Epilogue

11.4K 255 20
                                    

Epilogue

NAGLALAKAD si Carmela papasok sa lobby ng Shangri-la Hotel, pagkagaling sa Law Firm ay dumiretso na siya roon. Usapan nila ay magdidinner lang sila para sa birthday niya. Nang makapasok siya sa Restaurant ng hotel ay agad niyang hinanap sila Third at Carl. Ayon na rin sa text nito ay naroon na raw ang mga ito at hinihintay na lang siya.

“Ms. Dela Fuentes?” tanong sa kanya ng lumapit na Maitre.

“Yes?”

“This way please.” at iginiya siya nito patungo sa isa sa mga functions room doon.

“Wait. I think you got it all wrong, We're just here for a dinner.” nginitian lang siya nito pero tuloy-tuloy pa rin sa paglakad. Hindi rin naman nagtagal ay binuksan nito ang isang kwarto roon at pinapasok siya. Madilim ang kwarto kaya hindi siya agad pumasok. Hinawakan siya nito sa braso at iginiya papaloob bago pa siya nakapag-react ay bumukas na ang mga ilaw.

“Happy Birthday!” bati sa kanya ng mga taong naroon, nang makita niya ay naroon ang kanyang mga kaibigan, katrabaho at ilang kamag-anak, naroon rin ang kanyang Mommy. Sa gitna ay naroon si Third na may hawak ng bouquet ng bulaklak. Si Carl naman ay may hawak na cake, nilapitan siya ng mga ito. Inabot sa kanya ni Third ang bulaklak.

“Happy Birthday!” hinalikan siya nito sa mga labi.

“Thank you!” niyakap niya ito sa baiwang.

“Oh tama na 'yang sweetness na 'yan. Happy Birthday girl!” bati sa kanya ni Karla. Binati rin siya ni Dylan at ng kanyang Mommy. Hindi siya magkamayaw sa mga taong gusto siyang batiin.

“Mom, Happy Birthday!” sabi sa kanya ni Carl at inilapit sa kanya ang cake para hipan niya ang kandila.

“Thank you honey!” at hinalikan niya ito sa pisngi.

“Make a wish.” nakangiting sabi nito.

Hindi niya alam kung ano pa ba ang mahihiling niya sa sarili niya. She had everything she ever dreamed of and more.

“Did you arrange all this?” tanong niya kay Third nang muli itong makalapit sa kanya.

“I had some help.” nakangiting sagot nito sa kanya.

“Where are you going?” tanong niya rito ng maglakad ito papunta sa stage.

“Just wait there.” iyon lang at nagpatuloy na ito sa paglalakad. Umakyat ito sa maliit na stage doon at may hawak ng mic.

“May I call on everybody's attention please?” sabi nito sa microphone.

“Oh my God! This is it!” tili ng katabi niyang si Karla.

“What it this all about?” kinakabahang tanong niya rito.

“Basta.” iyon lang ang nasabi nito.

“We all gathered here tonight to celebrate the birthday of the one and only woman in my life. Carmela, honey, can you please come up here?” nagpalakpakan ang mga tao habang nakatingin sa kanya ang lahat ng naroon. Tinulak naman siya ni Karla sa likod niya.

“Sige na. Pumunta ka na roon,” wala na siyang magawa kundi sumunod dito at umakyat na rin ng stage. Nang tuluyan na siyang makalapit rito ay tsaka lang ito muling nagsalita sa microphone

“Carmela.... I would like to take this opportunity not just to greet you a happy birthday, but to also.” may dinukot ito sa bulsa nitong black velvet box. Sabay sabay naman ang pagsinghap ng mga taong naroon sa bulwagan.

“Oh my God!” lalong bumilis ang tibok ng puso ni Carmela. Hindi niya alam kung totoo ba itong nangyayari o nananiginip lang siya. Kasi kung panaginip lang ito she doesn't want to wake up anymore.

Lumuhod si Third sa harapan niya at binuksan ang maliit na box, tumambad sa kanya ang isang princess cut diamond ring. “Carmela Dela Fuentes, will you marry me?”

hindi kaagad nakasagot si Carmela. Hilam na rin ng luha ng mga mata niya.

“Yes!. Yes Third, I will marry you.” tumayo na ito mula sa pagkakaluhod at niyakap siya ng mahigpit. Pagkatapos ay isinuot na nito sa kanya ang singsing. It fits perfectly.

Hinalikan siya nito. Wala silang pakialam kung nasa harap man sila ng napakaraming tao. Masayang masaya siya ngayon.

They wed after four months, ayon na rin sa kagustuhan ni Third. Gusto nitong maikasal na sila sa lalong madaling panahon kaya naman ang lahat sa wedding nila ay rush, ganun pa man naging maayos naman ang seremonya at reception.

In Church they vowed that whatever misunderstanding they face. They have to be well communicated to avoid things that will hurt the both of them. But at the same time they were thankful, because they have proven their love over time. And afterall the heartaches and pains they have experienced their hearts remains true to each other.

                                     Wakas

N/A

I know my ending sucks. hehe.. i'm still a newby writer and I'm still learning.

so, my next story is entitled "Christmas Letters." so please check that one out...

thanks guys!!!!!!

^_^

Love Misunderstood (Completed)Where stories live. Discover now