My Idol , My Lover - Under Re...

By frooozen_

261K 2.9K 621

What would happen when two people coming from different worlds collide? No matter how much they try to get aw... More

Foreword
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
Must Read!
New Story!
MIML : SC - Breakeven
MIML : SC - TMWCBM

Chapter 44

3.2K 47 10
By frooozen_

Hope you enjoy reading. Please consider voting if you enjoyed the chapter. :)

--

* Myco? * 

-Ara's Point of View-

"Uy, ikaw ah? Wag mong isiping mag-ala Miley Cyrus babatukan talaga kita!" pagbibiro ni Kuya Peter sa akin.

"Eeh! Kuya Peter naman eh!" Eh kita niyang umiiyak ako dito eh. Nagsesenti mode tapos bigla siyang magpapatawa? Pero alam ko naman na pinapagaan lang niya yung loob ko eh.

You know what? I should stop crying now. It seems that crying wouldn't get me far in life you know. Hindi ko naman ikaka-yaman ang pag-iyak iyak lang dahil kay Thomas. Wala naman siyang kasalanan eh. All he ever did was to love so damn the heck! Move on Ara!

"Kuya, Promise."

"Huh? Anong promise?"

"Basta. Promise."

"Oh-kay?" may halong pagtataka sa boses niya pero pinabayaan ko na lang siya. Basta! Promise ko na makaka-move on ako.

Kasi naniniwala akong "happy" is the only way to live life. Don't wait for life to be easier cause it will never be. Happiness is something you chose and not some sort of "accident" that just happens.

I'm choosing happiness and I hope it works on my favor as well. I choose you happiness, okay? Please. Work with me.

--

"Okay! Training's done!" sigaw ni Ate Abi. Siya muna yung nagtraining sa amin since may pinuntahan si Coach and I must say she has a talent in coaching! Naku! Tinalo pa si Coach Ramil kung magpa-train. Kung alam niyo lang kung gaano karumi yung uniporme ko. It's like i've moped the floor with my sports attire.

Feeling ko nga mas magaling na ako kay Ate Liss at si Dawn, yung bago naming libero! Chos! Joke lang!

Ginawa daw ba akong libero? Sino ba ako? Ako naman si Ara Galang eh at hindi si Fille Cainglet or si Bang Pineda eh. But anyways, i understand naman eh kung bakit ako tinetrain. Kasi kapag Open Hitter ka eh kelangang All Around Player ka. Hindi lang purong offense, kelangang may defense din lalo na't nagpalakas ang halos lahat ng teams sa UAAP lalong lalo na ang NU! Grabe! Tinalo nila ang Archrival namin in straight sets sa dalawang pagkakataon.

"Haha! Maganda ba ang maging libero?" tanong ni Mika ng natatawa.

"Gagi ka! Dapat pati ikaw para ma-i experience mo rin! Para walang nahuhulog na bola!"

"Haha. Dream on, Ara! Hindi mangyayare. Ikaw na kasi! Tsaka na lang." sabi niya ulit ng natatawa. "Halika na?" aya niya.

"Ah, mauna ka na. May aayusin pa ako sa Sports Room eh." sabi ko sa kanya.

"Okay? Sigurado ka? Baka mamaya pala eh mag-su-suicide ka ah?" nag-a-alalang tanong niya.

Binatukan ko siya. "Ano ka ba! Hindi noh! Pssh. Para lang dun eh igi-give up ko na yung mga pangarap ko?" sumbat ko sa kanya.

"Sige na nga. Pag nag-suicide ka babatukan kita!"

"Ha-ha! Nakakatakot." sarkastikong sabi ko tsaka ako umirap. Ano ba kasi 'tong si Mikang! "Sige na mauuna na ako para matapos na ako agad." sabi ko sa kanya at tumakbo papunta sa Sports Room.

--

MATAPOS kung takbuhin ang isa't kalahating metro or isa't kalahating milya? Kilometro? Ah basta! Tumakbo ako papunta sa Sports Room para hanapin yung mga bola na pinapahanap ni Ate Abi.

Asan na ba 'yun?

"Is this what you're looking for?" Napalingon naman ako dahil bigla na lang may nagsalita at tumambad sa akin ang isang lalaki.

"Ah, san mo yan nakuha?" tanong ko sa kanya. Hay! Buti naman! Akala ko hindi ko na mahahanap yung mga yun.

"Diyan lang oh." sabi niya sabay turo sa tabi ng pintuan. Nasapo ko naman yung ulo ko. Kahit kelan talaga! Napaka-bulag ko.

"Ah salamat." yun na lang ang sinabi ko at kinuha sa kanya yung mga bola. Umalis na ako sa Sports Room.

Wait? Shiz! Bakit ko siya iniwan na lang dun ng basta basta?!

Bastos mo Ara ah? Bakit mo iniwan yung guwapong nilalang dun? Tinulongan ka na nga eh. Tsk. bulong ng aking konsensiya.

Dali dali akong bumalik dun sa Sports Room at nakita ko siyang nilo-lock yung pintuan.

Oh? Nakalimutan mo pang i-lock. Tsk. Bulong ni konsensiya.

Oo na! Edi ako na ang tanga! Ako pa ang walang respeto. Lumapit ako sa kanya.

"Hala! Sorry kung iniwan kita jan ah? Nagmamadali kasi ako eh." sabi ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti bigla. Hindi ko tuloy maiwasan ang sarili kong ngumiti.

Shiz! Ang cute niya! Chaaar! sabi ni konsensiya.

"Okay lang. Akin na 'yan. Tutulongan na kita." pipigilan ko na sana siya kaso kinuha niya ka-agad agad yung mga gamit bago pa ako maka-angal. Sige na nga fine.

Naglakad kami papalabas ng Sports Complex.

"By the way, your name's Ara, right?" tanong niya sa akin.

"Oo, paano mo nalaman?" tanong ko sa kanya. Eh hindi ko nga kilala kung sino 'to eh tapos ayun alam niya yung name ko?

"Eh sino ba namang hindi makaka-kilala sa isang Ara Galang, na magaling mag-volleyball at maganda pa?" sabi niya.

"Weh? Bolero." sabay hampas sa kanyang mga braso na siyang naging dahilan upang mahulog yung mga dala dala niya.

"Hala! Sorry!" pinulot ko yung mga dala dala niya. Ara talaga! Napaka-epic fail.

Ngitian niya na lang ako at nagsimula na ulit kaming maglakad palabas ng Sports Complex.

--

NUNG makalabas na kami ay nakita ko si Mika at Ate Abi. Nakita ko namang may binulong si Mika kay Ate Abi na kung saan ay ang siyang naging dahilan upang mapangiti ang mga ito ng nakakaloko.

"Oh Ara, bakit ang tagal mo atang nakapunta dito?" bungad ni Ate Abi sa akin.

"Oo nga, bola lang ang kukunin natagalan ka pa?" dagdag pa ni Mika na hanggang ngayon eh hindi pa rin naalis ang ngiti niyang nakakaloko.

"Uhm.. Hi Mika, Hi Ate." bati nang kasama ko habang kinakamot yung ulo niya na para bang nahihiya.

"Ahhh! Kaya pala natagalan ka." sabi ni Mika habang nakangiti pa rin. Nakakainis talaga to! Naku! Pagdating sa dorm uumbagan ko talaga 'to. Parang ako tuloy yung nahiya para sa kanya, ewan para kasing nakita kong namula siya eh.

"O siya, akin na ang mga yan para madala na namin kay Coach." sabi ni Ate Abi. Kinuha ni Ate Abi yung dala dala ng kasama ko, which is hindi ko pa nga alam ang pangalan. Magpapaalam pa sana ako sa kanya para dalhin itong mga bolang dala dala ko kaso biglang sumingit si Mika.

"Ah sige mau--"

"Oh, Ara! Akin na 'yan! Ako na ang magdadala." walang alinlangan niyang kinuha ang mga dala ko without even asking for permission. "O sige, mauuna na kami bye!" sabi niya at iniwan kaming dalawa ng gwapong nilalang na 'to na nakatayo lang dun.

Eh? How do I get away from this mess? Paano ba ako makakaalis dito! Mika naman kasi eh! Alam ko namang gwapo ang isang 'to at gusto niya akong maka-move on eh pero hindi ko naman alam kong gusto niya ako eh at hindi ko rin naman siya gusto ah? What the heck.

