Limerence

By endlesslaugh

3.4M 48.4K 5.7K

"According to urbandictionary, limerence is an infatuation or crush that lasts at a much longer time span. A... More

Prologue
Chapter 1: Seatmate
Chapter 2: Chi
Chapter 3: Deal
Chapter 4: Lalaki
Chapter 5: Park
Chapter 6: Déjà vu
Chapter 7: Dan Gab
Chapter 8: Mommy at Daddy
Chapter 9: Spaghetti Sauce
Chapter 10: Periodic Exams
Chapter 11: Your Guardian Angel
Chapter 12: Keep Moving Forward
Chapter 13: Injury
Chapter 15: Direk
Chapter 16: Cry
Chapter 17: Happily Ever After
Chapter 18: Oo Nga Pala
Chapter 19: Walang Iba
Chapter 20: Partners in Crime
Chapter 21: Maybe We're More
Chapter 22: Gusto Kita
Chapter 23: Toyota Prius
Chapter 24: Grandest Romantic Gesture
Chapter 25: Strawberry Taho
Chapter 26: The Feeling Is Mutual
Chapter 27: Phineas and Ferb
Chapter 28: Hairpin
Chapter 29: Paper Talk
Chapter 30: Wii Sports
Chapter 31: Please Be Careful With My Heart
Chapter 32: Banana
Chapter 33: That's What You Get
Chapter 34: Thesis Defense
Chapter 35: He-who-must-not-be-named
Chapter 36: Wonderstruck
Chapter 37: So Close
Chapter 38: Highlight
Chapter 39: Pangako
Chapter 40: Goodbyes
Epilogue
Author's Appreciation Note
Christmas Special
Class Suspension Special

Chapter 14: Monopoly

75.6K 1K 220
By endlesslaugh

Chapter 14: Monopoly

"Be my girlfriend."

Seryoso ang mukha ni Dan Gab. Pinagmamasdan niya yung reaksyon ko.

Napanganga ako sa sinabi niya. Literally. Binubuka ko yung bibig ko para magsalita. Para lang sagutin yung kalokohan niya pero nagmumuka akong isda na bukas-sara ang bibig at walang lumalabas na salita.

Naasar ako kasi nagawa nanaman ni Dan Gab na gulatin ako. Parang 4 years ago.

Matutunaw ata ako sa tingin niya. Ni hindi umalis sa mukha ko. Maliban na lang ng tumingin siya sa may entrance at may tinitigan siya doon. Titingin na din sana ako kaso nga lang...

Humagalpak ng tawa si Dan Gab. "Sofia! Dapat nakita mo yung itsura mo! Wooohh! Natuwa ako dun ah!"

"Joke ba yun?"

"Oo. Ano sa tingin mo, seryoso ako? Bakit papayag ka ba kapag seryoso ako? Sabi ko na nga ba type mo ko eh."

Sinuntok ko yung braso niya. "Aray! Sofia naman! Injured na nga eh!"

"Maaawa sana ako sa iyo. Kaso nagagawa mo pang magbiro. Nag-aalala na nga sa'yo eh."

"Okay. Sige na. Sorry. Hindi na mauulit. Pero Sofia," tiningnan niya ako sa mata. "Kapag naulit pa ito, ibig sabihin seryoso na ha."

Ibinaling ko na ang tingin ko. "Sige, Dan Gab. Aalis na ko. May mga laro pa ang mga classmates natin. Magpagaling ka."

Lumabas ako ng clinic at nakita ko doon si Inna na kausap si King. Lumapit ako sa kanila.

"Anong sinabi sa'yo ni Dan?" tanong ni Inna ng makalapit na ako sa kanila. Gusto ko sanang sabihin ang totoo sa kanya kaso nga lang naiilang ako kay King na sa puntong iyon ay parang inaabangan din ang sasabihin ko kay Inna.

"Wala. May pinapasabi lang siya kay Josh," sabi ko kay Inna habang nakatingin naman ako kay King. Tinaas niya yung kilay niya na parang hindi siya naniniwala sa akin. "Bibisitahin mo ba si Dan Gab?"

"Kakalabas ko lang ng clinic," maikli niyang sagot.

"Talaga? Anong ginawa mo sa loob? Bakit hindi ka mo siya pinuntahan?"

Inangat niya yung bote ng Betadine. "Nagasgasan ng tuhod si Jem habang naglalaro ng volleyball. Mauna na ko sa inyo."

Betadine lang, kailangan pang pumunta sa clinic? May medic naman sa gym ah.

"Bakit parang hindi ako naniniwala sa kanya?" tanong ko sa best fiend ko nung malayo na sa pandinig si King.

"Simple. Kasi hindi siya nagsasabi ng totoo." Sa tono ng pagsasalita ni Inna, parang may gusto siyang pahiwatig sa akin. Nung tinignan ko siya, ganoon din yung nakikita ko sa mata niya. Nakaramdam tuloy ako ng uneasiness sa tingin niya.

"Ano?"

"Wala ka talagang alam."

Nagkibit-balikat na lang ako. Medyo madami pa akong problema. Simula doon sa nangyari sa clinic kanina...

Second day na ng intrams. Medyo mahinahon ang schedule namin dahil halos lahat ng laban ay nangyari kahapon kaya yung buong klase nakatambay lang sa isang pwesto sa tabi ng basketball court. Bawal kasing gamitin yung mga classroom kapag intramurals kasi nagsisitulugan lang ang mga estudyante imbis na maglaro.

Iba-iba ang ginagawa namin. May naglalaro ng badminton at volleyball, may naggigitara at nagkakantahan, may naglalaro ng Chinese garter. Ako, nandoon ako sa tropang naglalaro ng monopoly. Tuwang-tuwa naman ako dahil sa kasalukuyan, ako ang pinakamayaman sa laban.

"Oookay! Panalo na ako. Bankrupt na kayong lahat! Bwahahaha!" pagyayabang ko matapos ang isa't kalahating oras ng subsubang pagbili ng mga property at pagtatayo ng bahay.

"Sige na, ikaw na mayaman," sabi ni Faith na may-ari ng board game.

"Haha. O, sino pa gustong makipaglaban sa akin?"

"Dan! Labanan mo si Sofia!" kutya ni Jonna. Umupo naman si Dan Gab sa harap ko at pumili na ng pato.

"Dalawa lang kami?" nanlumo ako kasi ayoko talagang makalaro si Dan Gab. Kaninang umaga ko pa siya iniiwasan eh. Buti na lang may pumasok sa isip ko. "King! King! Sali ka sa 'min! Bilis! Laro tayo ng Monopoly!"

Tumigil naman si King sa pagba-badminton at tumingin sa mga makakalaban niya. Nag-excuse siya sa kalaro niya tapos umupo sa may right side ko. Ang galing. Walang imik na sumali si King. Kala ko hindi ko mapipilit eh.

"Sino pa gustong sumali?"

Dapat pala hindi na ako nagtanong.

Umupo si Venny sa left side ko. "Anong mangyayari kapag nanalo?"

"Wala. Mayaman ka na pagkatapos. Bragging rights."

"Ganon?" nag-pout si Venny. "Wala man lang thrill. Let's go with truth or dare na lang kasi."

"Ayos lang sa akin," nakangiting sabi ni Dan Gab.

"Okay," sabi ni King.

Labag man sa kalooban ko na nakasali si Venny at may truth or dare pa, wala naman akong magawa. Ano ba naman 'yan. Minsan na lang ako magyabang, ganito pa? Sorry na! Hindi na mauulit.

Wala nang sumali pa sa amin. Marami pa sana kaso napa-atras nang marinig na may truth or dare na kasama.

Maayos naman sa simula. May bilihan ng property, tayuan ng bahay, bayaran ng upa, kulungan, community chest, bidding, at kung anu-ano pa. So far, maayos pa naman sa parte ko, kumikita pa ako, dumadami pa ang pera ko.

Sa kalagitnaan ng laban, may himalang nangyari.

"Gosh! I am bankrupt na," tugon ni Venny nang singilin ko siya sa pagtigil niya sa place ko.

"Gosh! Wala akong pakialam! Out ka na sa laban!" sabi ko at kinuha yung lahat ng property niya. "Ito na lang ibayad mo sa akin."

"Possible ba iyon?"

"Oo, pwede 'yan. Bigay mo na kay Sofia," si King.

"Basta King, you should win, ah. Kung magtu-truth or dare man tayo gusto ko sa'yo manggaling yung tanong."

Wala ng sumagot kay Venny kasi tinuloy na namin yung laban. Sa totoo lang, bored na ako sa laban. Ang sakit na ng leeg ko. Ang sakit na ng pwet ko. Gusto kong mag-stretch pero hindi ko magawa.

Matapos ang matagal na bilihan, naubos na ang properties at bahay ko. Naubos na din ang pera ko.

"Kung sino man ang mananalo, mag-isip na ng tanong. Truth ako."

Hindi ko alam kung anong nangyari pero nung naalis ako sa laro, parang naging tensyonado yung laban. Iba talaga ang testosterone. Grabe, wala pang physical strength na kailangan sa larong ito pero parang kung magbanggaan yung dalawa, akala mo may isang milyong cash prize kapag nanalo siya. Pwede palang maging madugong labanan ang simpleng laro ng Monopoly.

Saktong tumama si Dan Gab sa Boardwalk na pagmamay-ari ni King na may apat na na bahay at isang hotel. Ibig sabihin, malaki ang ibabayad niya. Sa bandang one thousand, napatigil si Dan Gab sa pagbibilang. "Wala na 'kong pera." Wala na din siyang ari-arian na worth sa renta niya sa lugar. Ibig sabihin, panalo si King.

"King! Ako una. Dare ako!" sabi ni Venny.

"Bili mo ako ng tubig. Ikaw magbayad."

Ang bilis naman no'n. Parang hindi pinag-isipan nang maigi. Pero natuwa ako sa mukha ni Venny. Epic. Para siyang sinampal ng malansang isda. Kinakagat ko na yung labi ko para hindi tumawa ng malakas.

"Wala bang mas, you know, maganda. Like a kiss?" reklamo ni Venny sabay beautiful eyes.

"Sabi ko, ang sa'yo ibibili mo ko ng tubig. Huwag ka nang maghanap pa ng iba at wala na akong maisip."

Sa sagot ni King, tumawa na talaga ako. Malakas. Tiningnan ako ng masama ni Venny.

"Bumili ka na," sabi ko sa kanya.

"Hmph," at nag-walk out na siya.

Binaling ni King yung tingin niya sa akin. "Chill. Wala akong pera pambili. Tsaka nasabi ko kanina. Truth ako."

"May boyfriend ka na ba?"

Woah. Hindi iyon ang ine-expect kong tanong. Nararamdaman kong nagba-blush ako. Sino ba namang hindi kapag tinitignan ka ng ganon ni King? "H-ha? Bakit naman ganyan yung tanong?"

"Sagutin mo lang," Ang stubborn ng itsura niya. Bakit niya ba gustong malaman?

"W-wala."

Tumango lang siya. Iyon na iyon? Iyon lang ang gusto niyang malaman? Nakakaasar naman! Pagkatapos magbali-baliktad ng puso ko sa kaba, iyon lang? Kala ko naman kung ano na.

"Ikaw, Dan? May nililigawan ka?" tiningnan siya ni Dan Gab sa mata. Matagal bago siya sumagot pero kung titignan mo silang dalawa, parang meron silang pinag-uusapan sa likod ng eye contact nila.

"Oo," mariing sabi niya. "Meron."

May nililigawan si Dan Gab? Nakuha pa niyang magbiro sa akin kahapon. Kakaiba talaga itong lalaking ito.

"Classmates! Magsisimula na ang volleyball ng girls!" pagkuha ng atensyon ng president namin. Akala ko hindi maghihiwalay ng tingin yung dalawa pero naunang tumayo si King at nagtungo na sa volleyball court.

Ikatlong araw na ng intrams. Hapon at basketball championship na. Medyo konti na lang ang tao sa gym kasi nag-uwian na yung iba. Nag-extend lang para sa game na ito. Juniors ang kalaban ng team namin.

Sa sahig ako umupo para madaling patunugin yung plastic bottles na props namin. Nasa left side ko si Jem, yung bakla kong classmate at kapantay sa lakas ng sigawan. Medyo lie-low muna kami kasi hindi pa naman nagsisimula.

"Pwedeng tumabi?" tanong ni King.

"Hindi ba dapat nagfi-free throw ka ngayon?" tanong ko.

"Okay na ako."

Nakaupo lang kami doon. Walang nagsasalita pero komportable naman kami. Maya-maya lang, tumunog na yung buzzer na nagsi-signal ng simula ng laban.

"Wish me luck," nakangiting sabi ni King.

"Good luck!" Ang giddy ko. Palibhasa nakita ko nanamang nakangiti si King. Hindi talaga ako magsasawa sa ngiti niya.

"Hoy Sofia! Mag-cheer ka na! Na-lovestruck ka lang kay Papa King diyan eh!" saway ni Jem.

"Lovestruck ka diyan!" pabiro ko siyang sinuntok sa braso. Tapos pinukpok ko ng yung bote sa sahig at nagsisisigaw.

"Ang ingay mo talaga kahit kelan, Sofia." Tumabi sa akin si Dan Gab. Hindi siya makakalaro dahil sa injury niya. Medyo naawa ako sa kanya kasi ito ang pinakahihintay niyang laro tapos na-injure pa siya. Pero pag nalaman niyang naaawa ako, magagalit yan. Ayaw niya ng kinaaawaan siya.

"Malay mo dahil sa ingay ko, manalo tayo."

"Malay natin."

1st quarter. Syempre, nagkakapaan pa lahat. Hindi pa gaanong intense. Two points na naman ang lamang namin.

2nd quarter. Nakahabol na yung kalaban at ahead na sila ng 5 points. Masyadong malaki na ang lamang nila kaya naman yung mga lalaki kong kaklase, sobra nang umiinit ang ulo. Gano'n naman talaga sa loob ng court.

3rd quarter. Tatlo na lang ang lamang nila. Dito sa quarter na ito, sobrang tense at aggressive na ang mga naglalaro. Tama nga yung sinabi ng kuya ko na kapag ang lalaki may gusto talagang gawin o makuha, lumalabas ang iba't ibang ugali nito. Parang si King ngayon...

Kahit si King na iilang ekspresyon pa lang ang nakikita ko sa mukha ay nagsasalubong na ang kilay sa sobrang frustration. Oo, alam kong magaling sa basketball si King pero ngayon lang talaga ako nag-concentrate sa mukha niya. Naliligo na siya sa pawis niya pero wala lang sa kanya. Yung kalmadong King na kilala ko, iba sa King na nasa court. Nakakita nanaman ako ng ibang side ni King ngayon araw na ito.

4th quarter. Bawian na lang ng score. 1 point ahead na ang mga Juniors. Mga 30 seconds na lang ang natira sa game, nahinto yung clock dahil humingi ng substitute para kay Josh na inaatake na ng asthma niya. Pinasok nila si King. At tinuloy na nga. Ang ingay sa buong gym kahit konti na lang ang tao. Nasa amin ang bola. Pinagpapasa-pasahan na. 15 seconds. Pinasa kay King yung bola.

"King! King! I-shoot mo na!" sigaw ko kahit hindi na ako marinig sa ingay.

12 seconds. Iniikot pa ni King yung perimeter para makahanap ng taong open na pasahan. 10 seconds. Napapaligiran na siya. 5 seconds. Hinagis na niya yung bola...

4...

3...

2...

"PASOK!" sigaw ng commentator.

Halos mabingi na ako sa ingay ng mga classmates ko. Nagtatalunan ang lahat sa mga upuan nila, nagyayakapan sila. Halos sugurin na nila yung mga classmate naming players.

Pero sa gitna ng kaguluhan na iyon, isa lang ang tinitignan ko. Si King, na suot ang trademark at genuine smile niya, ay papalapit sa akin. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Umiinit ang pisngi ko. Hinid ko alam ang ginagawa ko pero naglalakad ako papalapit sa kanya, nakangiti din na abot hanggang tenga.

Oh my...

Alam ko kung anong nararamdaman ko. Pero ayaw kong pangalanan. Huwag muna...

Malapit na ako sa kanya at isisigaw ko na ang "Congratulations!" ko nang may humawak sa braso niya at iniharap sa kanya. Tapos bigla siya nitong niyakap.

Noong panahong 'yon, feeling ko nasa rollercoaster ako. Na pagdating sa taas, biglang babagsak at sabrang tindi ng impact.

Naramdaman kong may tumabi sa akin at binulong ni Dan Gab sa tenga ko, "Hindi ko alam na si King at Joana pala."

Napalunok ako, "Ako din eh."

• • • • • • • • • • • • •

to be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

23.6K 890 74
Meet Clarissa Alcantara and Ryke Darren Buenavista, parehas na may pananaw sa buhay, magkaiba ang mundong ginagalawan, is their love story is only ju...
286K 8.9K 44
Alexies Sapphire Alcantara. A guitarist, a billiard player, taking a Civil Engineering course, and lastly, she hates boys. Alexies love dating g...
219K 14.2K 71
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
2.9M 14.9K 72
Para sa mga bawal pa makipagrelasyon. Para sa mga nakipaglaban sa ngalan ng pag-ibig. Para sa mga pusong minsang napuno ng takot. Para sa mga pusong...