Love Misunderstood (Completed)

By sunget26

108K 2K 81

Carmela and Third almost grew up together since their parents married each other they became Step Siblings. C... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Epilogue

Chapter 9

8.6K 152 2
By sunget26

Chapter 9

Nasa opisina na ngayon si Third. Katatapos lang ng board meeting nila. Ngayon lang siya opisyal na naitalaga bilang CEO ng kanilang kumpanya. Dahil sa nasa Laguna siya ng isang linggo ay lahat ng trabaho at transactions niya ay thru email lahat. The meeting turns out great at maayos naman ang pakitungo sa kanya ng mga board members.

Tinignan niya ang pambisig na relo, lagpas lunch na. Namimiss na rin niya si Carl, at ganun din naman si Carmela. Sa loob lang ng isang linggo naging parte ang mga ito ng buhay niya ay nasanay na siya, paano nga kaya kung tunay na silang pamilya? Wala sa sariling napapangiti siya.

Palabas na sana siya para maglunch ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nang makita niya kung sino ang tumatawag ay parang gusto niya ng kutusan ang sarili.

Shit! Shit! Shit! Bakit ba nakalimutan niya ang isang napaka-importanteng bagay? The past few days he was happy na kasama sila Carmela. Na Ang tanging importante at priority niya ngayon ay ang makasama ang mga ito. So happy na nakalimutan niya na mayroon na nga pala siyang ibang nobya.

What kind of sick person is he? Alliyah doesn't deserve all this.

Sinagot niya ang tawag.

“Alliyah...”

“Hey..” sagot ng nasa kabilang linya. “I've been trying to call you for a week now. Where have you been?” tanong nito. She doesn't sound accusing which he felt even more guilty. Sanay na ito na hindi siya nito nakakausap ng ilang linggo lalo na kapag nasa ibang bansa siya at nagta-trabaho kahit noong nasa dubai pa sila.

“I've been busy,” nasabi lang niya.

“Oh..”

“Look, where are you now?” tanong niya rito.

“Dito lang sa bahay namin.” sagot nito.

“I'm about to go out for lunch, can we meet? I have something important to say to you.” sabi niya rito.

“Okay, where do you want us to meet?”

“The Restaurant in front of the company building, is that okay with you? Hindi pa ko kumakain eh,”

“Sure.” sagot nito at nawala na sa kabilang linya. Dati rin empleyado sa building na iyon si Alliyah bago ito napromote at ipinadala sa Dubai para sa HR department nila roon.

Hindi na ngayon mapakali si Third. Nakakailang balik na siya sa loob ng kaniyang opisina. Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Alliyah ang tungkol kay Carl. He had been very unfair to her. Sumuko na rin siya pag-iisip at bumaba na sa Restaurant sa tapat ng building nila.

Ilang minuto pa lang siyang naroon ay dumating na si Alliyah.

“Hey.” bati nito at humalik sa pisngi niya. Ipinaghila niya naman ito ng upuan. “Thank you.” nakangiting sabi nito. She look so beautiful. A beauty that once captured his attention, but somehow he felt different this time.

Maybe because she's not Carmela. Bulong ng isip niya. Ipinilig niya ang ulo para paalisin ang nasa isip. Hindi man siya pisikal na nagtataksil kay Alliyah, he felt like he already did, the moment na inamin niya sa sarili na si Carmela pa rin ang may malaking puwang sa kanyang puso.

“So what is this important thing you wanted to say to me?” nakangiting sabi nito.

“uhmm... 'wag ka sanang magagalit but just a week ago, I found out that I have a son.” hindi kaagad ito nakapagsalita. Hinintay niya na mag-sink dito ang mga sinabi niya.

“Wh-What? H-how did this happen?” naguguluhan na tanong nito. She's nearly in tears.

“It was a long time ago. He's ten years old now. I just met him. I was with him this past week.”

“Okay... okay... okay...” sabi nito at pinapapayapa ang sarili, huminga hinga rin ito ng malalim. Natakot si Third na baka bigla na lang itong himatayin kaya binigyan niya ito ng isang baso ng tubig. Naiintindihan niya ang reaksyon nito. Siya man ang nasa posisyon nito ay hindi rin niya alam kung ano ang magiging reaksyon. “So...” nang siguro'y kumalma na ang pakiramdaman nito ay muli itong nagsalita. “Let me get this straight. You have a son and for ten years you have no idea he exist?” tumango-tango lang siya bilang pag sang-ayon dito. “Then, why didn't your ex-girlfriend told you that you got her pregnant before? Why only now?” mahinahong tanong nito.

“Actually she wasn't my ex girlfriend.”

“Not your ex-girlfriend?” kunot-noong tanong nito. “Then, is she just some random girl you had....... done something with?”

“No. she wasn't just some random girl. She's my stepsister. And she didn't told me, I found out.”

“What? Yo-your stepsister? I can't believe this.” nanghihinang sabi nito at tahimik na lumuha. Hindi naman malaman ni Third ang gagawin. “So, may magbabago ba sa'ting dalawa?”

“Do you want something to change?”

“Of course not.” umiiling na sabi nito. “The fact na may anak ka doesn't change the OTHER fact that we have each other now right?” hinawakan nito ang kamay niya na nakapatong sa lamesa.

“O-Of course.” marahil ay naguguluhan lang si Third sa ngayon dahil sa muli nilang pagkikita ni Carmela at nagbalik ang lahat ng mga pinagdaanan nila. Baka kapag nakasama niya nang muli si Alliyah ay mare-realize niya rin na ito na ang mahal niya at hindi na si Carmela. At isa pa ay mayroon na rin si Carmela na bagong pag-ibig sa katauhan ni Dylan.

“So when will you introduce me to your son? You would right?” uncertain na tanong nito.

“I haven't told him about you, but certainly you will meet him anyway. I'll talk to him first.” sabi niya rito.

“What's he like?” tanong nito. Mukha namang tanggap na nito ang pagkakaroon niya ng anak, kaya naman ay ikinuwento niya ang mga bagay-bagay kay Carl at kung ano ang mga nangyari at ginawa nila sa nakalipas na linggo.

Tahimik naman itong nakinig sa kanya at panaka-nakang nagbibigay ng kumento at reaksyon. Nakangiti na rin ito at tinanggap niya iyon as a good sign na maaring magustuhan rin nito si Carl at hopefully ay ganun din si Carl dito.

“I really wanted the both of you to meet. You'll love him, he's a great kid. Carmela raised him well.” masayang sabi niya rito.

“If he's really like you, then there's nothing to hate about him.” ginantihan niya ang ngiti nito.

PALABAS na ng Bookstore si Carmela kasama si Third at Carl. Namili sila ngayon ng mga school supplies ni Carl para sa nalalapit na pasukan. Nagulat pa silang tatlo ng may biglang tumawag sa pangalan ni Third.

“Third?” paglingon nila ay nakita ni Carmela ang isang magandang babae. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang tatlo, partikular na kay Carl. Kaya naman hinawakan niya ang anak sa kamay. May hinala na siya na maaring ito na nga ang nobya ni Third. Hindi niya alam kung ano magiging reaksyon nito para kay Carl. Mahirap na.

“Alliyah...” so there, she just got her confirmation, it is indeed his girlfriend, lumapit naman ito sa kanila. Iniiwas niya ang tingin ng humalik ito sa pisngi ni Third. “What were you doing here?” narinig niyang tanong ni Third. Muli ay ibinalik niya ang tingin sa mga ito.

“I'm here with my sister and nieces.” sagot nito. Tumingin ito sa kanya at muli ay kay Third. “Aren't you gonna introduce us?”

“Uhm.. Alliyah this is Carl my son, and his mother Carmela.” pakilala ni Third sa kanila.

“Nice to meet you.” inextend nito ang kamay sa kanya. Sa tingin ni Carmela ay sincere naman ito sa pagkakakilala nilang dalawa at wala ring bahid ng pang-uuyam ang kiming ngiti nito. Kaya wala rin siyang ibang choice kundi tanggapin ang pakikipagkamay nito sa kanya. At simple rin lang itong nginitian. “Hi..” kumaway naman ito kay Carl at nginitian ang anak.

Tumingin muna sa kanya ang anak bago sumagot dito. “Hi...” simpleng sabi lang din nito.

“Carmela, Carl, this is Alliyah m-my Girlfriend.” pakilala ni Third dito.

