When True Love Comes Arrived...

Galing kay AngManunulatMissDee

147K 4.5K 337

Love is unstoppable ... So When True Love Comes Arrived, don't missed it. Coz you will never find a person wh... Higit pa

Introduction
S1
S2
S3
S4
S5
S6
S7
S8
S9
S10
S11
S12
S13
S14
S15
S16
S17
S18
S20
S21
S22
S23
S24
S25
S26
S27
28
S29
S30

S19

4K 145 9
Galing kay AngManunulatMissDee

Hinayaan lang ni Glaiza ang mga ginagawa ni Kylie. Habang nasa sasakyan sila panay ang subo ni Kylie ng chitcherya kay Rhian, then same pa sila ng bottle na iniinuman. Kaya ang dalawa patuloy pa rin sa plano nilang pagselusin si Glaiza.

"You know what Rhi di ka maarting tao. Kasi we use to drink in a same bottle of water, di ka nandidiri? Para na rin kasi tayong naglilips to lips niyan." pahaging nito kay Glaiza.

"Yup before, I was being a maarte. But because of the people in refugee camp, I've learn a lot of thing. Kaya yung kaartihan at pagiging brat ko, na convert sa pagiging kung ano ako ngayon." sagot niya na kay Kylie.

"Wow ang nice naman, you know what ang swerte swerte ng taong magmamahal sayo. Yung tipong handa kang mahalin ng walang pag aalinlangan, yung hindi ka pinapaasa? Yung someone like me. Choz!" pahaging ulit nito.

"Kylie wag ka nang umasa, malinaw naman sayo na ako yung mahal ni Rhian. Hindi na yan magmamahal ng iba, kaya wag ka nang umasa." sagot ni Glaiza kay Kylie.

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Hahaha ang mga bagay na kahit pag aari na ng iba. Naaagaw at na agaw pa rin, parang pananim lang yan bumbahin mo man ng bumbahin pinepeste pa rin." sagot nito kay Glaiza.

"Guys anong meron? Parang hindi yata ako na inform sa ganitong eksina, nag aaway ba kayo?" Rhian asked, kunwari walang alam.

"Oo nga kanina pa kayong dalawa ah? Couz may problema ba kayo ni Glaiza?" dagdag na tanong ni Bianca.

"Ako wala akong problema, baka si Glai meron." sagot niya.

"Don't mind it guys, wala kaming problema ni Kylie. Malayo pa ba tayo?"

"Malapit na, sasakay tayo ng bangka papunta sa Isla Gugon. Nakabalik na kasi yung tao don sa Isla nila, and Rhi excited na yung mga bata na makita ka sabi ni Ka Asyong."

"Excited din akong makita sila Bee." sagot nito kay Bianca, napansin ni Rhian na biglang tumahimik si Kylie kaya tinanong niya ito. "Oh Kylie tahimik ka ata?"

"Eh kasi ano eh ..."

"Takot yan sa dagat Bestie, her parents died dahil sa pagkalunod sa dagat. I'm so sorry couz nakalimutan ko."

"Okay lang Couz hindi naman siguro maalon baka kaya ko naman labanan yung takot ko."

"It's okay Kylie I'm here for you. Basta mamaya tumabi ka lang sa akin para hindi ka matakot." sabay hawak sa kamay nito. Kitang kita naman ni Glaiza ang paghawak ni Rhian sa kamay ni Kylie sa may salamin.

"Thank you Rhi ..." sagot ni Kylie at hinawakang mahigpit ang kamay ni Rhian.

"Why I feel like drowning? Para akong kinakapus ng hininga dahil sa nakikita ko. Nasasaktan ba ako? Dahil hawak ni Kylie ang kamay ni Rhian? O nasasaktan ako kasi naiinggit ako kay Kylie? Minamahal ko na nga ba si Rhian kaya ako nakakaramdam ng ganito? Kylie ano bang drama mo? Seryuso ka ba talaga na gusto mo agawin si Rhian sa akin? If you really serious about it, hindi ako papayag na agawin mo ang bagay na dapat para sa akin. No Kylie hindi mo ko maiisahan, at hindi pwedeng mahulog si Rhian sayo! She's mine!" she said to herself.

Mala Pirena ang peg ni Glaiza dahil nasasaktan na siya sa ginagawa ni Kylie at natatakot siyang baka mahulog si Rhian kay Kylie. Pero wala siyang kaalam alam na plano lang ng dalawa napagselusin siya.
.
.
.
.
.
.
.
Matapos ang ilang minutong biahe nakarating na rin sila sa may pier. Pagbaba nila, si Kylie sweet na sweet pa rin kay Rhian at siya ang nagdadala ng mga gamit ni Rhi.

Kaya si Glaiza nakaisip ng hindi maganda.

"Baka drama mo lang na kunwari takot ka sa dagat Kylie, para lang magpapansin kay Rhian. At kung totoong takot ka sa dagat will tingnan natin mamaya." she talked to herself.

Sumakay agad sila sa bangka na magdadala sa kanila sa Isla.

Magkatabi si Rhian at Kylie na nakahawak ng mahigpit sa kamay ni Rhian. Kaya si Glaiza simulan na ang plano niya.

"Hoy Kylie, wag ka ngang parang linta na nakakapit kay Rhian. Paano mo mapananagumpayan ang takot mo kung hindi mo haharapin ang kinakatakutan mo? Wag kang duwag girl." tukso ni Glaiza.

"Hindi ako duwag noh!" sagot nito.

"Glaiza wag mo nang tuksuhin si Kylie." saway ni Rhian.

"Hindi ko naman siya tinutukso I just wanted to help her to conquer her fair. May masama ba don? So come on Kylie wag kang duwag." sagot niya kay Rhian.

"Ano bang gusto mong mangyari?" seryusong tanong ni Kylie.

"Guys chill lang wag kayong mag away." sabi ni Bianca sa dalawa.

"No, were not fighting. Like what I've said earlier I just wanted to help her to conquer her fair."

Kaya si Kylie binitawan ang kamay ni Rhian.

"Kylie?"

"Its okay Rhi, gusto ko lang ipakita sa taong to na hindi ako duwag! At gusto ko ibalik sa kanya ang sinasabi niya, at kung sino sa aming dalawa ang totoong duwag." kaya tumayo si Kylie at pumunta sa unahan ng bangka.

"Kylie wag mo nang gawin yan baka mapatid ka pa at mahulog!" sigaw ni Rhian at pinipigilan si Kylie.

"Couz umupo ka na dito please!" utos ni Bianca.

"Wag niyo nga siyang pigilan hayaan niyo siya." sambit ni Glaiza.

"Glaiza kapag may nangyaring masama sa pinsan ko, mananagot ka talaga sa akin!"

"Bakit ba kasi nag iisip kayo ng nega? Wala yan, makakayanan yan ni Kylie."

At pinagmasdan lang nila si Kylie na papunta sa may dulo ng bangka. Kaya't ng makarating ito sa dulo nagmalaki pa siya kay Glaiza.

"See Glaiza! Sino yung duwag na sinasabi mo? Couz kaya ko nang tumayo dito oh!"

Natuwa naman sila Rhian at Bianca, ngunit nung hampasin ng malaking alon ang bangka, na laglag si Kylie.

"Kylie!" sigaw ni Bianca

"Manong yung bangka itigil niyo!" sigaw ni Rhian.

"Rhi hindi marunong lumangoy si Kylie! Dyos ko Rhi yung pinsan ko!" nag alalang sabi niyo.

"Bianca you know naman na hindi ako marunong lumangoy!" nang marinig yon ni Glaiza hindi siya nag aksaya ng panahon agad siyang tumalon sa dagat para sagipin si Kylie.

"Glaiza!" sigaw ni Rhian. At lahat sila ay tumingin sa dagat at hinihintay ang pag ahon ng dalawa.

"God please save them both! Please!" sabi ni Rhian at tarantang taranta.

Sinisid ni Glaiza ang dagat at hinanap si Kylie. Hindi siya tumigil sa paghahanap hanggang nakita niya si Kylie na papalubog pa lalo papunta sa ilalim ng dagat. Kaya binilisan ni Glaiza ang paglanggoy para maabot ang kamay ni Kylie at maiahon agad ito.

Nang makuha niya ang kamay ni Kylie agad niyang inahon ang ulo nito para makahinga.

Pag ahon nila, agad siyang inabutan ng lubid para mailapit sila sa bangka. Iniahon agad nila si Kylie, at agad naman minouth to mouth ni Rhian si Kylie para magkamalay ito.

"Couz please wake up! Wag mo kaming takutin oh! Kylie?" sobrang nag aalala si Bianca sa pinsan niya. Patuloy lang si Rhian sa ginagawa niya at nang makaahon si Glaiza nakita niya ang ginagawa ni Rhian. Dahilan para labis na madurog ang puso niya.

"I know its just a CPR para iligtas si Kylie. Pero ang sakit sakit makita na may ibang dumadampi sa labi niya. Its your fault Glaiza, you need to bear with this kasi ikaw ang dahilang kung bakit nalunod si Kylie. Ngayon ano ka? Magiging masama ang tinggin sayo ni Rhian dahil sa ginawa mo." she said to herself.

"Bianca im so sorry." humingi ng tawad si Glaiza dahil alam niyang may mali siya.

Hindi na sumagot si Bianca dahil masama na ang loob nito sa kanya.

Hanggang sa nagkaroon na ng malay si Kylie, tuwang tuwa na sila Bianca at Rhian kaya yinakap nila ito.

"Thanks God your alive Couz." Bianca said habang teary eyes.

"Kylie salamat at okay ka na."sabi ni Rhian.

Di naman makapagsalita pa si Kylie rinub niya nalang ang likod ng dalawa. At nakatinggin lang siya kay Glaiza, na siyang sumagip sa kanya.

Di naman makatinggin ng maayos si Glaiza kaya binaling niya ang tinggin niya sa iba.

Matapos ang nangyari, wala nang kibuan sa bangka. Hanggang sa makarating sila sa Isla Gugon.

Glaiza's Pov ...

Pagdating namin sa Isla sinalubong kami ng mga bata. Syempre its unexpected na makita kong malapit si Rhian sa mga bata. Dahil dati hindi naman siya mahilig makisalamuha sa mga bata. Pero ngayon yumayakap siya sa mga ito kahit mukhang madungis. Ngayon napatunayan ko na,na nagbago na nga siya.

Matapos ang kamustahan sa mga bata, inaya muna kami ng Kapitan ng barangay na kumain. Pinaghandaan nila kami ng puro seafoods na pagkain, that time nakita kong nagkakamay si Rhian habang sarap na sarap sa pagkain ng alimango. Habang pinagmamasdan ko siyang kumain parang busog na rin ako.

Wala pa rin kaming kibuan nila Bianca at Kylie. Hindi pa rin nila ko pinapansin simula nung nangyari kanina. Nagsorry naman na ako pero parang di pa rin okay. Hanggang ngayong hapon ganun pa rin walang pinagbago busy sila sa mga kausap nila. Ako para lang akong anino dito hindi napapansin. Kaya nagpasya nalang akong maglakad lakad sa tabi ng dagat.

Pero pagbalik ko ng kubo nakita ko si Kylie at Rhian. They being sweet to each other, nakasandal pa si Kylie sa balikat ni Rhian, dahilan para magselos nanaman. Inis na inis ako sa nakita ko kaya nilapitan ko sila at kinumprunta ko si Kylie.

"Kylie nanadya ka ba talaga? O sadyang pinaglihi ka lang talaga sa linta?" at bigla silang tumayong dalawa.

"Glaiza wala akong time para makipagdeskusyon sayo."

"Glai tama na muna to bigyan mo muna ng space si Kylie. Di ka pa ba nakukuntento sa nangyari kanina? So please give her space."

"Space? For what? Para agawin ang atensyon mo sa akin? Pwede ba Kylie tumigil ka na sa mga paawa epek mo hindi agay e!" sabay tulak ko sa kanya.

"Glaiza stop it!" at bigla akong sinampal ni Rhian.

Pakkk!

"Glaiza I'm so sorry I didn't mean to, sorry." sabi niya.

But I decided to run out. Masakit para sa akin na mas kinakampihan ni Rhian si Kylie. Kaya tumakbo nalang ako papunta sa may tulay na daungan ng bangka para mapag isa.

End of pov  ...

Kaya si Rhian sinundan si Glaiza.

"Glaiza ano bang problema? Bakit ka ganyan kay Kylie? Okay naman kayo dati ah? Bakit ganyan ka nalang ka rude sa kanya?" she asked.

"Ikaw! Kayo ni Kylie ang problema ko! Sinasabi mong mahal mo ko pero lumalandi ka naman sa iba! Ang sakit sa mata Rhian!" she yelled at di mapigilan ang umiyak.

"Nagseselos ka kay Kylie?" she asked at napa half smile.

"Di pa ba obvious Rhi? Oo nagseselos ako, kasi minamahal na kita." sagot niya and she paused. Tuwang tuwa naman si Rhian sa narinig niya mula kay Glaiza. "But I want to stop myself loving you coz I'm scared." she added.

"Glaiza this is the moment I've been waiting for, yung sabihin mong mahal mo na ako. Pero bakit mo pinipigilan ang sarili mo na mahalin ako? Saka bakit ka natatakot?"

"I'm so sorry Rhi, I'm scared kasi baka maulit lang sa atin yung nangyari sa amin ni Coleen. Baka hindi tayo tanggapin ng parent mo, at paghiwalayin niya tayo baka dumating sa point na saktan ka din niya. Like nung ginawa ni Tito Francis kay Coleen, ayoko malagay ka sa ganung sitwasyon."

"Damn it Glaiza! Bakit ka natatakot sa bagay na hindi pa naman nangyayari? Magkaiba ang Dad ko at ang Dad ni Coleen, at hindi pa naman natin malalaman kong di pa naman natin nasusulosyunan. Glaiza please don't scared of loving me, kasi iba ako kay Coleen. I am worth to fight for, and I'm willing to fight for you." hinawakan niya ang dalawang kamay nito at nilagay sa mukha niya. "I love you,  I love you,  I love you." she repeat it trice.

"Sorry Rhi pero mas gugustuhin ko pang masaktan kisa mawala ka ng tuluyan. Siguro kailangan ko nalang tiisin ang sakit na sa twing may kasama kang iba. Yung taong magpapasaya sayo, at kaya kang ipagtanggol. Wag mo nang piliin ang ganitong klaseng pagmamahal, dahil ako na nagsasabi sayo. Masasaktan ka lang. Kaya sana hindi mo nalang ako sinundan dito." sabay tanggal ng kamay niya sa mukha ni Rhian.

"Glaiza ngayon sinu sa inyo ni Kylie ang duwag? Sa ginagawa mo ikaw yung duwag!"

"Wala akong choice kailangan kong gawin 'to! Para din naman sa kapakanan mo!"

"No! Hindi mo pipigilan yang nararamdaman mo. Coz if  you do that i swear hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!" banta niya.

"Rhian don't be childish! Minsan  kailangan din nating matutong sumuko, hindi para ipakita na mahina tayo. Kundi para hindi tayo masaktan o mahirapan at di natin sayangin ang panahon natin sa walang kwentang bagay." sabay talikod kay Rhian.

Sobrang nasaktan si Rhian sa pagtalikod ni Glaiza sa kanya, kaya itutuloy niya ang banta niya rito.

"Kung ganun lang din naman ang gusto mong mangyari, mabuti pang mamatay nalang ako!" she said at nagpatihulog sa dagat. Nang lingunin ni Glaiza si Rhian wala na ito sa kinatatayuan niya.

"Rhian!" sigaw niya, kaya agad itong nagdive sa dagat nang hindi nito nakita si Rhian.

Panay ang hanap ni Glaiza sa ilalim ng dagat kay Rhian ngunit hindi niya ito makita. Nang kinakapus na siya sa hangin umahon siya saglit para makahinga, at ilang sandali lang lumusong agad siya para hanapin si Rhian. Nang makita niya agad ito, hinila niya ito at inauhon ang ulo para makahinga.

"Rhian gising! Rhian please gumising ka!" she said. Kaya nang mapansin niyang wala itong malay lumangoy siya hila hila si Rhian papunta sa pangpang.

At nang maiahon niya si Rhian, agad niya itong minouth to mouth.

"Rhian gising! Please gumising ka!" she said at paulit ulit pinapump ang dibdib nito, but Rhian is not responding. Panay ang check ni Glaiza sa pulso nito ngunit mahina na. Kaya paulit ulit siya sa pagbibigay ng hangin kay Rhian para marevive ito. "Rhian please gumising ka! Parang awa mo na wag mo kong iwan! Rhian!" sigaw niya.

At agad umubo si Rhian at inilabas ang mga tubig dagat na nainom niya.

"Rhian!" she said habang di mapigilan ang pag iyak at mahigpit na yinakap si Rhian.

"Hindi mo na sana ako linigtas, hinayaan mo nalang sana akong mamatay. Tutal di mo naman ako kayang mahalin diba? So let me die Glaiza!" she said at di mapigilang umiyak. Kumalas sa pagkakayakap si Glaiza kay Rhian at agad niya itong hinalikan. Ginantihan naman ni Rhian ang halik ni Glaiza sa kanya, lasang lasa sa mga labi ng bawat isa ang mga luha nila ...

"Handa na akong sumugal, dahil hindi ko kayang mawala ka." she said habang hinahalikan si Rhian.

"Mahal na mahal kita Glaiza." sagot niya habang hinahalikan si Glaiza.

Minsan may mga bagay na kailangan munang mawala bago natin matutunan ang sumugal sa pagmamahal.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

355K 18.6K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1M 32K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...