A/N : Sorry for very lame updates lately . I've been busy . Chos , as if . HAHA . Anyways , here's another one . LOL .
--------------
“Tigilan mo ako sa mga kalokohan mo , Jed . Wala akong balak makipag biruan sayo . Umalis ka sa harapan ko dahil lalayas na ako .” Inis na itinataboy ko palayo si Jed pero nakaharang pa rin ito sa daraanan ko .
“Jed , isa , nauubos na ang pasensya ko .”
Biglang nalaglag ang mga balikat nito pati na ang mapaglarong ngiti sa mga labi .
“Sorry . Makulit ga ako ? Ihahatid na lang kita sa inyo .” sabi nito .
“Kaya ko mag isa .” Tapos tinalikuran ko na sya at umalis .
“Saglit lang , Ice !”
Hinayaan ko sya na sumunod sa akin . Wala naman akong magagawa e . Pero hindi ko sya kinakausap kahit na paulit ulit syang nangungulit . Nakalabas na kami ng sementeryo pero patuloy pa rin ito sa pagsunod sa akin .
“Pwede ba , tigilan mo na ako ? Lalo lang nadadagdagan ang galit ko sayo kapag nakikita kita kaya lumayas ka na sa harapan ko .” Naiinis na sabi ko sa kanya .
Mukha namang sa wakas ay tinablan na ito kaya tumahimik ito bigla . Napakamot ito sa batok bago nagsalita ulit . “Sorry . Gusto ko lang kasi talaga na sana mapatawad mo ako . Alam ko , makapal ang mukha ko para humingi pa ng tawad sayo after ng nagawa ko . Pero believe me , nagsisisi talaga ako .” Nagsusumamo ang mukha nito habang nakatitig sa akin .
“News Flash : I DON’T CARE .” At tumalikod ulit ako .
Naramdaman ko na hindi na sya sumunod sa akin . Habang papalayo ang mga yabag ko , naramdaman ko na lang bigla ang pagpatak ng isang butil ng luha . Mabilis kong pinahid ito .
“Anak ka ng kamote , Ice . Wala nang iyakan , remember ?” Kinausap ko ang sarili ko habang nagpapakalma ng damdamin . Hindi ko inakala na ganito pa rin pala kasakit at kalakas ang epekto ni Jed sa akin .
Napailing ako sa naisip . Napabuntong hininga na lang ako .
***
Nakatulala ako habang nakatitig sa TV . Wala akong maintindihan kasi hindi naman ako naka focus sa pinapanood ko . Basta binuksan ko na lang sya sa isang random channel . Gusto ko kasing tanggalin sa utak ko ang pag uusap namin ni Jed kahapon . After 5 long years , nakausap ko ulit sya ng ganoon .
Napapitlag ako nang may kumatok sa pintuan . Tumayo ako para tingnan sa peephole kung sino ang balasubas na nakatok sa kalagitnaan ng hatinggabi ng November 1 .
Ini-unlock ko ang locks sa pintuan matapos makitang si Chester lang naman ang tao sa labas .
“Ano na namang ginagawa mo dito ?” Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya .
Ngumiti ito . “Sleepover party ! Yey ! ! !” Tapos ay tuluyan na tong pumasok sa unit ko .
Pero bago pa ito makahilata sa favourite couch ko , nahila ko na kaagad ang kwelyo ng pajamas nya . “Hindi pwede . Labas .”
Pero mabilis na lumuhod ito at kumapit sa paanan ng center table ko .
“Ayaw . Dito lang ako .”
“Chester , lumayas ka . Wala ako sa mood makipag asaran sa iyo .”
Tumigil ito ka kakakawag . Tapos ay umayos ito ng upo .
“What’s the problem , Kuya ?” sabi nito habang yakap-yakap ang isang maliit na teddy bear . Saan nanggaling yun ? Siguro dala nito yun pero hindi ko lang napansin kanina .
Umiling ako . “Wala . Masakit lang ang ulo ko . Kaya kung pwede , wag ka nang pasaway at wag kang magulo . Bumalik ka na sa unit mo .”
Nagpout ito . “A-ano , Kuya . . . Kasi . . . Halloween ngayon e . Alam mo na . . . Piyesta daw ng mga patay . . . Ano , naisip ko na . . . Ano . . .”
“Natatakot ka na naman sa multo , ganun ?” Nakahalukipkip na tanong ko .
Napakamot ito sa kilay . “Ehe . Parang ganun na nga .”
Nagsmirk ako . “Ano pa nga ba . Saksakan ng duwag kahit kelan .”
Imbes na mainis , ngumiti pa ito lalo . “Movie Marathon tayo , Kuya!” Suhestiyon nito .
“Err , nope . No way . Matutulog na ako .”
“Sige na naman ! Isa lang , isa lang ! Sige naaaaaa !”
Napabuntong hininga ako . “Ok , payag ako . Basta horror ang first movie .”
“Ok . Yey !” Sabi nito . Pumili na agad ito ng isang movie sa collection ko .
“Deym , I hate horror movies ! ! !” Bigla ay sabi nito bago tuluyang tumabi sa akin . Iniisod ko naman sya .
“E bakit ka pumayag kung ayaw mo pala nito ?” Tanong ko .
“Hmm . Ok lang . Kasama naman kita manood e . Hindi na ako takot .”
“Tch . Chura mo . Bawal sumigaw ha ? Husay ka sakin pag sumigaw ka .” banta ko rito .
“Ok ! Ikaw din ah wag ka rin sisigaw !” sabi nito habang nagtatalukbong ng dala nitong mini blanket . Aba nga naman , at talagang ready ang abnormal .
“Coming Soon” ang napili nitong isalang sa DVD player . Thai horror movie ito . Ilang beses ko na itong napaulit-ulit na panoorin mag isa at halos saulado ko na ang mga mangyayari . Pero mukhang first time ni Chester na mapanood ito kaya unang bira pa lang ay sumigaw na agad ito . Tinitigan ko sya agad .
“Ehe . Ano . . . Vocalization ko lang yun Kuya .”
Nagsmirk ako . “Tsk . Ang tinis ng boses mo . Daig mo pa ang babae kung makasigaw . LALAKI k aba talaga ? Yung tunay ? ? ?”
“Alam mo , sobra ka makapanghusga ! Bakit , babae lang ba ang natatakot sa horror movies ?”
“Usually . Yung iba , kalimitan takot talaga . Yung iba nagpapapansin lang para makapang chansing sa crush nila sa loob ng sinehan . Pero 80% e takot talaga . Kaya nagtataka na talaga ako sa kasarian mo .” sagot ko .
Sumimangot ito . “Hmp . Makikita mo . . . Tatapusin ko ang movieng ito ! Akala mo ha .” sabi nito na mukhang determinado .
“Ikaw ang bahala .” Nakangiti kong sabi .
“Talaga !” Ingos nito .
After 1 and ½ hours , ilang makatanggal eardrums na sigaw at pagmumura , natapos rin ang movie . Balot na balot si Chester sa mini blanket nito at pinagpapawisan ng malapot .
“O ano . LALAKI ka na ? HAHAHAHA !” pang aasar ko sa kanya .
Pero tinitigan nya lang ako ng masama and stuck out his tongue .
“HAHAHAHA . Ewan ko sayo . Matulog ka na nga lang . No more horror films for you . Nakakairita ka kasama manood e .” sabi ko at tumayo na .
“Kuya . . . Pa-sleep naman ako please ? Kahit ngayon lang . . . Sige na . . .”
“Oo na . Basta sa susunod please lang , wag mo na uulitin ito . Got your lesson ?”
Tumango ito . “Got it ! Let’s sleep na . . . Antok na ako e .”
***
Suminghot ako . Tapos suminga . Hinayupak na rhinitis ito , hindi ako makapag trabaho ng maige e ! Peste sa buhay !
“Dude , mag file ka kaya muna ng sick leave ? Grabe na yang allergy mo e .” sabi ni Kuya Baste .
“Siguro nga , Kuya . Masama talaga ang pakiramdam ko e .” sagot ko .
Tumango ito . “Sige , tulungan na kita . Ako na magpapapirma kay Sir Greg ng sick leave pass mo . Magpapaalam na rin ako kay Sir na ihahatid kita .”
Suminghot ako . “Salamat , Kuya .”
After a few minutes , lumabas na kami ni Kuya Baste at nag aabang na ng jeep . Sakto naman na paglabas namin , biglang dumating ang kotse ni Royce at ipinarada nito sa harapan namin .
“Ice ? Anong nangyari sayo ? You look terrible . May sakit ka ba ?” Kitang-kita ko ang pag aalala sa mukha ni Royce . Nakaramdam ako ng saya sa nakkikitang concern sa mga mata nito .
Kahit na masama ang pakiramdam ko , para kong gusting sapakin ang sarili ko . Bakit ba kung ano anon a naman ang naiisip ko ? Naiirita ako dahil sa tuwing makakasama ko either si Royce o si Chester , magkakaroon ako ng jumpy feeling . Yun nga lang , hindi ko alam kung alin sa kanila ang mas malakas ang epekto sa akin . Si Royce ba na pinipilit kong ipagtabuyan o si Chester na lagi kong kasama ?
“Pare , buti napadaan ka dito . Masama kasi ang pakiramdam ni Ice . Inaatake na naman sya ng allergy nya e . Ihahatid ko sana . Pwede ba ikaw na lang maghatid sa kanya ? Mas makakagaan sa pakiramdam nya yan kesa sa jeep kami sasakay na makakalanghap sya ng polusyon .” sabi agad ni Kuya Baste .
“Kuya Baste , ano ka ba . Kaya ko naman mag jeep e .” sabi ko .
Pero hinila na ako ni Royce . “It’s better kung ihahatid nga kita . Makinig ka sa kuya Baste mo . Tama sya . Sige , pare . Salamat . Akon a maghahatid sa kanya .” sabi nito .
“Sige . Salamat din , pare . Pakiingatan na lang yan . Ice , wag pasaway . Pagaling agad ah .”
Tumango na lang ako .
Habang nagbbyahe , ramdam ko ang pagkabalisa ni Royce . Mapapansin ko na pasulyap sulyap sya sa gawi ko .
“Ice , sure ka ba na ayaw mo magpadala sa ospital ?” tanong na naman nito .
Tumango ako . “Zinnia na lang Royce . Salamat .”
Maya-maya pa ay nakarating na kami . Inalalayan pa talaga ako nya makababa kahit na kaya ko naman . Rhinitis lang naman ito e , hindi naman ako baldado .
Pag dating namin sa 7th floor , kabababa lang namin ng lift ay nakita ko namang papalabas ng unit ni Chester sina B1 at B2 . Matagal-tagal ko rin hindi nakita ang dalawang ito ah .
“Oh ! Hello there , Ate Ice !” bati ni Kevin . Ngumiti lang naman si Steven . “Bakit pala kasama mo sya ?” sabi nito na nakatingin kay Royce .
“Inihatid ko lang sya . Masama kasi ang pakiramdam nya e .” sagot ni Royce .
Ngumiti ako . “Ah e , oo parang ganun na nga .” pag sang ayon ko .
“Hmm . Fishy . Kayong dalawa kaya ang pinag iisipan ni Ate Cherish ng kakaiba . Sabi nya baka daw totoong nanliligaw ka kay Ate Ice .” sabi na naman ni Kevin .
“Oo nga . Nililigawan ko talaga si Ice .”
Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Royce . Ano na namang pasabog ito !
“Hmm ! I knew it ! Ate Ice , how dare you ! Hindi ka pa nakuntento kay Kuya Archie , pati ba naman si Prof Royce ?” naka smirk na sabi ni Kevin .
“Kev , ano ba ! Pakealamero ka talaga !” sabi naman ni Steven .
“E bakit , tunay naman e ?”
“Guys . H-hehe . Ano ba kayo . Hindi nyo ba madistinguish ang joke sa hindi ? Kayo talaga . H-hehehe . Nagj-joke lang si Prof Royce .” sabi ko . Ano ba tong si Royce ? Kainis naman e .
Tinitigan ako ni Kevin . “Hmm . . . I’ll tell Ate Cherish . Para di na sya umasa-asa na babalik pa sa kanya ang lalaking ito !” Tapos humarap it okay Royce . “At ikaw naman , lalaking salawahan , hindi ka na nakuntento ah ! May nakikita pa ako na laging nakabuntot sayo . Yung babaeng matangkad ?”
“Si Shena ? Hindi ko naman yun girlfriend . Si Ice ang gusto ko . Sya ang nililigawan ko .”
Siniko ko si Royce . Leche , pinapahamak ako . Hindi naman talaga sya nanliligaw ah ?
“Alam mo , bro , umalis na tayo . Kanina ka pang panggulo e . Kanina, ginugulo mo rin sina Kuya Archie saka yung girlfriend nya . Tara na . Troublemaker ka talaga .” hinila ni Steven si Kevin at inilayo . “Bye Ate Ice .”
Tumango na lang ako bago pumasok sa unit ko . Pero ano daw ? Girlfriend ni Chester ? ? ? Si Bev ba ang tinutukoy nila ? Sa naisip , parang biglang sumikip ang dibdib ko . Ano na naman ba ito ! Pesteng puso , kung ano-ano na naman nararamdaman ko !
“Ice , ok lang ba kung bantayan muna kita dito ? Gusto ko lang naman masigurado na ok ka .”
Nilingon ko si Royce na nasa pintuan . Nag isip ako ng ilang Segundo bago tumango .
Ngumiti ito . “Talaga ? ? ? Ok lang talaga sayo ? ? ?”
“Oo nga . Basta wag kang makulit .” sabi ko habang nagtatanggal ng sapatos .
“Ok . I won’t bother you . Magpahinga ka lang . Akon a bahala sa food mo . Ano pala ang gamot mo ? Akon a rin ang bibili .” prisinta nito .
“HAHA . Hindi ako magsasayang ng oras ano . Akaal mo ba , matutulog ako the whole day ? May nakatambak akong trabaho na kelangang matapos . Kaya ieedit ko yung KA dito kasi kaya ko naman . Saka hindi mo ako kelangang pagsilbihan . Kaya ko naman e .” sagot ko .
Umiling ito . “Hindi naman ako magsisilbi sayo ng libre e . Kasi alam kong ayaw mo ng utang na loob . Ikaw pa ? Kaya may kapalit lahat ng gagawin ko . Hehe .” sabi nito .
Napaisip ako . Di bale , tama naman nga yung sinabi nya na ayaw ko ng utang na loob .
“O , buti alam mo . Magkano ba ang gusto mong bayad ?” sabi ko .
Ngumiti ito . “Isang date with me .”
Napatayo ako . “No way . Anything but that .” sagot ko .
“Ok , madali naman akong kausap . Be my girlfriend then .”
Napatitig ako bigla sa mukha nyang nakangiti pero seryoso ang mga mata . WTFH ! Ano na naman ito , Royce ! ! !
Napailing ako . “Err , nope . Hindi rin pwede yan .” sagot ko .
Tumayo ito at inilapit ang mukha sa mukha ko . Nailang ako bigla . Naramdaman ko na bumilis ang tibok ng puso ko . At alam kong namumula na ako . Shit naman . . .
Napalunok ako kasi sobrang lapit ng mukha nya sa akin .
Itinulak ko sya ng bahagya . “Distance ng konte . Hehe . Masyadong malapit .” sabi ko .
Pero hinagilap nya bigla ang kamay ko na nasa dibdib nya at itinapat iyon sa malapit sa puso nya . Napatulala ako . Ano na naman itong ginagawa nya !
“Hindi mo ba nararamdaman yan , Ice ? Kasi ako nababaliw na sa nararamdaman kong ito . Feeling ko sasabog na ang ribcage ko dahil sayo . May potion ka bang ipinainom sa akin ? Bakit naaadik ako sayo ? ? ?”
Ikinurap kurap ko ang mga mata ko . Ano daw ? ? ? Lalo na akong nabingi sa bilis ng tibok ng puso ko . Ano ba tong mga pinagsasasabi ni Royce !
Hindi ako makapagsalita . Natameme na yata ako e .
Pinakawalan ni Royce ang kamay ko at ang mukha ko naman ang hinawakan nya . Napalunok ako . Ang init ng palad nya e , napapaso ang pisngi ko .
Inilapit nito ang mukha sa mukha ko . Hindi ako makagalaw . Gusto ko syang itulak pero hindi ko magawang utusan ang mga kamay ko na hanggang ngayon pala ay nakahawak pa rin sa dibdib nya . Lalong lumapit ang mukha nya .
Halos gahibla na lang ang layo ng bibig nya sa labi ko . Oh no . Nope . No way .
Nang magdikit ang tungki ng mga ilong namin , bigla syang nagsalita ng napakahina na halos hindi ko na marinig .
“Ice . . . Mahal kita .”
Hindi ko alam ang irereact ko sa sinabi nya . Lalo na nang mapansin kong malapit nang lumapat ang labi nya sa labi ko . Kaya ipinaling ko sa kaliwang direksyon ang mukha ko . Nag-landing ang labi ni Royce sa pisngi ko , ilang hibla ang layo sa labi ko .
Sakto namang bumukas ang pintuan ng unit ko .
“Kuya , may ikekwento ako s---“
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang shocked na expression sa mukha ni Chester na sya palang nagbukas ng pintuan ko . Bumaba ang mga mata nito sa magkalapit na mga mukha namin ni Royce . Aw shit .
-------------------
Random pic of Ice ----->