Love Misunderstood (Completed)

By sunget26

108K 2K 81

Carmela and Third almost grew up together since their parents married each other they became Step Siblings. C... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Epilogue

Chapter 8

8.7K 166 5
By sunget26

Chapter 8

Nasa isang sikat na fast food Restaurant ngayon si Third kasama ang anak na si Carl. Ilang araw na rin siyang nagpapabalik-balik sa Ancestral ng mga ito para lang makasama niya si Carl. Unti-unti ay mas lalong nagiging close na sila ngayon ng kanyang anak. Katunayan dyan ay ang pagsama na nito sa kanya na kumain at mamasyal sa labas nang hindi na nila kasama si Carmela.

Kahit pa feeling disappointed na wala na siyang magiging dahilan para makasama pa ng matagal si Carmela. Sa nakalipas na mga araw ay hindi na siya nito muli pang kinausap. Naiintindihan niya ito. Nakita niya kung paano ito nasaktan sa akusasyon niya. Gusto niyang suntukin ang sarili. Gulong-gulo na siya sa mga nararamdaman niya. Part of him wanted so much to believe na mali siya sa inakala niya kay Carmela. Na he should have known her better, sa dami masasayang pinagsamahan nila noon dapat inisip niya na hindi iyon magagawa ni Carmela. But the stubborn part of him ay paulit-ulit na nare-replay ang eksena ng usapan nito at ni Karla noong debut nito at sa pagpla-planong paibigin siya.

Siguro nga ito na ang tamang panahon to put everything in the past, kahit para kay Carl na lang. They can't go on in circles, kung hindi sila parehong magmo-move on ay hinding hindi magkakaroon ng katahimikan sa pagitan nila ni Carmela.

“Carl?” tawag niya sa anak.

“hmm?” iyon lang ang naisagot nito sa kanya dahil sa puno ang bibig nito ng burger na kinakain.

“Sa tingin mo, anong ginagawa ngayon ng Mom mo?” alangang tanong niya. Hopefully ay hindi iyon mapansin ni Carl.

“Right now, she might be in front of her laptop doing some work. Or she might be reading a book. But if she's upset she might be cleaning the house.” sabi nito at patuloy pa rin sa pagkain,

Third let out a hearty laugh. “So, she still does it huh?”

“Does what?” inosente namang tanong nito.

“Overly cleaning when she's feeling upset.” pareho naman silang natawa. Maya-maya ay binaba nito ang kinakaing burger at sumeryoso. “What's wrong Carl?”

“It's just that, I am happy when I'm with you.” kumunot naman ang noo ni Third.

“What is wrong with that? I'm happy too when we're together.”

“I worry that I might be hurting Mom.” patuloy nito. “Since you came back, I often saw her in deep thoughts and she's turning our house upside down. Madalas sinasaway na siya ni Lola. Pero tuloy pa rin si Mom sa paglilinis. Maybe she's thinking about you not leaving with us?” hesistant na tanong nito sa kanya.

Nagulat naman si Third sa sinabing iyon ni Carl. He cleared his throat first before answering. “Uhm, Carl... your Mom and I.. we're not..-”

“Together. I know. Mom told me.” putol nito sa sinasabi niya. “Isn't there any way that maybe you could get back together? I know it's a grown-up thing but maybe whatever you and Mom fight over that ended up being separated can't you just apologize to each other so we could be one happy family?” hopeful na tanong nito at hindi alam ni Third kung ano ang dapat sabihin.

He once promised himself na gagawin niya ang lahat para sa anak, pero kaya niya bang gawin ang nag-iisang bagay na hinihiling nito sa kanya ngayon?

“It's complicated...” nasabi niya lang rito.

Bumuntong hininga naman ito at hindi na muli pang ininsist ang gusto. Tapos na silang kumain ng muli itong magsalita. “Can we buy pasalubong for Mom?”

“Sure thing kiddo.” nakangiting sabi niya rito. Gumanti rin ito sa kanya ng ngiti. Bumalik na rin sa wakas ang sigla nito at sandaling nakalimutan ang tungkol sa kanila ng Mommy nito.

“What do you think we could buy for Mom?” untag nito sa kanya.

“What about an ice cream cake? She likes that.” suhestiyon niya rito.

“Yeah.. how did you know that?” naa- amuse na tanong nito.

“Let's just say, that I know a lot of things about your Mom.” sagot niya rito at ginulo ang buhok. Agad naman itong umiwas at inayos ang buhok.
“Not the hair Dad!” reklamo nito na ikinatawa lang niya.

Nang matapos na silang bumili ng ice cream cake na ipapasalubong nila kay Carmela ay may nadaanan silang flower shop. Naisip niyang pwede na rin iyong peace offering rito. Dahil sa naisip niyang magsorry na rito.

“One moment Carl.” sabi niya sa anak na ikinahinto rin nito sa paglalakad. Pumasok siya sa loob ng flower shop at bumili ng isang bouquet ng bulaklak.

“Is that for Mom?” tanong ni Carl ng makita ang hawak niya.

“Yeah..” sagot niya rito.

“White roses?” nakataas ang kilay na tanong nito.

Bigla namang nag-hesitate si Third. “She likes white roses right?” uncertain na tanong niya. Hindi na siya ngayon sigurado kung talagang gusto pa nga ni Carmela ang white roses.

“She does. What I don't get is to why she likes it so much. She often buys a lot and put in our vases.” kibit balikat na sabi nito.

Nakahinga naman ng maluwag si Third at tumawa. “Don't worry kiddo. Hindi lang ikaw ang hindi makarelate sa kanya. Me too.” nahawa na rin ito sa pagtawa niya.

Nang makarating na sila sa Ancestral house ng mga ito ay agad nilang hinanap si Carmela. Naabutan nila ito na nakahiga sa lying couch na nasa garden ng mga ito. Mukhang nakatulugan na nito ang pagbabasa ng libro.

Nahigit ni Third ang paghinga. She look so peaceful and beautiful while sleeping. Muli ay naalala niya ang pakiramdam ng magising siya na ang mukha nito ang una niyang nakita. Ilang umaga rin siyang gumigising na akala niya ay nasa tabi niya ito. Only to find out na imahinasyon niya lang ang lahat. At ngayon nga nasa harapan niya ang natutulog nitong pigura. It's surreal, na nakakaramdam siya ng takot na anytime ay maglaho ito sa paningin niya.

“Mom?” untag dito ni Carl. Umungol naman ito at unti-unting nagbukas ng mata.

“Hey baby!” nakangiting sabi nito. “Kanina ka pa ba dumating?” tahimik lang si Third na nagmamasid sa mag-ina.

“We just got home. I have something for you.” inabot nito kay Carmela ang dalang pasalubong. Tumayo naman si Carmela mula sa pagkakahiga at umupo.

“Thank you sweetie. What's this?” binuksan ni Carmela ang laman ng kahon. “Wow. Ice cream cake. How did you know my favorite flavor?”

“Dad told me that you like triple chocolate ice cream cake.” sabi ni Carl at nilingon si Third na nakatayo sa hindi kalayuan sa kanila. Nilingon rin siya ni Carmela. Nagulat naman ito ng makita siya roon. Marahil ay nagtataka ito kung bakit naroon pa siya, akala nito ay umalis na siya pagkahatid kay Carl. Saglit lang naman ang pagkagulat sa mukha nito at napalitan iyon ng blankong ekspresyon.

“Carl, bakit hindi ka muna kumuha ng mga platito at fork para makain na ng Mom mo ang pasalubong natin.” sabi niya sa anak na agad naman tumalima. Lumapit naman siya kay Carmela at inabot dito at bulaklak na hawak.

Naningkit ang mata nito at masama ang tingin sa kanya. Atleast ay may nakuha siyang reaksyon muli rito. Hindi pa rin nito kinukuha mula sa kanya ang mga bulaklak. Kaya naman ay nagsalita na siya.

“I'm sorry.” sabi niya rito. “I know what I said the other day was out of line. I shouldn't have said that. I'm sorry.” sincere na sabi niya rito. Hindi pa rin ito nagsasalita at iniwas lang sa kanya ang tingin.

“Sorry alone isn't enough. The damage has been done.” matigas pa rin na sabi nito.

“I know. But it's a start.” nang muling magtama ang kanilang paningin ay mukhang hindi na galit ang tingin nito sa kanya bagkus ay lungkot. Umahon naman ang pamilyar na pakiramdam kay Third. Ganito rin ang nararamdaman niya noon tuwing kasama niya ito. “I'm willing to put everything in the past and move on to what is now. We have done a lot of things that hurt each other before that's why I'm here to put closure to it.”

All along ay tahimik lang na nakikinig si Carmela sa mga sinasabi niya. Pero batid niyang nag-iisip rin ito ng maige.

“Kasi right now, hindi lang tayo ang nasasaktan, may isang inosenteng bata na nasasaktan dahil hindi na nga natin siya mabigyan ng buong pamilya nararamdaman niya pa ang hatred natin sa isa't isa.” patuloy na sabi ni Third. Bumuntong hininga si Carmela.

“I guess you're right.” maya'y sabi nito. Nagulat man sa mabilis na pagpayag nito ay hindi nagpahalata si Third. Nakalimutan niyang hindi na pala sila mga bata ni Carmela na nagpapatigasan ng ulo. They were adults now at may bata na umaasa na sa kanila ngayon. “Siguro nga pareho tayong may kasalanan sa isa't isa pero walang kasalanan si Carl para maipit siya sa alitan nating dalawa. And I'm sorry too.” lumuluhang sabi nito. Bago pa siya makapag-isip ay nasa tabi na siya nito at yakap-yakap na niya ito.

His heart constrict. It felt so right to have Carmela in his arms again. It's been such a long time, that he didn't realize how much he misses her. She smelt divine just exactly the way she used to.

He felt her froze at maya-maya'y kumalas na ito mula sa pagkakayakap niya. Nang makahuma ay tsaka nagsalita si Third.

“Atleast maybe we could be friends?” tanong niya rito.

Tumango-tango naman ito habang pinapahid ang luha. “For Carl... I guess we could try.” hindi rin nagtagal ay bumalik na si Carl kasama ang isa sa mga katulong ng mga ito na may dalang tray na may mga platito, baso at tinidor at isang pitsel ng juice. “Naku, natutunaw na 'tong dala niyo.” nakangiting sabi ni Carmela binuksan nito ang box.

Somehow, magaan ang pakiramdam ni Third. Masaya siya at halos hindi siya makapaniwala na maari pa silang magkabati ni Carmela at maibalik nila ang dati nilang samahan. Kahit para kay Carl man lang. Naging Masaya rin ang Tita Leonora niya nang malaman nito na kahit papaano ay nagkasundo na sila ni Carmela.

KINABUKASAN ay maagang nagising si Carmela and felt like a swimming. Bumaba siya papunta sa pool suot ang kanyang black strappy one piece bathing suit.

It's been a stress reliever para sa kanya ang pagsu-swimming. Kahit June na ay mainit pa rin ang panahon kaya naman kahit maaga pa ay hindi nakakaramdam ng lamig si Carmela.

Halos kalahating oras na siyang nasa pool at nakakailang laps na siya ng makaramdam ng pagod. Dahil ayaw niya pang umahon ay nagfloat muna siya at pumikit.

“Good Morning!” sa gulat ay napalubog si Carmela na agad din namang napa-ahon. Nakita niya na nakatayo sa gilid ng pool ang nakangiting si Third. Nakapamulsa ito at mukhang amuse na amuse na pinapanood siya.

“Kanina ka pa dyan?” tanong niya rito.

Kibit balikat lang ang isinagot nito sa kanya. Nagsimula na siyang umahon mula sa pool. Pagkaakyat niya ay inabot nito sa kanya ang towel na naroon.

“Bakit umahon ka na agad?” tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. Naramdaman niyang nag-iinit ang kanyang pisngi at sigurado siya na namumula na ang mukha niya. Para pagtakpan ang pagkapahiya ay tinaasan niya 'to ng kilay at inirapan.

“Kanina pa ko sa pool, kaya umahon na rin ako.” sabi niya rito. “Don't you ever get tired? Malayo ang Laguna sa Manila para magpabalik-balik ka rito araw-araw.” tinalikuran niya na ito at naglakad papasok sa loob ng bahay. Ramdam niya ang pagsunod nito sa kanya.

“Who says na galing pa ko Manila?” narinig niyang sabi nito. Agad niya itong nilingon.

“What?” takang tanong niya.

“Nakalimutan mo na ba na may rest house kami dyan lang sa San Pablo?” nang maalala ang sinasabi nitong rest house ay muli siyang naglakad, hindi pa siya nakakapunta sa sinasabi nitong rest house kaya naman hindi na nakakapagtakang hindi niya agad naalala iyon. Buong akala niya ay nagmumula pa ito ng Manila tuwing pupuntahan nito si Carl.

“Nag-almusal ka na ba?”tanong niya rito ng tuluyan na silang makapasok sa loob ng bahay.

“Nagkape lang ako.” sagot naman nito.

“Then, pwede ka ng sumabay sa'min. I'll go get a shower first, you could wait there.” tinuro niya ang living room. Tinignan niya ang wall clock na nasa gilid ng hagdan. “Carl, will be up any minute now.” pagkasabi noon ay mabilis na siyang umakyat ng hagdan. Ramdam pa rin niya ang init na nagmumula sa tingin nito. She badly needed that cold shower. Balewala ang lamig na galing sa pool sa init na hatid ng tingin lang ni Third sa kanya at tila siya napapaso.

