaharap o kaya ang nakaraan. Titignan ko munsa si Sataniel

Ipinikit ko na ang aking mga mata at kasabay nun ang pagwasiwas ko sa aking dalawang braso. Dahil sa galaw kong iyon ay lumiwanag ang aking paligid at pakunti kunting nagkumpulan ang hangin na bumuo ngabindalawang numero ng orasan. Sumenyas ako pataas at itinuro naman iyong isang kamay ko sa unang numero patungo sa panlabin-lima. Dahan-dahan naman akong umupo ng pa ekis.

Naramdaman ko naman na parang hinihigop ako paharap. And then the next thing I knew was that I was in a place I've never been before. Sumalubong naman saking mukha ang malakas at malamig na hangin. Rinig din ang paghampas ng alon sa mga batuhan.

"Patawad.... patawarin mo ako mahal ko...."

There's someone speaking not far from here. That voice... I recognize that voice... It echoed all over the place. That voice became one of my clue of his whereabouts. Tan-Tan ko... malapit na ko

I followed the voice and led me to a cliff. At the end of the cliff there I saw him all covered in his own blood, his hands tied up in an arch.

"Tan-Tan ko... patawarin mo ko pero di ko na yata kaya... nanghihina na ko" narinig kong bulong niya na akin namang ikinabahala.

Saglit, pagagalingin kita at ibabalik ko ang lakas mo kahit papano. Sana magawa ko

Sumenyas na ako at tinawag ang bilang na labing-isa. Naramdaman ko namang gumapang ang ibang tubig sa aking katawan hanggang sa nabasa ang aking buong katawan. Pero dahan-dahan din itong bumaba hanggang sa pakunti-kunti akong natuyo at napalitan ang kasuotan ko sa isang kulay asul at puting bestida at nagkaroon ako ng koronang kulay silver na may kulay asul na diyamante sa gitna. Naka anyong tubig ako.

Iwinasiwas ko aking kamay at ang kasabay nun ay ang pagtaas ng tubig at paglapit niyon sa kanya. Binalot ang kaniyang katawang may mga sugat "re ib san" isang bigkas ko nun ay bigla nalang pumasok ang tubig sa kaniyang katawan at pakunti kunting pinasadahan ang mga sugat niya. Nagaling ang iba ngunit kaunti lang ang aking mga napagaling sapagkat hindi ako malapit sa kanya.

"Mahal ko... alam kong andadiyaan ka... hindi man kita nakikita pero... salamat." Hindi ko na napigilan tumakbo na ako palapit sa kanya at agad siyang niyakap. Hindi niya man makita pero sana maramdaman niya. Mahal na mahal kita sataniel ko

"Mahal din kita, mahal ko..." ramdam niya ko... kahit sa ganun palang ay masaya na ko, what more diba

"Hangal! Lapastangang anghel! Bakit ka nag-iisa at paano ka nakapunta dito ng hindi kami nakakaharap?!" Kinagulat ko ang boses ng babae na may pagkalalim na para bang ako ang tinutukoy.

"Humanda ka na anghel. Kahit kinakailangan ka nila ng buhay, papatayin parin kita!" Nakikita niya ako?!

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW.

Inihagis naman ng grigori ang hawak nitong patalim na gawa sa kulay itim nitong dugo na agad din namang iniwasan ni Scarlet.

Labag man sa kanyang kalooban ngunit kailangan na niyang magpaalam. Sa sandaling siya ay napatigil ay agad namang kumilos ang grigori ng mabilis at inatake ang babae gamit ang itim nitong dugo. Akala ng babae ay hindi iti matatamaan sapagkat siya ay isang naglalakbay lamang gamit ang isip.

Laking pagkakamali niya ng maramdaman niya ang mainit na likidong sumusunog na parang asido sa kaniyang binti

"Agghhh" daing ng dalaga na agad din namang naagapan ng tumawag siya ng tubig para agad itong mahugasan paalis.

Inatake niya ang grigori sa pamamagitan ng pagsaboy ng tubig dito na naging silbe ng pagkawala ng atensyon sa kanya. Habang naiwas ang kalaban ay nagsimula ns ang babae tumakbo palayo habang sinasabi ang enkantasyon. "Re ib san"

Pakunti kunti na itong naglalaho ngunit bago pa ito makaalis ng tuluyan ay may sinabi ang grigori na ikinatigil ng pag-andar  ng buong sistema niya.

Lub. Dub


Kahit ang pagtibok ng kaniyang puso ay napatigil ng isang segundo. Ano nga ba ang sonabi nito na ikinadahilan ng pagkakatigil ng dalaga...

Sa sobrang pag-iisp ay hindi na niya napansin ang sunod na atake ng grigori. Pinaulanan ito ng mga patalim na kaniyang ikinabahala. Nagawa niya pang sangiin ang mga ito ngunit huli na ng mapansin niyang may isang patungo sa kaniyang mukha kaya sa kaunting kilos nito ay nadaplisan na nga ang pisnge at kasabay nun ay ang tuluyan na niyang pagkabalik sa sariling kuwarto.

Tumingin muna siya sa paligid at tumingin pababa sa kaniyang kamay. Ibinuka niya ang kaniyang palad at kasabay nun ang pagsalo niya sa isang tulo ng tubig at sumunod na tulo naman ay kulay pula.

Luha at Dugo...

SCARLET'S POINT OF VIEW.

Ano bang ginawa namin para makaranas ng ganito... bakit kami pa....

Hindi maaaring mangyari iyon. Gagawa ako ng paraan. Kahit ang kapalit pa ay ang aking sariling buhay.

Patawad ngunit.... mag-iiba na ang aking plano.... patawad Michael... patawad Panginoon ko...



--------------------------

Waaaa nakuuuu sorry for the super late update. Sobrang hectic kasi ng schedule ko eh tapos ang dami pa naming kailangan gawin in and out of the school. Sorry babawi talaga ako pramis!!!

המשך קריאה

You'll Also Like

40.1K 2.7K 140
"TRANSLATE IN TAGALOG" Noong siya ay labing-apat na taong gulang, sa murang edad, Siya ay isang henyong manggagamot na ikinulong ng kanyang lolo, Sin...
513K 16.2K 46
Unang kita pa lang ni Celestine sa portrait ng isang binatang nagngangalang Simoun Pelaez ay may naramdaman na siya sa binata. Para siyang baliw na h...
32M 817K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
282K 12.9K 35
With one bullet, the greatest assassin of the 21st century meets her end. As she tries to accept her end, she then open her eyes in a very familiar b...