Chapter 9

9.7K 345 3
                                    

      "Boyfriend?"ang hindi pa nakakabawi sa gulat na tanong ni Wade.

      "Oh c'mon kayong mga kabataan, once na may karelasyon na kayo ay tila mga gulat na gulat kapag nalaman ng inyong parents. Hindi na tumatalab sa'kin ang taktika na yan."sagot ng Ama ni Mhitzi kay Wade."anyway do you remember me Mr.Fontana.

Napangiwi si Mhitzi sa tanong ng ama sa binata kaya bago pa magkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga ito ay agad nyang hinila si Wade.

     "Bye dad, see you later. Come honeybunch."ang paalam ni Mhitzi sa ama kasabay ng paghawak sa kamay ng binata at hinila ito palayo.

     "So, what is all about it Mhitzi?"galit na tanong ni Wade sa dalaga.

     "First I wanna say sorry, Dad thought that you and I are together."

     "What do you think of stupid! Hindi ako maniniwala na Ama mo sya, because Mr. Ayala has a descent character but you! Your so different from him."

     "Tell what ever you want, but what I'm saying is true."

     "And where did you get the guts to tell him that I am your boyfriend? Kahit minsan hindi ko pinangarap na maging kasintahan ka! So bago pa humaba ang isyu, cut this bullshit!" Mariing wika ni Wade at iniwan si Mhitzi na pigil ang pag-iyak.

     "Mhitzi?"nag-aalalang tawag ni Laura ng makalapit sa kaibigan ito ang palagi nyang kasama dahil grounded ang dalawa pa nyang kaibigan sa magulang ng mga ito.

     "laura."bigkas ni Mhitzi at yumakap sya dito." Mahirap ba akong mahalin?"

     "Hush! Your not pero baka talaga lang walang pagtingin si Sir Wade sayo."

     "Hindi na sya makakawala sa'kin Laura,sa gagawin kong ito, bahala na after this."

     "Mhitzi,pag isipan mo muna. Baka lalo syang magalit sa gagawin mo."

      "Di bale na Laur, I'd rather to take a risk that to regret."seryosong sabi ni Mhitzi.

      "Sige ikaw bahala."

Muling bumalik sa party ang magkaibigan, nakita nyang magkausap si Wade at Leticia
hindi maalis ni Mhitzi ang titig nya sa mga ito kaya naman ng tumingin sa gawi nya si Wade ay hindi na sya nakaiwas ng tingin,ilang sandali silang nagkatitigan,ang binata ang unang nagbawi ng tingin ng ayain ito ni Leticia para maupo.Parang tinusok ang puso nya ng makita kung paano alalayan ng binata si Leticia.

    "Mhitzi! "Ang gulat na sambit ni Carlo."anong ginagawa ko dito?"

     "Carlo. With my Dad."sagit nya dito at muling sinulyapan ang dalawa,sinundan ng tingin ni Carlo ang tinitingnan ni Mhitzi.

    "Selos ka ano?"

     "Wala naman akong karapatan."

     "Makisakay ka sa gagawin ko ha,tutal wala naman nakakaalam ng totoong ako."sabi nito pqgkatapos ay niyakap sya ng ito ang nakaharap kila Wade na sakto naman lingon ng binata. Napangiti si Carlo ng makita ang pag-asim ng mukha ni Wade.

     "Anong kalokohan ba ito?"tanong ni Mhitzi.

    "Just go in the flow Mhitzi,he will be yours from tonight, I know your plan and I'm willing to help you,darling."sagot nito at hinalikan ang kanyang pisngi na malapit sa gilid ng labi.

Napatayo si Wade sa kanyang kinauupuan ng makita ang tagpong iyon, na ikinapagtaka ni Leticia at bago pa ito nakapagtanong ay agad syang lumapit sa dalawa.

    "Mhitzi, can I talk to you?"tanong ni Wade.

Napalingon si Mhitzi dito at maging si Carlo.

How To Fix The Broken Heart"(COMPLETED) {Edited}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon