Operation: Destroy Thomas Tor...

By TeamKatneep

445K 6.7K 1K

He’s too hot to handle. But is she too cool to resist? Ara hates Thomas. And the feeling is mutual. Pero isan... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 36

8K 158 29
By TeamKatneep

Chapter 36

Ara

Naalala ko noong bata pa ako dinala ako ni Mommy sa summer school para matuto ng ballet. Excited pa ako nung una hanggang sa pina-sayaw na ako ng teacher at bumagsak ako sa sahig. Pinagtawanan ako ng ibang mga bata dun. Saka ko lang na-realize na sobrang clumsy ko pala at hopeless case na talaga ang hilig ko sa sayaw kaya iniwan ko ang ballet. Sobrang malungot ako nang mga panahong 'yun hanggang sa sinama ako ni Daddy sa isang game. Hindi ko pa alam kung anong klase ng laro ang papanoorin namin basta ang sabi niya, exciting daw ito. Dinala ako ni Daddy sa isang volleyball match at nang makita ko ang mga players na naglalaro, sobrang nag-enjoy ako. At ang reaction ng crowd na naghihiyawan sa tuwing nakaka-score ang isang player, parang gusto ko ring maranasan na maglaro gaya nila.

Pagkatapos naming manood ng larong 'yun, agad kong sinabi kay Daddy na gusto kong matuto ng volleyball. Napaka-supportive naman niya despite Mommy's protests. Ipinasok ako ni Daddy sa isang volleyball sports clinic. Sobrang nag-enjoy ako sa paglalaro ng volleyball. Mas lalo ko pang pinag-igihan ang pagsasanay at pag-develop sa skills ko. Hindi ko naman talaga pinangarap maging professional player, ang gusto ko lang na mangyari sa volleyball career ko ay ang makapaglaro sa collegiate competitions gaya ng UAAP at maging champion. And now, nasa kamay ko na ang lahat ng 'yun. Matutupad na rin ang matagal ko nang pangarap. With this in mind, mas lalo ko pang diniinan ang pag-spike ko ng bola kaya hindi na ito na-dig ni Ate Liss.

"Very good Ara! I'm very impressed with your performance sa ating mga training these days. You sure are ready para sa finals bukas." Puri sa'kin ni Coach Ramil.

"Salamat Coach."

"Okay! Listen up everybody! Kahit anong mangyari bukas, panatilihin niyo lang ang composure ninyo. Kahit ano pa ang hinanda ng kalaban laban sa'tin, alam kong tayo pa rin ang mananalo. Pwede na kayong magpahinga para bukas." Reminder sa'min ni Coach bago kami tuluyang pinauwi.

"Wow Best! Believe na believe talaga ako sa galing mo. Kahit may nangyari..." Hindi tinuloy ni Mika ang sasabihin sana niya. Alam na niya ang lahat ng nangyari sa pagitan namin ni Thomas at iniiwasan rin niyang pag-usapan ang tungkol dun.

"Wag na nating isipin at pag-usapan yun, Best. Magiging okay rin ako."

"Sana nga, Best. So ano? Tara, uwi na tayo. Kailangan na nating magpahinga." Inakbayan pa ako ni Mika.

"May dinner pa kasi kami ni Daddy ngayon. Gusto mong sumama?"

"Naaa... family dinner 'yan. Magpapahinga na muna ako. You go ahead." Tanggi ni Mika.

"Sige. Kita na lang tayo mamaya."

Paglabas ko ng La Salle, nakita ko agad ang kotse ni Daddy. Pumasok na ako.

"Hi Daddy!" Hinalikan ko ang pisngi ni Dad.

"Hi Princess! How was your training?"

"Okay lang, Dad. As usual, nakakapagod pa rin."

"I'm sorry kung ngayon pa ako nagyaya ng dinner. I hope you're not yet too tired para samahan ako."

"Of course not, Dad. Masaya nga ako at sabay tayong kakain." Hindi na ako nagtanong kung nasan si Mommy. May pagka-mellow dramatic kasi yun kaya alam kong nagtatampo pa rin siya sa'kin. Hay nako, hindi ko talaga ma-gets si Mommy. Hindi naman niya kasal ang malabong matuloy.

Pumasok na kami ni Daddy sa restaurant. Habang hinihintay namin ang pagkain, nag-usap na lang muna kami.

"Thank you pala, Dad." I said truthfully.

"Thank you sa'n?"

"For standing up with me dun sa dinner natin. Agad kasi kayong umalis ni Mommy kaya hindi ako nakapagpasalamat."

"It was nothing anak. Dapat matagal ko nang ginawa 'yun. Sa simula pa lang, I always knew your Lolo's plan wouldn't work. Masyado lang talaga akong nadala ng Lolo mo." Lolo Guille's plan did ALMOST work. Almost nga lang.

"It's okay, Dad. You're just being a good son to Lolo."

"Yeah, nakalimutan ko na rin kung paano maging good father sa'yo."

"Don't say that Dad. You have always been a great father to me. Si Mommy na rin kahit madalas hindi kami magkasundo."

"Ara anak, alam kong madalas kayong mag-away ng Mommy mo pero wag mo sanang kalimutan na mahal na mahal ka niya. To the point na akala niya alam niya kung ano ang nakabubuti sa'yo kahit halos lahat ng tungkol sa'yo kokontrolin niya."

"Naiintindihan ko naman siya, Dad."

"She'll come around. Alam mo naman kung gaano ka-hopeless romantic ang Mommy mo. Anyway, good luck sa laro niyo bukas. I know you're going to take Game 1 and win the championship." Pagkasabi nun ni Dad, hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon na nakita niya sa pagmumukha ko dahil agad siyang naging concerned.

"Why? Is there something wrong, Princess?"

"W-wala naman, Dad." Pilit kong pinasigla ang aking boses at pinipigilan ang aking mga luha na tumulo.

"I'm missing something here. Kilalang-kilala na kita kaya alam ko kung may problema ka." Wala na rin namang use kung magsinungaling pa ako kay Dad. I decided to tell him the truth.

"K-kasi Dad..." Hindi ko na napigilan ang luha kong tumulo.

"You fell in love with Thomas." Derechong sabi ni Daddy kaya nagulat ako. Paano niya nalaman?

"Ganun ba ako ka-obvious, Dad?"

"No. I just know you too well kaya kahit hindi mo sabihin, alam kong may dinaramdam ka. I just want to hear it straight from you."

"O-oo Dad. Mahal ko si Thomas." Gosh, ang awkward naman ng situation na ito. Inamin ko lang naman sa aking Daddy na may feelings ako para sa isang guy. Pfft.

"I don't understand. Kung ganun naman pala, bakit ginawa mo pa ang deal na 'yun sa iyong Lolo? Teka, mahal mo si Thomas pero hindi ganun ang nararamdaman niya para sa'yo?"

"Kasi Dad, bago pa ninyo kami pinakasundo, may naging girlfriend si Thomas na ka-pangalan ko. They broke up pero nagkabalikan rin sila."

"Sino ba ang mahal ni Thomas sa inyong dalawa?" Dad asked.

Sino nga ba? Napaisip ako nung huling gabi na magkasama kami ni Thomas. Sabi niya ako ang mahal niya.

"Hindi ko alam." Nakatungo kong sagot.

Dad let out a sigh. "Ang kawawa kong anak, paminsan-minsan na nga lang umibig sa maling tao pa. Tama na sana ang pagkakataon kaso..."

Hindi natapos ang sasabihin ni Dad dahil dumating na pala ang pagkain.

"Ano ang dapat kong gawin, Dad?" Tanong ko sa kanya habang hinihintay namin ang bill.

"Focus on the game bukas." Simpleng sagot ni Dad.

"Pero Dad, kapag nanalo at nag-champion kami, tuluyan nang mawawala sa'kin si Thomas."

"Who created that deal in the first place?"

"Ako."

"Naniniwala akong you're mature enough to handle the consequences of your actions. Basta mag-focus at galingan mo lang ang laro niyo bukas. You may not have won Thomas' heart pero at least champion naman kayo." Tama siguro si Dad. Simula ngayon, dapat kalimutan ko na si Thomas. Dapat itatak ko sa aking isipan na mas mahalaga ang championship kesa kay Thomas. Ito ang pinaka-pangarap ko mula pagkabata.

"Manonood ba kayo kasama si Mommy bukas Dad?"

"For sure nandun ako. I don't know yet with your Mom..." Dad trailed off. Mula noon, hindi na talaga nanonood ng mga games ko si Mommy.

"Good night, Dad." Inihatid na ako ni Daddy sa aming dorm.

"Good night, Princess. Sleep well and don't forget what I told you." Paalala sa'kin ni Dad bago siya tuluyang umalis.

March 2, 2013- UAAP Women's Volleyball Finals Game 1:

Sobrang puno ng MOA Arena. Kinakabahan tuloy ako kung ano ang mangyayari sa laro namin ngayon.

"Girls, wag kayong magpaapekto sa crowd. Sanay naman tayo na marami ang nanonood sa'tin. Just drown out their noise para makapag-focus kayo." Sabi sa'min ni Ate Abi.

"Yes Capt.!"Sagot naman namin.

"Stick to the game plan. Presence of mind dapat. Ayoko ng tatanga sa loob ng court." Dagdag rin ni Coach Ramil.

"Yes Coach!"

"Pumasok na kayo sa loob at mag-warm up!"

Naglalakad na kami papasok sa dugout para mag-warm up nang may mahagip ang aking mga mata. Pigilan ko man ang aking sarili, tumingin pa rin ako sa kanilang dalawa na naglalakad patungo sa mga upuan habang magkahawak-kamay.

"Best, wag mo na silang pansinin. Mag-focus ka na lang sa laro natin ngayon." Bulong sa'kin ni Mika. So nakita rin pala niya yun.

"O-okay lang ako. Syempre, focus talaga ako sa laro natin ngayon." Sagot ko naman kay Mika at inunahan ko na papasok. Ayokong mahalata niyang nasasaktan pa rin ako sa tuwing nakikita ko sila.

Nagsimula na ang first set and surprisingly, mas kalmado na ang nararamdaman ko ngayon compared kanina. Na-serve na ang bola at na-receive ito ni Ate Liss, set ni Moki at nag-spike si Wensh... score! Kaso binawian naman kami ng Ateneo kaya nag-spike ulit ako ng ubod lakas at nakapuntos kami. Palitan lang kami ng puntos ng Ateneo nang hindi sinasadya'y napatingin ako sa kinauupuan nina Thomas at Arra. Siguro sinasadya ko nga... eh kasi naman, nasa pinaka-front sila nakaupo kaya kitang-kita sila sa pwesto ko kung saan ako na ang magse-serve. Nakita kong nagbubulongan silang dalawa. Pumito na ang referee. Tinaas ko na ang bola para i-serve, ubod lakas koi tong pinalo kaya out ang service ko. Nakapuntos tuloy ang kalaban.

"Okay lang 'yun, Ara. Bawi ka na lang." Sabi sa'kin ni Ate Abi. Nag-serve na si Ate Fille at hinabol ko ang bola para i-receive kaso hindi ko nakayanan ang force ng bola kaya naka-score ulit ang kalaban. Technical timeout na pala. Nako, dalawang magkasunod na error pa talaga ang nagawa ko. Siguradong lagot ako nito kay Coach.

"Okay girls, napansin na siguro ninyong may binago ang Ateneo sa usual na laro nila pero wag tayong pa-apekto. Dapat ganito ang gawin natin..."

Ako kaya ang pinag-uusapan nina Thomas at Arra kanina? Siguro lihim nila akong pinagtatawanan. O baka pinagdarasal nila na mas galingan ko pa para tuluyan na kaming manalo at malaya na silang dalawa.

