Chapter 10

10.1K 174 8
                                    

Chapter 10

Sinundo si Carmela ni Dylan sa kanilang bahay. Pagpasok pa lang nila sa Restaurant kung saan ang usapan nila na magdi-dinner kasama si Third at Alliyah ay namataan niya kaagad ito na nakaupo sa lamesa nakalaaan para sa kanila. Nakaharap ito sa pintuan kaya batid niya makikita rin nito sila agad. Kasama nito roon si Alliyah. Kahit nababalot ng selos ang buong pagkatao niya ay hindi siya nagpahalata.

Mukhang kampante naman sa tabi niya si Dylan. Kahit hindi sang-ayon si Carmela na pagpapakita kunyari ng interes sa kanya ni Dylan ay wala na rin siya magawa ng mag reasoning sa kanya nito at si Karla. Kesyo na ginagawa lang daw ng mga ito ang mga iyon para hindi naman siya magmukhang katawa-tawa sa harapan ni Third at ng nobya nito dahil baka raw isipin ng mga ito na hindi pa siya nakakamove on kay Third. Which is basically ay totoo naman.

Kaya wag na raw siyang kumontra pa at maki-ride on na lang. Tutal naman ay dinner date lang naman iyon, hindi naman niya kailangang umarte na parang inlove rin siya kay Dylan.

Nakita niya na nagawi ang tingin sa kanya ni Third. Hindi naman niya napigilan ang sariling tignan ito. Nakapagwapo nito sa suot nitong Navy blue na long sleeve polo na nakatupi hanggang sa siko. At mukhang bagong gupit at shave din ito. She so wanted to run her palm on his cheeks just to feel once again just how smooth it is. Pansin rin niya ang paghagod nito ng tingin sa kanya.

She's wearing a spoon neck little black dress, with cut out details na tinernuhan naman niya ng nude peep-toe pumps. Itinaas naman ni Karla ang buhok niya kanina in a soft bun. At simple lang din at fresh ang pagkakagawa ng kanyang make-up.

Hindi na siya nilubayan ni Third ng tingin at ganun din naman siya dito. Tila walang ibang taong naroon sa loob ng Restaurant kundi siya at si Third lang. Hanggang sa makalapit na sila ng tuluyan sa lamesa ng mga ito. Tumayo si Third mula sa pagkakaupo.

“I hope we're not late,” sabi ni Dylan. Tila naman ngayon lang napansin ni Third na may kasama pala siya.

“No, you're not.” muli ay bumaling ito sa kanya. “You look lovely Carmela.”

namula naman ang pisngi niya sa papuri nito. “Thanks, you look good yourself.” hindi niya alam kung gaano katagal lang silang nakatayo roon, kung hindi pa nagsalita si Dylan sa tabi niya chances are they may not wake up in the trance both her and Third are in.

“You also look fantastic Alliyah.” bati ni Dylan.

“Salamat.” simpleng sagot nito at iniiwas ang tingin sa kanila. Particularly sa kanya.

“Umupo na tayong lahat.” alok ni Third.

NAGING maayos naman ang dinner nila. Kadalasan ay si Dylan ang nagdadala ng usapan. At paminsan-minsan ay sumasagot lang siya kapag tinatanong siya nito.

“Last year we went to Baguio for our summer vacation, I wanted so much to try the bungee jump, ang hindi ko alam sobrang takot pala sa heights 'tong si Carmela.” masayang kwento ni Dylan.

“I'm not afraid of heights Dylan.” kontra niya rito.

“We both know that's not true Carmela.” singit ni Third. “Ever since talaga takot ka sa heights, hindi ka nga sumisilip sa balcony ng bahay ganun din sa eskwelahan.” natatawang sabi nito.

“And what about you? Still afraid of spiders?” hamong tanong niya rito.

“You're afraid of spiders?” tanong ni Alliyah kay Third.

“I'm not afraid of spiders anymore. I'm an adult now.” sabi nito at umayos ng pagkakaupo.

“I think you're still afraid.” patuloy niyang pang-aasar dito.

Love Misunderstood (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें