LIKE THOSE MOVIES

By freespiritdamsel

208K 8.6K 1.9K

Mavis Palvin-- a 17 year old guy who appreciates how the camera rolls, how scenes change, how movies bring hi... More

P r o l o g u e
Piece of paper
Apology
I'll think about it
What's your name?
Selfie
Irresistable
Cut!
Clear as day
As long as..
Birthday
I do
Missing
Trap Queen
Unsaid Words
Risk
For you
Of all people
Bestfriend
We still have time
Five minutes
Over you
Stay the night
Rose
You happened
Pouring rain
Until here
Question
Shots
She
Long gone
Museum
Prim
Paige
Axiom
This one
Self
The truth
Offer
Story
Deja vu
Middle
Movie
Convincing
Good take
Written
Mine
Saga
Epilogue
SC -1
SC - 3

SC - 2

4.1K 166 16
By freespiritdamsel


**

"BAKIT nakabusangot ka na naman?" Inilagay ni Kuya Joseph ang kape sa harap ko, sa mesa. Napa-angat ako ng tingin sakanya at napa-upo nang maayos. "Tsk, si Prim kasi."

"As usual, Prim na naman. Kung masaya ka o sobrang energetic, si Prim ang dahilan. Kung malungkot ka o bwisit, si Prim pa rin." Natatawa niyang sinindihan ang sigarilyo na kakabili niya lang. "Gusto mo?"

"Baka pagalitan ako nun."

"Sabagay, buntis pa naman din." Tumango ako. Kaya nga. "Pero nakaka-stress kasi."

"Sige na, isa lang naman. Wala naman sigurong magsasabi rito. Hahaha." Tumango nalang ako at kinuha ang inabot niyang Marlboro. Napailing pa ako at napahinga ng malalim bago sindihan ito.

"Ano ba kasi 'yon?" Umiling nalang ako. "Sus, para kang others! Lahat na nga nasabi mo sakin. Pati kay Boss Ian. Maliban nalang sa detalye ng kalibogan mo."

Hahaha. Mostly kasi ng mga ganap sa bahay na masaya o malungkot, naku-kwento ko. Maliban nalang sa paga-ano namin. Siyempre hindi naman ako ganon, asawa ko 'yon. Hindi ako gaya ng iba. Well, nasasabi ko sakanila minsan kung kailangan ko talaga. Kung nami-miss ko siya. Oo na, ibang klase ng miss. Natatawa nalang sila at tinutulongan akong padaliin minsan ang taping. Minsan pinapauna pa 'ko at yung isang direktor ang nagte-take over which si Ms. Reigne. Matanda siya sakin ng 15 years.

"Nagfamily gathering sila ngayon."

"Oh anong problema roon? Hindi ka nakasama ganon? Sayang pagkain ganon?"

"Hindi! Ang problema ko kasi, may dinala 'yong pinsan niya. Tapos yung taong 'yon nanliligaw sakanya dati."

"Oh ano naman?"

"Anong ano naman? Siyempre nakaka—tangina, ha." Tumawa naman siya agad at inilagay muna ang sigarilyo sa ashtray. "Alam mo, DIREK, dito sa set sobrang authoritive mo. Tapos 'di ba? Nakakagulat lang na para kang tanga. Hahahaha!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Tangina mo, 'Ya."

"Hahaahahaha! Hindi, kasi, ba't ba sobrang seloso mo ha? Buntis na nga 'yong tao. Buntis SAYO. Ayan, para mas dama mo. Sayong-sayo na 'yon, Mav. Kasal na nga kayo, 'di ba?"

"KAHIT NA. Baka mamaya kausap-kausapin pa siya. Tapos tangina basta! Ang hirap i-explain! Basta ayokong may lumalapit sakanya, o chume-check out, o kahit tumingin. Tangina. Sana mabulag lahat ng titingin sa asawa ko."

Naparolyo naman siya ng mata tapos umiling na naman. "Hay nako bebe ko, nakakaloka ka." Tanginang bebe ko 'yan. Okay lang sana kung si Prim 'to, e.

"Tawagan mo nalang kaya. Tutal break naman."

Magandang ideya. Tinawagan ko siya ulit. Kanina kasi, hindi siya sumagot kaya nakabusangot agad ako. Kung 'di ko pa tinext pinsan niya edi hindi ko rin malalaman. Sus.

"Hello?" Sinalubong ako ng malambing niyang..'hello'.

"I miss you."

"Missing you, too. Kamusta?"

"Hindi okay. Nami-miss kita."

