Chapter 5

10.3K 352 4
                                    

Ng dahil sa inis na nararamdaman ni Mhitzi ay nawalan sya ng gana sa halos lahat ng bagay, buong maghapon na sya lamang ang nasa loob ng opisina. Gusto nyang magsisi dahil pilit nyang pinapaniwala ang puso sa imposible na bagay.

Kahit tamad na tamad ay pinilit nyang matapos ang kanyang trabaho, tatlong buwan na sya sa company ni Wade, at tatlong bwan na rin na hindi nya nakikita ang mga magulang, ngaun na-realize nya ang kahalagahan ng bawat sentimo na kinikita ng magulang, yes it's true that her Dad is one of the business tycoon in Philippines, pero mas umiral sa kanya ang pagiging spoiled bratt.

    "This is it, time to change myself into a presentable and professional woman." Ang bigkas ni Mhitzi. Napagpasyahan na rin nya ang mag re-sign sa Tabaco de Fontana. Ngunit isang plano ang nabuo sa kanyang isipan bago nya iyon gawain.

Kinagabihan din na iyon ay ginawa nya ang resignation letter para kay Wade. Agad syang nahiga matapos nya itong magawa at pinilit nakatulog,kinaumagahan ng sya ay  magising,tahimik syang maghanda sa pagpasok sa opisina ng binata.

Suot ang red summer dress na hapit hanggang bewang isa yung sleeve less kaya naman kitang-kita ang makinis nya braso at balikat at sa bawat paghakbang ay hinahampas ng hangin ang laylayan ng kanyang damit na humahakab sa kanyang makurbang katawan at maging ang ilang hibla ng buhok na nanlaglag sa pisngi nya,para syang modelong rumarampa. Isang ngiti ang nakapaskil sa kanyang mga labi.

    "Good morning, Manong." Bati ni Mhitzi sa gwardya ng Company.

    "Wow ang ganda nyo naman Mam Mhitzi,mas maganda ka pa sa umaga."

    "Manong bolero ka ha."

Lahat ng iyon ay nakita ni Wade na mas maagang dumating sa dalagang  sa opisina. He can't resist her charm, hindi nya napigilang titigan ito hanggang makapasok ito sa opisina.

    "Good morning, Sir." Ang bati nito na nakangiti pa rin.

Tanging tango ang naitugon ni Wade naiinis na hindi nya mawari ang pakiramdam sa dalaga. Attractive ito pero thinking about the men in her life, ay narurumi sya, ilan na ba ang nakatikim sa mga labi nito kaya ganun ito ka-agressive na akitin sya. Mahinang tampal sa kanyang pisngi ang nagpabalik sa kanyang isipan.

    "What?" Paangil nyang wika dito.

    "Eto naman ang sungit ang aga-aga."sagot ng dalaga." Pero di bale lalo kang nagiging pogi kapag nakasimangot ka."

     "Will you please, stop talking Ms.Ayala!"

      "So then,stop staring at me Mr.Fontana, akala mo hindi ko alam yun ha."

     "Ako! Ako pa talaga ang titig sayo!" Ang sagot ni Wade kasabay ng pagturo sa sarili.

     "Alangan naman ang tinitingnan mo mula sa baba ng building ay yung gwardya? Umamin ka nga naggagandahan ka sa'kin ano?"

     "Huh! Your not my type!" Mariing sagot ni Wade. Na halos ikadurog ng puso ni Mhitzi sa diretsong sabi nito,ngunit hinamig nya ng sarili wag mahalata nito.

     "Sinabi ko ba na type mo ako? Tanong ko lang naman do I look pretty? Minsan kasi mas maganda nagpapakatotoo tayo para hindi tayo magsisi sa bandang huli."

Natahimik si Wade sa sinagot ng dalaga. Nakadama sya ng pagkapahiya,sa isinagot nito sa kanya.

     "Back to your work." Ang naisatinig ni Wade. At muling itinugon ang atensyon sa trabho ngunit para syang nakalutang sa alapaap,okupado ni Mhitzi ang kanyang isip. Pasimple nya itong tinitingnan at bigla nyang naalala ang suot nito.

     " why are you wearing a dress like that?"tanong ni Wade na nagpaangat sa ulo ni Mhitzi at sinalubong ng tingin ang binatang amo.
   
     "Big deal ba Sir? May okasyon kasi ako pupuntahan kesa naman umuwi pa ako ng bahay namin, just to change naisipan kong it's waste of time kaya dinoble ko na lang."

How To Fix The Broken Heart"(COMPLETED) {Edited}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon