Chapter 20

11.6K 403 5
                                    


Nagmistulang bingi si Mhitzi sa pagtawag sa kanya ni Wade, pinili nya ang dumiretso ng hakbang dahil kung hihinto sya para lingunin ito ay isa na naman malaking kagagahan.

      "Mhitzi! Sandali mag-usap tayo!" Ang habol ni Wade na tawag sa asawa ngunit mabilis na pinasibad nito ang kotse papalayo.

Nilapitan ni Manang Delma si Wade na halos nakaupo na sa gate sa labas ng kanilang bahay.

     "Wade hayaan mo muna ang asawa mo,masyado na syang maraming iniisip hayaan mo at kapag binigyan nya ako ng pagkakataon ay kakausapin ko sya." Pang-aalo nito kay Wade.

Tahimik naman na sumunod si Wade sa matanda, ramdam nya ang katahimikan ng kanilang bahay, ngaun ay parang nais nyang magsisi sa mga binitiwan salita laban sa asawa,ngunit sa tuwing naiisip nya kasinungalingan at pagtataksil nito ay muling nakakaramdam sya ng galit sa dibdib.

       "Hindi ko na kaya!" Umiiyak na daing ni Mhitzi kay Carlo at Rocel ng mga oras na yun.

       "Mabuti at nagising ka na! My God nagtitiis ka sa lalaking yun na hindi ka alam pahalagahan lalo pa at buntis ka!" Inis na wika ni Rocel.

       "Don't tell me babalik ka pa doon?" Nakatikwas ang kilay na tanong ni Carlo.

Umiling si Mhitzi sa dalawa."hindi na kaya lang makikiusap sana ako,ayaw ko munang umuwi kila Mommy, ayaw ko ng questions and answers portion now."

Nagkatinginan si Rocel at Carlo unang umiling si Carlo kaya no choice si Rocel.

Dalawang linggo ang mabilis lumipas, tahimik at tila walang buhay ang mga araw ni Wade.

      "Shit! Bakit ba ako nagkakaganito,this is what I want dapat maging masaya  ako." Angil ni Wade sa sarili.


Maya-maya pa ay lumabas na sya ng kwarto para kumain ng almusal. Pagpasok nya sa kusina ay walang pagkain nakahain kaya napakunot ang kanyang noo.

     "Manang Delma?" Ang tawag nya sa matanda.

      "Oh iho bakit?"

     "Manang bakit walang nakahain for my breakfast?"

     "Iho,ubos na kasi yung mga stock sa fridge na niluto ni Mhitzi noon."

     "A-ano pong ibig nyong sabihin?"

    "Sa mga araw na wala ka dito,nagluluto sya ng pagkain at inilalagay nya sa fridge para sa almusal mo lunch at dinner,iniinit ko na lang  kasi baka daw kung ipagluto ka nya ng actual ay hindi mo kainin kaya ganun ang ginawa nya."

Napatungo si Wade sa narinig,bago muling tumingin Kay Manang Delma. "Yung mga damit ko kayo po ba ang nagprepare noon?

      " Ay naku! Iho ang asawa mo lahat nagawa noon pati pamamalantsa,bago ka pa lang umuwi galing opisina inihahanda na nya para di mo daw sya makita."

Napahilamos si Wade sa kanyang mukha sa mga narinig buhat Kay Manang Delma. Ngaun ay alam na nya ang malaking papel ni Mhitzi sa buhay nya.

     "Sige po Manang aalis na po ako?"

      "Kung gusto mo ipag-gagawa kita ng almusal." Alok ng matanda.

      "Hindi na po,sa opisina na lang po."


Tahimik na lumabas ng bahay si Wade at ng makasakay sa kanyang kotse ay mabilis nya iyon pinasibad patungo sa opisina, agad nyang hinarap ang kanyang laptop dahil sa daming trabahong nakabinbin doon.


     "Tok! Tok!

Napaunat si Wade sa pagkakatungo ng marinig ang dalawang katok.

     " come in! "

How To Fix The Broken Heart"(COMPLETED) {Edited}Where stories live. Discover now