How To Fix The Broken Heart"(...

Por winonafontana

262K 8.1K 100

VILLA-FONTANA 2 Wade Fontana...... & Mhitzi Gaye Ayala...... Mais

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 17
21

Chapter 20

11.6K 403 5
Por winonafontana


Nagmistulang bingi si Mhitzi sa pagtawag sa kanya ni Wade, pinili nya ang dumiretso ng hakbang dahil kung hihinto sya para lingunin ito ay isa na naman malaking kagagahan.

      "Mhitzi! Sandali mag-usap tayo!" Ang habol ni Wade na tawag sa asawa ngunit mabilis na pinasibad nito ang kotse papalayo.

Nilapitan ni Manang Delma si Wade na halos nakaupo na sa gate sa labas ng kanilang bahay.

     "Wade hayaan mo muna ang asawa mo,masyado na syang maraming iniisip hayaan mo at kapag binigyan nya ako ng pagkakataon ay kakausapin ko sya." Pang-aalo nito kay Wade.

Tahimik naman na sumunod si Wade sa matanda, ramdam nya ang katahimikan ng kanilang bahay, ngaun ay parang nais nyang magsisi sa mga binitiwan salita laban sa asawa,ngunit sa tuwing naiisip nya kasinungalingan at pagtataksil nito ay muling nakakaramdam sya ng galit sa dibdib.

       "Hindi ko na kaya!" Umiiyak na daing ni Mhitzi kay Carlo at Rocel ng mga oras na yun.

       "Mabuti at nagising ka na! My God nagtitiis ka sa lalaking yun na hindi ka alam pahalagahan lalo pa at buntis ka!" Inis na wika ni Rocel.

       "Don't tell me babalik ka pa doon?" Nakatikwas ang kilay na tanong ni Carlo.

Umiling si Mhitzi sa dalawa."hindi na kaya lang makikiusap sana ako,ayaw ko munang umuwi kila Mommy, ayaw ko ng questions and answers portion now."

Nagkatinginan si Rocel at Carlo unang umiling si Carlo kaya no choice si Rocel.

Dalawang linggo ang mabilis lumipas, tahimik at tila walang buhay ang mga araw ni Wade.

      "Shit! Bakit ba ako nagkakaganito,this is what I want dapat maging masaya  ako." Angil ni Wade sa sarili.


Maya-maya pa ay lumabas na sya ng kwarto para kumain ng almusal. Pagpasok nya sa kusina ay walang pagkain nakahain kaya napakunot ang kanyang noo.

     "Manang Delma?" Ang tawag nya sa matanda.

      "Oh iho bakit?"

     "Manang bakit walang nakahain for my breakfast?"

     "Iho,ubos na kasi yung mga stock sa fridge na niluto ni Mhitzi noon."

     "A-ano pong ibig nyong sabihin?"

    "Sa mga araw na wala ka dito,nagluluto sya ng pagkain at inilalagay nya sa fridge para sa almusal mo lunch at dinner,iniinit ko na lang  kasi baka daw kung ipagluto ka nya ng actual ay hindi mo kainin kaya ganun ang ginawa nya."

Napatungo si Wade sa narinig,bago muling tumingin Kay Manang Delma. "Yung mga damit ko kayo po ba ang nagprepare noon?

      " Ay naku! Iho ang asawa mo lahat nagawa noon pati pamamalantsa,bago ka pa lang umuwi galing opisina inihahanda na nya para di mo daw sya makita."

Napahilamos si Wade sa kanyang mukha sa mga narinig buhat Kay Manang Delma. Ngaun ay alam na nya ang malaking papel ni Mhitzi sa buhay nya.

     "Sige po Manang aalis na po ako?"

      "Kung gusto mo ipag-gagawa kita ng almusal." Alok ng matanda.

      "Hindi na po,sa opisina na lang po."


Tahimik na lumabas ng bahay si Wade at ng makasakay sa kanyang kotse ay mabilis nya iyon pinasibad patungo sa opisina, agad nyang hinarap ang kanyang laptop dahil sa daming trabahong nakabinbin doon.


     "Tok! Tok!

Napaunat si Wade sa pagkakatungo ng marinig ang dalawang katok.

     " come in! "

     "Good morning iho." Bati ng kanyang ama. "

     "Hi Dad, morning too." Sagot ni Wade.

Matiim na tiningnan ni Don Manolo ang anak. Na napansin ni Wade.

      "Dad? Bakit ganan kang makatingin?" Natatawang tanong ni Wade.

     "May problema ka ba iho?"

     "Wala Dad, kayo talagang umandar na naman ang pagka- businessman nyo."

     "hmm,kamusta ang buhay may asawa? Hindi kayo napasyal ni Mhitzi sa bahay ha."

     "Okey naman Dad, baka next time po.M-medyo sinusulit namin ang araw at oras na magkasama kami." Sagot ni Wade sa Ama.

     "Hindi bagay sayo ang magsinungaling anak, paano mauna na ako,dumaan lang ako para personal kang inbitahin sa linggo, uwi si Wendell makilala naman nya ang asawa mo. Aasahan ko kayo okey." Paalam ng kanyang ama kasabay ng pag tapik sa kanyang balikat.

Napapikit si Wade at tila hapong-hapo na isinandal ng ulo sa kanyang swivel chair. Paano nya ito sasabihin kay Mhitzi at sa magulang ang problema nilang mag-asawa. Nakapikit sya ng maalala ang isang tagpo sa kanilang bahay.

Wade is in hurry to go up in his room,kababalik lang nya mula sa maagang pag-jogging, palampas na sya ng kwarto ng asawa ng marinig nya na tila kumakanta ito. Dala ng curiosity ay marahan nyang itinulak ang pinto ng kwarto nito. Nabungaran nya si Mhitzi sa na kumakanta habang sumasayaw.

#Meghan trainor (chorus dear future husband)

"Open doors for me and you might get some kisses
Don't have a dirty mind
Just be a classy guy
Buy me a ring
Buy-buy me a ring (babe)

You gotta know how to treat me like a lady
Even when I'm acting crazy
Tell me everything's alright...."

Ilang minuto pang tiningnan ni Wade ang asawa habang kumakanta na sinasabayan ng pag-imbay ng katawan. Matanda sya sa asawa ng halos pitong na taon kaya naman ang insecurities nya ay napakalaki. Napailing sya sarili ng mawala na sa kanyang paningin ang asawa na pumasok na sa CR nito. Amininin man nya o hindi dumarating sa kanya ang oras na gusto nyang hilahin para makauwi at makita ang asawa. Masyado syang natuon sa pagpapalago ng kanilang negosyo kaya naman halos hindi nya na-enjoy ang pag-aaliw bilang binata 31 na sya hanggang bar at bahay lang sya ng dalawang kaibigan.

Isang tawag ang kanyang natanggap sa kanyang cellphone mula kay Vanessa. Inis nyang ini-off ang cellphone. At umalis ng opisina.

Samantala tinawagan ni Mhitzi ang ina it's almost three weeks na syang walang balita sa mga ito kaya kahit alam nyang marami syang katananungan maririnig dito ay binalewala na lang nyaas hi nyang kailangan ang ina ngaun.

     "Hello Mom?" Bati ni Mhitzi ng sagutin nito ang kanyang tawag.

     "Anak asan ka?"

     "Mom,at home I want to see you today."

     "Mhitzi,iha andito ako sa bahay nyo,at wala ka dito." Pagbuntong hininga sagot nito.

     "Mom." Nanginig ang boses ni Mhitzi at any moment ay papatak ang kanyang luha.

    "Where are you honey? And I will come." Mahinahon na tanong nito.

     "Okey mom." Sagot ni Mhitzi at sinabi nya sa ina kung nasaan sya,pagpasok pa lang ng ina ay humagulgol na si Mhitzi ng iyak,hindi maikakaila na walang ng hihigit pa sa yakap ng isang Ina, hinayaan lang sya nitong umiyak ng umiyak.

    "Anak,wag mong sayangin ang buhay mo kung hindi kayo wala kang magagawa,you did your part kahit sa maling paraan at kahit pa alam mong ang magiging kapalit ay sakit."ang nakakaunawang sabi ng kanyang Ina.

    " Mom, I'm pregnant! At ayaw itong paniwalaan ni Wade."

     "I want to get mad at him! But I don't know how, pero ang idamay nya ang magiging anak nyo ay hindi tama,kung hindi nya ito matatanggap, tatanggapin ka namin ng daddy mo ng dalawang kamay ." mariin na sabi nito."get up and fix yourself and thing's we're going home now!"

Matapos nyang ayusin ang sarili at gamit ay sumama na si Mhitzi sa ina pauwi sa kanilang bahay. Dahil sa pakiusap ng ina ay dinalaw ni Mhitzi ang byenan na lalaki dahil maysakit ito at ang balita nila ay wala si Wade ng bansa nagkaroon ng problema ang kompanya ng mga ito sa Guam kaya ito ang nagpunta dahil bagong anak si Ellaine at hindi maiwan ni Wayne. Sa muling pagyapak ni Mhitzi sa Villa ay nilukob sya ng matinding kaba.

    "Mhitzi iha,I'm glad you came."ang nakangiting sabi ni Don Manolo.

Alanganing ngiti ang itinugon ni Mhitzi sa byenan bago sya nagmano dito. " sorry Dad medyo hindi po kasi maayos ang pakiramdam ko."

     "Hmm baka naman pinababayaan ka ng asawa mo? Kailan nyo ba kami binigyan ng apo ha iha?"

Muntik ng masamid si Mhitzi sa sinabi ng byenan,pinili nya ang manahimik kaysa sabihin dito na 5weeks na syang buntis ayaw nyang isipin ni Wade na ginagawa pa nyang dahilan ang bata.   

    "Iha dito ka na magdinner sabayan mo naman kmi,since wala naman si Wade nasa out of town sya ngaun.paanyaya ng kanyang byenan.

     " sige po Dad. "

Ng maihain ang kanilang hapunan ay masayang nagbibiruan si Mhitzi at Winona ng may naupo sa tabi ni Mhitzi nahigit nya ang hininga ng maamoy ang pamilyar na perfume ng asawa, napapikit si Mhitzi maybe namamali lang sya. Ngunit sa pagmulat ng kanyang mata ay nakita nya itong maganang kumakain sa kanyang tabi. Agad na kumabog ang kanyang dibdib ng sumulyap ito at matipid na ngumgiti sa kanya.

      "Ah D-dad mauna na po ako,gabi na po kasi." Ang nabubulol na paalam ni Mhitzi sa mga ito at agad na tumayo at lumabas ng komedor.

     "Wade!" Mariing tawag ng ni Don Manolo sa anak ng makita itong tumayo."may problema ba kayo na hindi namin nalalaman? "

     "Dad, I'm tired please I want to go home,sana hindi nyo na lang sya inimbita." Matabang na sagot ni Wade sa Ama.

Ng makalabas si Wade ng gate ng kanilang Villa ay hindi na nya inabutan ang asawa, nasabi nya sa sarili na handa na syang tanggapin ang lahat dito ngunit naduwag sya sa maaring isumbat nito sa kanya. Pagod sya galing sa byahe dito sya sa Villa nagdiretso dahil sa mensahe ni Winona na nandoon ang asawa.

       "Hello Peter bakit?" Ang tanong nya ng sagutin ang tawag nito."okey I'm coming.

Pagpasok ni Wade sa loob ng disco bar ay agad nyang hinanap ang kaibigan, na agad naman nyang nakita sa madilim na dulong bahagi ng bar at asual may kasama itong mga babae.

     "Welcome back boy!" Bati ni Peter sa kanya na kanyang tinanguan.

Agad nyang dinampot ang bote ng beer na nasa ibabaw ng Mesa isang babae ang agd ay kumandong sa kanya mgunit marahas nya itong itinulak.

    "Ufff sorry girls, I'll call you later." Sabi ni Peter sa mga ito."so what's new Fontana, you look miserable?

Panay lang ang tungga ni Wade ng beer at hindi pinagkaabalahan tingnan o sagutin manlang si Peter.
  
     "Peter,thank you for  the drink's! I'm going home!"

    "Home? Do you have home bro? Alam mo Wade kaibigan ka namin ni Dan at kapag nakikita ka namin na mukha kang kaawa-awa,apektado kami,pero dahil sa ginawa mo kay Mhitzi, nagalit si Dan,wag mo naman palalain ang sitwasyon alam natin na iisa ang nararamdaman nyo ni Mhitzi sa isa't-isa, maging responsable ka naman bago mawalang lahat sayo!" Mahabang pahayag ni Peter. Napailing si Wade sa sinabi ni Peter, paghakbang na sya palabas ng maagaw ang pansin nya ng isang lalaki na pamilyar sa kanya na nakhilig sa isang lalaki.


     "C-arlo?" Ang nabanggit ni Wade. At marahan syang lumapit para marinig ang pinag uusapan ng mga ito.

     "Babe,I'm sorry na kung wala akong time sayo lagi like I said kailangan ako ng kaibigan  ko dahil ang walangya niyang asawa ay iniwanan nya!." Ang Malambing na sabi ni Carlo sa lalaking kayakap nito.


Napaurong si Wade sa narinig. At nagmamadaling lumabas ng bar.

     ”ang laki kong gago! Bakit hindi ko napansin yun!"mura ni Wade sa sarili habang nagmamaneho pauwi sa kanilang bahay at doon ay muli nyang naalala ng minsan syang kausapin ni Mhitzi.

    "Wade I want to talk you about Carlo." Nakangiti nitong sabi na agad nyang binara.

     "What about him? That your going to break him.or what?" Sikmat ni Wade.

     "Please Wade?"

     "Please also Mhitzi, I don't want to hear anything! Leave me alone!" Sagot ni Wade.

Mabilis ang pagpapatakvo ni Wade ng kanyang kotse at ng marating nya ang bahay ay agad syang pumasok sa kanyang kwarto, hinanap nya ang envelope na ibinigay sa kanya ng taong inutusan nyàng mag-imbestiga Kay Carlo.

     "Shit! Asan na yun? Dito ko lang yun inilagay!" Ang galit na wika ni Wade ng hindi nya mahanap ang brown envelope na hindi nya pinag-aksayahan ng oras noon na basahin dahil naging abala sya sa galit nya Kay Mhitzi.

     "Manang Delma!" Sigaw ni Wade, na agad naman humahangos na dumating ang tinawag.

      "Iho bakit?" Tarantang sagot nito.

     "Nakita nyo po ba yun envelope na kulay brown dito sa ilalim ng study table ko?" Tanong ni Wade na halata ang tensyon sa kanyang boses.

     "Sandali iho,natatandaan ko may ibinigay ka sa'kin basura noon,sandali at hindi ko pa iyon naitapon dahil puro papel naman." Agad na bumaba si Manang Delma patungo sa likod bahay. Kasunod si Wade agad nilang kinalkal ang box ng mga papel at doon nakita ni Wade ang hinahanap.

.   "Manang salamat salamat!" Sabi ni Wade at niyakap ang matanda  sa tuwa na ikinagulat nito,ngaun lang ulit nya ito nakitang ngumiti mula ng umalis si Mhitzi.

Marahan binuksan ni Wade ang envelope,unang tumambad sa kanya ay ang mga larawan ni Mhitzi at Carlo,nakaramdam sya ng selos sa ilang larawan ng mga ito lalo na nasa tabing dagat ang mga ito mhitzi na wearing a two piece swim suit in black na kahit sino ang makakita ay lalawayin at isa na sya doon. Agad nyang hinugot ang papel na naglalaman ng information ni Carlo.

Carlo Guevara 28 only son of Henry Guevara owner of Guevara's winery.etc..

Isa pang larawan ang nagpagulat kay Wade isang wedding picture ngunit hindi babae ang ikinakasal kundi si Carlo. Parang tinadyakan ng kabayo ang dibdib ni Wade sa information na sumabulat sa kanya. Nanlulumong syang napaupo sa kanyang kama kasabay ng pagtulo ng luha.

     "I'm so stupid!" Mura ni Wade at agad na ipinagahahagis ang mga gamit sa kayang kwarto.

     "Mhitzi,saan kita hahanapin ngaun?" Sigaw ni Wade.


Itutuloy.....

Continuar a ler

Também vai Gostar

197K 6K 21
"People do change, but the real feeling is not specially when it comes from the bottom of your heart." (Nick's thougt) "How I can love you if you're...
451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
20.6K 296 6
Ano ang kahalagahan ng tunay na pagmamahal sa dalawang taong salungat sa itinadhana na pag-iisa? Date started October 28, 2021 Date Ended : November...
1.9K 123 13
[COMPLETED] Kung may listahan man ng mga pinakaayaw na tao ni Alexa sa mundo, malamang ay nangunguna roon ang makulit na regular customer sa Akira's...