Love Misunderstood (Completed)

By sunget26

108K 2K 81

Carmela and Third almost grew up together since their parents married each other they became Step Siblings. C... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Epilogue

Chapter 7

8.6K 180 5
By sunget26

Chapter 7

TINANGHALI na ng gising si Carmela, dahil sa umaga na rin siya nakatulog. Matapos magshower at magsuot lang ng simple top at leggings at bumaba na siya sa kusina para makapag late breakfast. Nasa paanan na siya ng hagdan ng makarinig siya ng ingay mula sa garden. Nang sumilip siya sa bintana ay nakita niya si Carl at Third na masayang naglalaro ng basketball.

Naninikip ang dibdib ni Carmela. Carl look so happy, kahit ayaw niya ng presensya ni Third sa kanilang bahay ay hindi niya pwedeng ikaila that he makes her son so happy.

“Bakit hindi ka muna magbreakfast man lang muna, bago ka lumabas at harapin sila. Have some coffee honey.” nasa tabi na pala niya ang kanyang Mommy nang hindi niya namamalayan. Hindi siya sumagot sa sinabi nito bagkus ay umalis na siya sa pagkakadungaw sa bintana at tinungo ang komedor kung nasaan nakahanda na ang almusal.

Nang matapos ay wala na siyang ibang magagawa pa kundi ang lumabas ng garden. This is the perfect time para magkausap na sila ni Third ng masinsinan.

Nang makita siya ni Carl na palapit sa mga ito at masaya siyang sinalubong nito.

“Mom! Mom! Dad says that we could go now to Enchanted Kingdom, I know we have already been there a lot of times, but this time it will different because Dad is coming with us, but he told me that we should ask for your permission first, so can we go there? Can we? Can we?” walang prenong sabi nito sa kanya.

Tinignan niya muna si Third. “What are you doing here so early?”

“I never left.” tipid na sagot nito. Hindi rin inaalis nito ang tingin sa kanya.

“What?!” gulat na tanong niya rito.

“I slept in the guest room,” parang walang anumang sagot nito,

“Yes Mom, and we ate breakfast together, I wanted to wake you up but Dad says that we should just let you rest some more.” ibinaling niya ang tingin sa anak. Kailangan niya nang sanayin ang sarili na nasa palagid na parati simula ngayon si Third. “So Mom, can we go now? Can we?” excited na muling sabi sa kanya ni Carl. She squat so that they were at the same level as her son.

“You know what, why don't I just let the two of you go alone. It will be just you and Dad, like bonding time I'll just wait here 'till you come back. What do you say? Huh?” sabi niya sa anak. It's already bad enough na palagi nang nasa paligid si Third. Kung makakasama pa niya ito at ang anak nila, it will be awkward. Hindi niya pwedeng hayaan ang sariling magilusyon na magiging isang masayang pamilya sila. Ganun din ang mararamdaman ni Carl. Matalinong bata si Carl, kaya naman mare-realize din nito na hindi sila tulad ng ibang pamilya kung saan magkasama ang mga magulang.

“You mean you're not coming with us.” nawala ang malapad nitong ngiti kanina lang. It breaks her heart to see his son disappointed, but it's all for the good. Spending time with Third won't do anything good specially for her heart.

“No sweetie.” humarap naman ito kay Third.

“Then I won't be going too.”

“Why?!” sabay na tanong nila ni Third dito.

“If Mom won't come then I don't want to come too.”

“No baby, I didn't tell you not go with your Dad, it's just that....” hindi niya na alam kung ano pa ang pwedeng sabihin sa anak para maintindihan nito ang sitwasyon niya.

“Tha'ts okay Mom, I don't want to go without you anyway, it wouldn't be fun without you.” sabi nito at nginitian siya.

Alam niyang ginagamit na nito sa kanya ang reverse psychology. Pero ano nga ba ang dapat niyang gawin?

“Carmela, can we talk?” maya'y untag ni Third sa kanilang mag-ina.

Binalingan niya muna ang anak. “Why don't you go first inside, your Dad and I will talk.” agad naman itong tumalima at pumasok na sa loob ng bahay. Hinantay niyang magsimula si Third na magsalita.

“Bakit hindi ka na lang sumama sa'min? We both know na talaga namang gusto ni Carl na mamasyal kami.”

“And we also both know that it's not a good idea.”

Nafru-frustrate na hinawi naman nito ang maiksing buhok. Napahigit si Carmela ng hininga. He's still breathtakingly handsome and looked so fresh in the morning. Ganun pa man ay hindi siya nagpahalata rito, ibinaling niya ang tingin sa mga halaman na naroon.

“Why don't we just make a deal?” sabi ni Third

“What deal?”

“Just for today, hindi natin muna pag-uusapan ang mga nangyari sa nakaraan. 'cause if we do, we'll just end up arguing and hate each other more.” hindi sumagot si Carmela, masakit na marinig mula sa bibig nito mismo na he hates her. What could she possibly have done for him to her this way, it's wrong na itinago niya ang excistence ni Carl rito sa napakahabang panahon. Pero ito ang nang-iwan sa kanya. At takot ang naramdaman niya sa magiging reaksyon nito na nagbunga ang isang gabing pinagsamahan nila. He hurt her first and still hurting her now. Pero hinding hindi niya ipapakita rito ang tunay niyang nararamdaman. Pride na lang ang pinanghahawakan niya ngayon.

“Today is for Carl. We needed this Carmela. Carl and I. And I needed this, to make up for all the lost time I wasn't there for him.” she looked directly in his pleading eyes. She saw sadness in there and longing. Longing not for her but for their son. Third's right. They needed their time together and she is being unfair to Carl all his life. Kaya naman pumayag na rin siya.

Huminga muna siya ng malalim bago sumagot dito ng “Okay.”

“Yes!” sabay pa ang paglingon nilang dalawa ni Third sa pinanggalingan ng boses. Nakita nilang nakatayo si Carl sa pintuan.

“Have you been listening?” taas-kilay na tanong niya sa anak. Mukha namang nahiya ito sa pagkakahuli na nakikinig ito sa usapan ng matatanda.

“Yes...” mahinang sabi nito.

“Just how long have you been standing there?” tanong pa rin ni Carmela.

“A while...” lumapit naman ito sa kanya at agad na yumakap sa baiwang niya. “Thanks Mom! I'm gonna go and get change now.” paalam nito at patakbo ng pumasok muli sa loob ng bahay. Wala na siyang nagawa kundi ang sundan na lang ito ng tingin. Nang ibalik naman niya ang tingin kay Third ay muli ay tila tumigil naman sa pagtibok ang kanyang pusa dahil sa malawak na pagkakangiti nito sa kanya. The first smile he had given her since they'd seen each other again. And she just realized how badly she misses those smile.

Para itago ang nararamdaman ay walang salitang iniwan niya ito at dumiretso sa kanyang kwarto. Nanghihinang napaupo siya sa gilid ng kanyang kama. He still has the same effect on her and she hated herself for being so weak when it comes to Third.

CARL was so happy. Hindi ito magkamayaw sa paghila sa kanila sa kung anong rides na gusto nitong sakyan. Sa ibang rides na extreme na hindi kaya ni Carmela na sakyan ay hindi na siya nito pinilit. Pero si Third ay game sa lahat ng gustong gawin ni Carl. At nakikita niyang masaya rin naman itong kasama ang anak.

He will be good father to Carl. Ayaw niya ng isipin ang guilt na nararamdaman niya. Tapos na ang lahat. At nangyari na ang dapat mangyari, ang tanging nagbubuklod na lang sa kanila ngayon ay si Carl. Hindi na siya mahalaga kay Third. Hindi na rin niya alam kung ang lahat ng pinakita nito sa kanya noon ay totoo. Alam niyang darating ang araw na ipapakilala nito kay Carl ang nobya nito at sino naman siya para pigilan iyon. Ni hindi naman sila nagkaroon ng pormal na relasyon, nagkataon lang na nagbunga ang isang gabi nila.

Nang malaman niyang buntis siya ay malaking pagsisisi ang naramdaman niya pero nagbago ang lahat ng ipanganak niya si Carl. She might have lost Third then, but she had also gained Carl, at alam niyang hinding hindi siya iiwan ng anak niya.

Nang mapagod si Carl ay nagyaya naman itong kumain sila sa isa sa mga food court na nasa loob rin ng Enchanted Kingdom.

Nang makaupo na sila sa isa sa mga mesa na nasa food court ay nagprisinta na si Third na umorder ng pagkain para sa kanilang tatlo sa counter.

“Are you happy?” nakangiting tanong niya sa anak.

“I am! Can we do this again Mom? Please!?” pinagsaklop pa nito ang mga palad,

“Of course!” masaya na rin siya sa nakikitang kasiyahan sa anak.

“With Dad?” hindi kaagad nakasagot si Carmela.

“You know, you could always be with your Dad, if you wanted to.” hindi niya sigurado kung ito na ba talaga ang tamang panahon para i-explain sa anak ang sitwasyon nila ni Third.

“The three of us?” tanong nito.

“Carl, me and your Dad, we're not- what do you call this?- we're not...”

“Normal?” pagtapos nito sa sinasabi niya.

“Yes. We're not like other parents, who lives together.”

“I understand Mom, you and Dad are separated. Just like my friend in school, he said his parents were separated also.” malungkot na sabi nito. “Is there not a chance that you and Dad could get back together?” hopeful pa rin na sabi nito.

“It wasn't as easy as that. There are things to consider first... you wouldn't understand now.”

“Mom, I'm ten, I think I can understand perfectly.” giit pa rin nito.

“For me, you're still a baby...” ginulo niya ang buhok nito.

“I'm not a baby anymore.” Umiwas naman ito at muling inayos ang buhok. Sumeryoso namang muli si Carmela.

“Sweetie, it's complicated. It's a grown-up thing. You will understand eventually. Hmm?” kibit balikat lang ang isinagot nito sa kanya at hindi na muli pang nagsalita hanggang sa bumalik si Third sa lamesa nila.

Tahimik lang na kumakain si Carmela at nakikinig sa masayang usapan ng mag-ama sa harapan niya. Sumasagot lang siya kapag kinakausap siya ni Carl. This is their moment kaya naman hindi siya nagtangka man na agawin ang atensyon ni Carl kay Third.

Gabi na nang makauwi silang tatlo sa Ancestral house ng kanyang Mommy. Hindi naman sila nahirapan sa biyahe dahil malapit lang naman iyon. Nang mai-park na ni Third ang kotse nito sa tapat ng bahay ay nauna nang bumaba si Carl. At excited na hinanap ang Lola para ikwento ang nangyari rito sa buong maghapon.

Papasok na siya ng pinto ng pigilan siya ni Third sa braso. Agad naman ang pag-ahon ng kaba sa dibdib niya at tinignan niya ang kamay nitong nakahawak pa rin sa braso niya. Agad naman nito agad iyon tinanggal na tila napaso.

“Thank you.” seryosong sabi nito. Sinalubong niya ang tingin nito. He really look sincere though. Marahil ay talagang gusto nito makasama ang anak.

Bago pa siya makasagot ay bumalik na ang kanyang anak.

“Dad, are you gonna stay here again tonight?”

“No kiddo, I'm sorry, I need to go home, change my clothes.” nakangiting sabi ni Third kay Carl. “But I will come back soon.”

“Promise?”

“I promise! Why don't I give you my cellphone number so you can call me anytime you want? And I'll get yours too.” sabi ni Third at inilabas ang cellphone mula sa bulsa.

“He doesn't have  a cellphone.” imporma niya kay Third.

“Mom says I'm still young for cellphone. Even though I told her many times that I'm not a kid anymore.” nakalabing sabi naman ni Carl.

“You still are. Having a cellphone is a big responsibility.” pangaral niya rito.

“Your Mom is right. Although maybe you could ask your Mom to call me if you want too, I could give her my cellphone number.” sabi ni Third kay Carl nang hindi tumitingin sa kanya.

“Mom?” tawag sa kanya ni Carl para hingin ang kanyang permiso. Wala na talaga siyang magagawa sa unti-unting pagpasok ni Third sa buhay nilang mag-ina.

Huminga muna siya ng malalim, “Sure.” iyon lang ang nasabi niya, inilabas niya mula sa bag ang kanyang cellphone at inabot kay Third. Agad naman nitong kinuha iyon at tinipa ang numero nito sa cellphone niya. Nag-missed call naman ito sa cellphone nito gamit ang cellphone niya para maregister doon ang kanyang number.

Nang matapos ay ibinalik nito sa kanya ang cellphone. Hindi rin naman nagtagal ay nagpaalam na rin naman itong umalis.

Nasa kwarto na niya si Carmela. Matapos niyang masiguro na tulog na si Carl sa kwarto nito ay tsaka pa lang siya pumasok sa kanyang kwarto para magpahinga. Muli ay nahirapan na naman siyang makatulog agad. Her thoughts were full of Thirds memory. Kanina ng makasama niya itong muli ay hindi niya napigilang mapansin na ito pa rin ang dating Third na kilala niya.

Naroon pa rin ang humor nito. And when he smiles and laugh, she nearly had an heart attack. He's even more gorgeous than she remembers. And he handle Carl really well. Not in a spoiled way. Hindi nito sinasalungat ang pagdedesiplina na ginagawa niya kay Carl.

He's still the same Third she used to know, but somehow different.

KAHIT hindi nakatulog ng maayos si Carmela ay maaga pa rin siyang gumising. Siya mismo ang naghanda ng almusal para sa kanilang tatlo. Naghahain na siya ng pumasok sa kusina ang kanyang ina.

Tulad niya ay mukhang kanina pa din ito gising at mukhang galing lang sa garden at nag-ayos ng mga tanim nitong halaman.

“So how was yesterday?” tanong ng Mommy niya sa kanya. Umupo na ito sa isa sa mga silya na naroon. Ipinagsalin naman niya ito ng kape sa tasa nito at marahan itong humigop doon.

“Fine, I guess.” kibit balikat niyang sagot dito. Umupo na rin siya sa katabi nitong silya at hinayaan na ang mga katulong ang magdala ng mga niluto niyang pagkain sa lamesa.

“Just fine? That's not what I heard from my Grandson,”

“Carl... was happy, I think they both are,” malungkot na sabi niya.

“What about you? Are you happy?” tanong nito sa kanya.

“I don't know.” matapat na sabi niya rito. Siya man ay naguguluhan sa kung ano ang dapat niyang maramdaman sa ngayon.

“You used to tell me everything.”

“'Ma that was a long time ago, before...” hindi na niya tinuloy pa ang sasabihin.

“Before you and Third-”

“Before all this happen.” she cut off her words.

“Yeah...” bumuntong hininga ito bago binaba ang tasa ng kape. “Never in my wildest dream that you and Third would-”

“Mommy please!” gusto na niyang tumigil ang ina sa kung ano pa man ang gusto nitong sabihin. Dahil sigurado siyang mawawalan na siya ng ganang kumain.

“I always thought that your closeness ay parang sa magkapatid lang.” hindi pa rin ito tumigil sa pagsasalita. “I guess it's partly my fault, masyado ako naging kampante na parang magkapatid lang ang turingan niyo. Hindi ko napansin na ibang uri na nang pagmamahal ang nararamdaman niyo para sa isa't isa.”

Na-guilty naman siya sa sinabing iyon ng ina. Close sila ng Mommy niya noon and she missed those times where she can confide her feelings to her mother. “It's not your fault 'Ma, pareho namin ginusto ni Third ang nangyari. Although, it was just a one sided love. Third never really love me. He left at Kung hindi namatay si Tito Santi ay wala siyang balak na bumalik pa ng Pilipinas.” malungkot na sabi niya rito.

“Oh honey, I may not know what really happen but I'm certain that Third loved you somehow.” hinawakan nito ang kamay niya na nakapatong sa lamesa.

“'Ma please. Let's not talk about it. Ayoko nang pag-usapan pa. Kumain na lang tayo. Bababa na rin si Carl anumang sandali.” ipinagpapasalamat niyang hindi na muli pa itong nag-insist at nirespeto na ang gusto niyang mangyari. Nagsimula na silang kumain at nag-usap ng tungkol sa ibang bagay.

Ilang minuto ang lumipas ay bumaba na rin si Carl at sumalo sa kanilang lamesa. Habang kumakain ay masaya itong muli nagkwento ng tungkol sa pamamasyal nila kasama si Third. At kung anu-ano pang mga bagay na gusto nitong gawin nito at ni Third.

Nang matapos nilang mag-almusal ay eksakto naman ang pagdating na muli ni Third.

“Don't you have work to do?” bungad na tanong niya rito.

“What good to be the CEO if you can't take a vacation leave?” balik tanong naman nito sa kanya. Hindi na siya nakipagtalo pa rito. Hindi na niya pa kailangang kwestyunin ang kapasidad nitong patakbuhin ang buong kumpanya. Dahil na rin sa mga positive na feedback na naririnig niya sa Tito Santi niya noon sa kung paano nito hawakan ang kumpanya ng mga ito sa Dubai.

“Now that we're at it? Bakit mo binigay sa'kin ang ipinamana sa'yo ni Daddy?” tinitigan lang ito

“It's rightfully yours. I don't want anything to do with it.” sabi niya rito.

“Dad gave it to you because of Carl's future.”

“I can provide for my son very well.” taas-noong sabi niya rito.

“I can provide for him too.”

“I have no doubt you can.” hindi niya inaalis ang tingin dito.

“You wanted that money.” nag-aakusang sabi nito. Pumikit-pikit siya para pigilan ang namumuong luha sa mata niya.

“Is that what you think of me? Na pera lang ang habol namin sa inyo ng Daddy mo?” nasasaktan siya na all along pala ay ganun ang tingin nito sa kanya.

“Wasn't it?” seryoso ang itsurang sabi nito.

Nagumpisa siyang humakbang paatras palayo rito. “Then you really don't know me at all.” gumaragal na ang boses niya at unti-unti na rin nanlalabo ang mata niya. “Carl... Carl is at the back. Puntahan mo na lang siya doon.” at with that ay tumalikod na siya at dali-daling umakyat ng hagdan.

Sa kwarto ay ibinuhos niya ang pinipigilang luha. He hated Third so much. But she hated herself more. She was so stupid to fall for Third. And for letting him hurt her like this.

She promised herself na this would be the last time that he will hurt her. Hahayaan lang muna niya ang sariling ibuhos sa pag-iyak lahat ng sama ng loob niya. Nagawa na niya for the last ten years na alisin sa sistema niya si Third. She will get through with it once again.

N/A

Thanks sa patuloy na pagsubaybay! ^_^

I will upload Chapter 8 in a weeks time... please be patient on me... ^_^

Continue Reading

You'll Also Like

41.7K 965 56
... .... ... SA HIGH HIDDEN CAMPUS (H.H.C) Kung saan mag tatransfer ang 4 na babaeng magkakaibigan o kung tawagin ay 4Princesses na kung saan makik...
108K 2K 11
Carmela and Third almost grew up together since their parents married each other they became Step Siblings. Carmela knew even at a young age that Thi...
15.9M 781K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
185K 1.4K 67
former title: My Step Brother Is In Love With Me We never know who we are going to fall in love with. you just feel it. it's all up to you if you're...