"Best, halika na." Hindi ko namalayang tapos na pala ang timeout.

Nakakalamang na ang Ateneo. Patuloy pa rin ako sa pag-spike ng bola pero nadi-dig pa rin nila ito. Pagkakataon ko na ulit para patayin ang bola pero out naman. Hay nako, kinukulang na talaga ako sa focus. Halos ganun pa din ang nangyari sa buong first set hanggang sa natalo nga kami.

"Best, ano bang nangyayari sa'yo? Wag kang magpa-apekto sa kanila." Bulong sa'kin ni Mika habang nasa timeout kami.

"I'm sorry, Best. Parang gusto ko nang sumuko eh..." Tumingin sa'kin si Mika at tinapik ang likod ko.

"Gusto mo bang magpa-sub muna kay Coach?" Puno ng concern na tanong niya sa'kin.

"No. Kaya ko to. I'll show them na hindi ako apektado at kayang-kaya kong ipanalo ang laro."

"Sige." Yun lang ang tanging nasabi ni Mika bago muling bumaling kay Coach Ramil at nakinig sa kanyang instructions.

Heto na... magsisimula na ang second set. Kailangan kong makabawi. Nakaka-score ulit ako ngunit mas pinaghandaan talaga kami ng Ateneo. Palagi pa rin nilang nakukuha ang mga spikes at drop balls namin. Hay nako, ang sarap sumuko. Pero hindi ko pwedeng gawin 'yun. Ano ba naman to...

25 minutes later...

Tapos na ang second set. At talo ulit kami. Huhuhu... isa na lang ang kulang at makukuha na talaga ng Ateneo ang Game 1. For the past hour, parang nakalutang lang ako and I feel like I'm just going with the flow. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin kaya pati teammates k ay nadadamay.

"Wensh, chance mo na 'yun kanina. Bakit hindi mo pinalo?" Naha-highblood na talaga si Coach Ramil.

"Eh kasi, akala ko si Ara lang-"

"Hindi mo dapat inaasa sa iba kapag may nakita kang pagkakataon! Composure!" Hindi na pinatapos ni Coach si Wensh.

"At ikaw Ara, gusto ko ang aggressiveness mo sa court. Wag mo nga lang sobrahan para hindi ma-out ang mga bola. Understood?" Really? Sa kabila ng mga errors na nagawa ko, nagustuhan pa rin ni Coach ang performance ko? Bigla tuloy akong napahiya dahil naisipan ko pang sumuko kanina. Hay nako, Ara... wag mo kasing kalimutan ang sinabi ni Daddy kagabi. Play with my heart and focus!

Pumito muli ang referee bilang hudyat ng pagsisimula ng third set. Naglakad na kami patungo sa court. Focus Ara! Makukuha rin namin itong 3rd set and force a final and deciding 5th set.

Lord, ganito ba talaga ang tinakda mo na mangyayari sa game one? Gusto mo ba talagang ibigay ito sa Ateneo? Eh kasi naman eh... parang kulang pa yata kahit lahat na ginagawa namin para maka-puntos.

"Let's do this! Alam kong tayo pa rin ang mananalo sa match na 'to. Atin ang game one!" Kahit lamang ng dalawang sets at anim na puntos ang kalaban, pilit pa ring pinapalakas ni Ate Abi ang loob namin. Talagang ina-admire ko siya dahil dun.

At unti-unti nga naming nahahabol ang score ng Ateneo. Isa na lang ang lamang nila. Si Kim ang nag-serve ng bola. Naibalik pa ito ng Ateneo at nang i-set ang bola patungo sa'kin. Nag-spike ulit ako ng ubod lakas! Yes!!! Tabla na kami ng score. Agad namang naghiyawan ang mga tao pero isang napakapamilyar na boses ang hindi nakaligtas sa pandinig ko.

"GO ARA!!!"

