The Revenge of My Personal Ma...

By thelostyellowangel

49.6K 1K 268

Book 2 of My Personal Maid. More

The Revenge of My Personal Maid
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 8

3.7K 89 55
By thelostyellowangel

Chandria's POV

Nakabalik na ako galing sa probinsya. So far, okay naman sila. Masaya ako at nakapag-bonding ulit kami. Grabe! Nakakamiss. May meeting kami with the Architects and Engineers kaya nag-ayos na ako. Naka-office atire ako with make-up bago ako pumunta sa office. I'm 10 minutes early for the meeting kaya I expect na ako pa lang ang tao... But I'm wrong.

"Ang aga mo ngayon ah." I said as I opened the door.

"Ayokong sayangin ang oras ng mga ka-meeting ko ehh." Nakapatong pa ang paa niya sa table habang nagbabasa ng newspaper. 

"Good. Buti naman natuto ka na." 

"Tch." Maikli niyang sabi at ipinagpatuloy niya na ang pagbabasa. Umupo ako sa tabi at binuksan ko ang laptop ko. 

1 minute. 2... 5.. 

Okay. Ang tahimik niya. -_-

"Daniel... Y-yung nasabi ko nakaraan---"

 

 

"It's nothing Chandria. Wala naman yun sa akin. You're right. We don't need to fake each other. Ayaw mo sa akin. Ayaw ko rin sa 'yo. Just... business, okay?" 

"H-huh? Y-yeah. Right. *sigh*" 

Silence...

Maya maya ay dumating na ang mga ka-meeting namin at nag-start na ang meeting. Maayos naman ang lahat and I like the design. Bukas na bukas ay sisimulan na nila ang Construction and after a month boom! Start na ng business. 

I glanced at him. Pero unlike dati... He looks so calm and cool. Yung tipong swabe lang. 

 

"Maam, baka matunaw po si Sir." Kumurap ako. 

"H-huh?" 

 

 

"Kanina niyo pa po kasi siya tinitignan. Alam mo Maam, opinion ko lang po ito huh? Bagay po kasi kayo ehh. Sana nga p-----"

 

 

"Stop. I... I don't want to hear it." I fake a smile at the Engineer. Inayos ko na ang gamit ko at handa na akong umalis. Ang dami kong naiisip kapag nakikita ko si Daniel. The more I see him, the more I remember.

"Hey! Ka-- Chandria! Wait!" Nakita ko naman na lumakad papalapit sa akin si Daniel. 

"Bakit?" 

 

 

"Uwi ka na?" 

 

 

"Oo. Bakit? May kailangan ka pa?" 

 

 

"Pwede mo ba akong samahan?"

"Samahan?"

 

 

"Hindi. Iwan. Iwan. Kasasabi ko lang di ba?" 

 

 

"Tsk. Saan naman?" 

 

"Date." 

 

 

"Mh!" Binatukan ko siya.

"Aww! What's that for?" Hinimas niya yung batok niya. 

"Abnormal ka rin talaga ano? Kanina inaway away mo ako tas ang cold cold mo sa akin tapos ngayon yayayain mo akong makipag-date? The hell?!"

 

 

"What?! Anong date pinagsasabi mo?"

??_____?? Ano ba 'tong kaharap ko? Takas ba 'to sa mental o lasing? 

"Kasasabi mo lang di ba? Baka nakakalimutan mo, may boyfriend na ako! Tsaka what made you think na papayag ako? You have a wife!" 

 

 

"Wh--- PFFFFFT! HAHAHAHAHAHA! Wait lang ah! HAHAHAHA! Wooh!" Nakahawak pa siya sa tyan niya habang tumatawa. -_- 

"Ewan ko sa 'yo! Diyan ka nga nga!" Naglakad na ako palayo at iniwan ko siya dun habang tumatawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Gago pala siya ehh! Ang gulo niyang kausap! Bingi ba ako? Mali ba yung rinig ko?

Hinilamos ko yung kamay ko sa mukha ko. Iiiih. Hindi naman ehh! Sabi niya date daw kami. D-A-T-E! Date! Anong nakakatawa dun? Mukha niya! Saaaaar. >.<

"Chandria! Wait! HAHAHA! Uy!" Nilingon ko naman siya. 

"Ano na naman ba? Saka mo na lang ako kausapin kapag maayos na yang utak mo. Buhol buhol pa ata ehh." 

"Sorry. Natawa lang ako. What I mean is... Date ang pangalan ng lugar. It's not date as in 'date' ng magsyota." Natatawa pa rin siya pero pinipigilan niya kaya napapalip bite na naman siya. 

Ahh... Okay? Pero kasalanan ko ba yun? Siya diyan di maayos mag-explain ehh. Tsk. 

 

"Ayoko. Nawalan na ako ng gana. Tsaka di ba sabi mo di naman tayo friends? Bakit niyayaya mo ako ngayon?" I crossed my arms.

"Hindi kita niyayaya dun as a friend. Niyayaya kita kasi balita ko maraming kumakain dun at gusto kong tignan natin yung style nila para magkaroon tayo ng idea para sa restaurant natin. Ano? Okay ba yun?" 

Uy! Congrats! Gumagana rin pala utak niya. 

"Oo na! Tara! Next time kasi i-explain mo ng maayos. Namisinterpret ko tuloy." -_-

"It's not my fault."

 

 

"Anong not your fault? Kung inexplain mo kasi ng maayos kanina, e di hindi ko sana napagkamalang date di ba?"

 

 

"Malay ko ba na pinapantasya mo pa palang makikipag-date ako sa 'yo."

>_____<

"Ang kapal ng muka mo! Ikaw? Pinapantasya ko? Ha-Ha-Ha! Hu u?" 

 

"Tch. Ingay. Tara na nga." Naglakad na siya at sinundan ko siya hanggang Parking Lot. Not even saying a word.

"Dito ka na sa sasakyan ko sumakay." Kalmado niyang sabi.

"Ayaw. I have my own car. I can drive." Tinaasan ko siya ng kilay. 

"Aisht. Ang kulit talaga." Kinamot niya yung ulo niya habang papalapit siya sa akin. 

"W-wait? What are you doing? Hey! D--Daniel!" Kinarga niya lang naman ako sa balikat niya at saka ipinasok sa kotse niya. 

"Kidnapper." -_- Bulong ko.

"Tch. Stubborn." Bulong niya rin. 

Gaya gaya amputik. Ugh. Nag drive na siya at nanahimik lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Maya-maya ay binuksan niya ang radio. Na-bored siguro. 

Wala ka man ngayon sa aking piling
Nasasaktan man ang puso't damdamin
Muli't muli sa 'yo na aaminin 
Ika'y mahal pa rin


At kung sa kali na muling magkita
At madama na mayro'n pang pag-asa
Hindi na natin dapat pang dayain
Hayaan nating puso ang magpasya


>>____>>                <<_____<<

<<_____<<"             >>______>>

Nilipat niya agad sa susunod na station yung radyo.

Bakit di pagbigyan muli

ang ating pagmamahalan
Kung mawawala ay
Di ba't sayang naman
Lumipas natin tila
Ba kailan lang

At kung nagkamali sayo
Patawad ang pagsamo ko
Tayo na't ulitin
Ang pag-ibig natin
Muli ikaw lang at ako

Ano ba namang mga kanta yan? Bwisit. (_ _) 

"Aisht." May bnulong siya pero di ko naintindihan. Nilipat niya ulit yung station.

Nanghihinayang, nanghihinayang ang puso ko

Sa piling koy lumuha ka lang nasaktan lamang kita

Hindi na sana hindi na sana iniwan pa, iniwan kang nag-iisa

at nagdurusa ako sana'y pata--------

Padabog na pinatay ni Daniel yung radyo. "Tsk. Ano bang meron sa mga radio stations na 'to? Ang papangit ng mga kanta."

 

"H-huh? O-oo nga! Ang papangit! Buti pinatay mo na." 

Silence...

Haaaaay. Ang awkward!

Bakit ganito ang atmosphere? A-ang init. Pinaypay ko yung kamay ko sa mukha ko.

 

"Sorry ah. Ang hot ko kasi ehh. *lipbite*" Payabang niyang sabi bago niya i-park yung kotse. I just rolled my eyes. Grabe ka feeler jusko! -_-

"Here we are." Lumabas na kami ng kotse at totoo nga yung sabi niya. 'Date' ang pangalan ng restaurant. No wonder isa ito sa mga pinupuntahan talaga. Name pa lang nakaka-engganyo na ehh. 

Pumasok na kami. "Excellent choice of name." Bulong ko kay Daniel. 

=_____= <---------- Him 

Grabe! Snob. .____.

"Good evening Maam, Sir. Welcome to Date where lovers date and singles find their date." Sabi ng waiter sabay abot ng menu sa amin. 

"Anong ibig mong sabihin dun sa where 'singles find their date?'"

"Ah. Yun po ba Maam? Meron po kaming event every Friday kung saan ang mga single ay hahanapan ng ka-match. Kung gusto niyo pong i-try, pwede po kayong magpa register. Masaya talaga at siguradong paglabas niyo ng restaurant na ito, may ka-date na kayo! Hehehe." Ang astig naman ng waiter na 'to. Dapat ganito ang mga makuha naming employee. Jolly. :))

"Anong klase yung mga ginagawa dun?" Tanong ko.

"Why don't you find out yourself Maam? Hehe. Ano po? Magpapa-register po ba kayo?" 

 

 

"No. Not at all. Sor-----" 

 

 

"Yes. Magpapa-register kaming dalawa." Sabat ni Daniel. Nilakihan ko naman siya ng mata. 

"Okay po. Sandali lang po at kukunin ko yung registration form." Umalis na yung waiter at hinampas ko si Daniel.

"Aww! What?!"

 

 

"Anong what? Watwatin kita diyan ehh! Bakit tayo sasali sa ganun? Baliw ka na ba? Baka nakakalimutan mo comitted na tayo." 

 

 

"Tch. Kailangan nating malaman ang mga pakulo nila para magkaroon tayo ng ideas. Don't take it seriously okay? Loyal naman ako sa asawa ko. Ikaw na nga mismo nagsabi di ba? Business is business. Walang personalan." 

I rolled my eyes at him. He has a point.

 

"Ito na po ang registration form niyo. Take your time to fill it out." Ayos 'to si Kuyang waiter ah. Pa-english english pa. Sosyaaaal! :3

Pagtapos naming mag fill out ng form ay ibinigay na namin ito sa waiter at saka kami umorder ng specialty nila. After 15 minutes ay si-nerve na nila ang mga inorder namin. Mabilis ang service nila at ang mga waiter ay palaging naka-smile. 

Kaya pala sikat talaga itong restaurant na 'to dito. Tinikman na namin ang specialty nila.

"Mmm. Masarap ah." Sabi ko habang tumatango. 

O______O

Pagkatingin ko sa plato ni Daniel, naubos niya na pala ang pagkain niya. Whatda! Kakaserve pa lang ah!

"Nah. Di naman ganun kasarap." Sabi niya habang nagpupunas ng bibig gamit ang tissue. 

"Hindi halata ah." 

"Psh." 

Gulp. Food monster. =____=

"Gabi na pala. I think we should go." Sabi ko pagkatapos kong kumain. Tinawag niya na ang waiter to ask for the bill. Tapos binayaran niya na.

"Magre-research ako ng mga sikat na restaurant malapit dito para mapuntahan natin for the next few days while--------" Nag-glance siya sa akin at biglang nanlaki yung mga mata niya tapos nagpigil siya ng tawa. 

"What?" 

"*lip bite* De, wala wala." 

"Ano nga?!" 

"Wala nga. Tch." Nakalagay yung kamay niya sa bulsa niya sabay tumayo na siya at lumabas. Sumunod naman ako. Nakita ko namang nagtitinginan sa akin yung mga tao.

??_____?? Problema nila? 

Pumasok na siya sa kotse niya. Nice! Di man lang ako pinagbuksan ng pinto. Pumasok na rin ako at nilaksan ko yung pagsara ko ng pinto niya. 

"Tss." Ang tipid niya naman sa words. -_-

Napadako naman yung tingin ko sa side mirror. O____O Kaya pala nagpipigil ng tawa yung matakaw na yun! Aaaaaargh. 

"Hoy Daniel! Bakit di mo sinabing may sauce pa ako sa labi ko? Aaaaisht. Nakakahiya! Nakakainis ka talaga! Kaya pala grabe makatingin yu------"

Bigla niya akong idiniin sa upuan ko gamit ang isa niyang kamay na nakaharang sa balikat ko. Ang lapit lapit ng mukha niya sa akin at... seryoso yung mga tingin niya. Naramdaman ko naman na pinupunasan niya ang labi ko gamit ang tissue.

"Mmmph? A-anong ginagawa mo?" 

"Are you seducing me?" Kalmado niyang sabi habang pinupunasan ang labi ko. 

"WHAT?!" 

"Sinadya mong lagyan yang labi mo ng sauce di ba? So I can wipe it." 

"Hoy! Hindi po ako desperada noh! Kapal nito." 

"Tss." Sabi niya tapos binitawan niya na ako. Nakahinga naman ako ng maluwag. Phew. 

Silence. 

"Bakit di mo pa ini-start ang kotse? Ga-----"

"Yung sinabi mo nung nakaraan, do you really mean it?" Sabi niya while looking at the distant. 

"Huh?" 

"Hindi ba talaga tayo magkaibigan?" Nakatingin pa rin siya sa wala. At yung boses niya... Napaka-cold.

"Gusto mo ba talagang sagutin ko yung tanong mo?" 

"Hindi. Hindi wag na." Ini-start niya na yung kotse niya. Tahimik lang kami at nagulat na lang ako nang makarating na kami sa tapat ng hotel ko. Parang ang bilis ng lahat. 

"Paano mo pala nalaman na dito ako naka-check in?" Hindi muna ako bumaba. Curious ako ehh.

"Secret." Nag smile siya sa akin pero alam kong fake yun. 


"Sige. Alis na ako. Thanks for the ride." Tumango lang siya sa akin at bumaba na ako sa sasakyan niya. Phew.

Pagpasok ko ng hotel ko ay humiga agad ako sa kama. Bakit ganun si Daniel? Ang gulo niyang tao! Kanina ang sungit sungit tas biglang ambait bait tas minsan makulit tas biglang tatahimik na lang. Haruyjusko!

Tinignan ko naman ang cellphone ko. 12 messages from Quen and 1 message from an unknown number. Binuksan ko agad yung sa unknown.

Stick to your plans. 

Stick to your plans? Sino 'to? Ako lang naman ang nakaka-alam ng plano ko. Even Quen doesn't know about this. Ni-reply ko.

Who are you? 

Sent! Naghintay ako ng reply pero wala pa rin. Problema nun? Tsk. Siguro naghahanap lang ng pagti-tripan. Stick to your plans? Haaaay. Ano nga ba ang plano ko? Paano ko masasaktan si Daniel? 

And then it hit me. 

Ibabalik ko sa kanya lahat ng sakit. And how will I do that? I half smiled.

By tearing his heart. 

Operation Seduce Daniel Santiago? 

Let the game begin.

=========================================

Continue Reading

You'll Also Like

384K 5.5K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
3.3K 328 16
- Wherein two enemies, fake a relationship to deter a annoying admirer. As they play the part, their staged romance turns genuine, forcing them to c...
76.2K 2K 71
One school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is...
1.8K 86 31
She fell first, who fell harder? Si Colleen Vergara at Maya Celeste Arceta ay galing sa magkaibang squad na eventually ay nag-join force as Bibi squa...