“Girlfriend?! No!” nagulat naman silang tatlo sa outburst na iyon ni Carl. Bigla itong tumakbo palayo sa kanila.

“Carl!” sabay na tawag nila ni Third dito. Agad namang sinundan ni Carmela si Carl na palabas ng bookstore. Nakakailang hakbang pa lang si Carmela ng matisod siya sa mga boxes na nakaharang sa pintuan.

“Carmela!” agad naman siyang dinaluhan ni Third at inalalayang makatayo. Ilang saglit na nagtama ang tingin nila. Agad namang lumayo si Carmela rito at sinundan ang daan na tinahak ni Carl.

“Wait here!” narinig pa niyang sabi ni Third pero hindi na siya nag-abala pang lumingon dito.

Naabutan ni Carmela si Carl na nakaupo sa isa sa mga gutter na nasa parking lot. Nakasubsob ang ulo nito sa mga tuhod nito at base sa paggalaw ng balikat nito ay alam ni Carmela na umiiyak ito.

“Oh honey!” dinaluhan agad niya ito at niyakap. “How many times do I have to tell you never to run away from me. Baka kung mapaano ka.” sabi niya rito.

“Mom, why can't you and Dad be together?” sabi nito sa pagitan ng mga hikbi.

“sweetie I already told you it's complicated.”

“Is it because Dad already has a girlfriend?”

“Well...”

“Then I hate her!” sigaw nito.

“Don't be like that Carl. You don't know what kind of person she is. Maybe if you get to know her you'll see she is a very nice person.”

“Will she be my stepmom? They said StepMoms are evil.”

“Not all stepMom. Your lola is a stepmother also, but is she evil?”

“No...” sumisinghot singhot ito.

“There you go. And besides, you'll only have one mother. And that is me.” nakangiting sabi niya rito. Tumango-tango naman ito at niyakap na rin siya.

“Your Mom is right kiddo, you'll only have one mother.” paglingon niya ay nasa tabi na nila si Third.

“Third, what are you doing here? You shouldn't have left Alliyah.” imbes na sagutin siya ay bumaling ito kay Carl.

“Are you okay kiddo?” tango lang ang isinagot ni Carl rito. Ibinalik ni Carmela ang atensyon kay Carl.

“So what do say? We'll go back there and YOU will apologized to Miss Alliyah.” suhestiyon niya. Saglit namang nag-isip si Carl bago tumango.

Magkakasama silang bumalik sa bookstore.

“I'm sorry Miss Alliyah,” sabi ni Carl nang balikan na nila ito sa loob ng bookstore.

“That's okay.” nakangiting sabi ni Alliyah.

“Carmela!” paglingon ni Carmela sa tumawag ay nakita niya si Karla kasama si Dylan. Napapikit si Carmela. Ano ba 'to reunion o eye ball? Dito pa talaga kami nagkita-kita!

Siguradong hindi siya titigilan ng dalawang kaibigan sa pagtatanong ng mga kung ano-ano tungkol ay Third at sa nobya nito.

“Hey guys! Kamusta na? Dito pa talaga tayo nagkita-kita ah...” tinaasan niya ng kilay ang mga ito may something sa dalawang ito at mukhang may gagawing kalokohan. Duda siya kung talagang aksidente lang na narito rin sa bookstore ang mga ito. Dahil alam niyang nabanggit na niya ang plano nilang mamili ni Third ng mga gamit ni Carl nang makausap niya si Karla ng puntahan siya nito sa bahay nila. Kauuwi pa lang nila noon mula sa Laguna nang bisitahin siya nito.

Pinandilatan niya ito ng mga mata. Agad naman ang pag-iwas nito ng tingin kaya lalong lumakas ang kutob niya na may binabalak nga ang dalawa na kalokohan.

“Hi...” bati ni Karla kay Alliyah. “Hi Third. Hindi mo ba kami ipapakilala sa kasama mo?” nagulat naman si Third sa sinabing iyon ni Karla. Siya naman ay nagtaas lang ng kilay. Ano bang drama nito ngayon samantalang ng huling beses na magkaharap ang dalawa ay galit kay Third si Karla.

“This is Alliyah my girlfriend” pakilala ni Third.

“Ahh.. nice to meet you I'm Karla.” inabot pa nito ang palad inabot naman iyon ni Alliyah.

