POLICE STORY

By BbTaklesa

15.7K 466 17

Delikado ang buhay ng isang pulis Kaya pinili kong maging isang private investigator Naging part-time Ins... More

PRELUDE
LEMUELA'S BOYS: PARENTING BOYS
BOYS BECOME REAL MEN ( ICE'STORY )
BBRM: JUDE'S STORY
BBRM: SIMPLE LEEAM'S STORY
BIG MAN TALK
TRAUMA
GREAT BRO DUTIES
TOUGHEST CHOICE
A MOTHER'S THOUGHT
BOYS TALK ABOUT GIRLS (BTAG)
BTAG: JUDE
BTAG: LEE
BRO'S GOODBYE
SIS TALKS ABOUT BRO
MY FAVE BRO
NEW HOME
TLC
TRAGEDY AWAITS
RHWFY
REFLECTION
BACK TO WHERE I WAS
FLASHBACK(HEY MR!MR!)
BACK TO NORMAL
WORK, WORK, WORK
INTRUDER
SWEET DREAMS OR A SCARY NIGHTMARE
WILD THINKING
SISTER'S SOUL
PEACE OFFERING
MORNING AT LORENZO'S PLACE
FACE TO FACE
BEHIND THE TRUTH
WALKED OUT LADY
SIMPLE LITTLE TRICK
GROWING ROMANCE
DESTINY'S CALL
THE BEGINNING
NEW PROFESSOR IS HERE!
BAD MORNING
BAD MORNING 2
FRIENDSHIP OVER?
MIRA
BROKEN SOUL
FINDING DANICA
LEE
RECONCILIATION
BLUFF
CLOUD 9
MY DANICA
FAMILY REUNION
LEE
SHE SAID, HE SAID, THEY SAID
SWEET OLD THING
ALL GIRL'S DRINKING SESSION( WHEN MEN TALKS)
ALL GIRL'S DRINKING SESSION (WHEN GIRLS' TALK)
NIGHT TO REMEMBER
CONFESSION
DANGER COMES
AN ANGEL'S PLEAD
GRIEVOUS RAPE
GRAVE MISFORTUNE
UNDER MIRA'S CUSTODY
JAZZY'S CRY
GOTCHA!
TOP SECRET
FROM THE AUTHOR

SECRET DATES

143 5 1
By BbTaklesa


LEE'S POV



Magkasabay umuwi sina Jazzy at Danica kaya okay lang na una siyang umuwi. Kailangan din niyang magpahinga. Dumiretso ako sa simbahan, umusal ng pasasalamat at gabay na sana ay tama ang ginagawa ko. Masaya ako pero nangangamba pa rin.



Tapos nang kumain sina Mama at Papa. Nasa sala sila at nanunood ng 'SO CLOSE" .



"Good evening..." Bati ko sa kanila. Lumapit ako kay Mama at Papa para humalik.


"Kumain ka na ba?" Umiling ako.


"Gusto mo bang ipaghain kita?" Umiling akong muli. Pababa na si Jazzy.


"Lemuela, ginagawa mo na namang bata ang anak mo. Dito ka na lang sa tabi ko, Honey."


"Honey? Kailan mo pa ako tinawag na Honey..." Heto na naman kami. Babalikan na naman nila ang nakaraan...Hahaha, minsan ganoon sila ka-sweet kahit may edad na sila.



Hinila ako ni Jazzy. "Ako na lang po ang sasama kay Kuya, Mama"



"Mabuti pa nga..." Sabi ni Mama. alam kong iintrigahin lang niya ako kaya niya ako sinamahan. Ipinaghain ako ng aming kasambahay . Tinititigan ako ni Jazzy habang sumusubo ako ng pagkain.


"Kuya, saan kayo nanggaling kanina ni Danica?Pinagalitan mo na naman ba siya? "


"Hindi ah..."


"Bakit siya mukhang umiyak?"


"Bakit hindi siya ang tinanong mo?"


"Kuya, hindi mo ba gusto si Danica?"


"Gusto..."


"Liligawan mo ba siya?"


"Kung puwede pa..."


"Paano kung huli na, pipigilan mo ba?"


"Huli na pala eh, bakit ko pa siya pipigilan?"


"Kuya naman..."


"Ang tunay na nagmamahal ay mapagpalaya..."


"Bakit ka ba alalang –alala sa kaibigan mo. Malaki na 'yon at alam niya ang kanayng ginagawa."


"Hay, kasi naman..."


"Kasi naman ano?"


"Kuya, si Danica ang matagal mo nang secret admirer. Hindi mo ba siya nahahalata?"


"Anong mahahalata ko sa mayabang at masungit mong kaibigan bukod sa lagi niya akong iniirapan sa klase ko sa inyo. Wala isyang ginawa kundi makipag-argumento. Maganda nga, mahirap naman siyang timplahin. Para siyang weather, madaling magbago sa buong maghapon."


"Paano kung mahal ka niya?"


"And so, anong gagawin ko?"


"Itanan mo na lang isya kuya..."


"Get real, Hello, sister... Huwag ganoon. Masama 'yang iniisip mo."


"Please, Kuya..."


"Teka, bakit ba? Anong problema mo?"


Pero hindi umimik si Jazzy. Tinalikuran niya ako at saka umakyat sa kanyang kuwarto.



Pagpasok ko ng kuwarto, naisip kong tawagan si Danica. Hmmm, hindi ko alam. Feel ko lang siyang tawagan at gusto kong marinig ang boses niya bago ako matulog. Humiga ako sa sopa na nasa loob ng aking kuwarto habang nakasilip sa aming bintana. Nakatanaw ako sa malawak naming bakuran.


"Okay na ba ang pakiramdama mo?"


"Dumiretso ka ba ng uwi?"


"Nanggaling din ako doon eh. Sayang hindi tayo nagkita. "


"How about we watch movie this coming Saturday?"



Abala ako sa Prelims ng mga estudyante pero syiempre may lovelife kaya happy ang buhay. First time... Maagang natapos ang exams at kinantyawan ako ng mga estudyante ko. Dedma si Danica.


"Sir, may love life po ba kayo? " Tanong ni Melvin... "yong estidyanteng madalas awayin ni Jazzy.


"Ehem, next question please..." Nagtawanan ang lahat .


"Artista lang ang peg. Di ngaaa Sir. Sa pogi ninyong 'yan, dapat madaming humahabol sa inyo. Habulin ang mga Lorenzo di ba?" Sabay tingin kay Jazzy. " Maliban sa kanya..." Sabay tawa ng malakas.


"Umayos ka, Melvin... siguro crush mo ako ano!" Sabi ni Jazzy.


"Eh ano kung totoo? May angal ka..."


"In your face..."



Hindi ko siya sinasabayang kumain sa kantin kapag kami lang dalawa pero kapag kasama niya si jazzy, mas malakas ang loob ko.



"Jaz, sino nga 'yong secret admirer ko noong high school kayo?" Out of the blue gusto ko lang mang-inis. Napatingin si Danica kay Jazzy. Sabay turo sa dalaga.


"Ikaw, Jazz.. "


"Ano ba,Kuya? Kasi naman eh... "



"Siya ba? " Sabay turo ko kay Danica. Sinimangutan niya ako at nanlisik ang kanyang mga mata. Cute niyang inisin. "Basta ha...'yung usapan natin." Bulong ko. Hinayaan kong tingnan kami ni Jazzy... Alam kong nakakahalata siya.


Lihim kaming nagkita sa loob ng sinehan. Una siyang pumasok ng sinehan. Sabi ko , hintayin niya ako sa tapat ng CR ng mga babae. Doon ko siya dadaanan. Nakakubli ako sa malaking poste, may isangdaang metro lang ang layo . Nakita kong palinga-linga siya. Iniwan na niya ang tiket sa entrance. Sinabihan ang staff doon na ako ang kasama niya.



"Pasensiya na kasi medyo malayo pa ang pinanggalingan ko" Sabi ko sa staff.


"Nandyan na po ang kasama ninyo sa loob."


"Salamat."



Hinawakan ko si danica sa kamay. Nanginginig siya habang ppinagpapawisan ang palad ko sa nerbiyos.


"Thanks for granting my request ." Naglalakad kami habang humahanap ng mauupuan sa bandang itaas ng sinehan. Malayo sa istorbo.


"Masaya din akong makasama ka kahit..."



Hindi ko rin halos naintindihan ang palabas. Tuwing madilim, puwede rin palang maging busy ang mga tao tulad ngayon.



"Lee, manunood ka ba ng movie?"


"Nanunuod naman ako eh...Auditory kasi ako...Nakikinig kahit busy ang kamay." Paliwanag ko sa kanya habang ipinihit ko ang kanyang ulo paharap sa akin. Na-Miss ko siya buong linggo habang busy siya sa pagpasok, busy din ako sa klase sa kanila.



Natapos ang palabas ng wala akong naintindihan. First time iyon.



Magkasabay kaming lumabas at kumain sa isang fine dine restaurant.Nakita ko ang engagement ring . "Tuloy ba ang kasal?" Hindi niya ako inimikan hanggang sa matapos kaming kumain. Pinisil ko ang kanyang kamay at nangilid ang kanyang luha.



May kanya-kanya kaming kotse kaya hindi ko na siya inihatid. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi okay ang narinig ko. Hindi kami nakapag-usap ng matino dahil iyak siya ng iyak.



Pag-uwi ko ng bahay, kinausap ako ni Mama at Papa. Ofcourse, dahil sa nakita nila sa CCTV... Sinabi kong mahal ko si Danica kaya ko lang nagawa iyon. Wala namang nangyari sa aming dalawa at hindi ko naman siya pinakialaman,.


"Kinausap ko lang po siya."


"Kinausap mo ng ganoong oras, sa loob ng kuwarto mo habang nakapantulog siya ng ganoon. Oh come on, Lee. Lalaki ka, nanay mo ako. "


"Mama..."


"Shut up...Tigilan mo ako ha! 'Yong totoo..."


"Alam naman pala ninyo eh, bakit pa po kayo nagtatanong? And besides, I did not go beyond my limitations. Ikakasal na siya."


"WHAT!? "


"Yes, ikakasal na siya. Ipinagkasundo na siyang ikasal sa isang anak ng mayamang businessman. Anong habol ko sa kanya?"


"Hindi ko kayang mang-agaw ng isang bagay na hindi kailanman magiging akin."


"Lee, anak..."


"Pero mahal ko kasi siya Mama...Hindi ko alam, Nalilito po ako. Anong gagawin ko? Iniwasan ko siya sa academy pero umiyak siya. Ayaw niya..."


"Lee, masyado kasi siyang bata at baka naman, Brother image lang talaga ang nakita niya sa iyo at hindi ang pagiigng boyfriend material."


"Mama...gusto ko lang pong maunawaan ninyo ang sitwasyon ko."



First I dated a girl as young as 18 or 19. I felt uneasy. Para ko lang siyang bunsong kapatid tulad ni Jazzy. Natakot din ako. Hindi ko alam kung hanggang saan hahantong ang sektretong relasyon na ito. Tama si Mama, kailangan kong malaman kung ano ba ang tingin sa akin ni Danica. Baka naman wow mali lang ako at asyumerong palaka...



Biglang tumawag si Danica. Nakatingin lang si Mama at Papa. Tinapik niya ako sa balikat.



"Yes, Danica...Kumusta ? Are you going to sleep now?"


"Thanks for calling..."


"Good night..."



Gusto pa raw niya akong makausap ngunit sinenyasan ako ni Mama na putulin ang pag-uusap namin. Bakit masyado naman yatang overprotective ngayon si Mama? Dati, halos ipagtabuyan niya akong mag-asawa pero ngyon...


Continue Reading

You'll Also Like

60.6K 2.3K 65
After Mia Roberts ex, Logan, breaks up with her, she's left in a devastated state. That was until she met Leondre Devries on the streets of Swansea...
2.3M 70.4K 98
Previously called Older Brothers Part 1 Completed (Alternate version) part 2 Ongoing "T-trust me?" "Always." It was the promise that they were never...
47.6K 1.6K 90
Coming Into Your World I Fell In Love With You| "I'm...In love with someone who's in a TV show?! And he's not even in the show he's supposed to be a...
6.8K 162 8
I'm bad at descriptions so...basically, the characters read the books.