Nagkabati nga sila ni Third pero ang hindi pa rin niya maiwasan ay ang atraksyon niya para dito. Kung tutuusin ay hindi niya na dapat iyon maramdaman, ang dahilan kung bakit narito si Third ay dahil kay Carl at kay Carl lang.

“So what do you want to do today?” tanong ng Mommy Leonora kay Carl.

“I wanna go picnic at the lake!” masigla namang sagot nito. “Will you come Mom?” baling nito sa kanya. Napatigil naman ang akmang pagsubo niya.

“Uhh...” hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Tumingin siya kay Third. Ito man ay mukhang naghihintay rin ng kanyang sagot. Hindi niya mabasa base sa ekspresyon nito kung gusto siya nito sumama sa mga ito o hindi.

“Mom please...” pagtingin niya kay Carl ay nakabest puppy eyes ito. Bagay na ikinatawa naman niya.

“Ayoko naman maka-istorbo sa bonding time niyo ng Daddy mo.”

“Hindi ka nakakaistorbo Carmela, trust me.” gulat man sa mga takbo ng pangyayari ay pumayag na rin si Carmela.

Sa lake na rin silang tatlo nag-tanghalian. Hindi naman sumama ang Mommy ni Carmela. Nagdahilan lang ito na masama ang pakiramdam dahil sa mainit na panahon. Maganda at maaliwalas ang panahon. Dinala ni Carmela ang kanyang binabasang libro. Si Third at Carl naman ay abala sa kung anu-anong bagay. May dala rin ang mga itong pamingwit ng mga isda. Pero naiinip na si Carl ay wala pa rin ang mga ito nahuhuli. Nang sumuko na ang mga ito mamingwit ay naglakad-lakad ang mga ito sa paligid ng lake.

May mangilan-ngilan rin namang mga tao ang namamasyal doon. Hindi namalayan ni Carmela ng tahimik na lumapit sa kanya sina Third at Carl. Kaya naman talagang nagulat siya ng bigla nalang lumabas ang dalawa sa likuran ng puno na kinauupuan niya.

“Ano ba naman kayo?! Bakit kayo nangugulat?!” natatawang sabi niya sa dalawa. Tumatawang tumabi naman sa kanya ang anak. Pawis na pawis na ito at medyo hinihingal pa. Kumuha siya ng bimpo sa bag na dala niya at pinunasan ito.

“Ako rin, pawis na pawis na rin ako.” parang batang sabi ni Third sa kanya. Kumuha pa siya ng isa pang bimpo sa kanyang bag at inihagis papunta dito.

“Oh, punasan mo sarili mo.” natatawang sabi niya. Napakamot naman ito ng ulo at tumawa na rin.

“We used to this. Sa pond naman sa loob ng subdivision natin noon. Remember?” sabi nito.

“Yeah, I remember.” nakangiting sabi niya ng maalala ang mga pangyayari noon araw. “Naalala ko rin ng magswimming ka sa maruming pond na iyon.” natatawang sabi niya.

“Hindi ako nag-swimming doon. Nag-dive ako doon dahil hinagis doon ni Andrew 'yung paborito mong Headband.” natatawang rin sabi nito.

“Iyak kasi ako ng iyak noon. Iyon kasi 'yung huling binili para sa'kin ni Daddy noon bago siya mamatay. Kaya mahalaga sa'kin iyon.”

“Alam ko. Kaya nga sinubukan kong kunin iyon para sa iyo.” tumingin ito sa kanyang mga mata. Hindi alam ni Carmela kung gaano sila katagal na magkatitig ni Third. Dahil namalayan niya na lang na umunan na sa kandungan niya si Carl.

“Nakuha mo naman eh... iyon nga lang pareho tayong napatawag sa homeowners dahil nagsumbong si Andrew sa Mommy niya ng suntukin mo siya kaya siya nagkaroon ng black eye.” pareho silang tumawa sa alaalang iyon.

madalas silang mapatawag noon sa kanilang homeowners at ganun din sa guidance office ng school dahil sa mga kalokohan nilang ginagawa noon ng magkasama.

“Ikaw lagi ang nagdadala ng kapahamakan sa'tin noon eh.”

“Wow ha? Hiyang hiya naman ako sayo, ako talaga? Eh paano 'yung isang beses na nakipagsuntukan ka sa Library pa mismo dun sa ka-teammate mo sa basketball. Wala ako kinalaman doon.”

“Ahh, 'yun ba? Kasalanan mo rin 'yun noh. Narinig ko siya noon na ikaw daw ang yayain niya sa prom dahil wala na siyang ibang pwedeng mayaya kaya pagtitiyagaan ka nalang daw niya.” nagulat naman siya sa sinabi nito. Hindi niya alam ang bagay na iyon, akala niya lang ay may hindi napagkasunduan ang mga ito kaya umabot sa suntukan. “kunyari pa 'yung mokong na 'yun alam ko naman na crush na crush ka noon dahil sa tuwing pupuntahan mo ko sa mga pratice namin at laro ay lagi siyang nakatitig sayo.” naiinis na sabi nito.
“talaga? Hindi ko alam 'yun ah...” natatawang sabi niya.

“Natural hindi ko sinabi sayo 'yun dahil baka nga sumama ka talaga sa ugok na 'yun.”natawa naman si Carmela.

“Bakit naman ako sasama sa kanya eh hindi naman siya ang gusto ko noon.” nang marealize niya ang sinabi ay nawala ang ngiti sa labi niya.

“So, sino ba talaga ang gusto mo noon?” eager na tanong nito oblivious sa pagbabago ng kanyang mood. Siguro nga ay wala itong idea sa damdamin niya para rito noon.

Mapait siyang ngumiti. “Hindi na importante 'yun.” sabi niya sabay yuko. Napansin niyang nakatulog na pala si Carl sa kandungan niya.

Naging maayos naman ang kwentuhan nila ni Third. Napag-usapan nila ang iba pa nilang mga pinagdaanan at kung ano rin ang mga nangyari sa kanila sa huling sampung taon na tila ba walang gusot na nangyari sa pagitan nila. Pero hindi nila minsan man pinag-usapan ang gabi ng kanyang debut. Ngayon inaalala nila ni Third ang mga pinagsamahan nila, bakit nagawa nitong pagdudahan ang intensyon niya sa pagkakalapit nila. Higit kanino man ay dapat ito ang mas nakakakilala sa kanya.

Pero gaya nga ng napagusapan nila. Everything is in the past now, kahit may kinikimkim pa rin siyang sama ng loob dito dahil doon ay wala nang dahilan pa para ungkatin ang bagay na iyon.

Nagkasundo na sila pagdating kay Carl, at hanggang doon na lang iyon. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang katotohanang may nobya na ito.

LUMIPAS pa ang mga araw at nagkaroon na sila ng pattern sa araw-araw na pagpunta ni Third sa Ancetral house nila Carmela. Madalas ay nagbabasketball ito at si Carl, minsan naman ay online games ang pinagdidiskitahan na gawin ng dalawa. Hinahayaan niya lang si Carl na maglaro dahil bakasyon pa naman. Pero kapag nag-umpisa na ang klase nito next week ay refrain na rin ito sa paglalaro ng online games.

“Uhm, Carl, I may not be able to be here tomorrow, is that okay?” Sabi ni Third kay Carl. Nagmemeryenda na sila ngayon sa kitchen.

“Why?” malungkot na tanong ni Carl

“Well, I've got work to do. May problema kasi ngayon sa opisina. The board wanted to see me, so hindi muna pwede 'yung sa skype lang nila ako kakausapin. Besides malapit lang naman ang Manila, I can always come back here anytime.”

“You know what,” singit ni Carmela sa usapan ng dalawa. “That's okay, we will be leaving anyway, babalik na rin kami sa bahay namin dahil umpisa na rin ng klase ni Carl next week, and kailangan ko na rin magreport sa Law Firm,”

“Well that's great to know.” masayang sabi ni Third,

“And besides, we haven't bought any school supplies for this year.”

“Yehey! Shopping!” masayang sabi ni Carl.

“Can I come?” si Third.

“If you're not busy, sure.” nakangiting sabi rin ni Carmela.

N/A

whew! nakapag-upload rin. next: chapter 9.

Continue Reading

You'll Also Like

10K 352 36
Nasa college sila nang maging boyfriend ni Yoona si Chanyeol na trainee pa noon sa SM Entertainment. Hindi palaayos si Yoona, mukha syang manang at...
1M 33.2K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
385K 6.4K 25
I'm rich. No. Let me rephrase that. My family is rich. Not just rich. Isa kami sa kinikilalang pinakamayaman sa mundo. I'm smart. I go to one of t...
13.1K 383 54
[[COMPLETED]] "sir order nyo po?" "sawa na ako sa milktea eh, pwede bang ikaw nalang orderin ko?"