“And I'm Dylan.” inabot rin nito ang kamay ni Alliyah. “We're Carmela's friends.” sa gulat niya ay umakbay pa sa kanya si Dylan. It doesn't take a genius para malaman kung ano ang ginagawa ng huklubang niyang mga kaibigan.

Nang tumingin siya kay Third ay madilim na ang mukha nito at masama ang tingin na ibinibigay kay Dylan. Sa birthday party pa lang ni Carl ay pansin niyang mabigat ang loob nito sa huli, hindi lang niya alam ay kung bakit.

“Anong ginagawa niyo rito?” tanong niya sa dalawang kaibigan.

“May gusto kasi ako bilhin na libro, nagpasama lang ako dito kay Dylan, okay lang ba 'yun Carmela?” nakangiti ito ng ubod ng tamis sa kanya. Kumunot naman ang noo niya.

“Bakit naman hindi magiging okay sa'kin, eh kaibigan mo na rin naman na din itong si Dylan.” nagtatakang tanong niya dito.

“Mahirap na pati ako pagselosan mo ko.” sabi nito. Bago pa siya makapagreact ulit ay may nagsalita na.

“Uhm, Third, I should go now, kailangan ko ng bumalik sa sister at mga pamangkin ko baka hinahanap na nila ako.” kunwa'y sabi sa kanila ni Alliyah.

“Uh.--” mukhang hindi naman alam ni Third ang gagawin. Nagpalipat-lipat ang mata nito sa kanila at kay Alliyah.

“You should go with them, sila naman talaga ang kasama mo pagpunta dito eh.” si Alliyah.

“I'm sorry.” iyon lang ang nasabi ni Third.

“That's okay. I understand.” tumingin ito kay Carl. “We could still have that dinner tomorrow evening you had promised.”

“Of course.” sagot ni Third.

“Speaking of dinner,” biglang singit ni Dylan sa usapan. “Ang tagal na natin hindi nagdinner sa labas Carmela.” hindi na nag-abala pang sumagot si Carmela sa sinabing iyon ni Dylan. Ayaw niya nang gatungan pa ang binabalak ng dalawang ito.

“Oo nga bakit hindi rin kayo lumabas ni Carmela bukas ng gabi. I can babysit my inaanak here.” sabi ni Karla at mahinang kinurot pa sa pisngi si Carl na tahimik lang na nakikinig.

“Why don't you guys come with us to dinner?” Bigla ay alok ni Third.

“NO!” sagot ni Carmela.

“Sure!” malawak ang ngiting pagpayag ni Dylan. Hinarap ni Carmela si Dylan.

“Hindi pwede!” madiing sabi niya dito. Humarap naman siya kay Third. Madilim pa rin ang mukha nitong nakatingin kay Dylan, si Alliyah naman ay gulat ang naka-rehistro sa mukha nito. Naawa siya rito. Halos gusto na niya ito patayuan kanina ng monumento sa sobrang pagka-understanding nito. Pero ang makasama ito at si Third sa dinner ay hindi maari. It's too much. “Third, thank you sa alok pero makakaistorbo lang kami sa dinner date niyo ng – ni Alliyah.”

“I think it's a great idea!” sabad namang muli ni Karla. Pinandilatan niya ito ng mata. Nagkunwari naman ito na hindi nakita ang ginawa niya at nagpatuloy sa sinasabi. “sa dami ng okasyon na pagsasamahan nating lahat sa buhay ni Carl. Hindi ba tama lang na maalis na ang awkward feeling natin sa isa't-isa? Pwede din naman akong sumama kaso nagvolunteer na ko na magbantay kay Carl.”

“I think she's right. Tska sabi nila nararamdaman ng mga bata kung ano ang emosyon ng mga nakakatanda sa paligid niya kaya naabsorb niya iyon.” sang-ayon naman ni Alliyah.

“So? Hindi pa rin ba pwede?” baling sa kanya ni Dylan.

Nakatingin lahat sa kanya at naghihintay sa isasagot niya. Hindi naman niya maaaring ilaglag ang mga kaibigan na mukhang umaayon sa mga ito ang pinaplano base na rin sa kakaibang ngiti na nasa labi ng mga ito. Pinaningkitan niya ang mga ito ng mata at wala na siyang ibang nagawa kundi ang pumayag sa gusto ng mga ito.

