My So Strict Boss (Bachelor S...

By Aljane_Rose

14.2M 294K 17.8K

"When you signed that contract, it meant that you are mine. So don't let others talk or even touch you becaus... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Message: Read or Not
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
Pasasalamat 💕

Chapter 37

138K 3K 35
By Aljane_Rose

Salamat sa paghihintay. Alam kong masyado ng late ang mga update ko, ang dami kasing ginagawa si author kaya sana pagpasensyahan ninyo. Don't forget to leave your comment!!!
My other stories:

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment, and follow me.

~¤♡¤~

Napatingin ako sa kanila ng magsimula ng maglakad si Clyde papalayo sa amin. Nagawa ko na rin na humarap sa kanya pero siya naman ang nakatalikod at habang tinitingnan ko siya ay parang ang bigat sa pakiramdam ko.

Tama ba ang ginawa ko? Hindi ko mapigilang maitanong ito sa sarili ko.

"May problema ba kayo ni Clyde, Cassandra?"

Hindi na ako nagtaka sa tanong niya dahil kahit sino naman ay mapapansin na may mali sa pakikitungo namin sa isa't isa.

"Ang alam ko wala kaming problema ng magpunta kami dito."

"Kung ganon bakit hindi mo man lang siya tiningnan kanina ng dumating sila. At sa tingin ko ay hindi ka nagsasabi ng totoo ng sabihin mong wala kayong problema."

Nakalimutan kong may pagkaobservant siya sa mga bagay bagay kaya wala akong choice kundi magsabi sa kanya. Sa tingin ko rin baka gumaan rin ang nararamdaman ko kung sasabihin ko sa kanya.

"Umalis siya na hindi nagpapaalam tapos nalaman ko na pinuntahan niya si Thalia para lang sunduin."

"Hindi mo na sana pinansin yung ginawa ni Clyde. Alam mo na sigurong kababata niya si Thalia kaya niya sinundo ang kaibigan niya."

Tiningnan ko ng masama si Ren at natigilan ito. Ngayon lang ako nainis sa sinabi niya. Hindi pa niya alam ang ginawa ng babaeng iyon kaya nasasabi niyang normal lang ang ginawa ni Clyde.

Tinaas pa nito ang dalawang kamay na parang sumusuko ng hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya.

"Hindi ako lalaban sayo, Cassandra." Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanya o maiinis. Ang seryoso kaya namin dito tapos magbibiro siya.

"Nasasabi mo lang yan dahil hindi mo alam kung ano ang ginawa ng Thalia na iyon. May kababata ba na hahalikan ka na alam niyang may girlfriend ka!"

"Paano mo naman nalaman na hinalikan ni Clyde si Thalia? Umalis nga siya, di ba?"

"May tumawag sa room namin at sinabing may taong nangangailangan ng approval ni Clyde bago makapasok. Pumunta ako kaya nakita ko yung ginawa ng babaeng iyon! Masisisi mo ba ako na hindi magalit kay Clyde at kay Thalia?!"

Napabuntong hininga ito at natahimik sa sinabi ko. May dahilan naman kung bakit ganito ang nararamdaman ko at hindi ko ugaling magalit kay Clyde kapag alam kong simple lang ang nagawa niyang kamalian.

"There is no perfect relationship, Cassandra. What you saw was just part of being in a relationship. There will be time that someone will do what Thalia did but the question is? Do you trust him?"

Ako naman ang natahimik sa sinabi niya.

"I am not saying you have to forget what you saw. I know Clyde. He is loyal to you and he will not make something that will destroy your relationship with him."

Siguro nga na hindi dapat ako nagalit agad. Alam ko na ang gagawin ko mamaya para maayos ito.

Tumayo si Ren sa kinauupuan niya. Nagtaka ako sa ginawa niya. Saan siya pupunta. Iiwan rin ba niya ako dito.

"Where are you going?"

"I will bring you to my friend to help me pick your dress for the party. She will help me  transform you to be more beautiful than your boyfriend's date, do you like my plan?" Then he smiled like he was planning something.

"Yeah."

~¤♡¤~

Nakailang subok na ako ng mga pinagbibigay nilang gown sa akin. Pero parang wala pa silang nagugustuhan sa mga iyon. Nakakapagod rin ang magpalit, hindi ko naman akalain na ganito ang plano nila. Pagurin ako bago umatend ng party.

Lumabas na ako. Hindi ko na alam kung pang-ilan ko ng labas sa fitting room. Bakit walang pumapasa sa kaibigan ni Ren.

"Masyadong simple kung ikukumpara ko sa mga taste na damit ni Thalia. Baka nga sa international designer pa iyon nagpagawa ng gown niya para sa party mamaya."

Kahit hindi ko na mahigitan ang damit ni Thalia basta matapos lang ako dito. Pinaikot niya ako at tiningnan ang suot ko.

"There should be something that would be showing your curves and fitted to your body! Dapat pala pinaghanap na kita ng magpunta kayo ng kaibigan mo kanina."

Nagulat ako na ang kaibigan ni Ren na tutulong sa akin ay ang babaeng nakausap ko rin. Siya pala ang may-ari ng boutique na ito. Napagkamalan ko pang customer siya noong una.

"Kailangan talagang matalo ng gown mo ang gown niya. Hindi ako papayag na maungusan ka ng babaeng iyon, Cassandra."

Hindi ko alam na may iba rin palang may ayaw kay Thalia dito. Katulad nitong si Janna kaya sa tingin ko ay naging close agad kami dahil pareho kaming naiinis sa ugali nito.

Umalis ito at nang bumalik ay may dala na itong itim na gown at binigay sa akin.

"Itry mo iyan. Tingnan natin kung kasya sayo."

Bumalik ulit ako sa loob at hinubad ang gown na suot ko. Nahirapan pa ako kung paano ko isusuot ang binigay niya. Napatingin ako sa salamin ng makita ko ang suot kong gown. Maganda ito at sana naman ay pasado na kay Janna.

"Janna, tapos na ako."

Humarap ito sa akin at tumili ng makita ako.

"I knew it! Bagay sayo. Umikot ka nga para makita ko kung may adjustment pa akong gagawin."

Sinunod ko ang sinabi niya at nang masatisfy siya ay pinagpalit niya na ako.

"May konti lang akong gagawin sa gown mo. Kapag natapos ko na ito ay pwedeng mo ng suotin. Tatawagan ko muna ang mag-aayos sayo habang inaayos ko ito."

Pumunta kami sa isang kwarto at iniwan niya ako. Hindi rin nagtagal ay may dalawang babaeng pumasok na may dala ng make up at mga pampaayos sa buhok.

"Gusto ko sa buhok niya na nakabun ito. Kayo na ang bahala sa make up niya basta babagay sa black gown niya. Iwan na muna kita, Cassandra. Sila na ang bahala sayo."

Pinaupo na ako at sinimulan ng ayusan. Sa una, hindi ako komportable sa ginagawa nila pero ng tumagal na ito ay nasanay na ako sa mga nilalagay nila sa buhok at mukha ko.

Nang matapos sila ay pinaikot ako upang makita ko sa salamin ang ginawa nila. Hindi ko makuhang magsalita sa naging resulta ng ginawa nila. Hindi ko makilala ang nakikita ko sa salamin. Ako ba to?

Narinig kong bumukas ang pinto at pumasok si Janna at dala ang isusuot ko.

"Dala ko na yung go- Wow! Hindi kita nakilala sa ayos mo!"

Lumapit pa ito at tingnan ako ng mas malapitan. Nailang ako sa pagtitig niya.

"Siguradong may laban ka sa date ni Clyde! Baka matalbugan mo pa siya. Dali! Isuot mo na ito para handa ka na sa party. Yung date mo nasa baba na at naiinip ng makita ka."

"Kanina pa si Ren sa baba?"

"Hindi naman. Pinagmamadali lang ako para makita ka na niya. Excited yata at kulang na lang na sumama sa akin dito."

Tinulungan niya akong magpalit at nang matapos kami ay kulang na lang talaga ay tumili siya. Natatawa na lang ako sa kanya.

"Grabe dapat pala lagi kang naaayusan para lalong lumabas ang ganda mo. Maganda ka naman kahit hindi mag-ayos pero kung mag-iiba ka lang ng style ng ayos mo baka hindi ka na hiwalayan ni Ren! Hindi mo sinabing siya pala ang ang nagsama sayo."

"H-Hindi siya... I mean nagkita lang kami-"

"Huwag ka ng mahiya. Mabait naman si Ren kaya alam kong nasa mabuti kang kamay. Basta ba huwag kang lalayo sa kanya at maraming playboy na member dito. Paniguradong lapitin ka mamaya."

"Hindi ka ba pupunta sa party?"

Kanina pa siya abala sa akin pero hindi ko siya makitang naghahanda para mamaya. Akala ko ba invited ang lahat pero siya naman ang walang balak pumunta.

"Paano ako pupunta kung wala namang nagyaya sa akin. Hindi naman pwedeng ako lang ang pumunta, masyado namang halatang tigang ang lovelife ko."

"Bakit hindi ka niyaya ni Ren? Sabi niya wala siyang date kaya nagprisinta ako para may kasama siya tapos ikaw na kaibigan niya, hindi man lang niya niyaya?"

"Ayoko nga sa kanya! Mapagkamalan pa na kami,  lalabo pa ang chance ko sa crush ko kapag nakita niya kami. Kilala pa naman niya si Ren. Tara na at baka umakyat pa dito ang lalaking iyon!"

Tinulungan niya ako sa gown ko. Ang haba kasi ang laylayan at baka maapakan ko pa. Mataas rin ang heels na pinasuot niya.

Nakita kong nakatalikod si Ren sa gawi namin at tumitingin ito sa relo niya. Hindi niya pa kami napapansin.

"Renzell, nandito na ang date mo!"

"Bakit ang tagal mong bu..ma..lik"

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Janna sa likod ko. Ano ba ang nakakatawa?

"Naalala mo ba yung sinabi ko sayo?"bulong ni Janna.

"Ano ba ang sinasabi mo?"

"Hindi na aalisin ni Ren ang tingin niya sayo mula ngayon."

Ngumiti siya at lumapit na kami kay Ren.

"Napantayan ko ba ang expectation mo sa ginawa ko, Ren?"

"Nahigitan mo pa..." bulong nito.

"Umalis na kayo. Nagsisimula na ang party at hindi pwede kayong malate. Sayang naman ang ayos ni Cassandra."

"Shall we, my lady?"

Nilagay ko na sa braso niya ang kamay ko at lumabas na kami sa boutique. Inalalayan niya akong makaupo sa passenger seat at umalis.

Hindi naman nagtagal ang biyahe namin at natatanaw ko na ang malaking mansion. Maririnig mula rito ang sound system at mga nagkikislapang ilaw mula sa party. Napansin kong nakapila ang kotse ni Ren.

"Ren, bakit nakapila tayo?"

"Ang bawat member ay isa isang maglalakad sa red carpet na kasama ang mga date nila. Inaanounce ang bawat pangalan kaya alam na ng mga nasa loob ng party kung sino ang mga dumadating."

Nang kami na sumunod sa pila, lumabas si Ren at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. Mga flash ng camera ang bumungad sa akin.

"Are you ready to face them?"

"Yes, I am."

Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 210K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.6M 62.7K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
630K 22.6K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
5.5M 118K 60
A "simple" girl named Marione Santillan will do anything to have a comfortable life. A golddigger who's after the wealth of her boss. Money excites h...