Napa'phew' naman si Kuya Joseph kaya napatingin ako sakanya. "Asus, sorry nga pala. Kumakain kasi ako kanina kaya—"

"Hi, Prim. Can I dance..."

Napakunot agad ang noo ko. Teka, ano 'yon? "Hello, Prim?"

Medyo hindi na klaro at wala na rin akong marinig. "Prim?" Lumakas na ang boses ko. Bakit 'di ko na siya marinig? Sh-t naman. "Prim—"

"Mav? Wait lang ah. I'll call you back. Love you." Hindi pa 'ko nakakapagsalita pero binabaan na niya ko.

Tangina. Ano 'yong huli ko'ng narinig?! Can I dance..? Ano 'yon? May yumaya sakanyang sumayaw?!

Naginit agad ang ulo ko. Tangina. Napahilamos ako ng mukha ko. Nasipa ko pa ang paanan ng lamesa. Tangina.

"Kuya Jo, kakarating lang ba ni Ate Reigne?"

"Ha? Oo, bakit—oy! San ka pupunta?"

Madaling naglakad ako sa tent nila. Saktong pagpasok ko, naka upo lang si Ate Reigne while holding a folder. "Ate,"

"Oh? Anong meron?"

"Ate, pwede bang umuna na 'ko? Ikaw nalang bahala sa susunod?"

"Ha? Oo, okay lang. May isang araw pa nga akong utang sa'yo. Yung nagkasakit si Angela."

"Okay,"

Hindi ko na inintindi o inalala man lang 'yong sinabi niya. Basta okay na. Agad akong nagtungo sa sasakyan ko.

Sa Alberto's sila ngayon. Tama, yun nga. Andon sila. Mga less than an hour na drive mula rito.

Nagtatama pa rin ang kilay ko habang nagmamaneho. Sinong hindi mabu-bwisit sa narinig ko? Siguro lahat kayo! Maliban sakin! Tangina. Mura ako ng mura habang nagmamamenho.

Ah ganon? Sino 'yong lalake? Tapos nagmadali pa siyang patayin yung tawag! Ganon ba dapat 'yon?!

Hindi ko man lang namalayan na ang bilis na pala ng takbo ng kotse. Na nakaabot lang ako sa Alberto's in 20minutes. Tangina. Pabagsak ko'ng sinarado ang pinto. Wala na nga akong pake sa suot ko, e. Naka itim na t-shirt at naka pantalon.

Sa labas pa lang, nakita ko na ang isa sa pinsan niya—si Adolf. "Uy, tol, kala ko 'di ka makakapunta?"

Akala ko rin. "Si Prim?" Tinry ko'ng maging cool lang. Pero hindi ko pala kaya. "Nasa loob. Oh ba't parang... haha. May bibigwasan ka—oh..." Napa oh siya nang parang may naalala. Hindi ko nalang siya pinansin. Instead, pumasok na 'ko. Sumabit pa 'ko sa mga Tita niya kasi tuwang-tuwa silang naka-abot daw ako. Pero habang nangungumusta sila, hinahanap na ng mga mata ko ang asawa ko.

Muntik ko pang mapalipad ang mga lamesang malapit sakin sa nakita ko.

May kausap siyang lalake at mukhang enjoy na enjoy pa. Hah. Magalang na nagpa-alam ako sa kanila at naglakad(na tinatry maging chill lang) ako papunta sa asawa ko at sa kasama niya. Mga tatlong mesa pa ang pagitan nang makita niya 'ko. Nanlaki pa ang mata pero namanage naman niyang ngumiti agad. Act normal kumbaga. Sige lang.

"Oh, love—"

"Tara, uwi na tayo." Sakanya ako nakatingin. Hindi ko matingnan ang lalakeng katabi niya kasi baka masira 'tong gathering nila. Nawala ang ngiti sa labi niya't nanlaki pa ang mata. "H-ha?"

"Uwi na tayo, sabi ko."

"Bakit—"

"Uuwi na tayo o baka masapak ko 'tong lalakeng 'to?"

Hindi ko na napigilan.. kita ko'ng parang napahinto pa yung lalake. "Mav..." Pagpipigil niya sakin.

"Tara na." Sabi ko ulit. Huminga siya ng malalim bago kunin ang bag niya. Umuna siyang maglakad at magalang na nagpa-alam sa Lola niya, pati sa parents niya tsaka sa mga Tita't pinsan niya.

Umuna siya sa paglabas ng venue. Umuna rin siya sa kotse. Ganyan nga, kasi maguusap tayo. Padabog na sinara ko ang pinto. Bago ko paandarin ang kotse parang may kung sinong anghel ang bumulong sakin na magdahan-dahan sa pagdrive. Buti naman narinig ko pa 'yon. Masyado akong nabulongan kanina ni satanas.

Tahimik. Sobrang tahimik ng buong byahe. Nakatingin lang siya sa labas habang ako, nakakunot parin ang noo. Nang makarating kami sa bahay, agad na bumaba siya. Binati pa nga kami ng guard pero hindi niya 'to pinansin. Ako naman, tumango lang.

Nagdadabog na pumasok siya sa kwarto. Pinagbagsakan pa 'ko ng pinto. Pumasok ako sa kwarto at nakita ko siyang nagtatanggal na ng damit niya sa tapat ng cabinet.

"Prim," Tawag ko sakanya pagkasara na pagkasara ko ng pinto.

Pero parang wala siyang narinig. Tuloy-tuloy lang siya. "Prim, ano ba." Nakakapang-init ng ulo. Ako dapat yung galit, 'di ba?!

Hanggang sa nagbihis na siya. Akmang hihiga na siya sa kama nang tawagin ko ulit siya.

"Umayos ka nga, kinakausap kita!"

"Ano ba!?" Sinamaan niya ko tingin. "Ano? Nagseselos ka na naman?!"

"Ano bang gusto mo'ng maramdaman ko ha?! Matuwa?! Ganon ba?"

"Napaka-OA mo nalang kasi! Kaibigan ko lang naman 'yon!"

"Wala pa nga akong sinasabi alam mo na!"

"Bakit? Eh ganon ka naman kasi, e! Wala ka kasing tiwala sakin kaya alam ko'ng 'yon ang ibig mo'ng sabihin!" Siya pa ang may ganang ibato yung unan na hawak-hawak niya.

"Eh bakit kasi pinatayan mo 'ko agad ng tawag! Sumayaw ba kayong dalawa?!

"Oo! Niyaya niya 'ko! Ano?! Magagalit ka! Gusto mo'ng ang gawin ko ay ireject—"

"Oo! Mahirap bang gawin 'yon? Para sakin?" Sinipa ko ang shoerack na malapit sakin. Nakakainis.

"Bahala ka nga diyan."

Akmang tatalikuran niya 'ko nang magsalita ulit ako. "Mag-usap nga tayo!"

"Ano pa ba?! Ano pa bang dapat pag-usapan, ha! Eh ikaw nga diyan nagsi-sigarilyo ka pa! Akala mo hindi ko alam!"

"Ba't naman napunta roon yung usapan!"

"Oh bakit? Totoo naman, 'di ba?! Wala kang tiwala sakin pwes, niloloko mo lang din naman ako! Sabi mo hindi, sabi mo wala na, pero ang totoo, lagi pa rin!"

Napahinto nalang ako napatitig sakanya. Ganon rin siya sakin.

Sa sobrang galit ko nasuntok ko nalang ang pader na nasa gilid ng pintuan bago lumabas. Pabagsak ko'ng isinara ang pinto ng kwarto namin. Pumunta ako sa isang kwarto—sa guest room.

At ito ang unang gabi na magkahiwalay kaming matutulog.

Nagising ako kinaumagahan, alas otso na. Tinignan ko ang gilid ko kung tumabi ba siya sakin pero wala. Napatitig ako sa ceiling. Hay. Napagtanto ko na sobrang oa ko na pala. May mali ako, may mali siya.

Ayokong mawala siya sakin kaya tumayo ako, pumuntang CR at nagtoothbrush. Ayokong mawala siya sakin kaya lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kwarto namin.

Nakita ko'ng iba na ang suot niyang damit, nakaligo na pero nakahiga pa rin, naka side view. Ngunit ayokong mawala siya sakin kaya tumabi ako sakanya at dahan-dahan siyang niyakap. Naramdaman ko'ng hinaplos niya ang braso ko'ng sakanya'y nakayakap. Ayokong mawala siya sakin kaya nabanggit ko ang mga katagang, "I'm sorry."

Ayokong mawala siya sakin kaya ibinaba ko ang pride ko—na parang underwear lang. Walang mangyayari kasi kung 'di mo ibababa.

At siguro, ayaw niyang mawala rin ako sakanya kaya nabanggit niya ang mga salitang, "Sorry din, may mali rin ako."

At oo, pareho kaming takot mawala ang isa't-isa. , "Mahal kita." Sabi namin ng sabay pa. At agad na natawa.

**

in a2+

Continue Reading

You'll Also Like

78.3K 3.1K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
111K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
176K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
1M 49K 200
Payb Takes lives on! Continue following the story of Payb Takes RJ and Meng in this new book. Join our favorite couple in their journey to Forever i...