“Fine.”

KINABUKASAN ay maaga pa lang nasa bahay niya na si Karla.

“Ang aga mo naman pumunta.” puna niya rito ng pagbungaran niya ito ng pinto ng kanilang town house.

“Siyempre! Magpapakwento muna ako ng mga juicy details at tsaka para tulungan ka na rin mag-ayos ng sarili mo para sa double date niyo.” tuloy-tuloy itong pumasok ng bahay. “Where's my baby inaanak?”

“Nasa taas pa, gumagawa ng assignment.” Sagot niya rito, “Ano ba gusto mo ikwento ko?” tanong niya rito ng makaupo na sila sa sala.

“Lahat-lahat.” nakangiting sabi nito.

“Alam mo na lahat-lahat sa'kin. Kaya wala na ko ikukwento.” sabi niya rito.

“Sus, damot naman nito sa impormasyon. Kailan ka pa naging secretive sa'kin?”

“Totoo naman kasi. Hindi na kami masyado nagkausap pa ni Third simula ng insidente NIYO kahapon sa bookstrore.”

“Walang pong anuman.” nag-bow pa ito na parang prinsesa.

“Anong 'walang anuman' ka dyan? Eh hindi naman kayo nakatulong sa'kin kahapon. In fact, you guys made everything worse!”

“Hindi noh! Sa tingin ko naman kasi, mabait iyon si ano- ano nga ba pangalan 'nung syota ni Third?”

“Alliyah.”

“'yun! Si Alliyah, mukhang magiging mabuti siyang asawa ni Third at Second Mommy ni Carl.”

“Of course not!” huli na ng marealize niya ang naging reaksyon.

“OF course not hindi siya magiging asawa ni Third o Of course not hinding siya pwedeng maging second Mommy ni Carl?” nanunubok na tanong nito.

“Oh please lang wag kang gumawa ng issue.”

“Ano ba ang issue?” taas kilay na tanong nito. “Sige nga, once and for all sagutin mo 'tong tanong ko. Do you not or do you still have feelings for Third? Hmm?” hindi siya agad nakasagot, magdedeny na sana siya ng muli itong magsalita. “You know what? Wag mo nang sagutin, kitang-kita ko na ang sagot dyan sa mukha mo pa lang eh. Alam ko na. Ganyang-ganyan ka din noon.”

sumuko na rin si Carmela sa balak na magdeny pa dito. Karla knew her so well, there would no point in lying. “Pero ayoko na makaramdam ng ganito. Ayoko nang masaktan.”

“Pero alam mo, nag-usap kami ni Dylan. Baka nga isang malaking misunderstanding lang ang nangyari talaga sa inyo noon. Na baka nga minahal ka rin talaga ni Third noon. Base na rin sa usapan namin nung birthday ni Carl. Malay mo mas bongga kung mahal ka pa rin niya hanggang ngayon.”

“Imposible. Nakita mo naman may girlfriend na siya ngayon. And she's perfect.” mahinang sabi niya rito.

“Hirap talaga kapag nagseselos. Nagiging insekyora. Bumababa ang confidence level. Eh mas maganda ka pa rin naman sa Alliyah na iyon. And besides, hindi mo ba napapansin kung paano ka tignan ni Third?”

“Ayoko nang isipin pa 'yan ngayon. Huli na ang lahat masaya na si Third. Hindi talaga kami para sa isa't isa, kasi kung oo, eh di sana noon pa.” tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa sala. “And besides kailangan ko ng mag-ayos para sa date namin ni Dylan.” at nang maisip niya kung paano ang kalalabasan ng date niya with Dylan, she shutter.

“Ewwww.....” sabay sabi nila ni Karla.

“Kasalanan niyo kasi 'to!” akusa niya sa kaibigan.

“You'll thank us later. Kaya panindigan mo na lang.” natatawang sabi nito,

“You owe me big time!” tawa lang ang isinagot nito sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

99K 3.7K 52
Crissa's story First draft Unedited
13.7K 250 48
Close na close ang dalawa, merong taong naiinis kay Dixie dahil sa sobrang close nila ni Cove. Kahit merong tao sa paligid niya na nagsasabi na gusto...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...