Sinundan ko ang pinanggalingan ng boses at sobrang saya ko dahil hindi nga ako nagkakamali sa nagmamay-ari ng boses na 'yun.

"ANAK KO 'YAN!!! WHOOOO!!!" Kahit pinagtitinginan na siya ng mga katabi niya, hindi pa rin niya ito pinapansin at patuloy lang siya sa pagchi-cheer sa'kin. For the first time, nanood si Mommy ng laro ko at ramdam na ramdam ko ang kanyang supporta. Katabi naman niya si Daddy na tuwang-tuwa rin. Napangiti na rin ako.

At iyon nga ang naging simula ng lahat, unti-unti akong nakakabawi sa mga errors ko kanina. Pati si Mika mukhang naka-adjust na rin at lumamang na kami hanggang sa nakuha nga namin ang third set. Hindi naman sumuko ang Ateneo at lumaban sila sa fourth set pero unti-unti nang nagbalika ang kumpyansa namin kaya nakuha rin namin ang fourth set. Kahit pagod na pagod na kami, lumaban pa rin kami sa fifth set at unti-unti nang napagod ang Ateneo at mukhang sila naman ang malapit na ang sumuko. Sunod-sunod na ang errors nila at kasabay nun, sunod-sunod na rin ang puntos namin.

Oh yes!!! Nakuha rin namin ang game one sa kabila ng lahat ng mga hirap namin. Siguro dahil ito sa tiyaga namin. Niyakap ako ng aking mga teammates.

"Iba ka talaga Ara! Iba siguro ang epekto ni Thomas sa'yo. Halata kasing inspired na inspired ka!" Nagkatinginan kaming dalawa ni Mika sa sinabi ni Kim. Napangiti na lang ako nang pilit sa kanya.

"Hay nako Kim, wag mo nang idamay si Thomas sa pagkapanalo natin." Saway sa kanya ni Mika. Hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi nila dahil kinausap ako ni Coach Ramil.

"Great job, Ara. Ipagpatuloy mo lang 'yan."

"Salamat Coach." Naglakad ako palayo sa kanya para puntahan ang mga magulang ko. Habang hinahanap ko sila sa gitna ng crowd, bigla na lamang akong natumba dahil may bumangga sa'kin.

"I'm sorry, Ms-" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang makita niya ako. Nang makita ko ang pagmumukha niya, parang bigla ko na lamang nakalimutan ang kasiyahan dahil nanalo kami.

Nakatitig lang kami ni Thomas sa mata ng isa't isa. Wala ni isa sa amin ang nagtangkang gumalaw. Tila ba nalulunod ako sa mga mata ni Thomas at ganun din siya sa'kin. For a moment, biglang tumigil ang lahat at walang ingay ang maririnig mula sa aming paligid.

"Oh Babe, nandyan ka lang pala." Sa isang iglap lang, agad naglaho ang lahat at muling nagbalik sa normal ang buong mundo.

"Y-yeah. Let's go?" Sagot ni Thomas na parang walang nangyari kanina at hindi ako nag-eexist.

"Wait, Ara! Congratulations pala sa inyo! You're just one game away from being the champion!" Niyakap pa ako nang napakahigpit ni Arra.

"T-thanks." I smiled at her awkwardly.

"Babe, nag-congratulate ka na ba kay Ara?"

"Yeah. Let's go." Kinuha ni Thomas ang kamay ni Arra at inakay palayo sa'kin. Nakatingin lang ako sa kanila na parang tanga. He's really doing it. Talagang pinaninindigan na ni Thomas ang hindi niya pagpansin sa'kin. I'm supposed to be happy pero gaya ng aking inaasahan, sobrang sakit lang ang idinulot nito. I looked at the two of them sadly.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 42.9K 35
Love...does it really conquer all?
1.2K 275 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...
8.9K 111 5
Pano pag di nyo na maalala ang isa't isa?
12.3K 339 7
Leo and Cali. Leo and Cali are childhood best friends. Everything is fine until Cali felt butterflies in her stomach whenever she sees Leo. She deci...