Sa lalim ng aking pag-iisip ay hindi ko namalayan na tinatanong na niya ako. Um-oo na lang ako. Ngumiti naman siya with a victorious smile.

Shiz! Baka mamaya pala niyan eh tinatanong niya pala ako kung gusto ko siya maging boyfriend tapos yun um-oo ako. Oh em gee.

"Ano pala yung tinanong mo?" Tinignan niya ako ng seryoso. OMG! Nakakatakot.

Oh em gee. Ara, you are so nakaka-turn off!

Oo na! Kfine! Okay lang naman na hindi siya maging akin besides, mahal ko pa si Thomas.

Natawa naman siya bigla "Sabi ko, gusto mo bang mag- Jollibee? Ikaw talaga." sabay gulo sa buhok ko. Goodness gracious! Akala ko naman kung ano na ang gagawin niya! Nakahinga ako ng maluwag! Whew! At tsaka ang cute ng tawa niya.

"Halika na, dali! Gutom na ako." dagdag pa niya at hinigit ang mga kamay ko papasok sa Jollibee.

--

NAG-ORDER siya ng maraming pagkain. Fries, float, burger at kung ano ano pa. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay nang makita ko ang mga dala niya.

"Dalawa lang tayo ah? Ba't ang daming pagkain?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Sino ba naman kasi ang kakain ng ganun kadami diba?

"Para sayo yan, kasi sabi ni Mika para ka daw Construction Worker kung kumain eh." natatawang pahayag niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin kasi tumatawa siya.

"Sorry na, uy. Di bale parehas naman tayong matakaw eh. Sige lafangin na natin." sabi niya.

At hindi nga siya nag-sisinungaling. Napakarami niyang kinain kaya ayan tuloy, hikab ng hikab.

"Makatawa ka kanina akala mo hindi ka matakaw?" tanong ko sa kanya pagkatapos naming kumain.

"At least ako lalaki, kahit madami akong kinakain eh nag-gym pa rin, pero sinong maga-akala na ang isang seksing seksing Ara Galang ay mala-Construction Worker pala kung kumain?" natatawang biro niya sa akin.

Binigyan ko na lang siya ng isang matalim na tingin na kung nakakapatay lang eh siguro patay na siya.

"Hahaha. Sorry na. 'Lika na nga, hahatid na kita sa dorm niyo." sabi niya sa akin at inakabayan.

"Hoy! Alisin mo nga yang kamay mo! Chansing ka ah?"

"Uy, hindi ah. Friends naman na tayo eh wether you like it or not." sabi niya sa akin. Pilit ko namang inaalis yung kamay niya pero ayaw niya talagang magpatinag kaya hinayaaan ko na lang siya. Ang kulet! Persistent!

--

Hinatid niya ako hanggang dito sa dorm.

"Salamat sa paghatid sa akin, ah?" pasasalamat ko sa kanya.

"Nah, wala 'yun." ngitian lang niya ako. Ganun lang kami ng mga ilang minuto. Hindi nag-iimikan at nakatingin sa isa't isang mata. Natanaw ko tuloy yung mga mata niya at ngayon ko lang na-realize na ang ganda pala ng mga iyon. Eh? Ang awkward naman. Ni walang nagsasalita o babasag man lang sa katahimikang nakapalibot sa amin.

Hanggang sa magsalita na siya. "Sige bye aalis na ako."

"Sige. Good night."

"Good night din." at naglakad na ako papunta sa dorm. Wait lang. Parang may nakalimutan akong itanong sa kanya.

"SANDALI!" napatigil naman siya at nilingon niya ako. "ANONG PANGALAN MO?!" pa-sigaw na tanong ko sa kanya dahil ang layo na niya.

"NGAYON MO LANG TINANONG? HAHAHHAA. SECREEET! " sabi niya tsaka bumelat pa. Napaka-childish talaga nito.

"SABIHIN MO NA!" sigaw ulit sa kanya.

"MYCO!" sigaw naman niya pabalik. Wait? Myco? Parang familiar siya sa akin eh. Parang narinig ko na rin siya dati eh pero ewan ko kung saan.

Pinilit kong alamin kung sino siya pero wala eh! Sumasakit tuloy yung ulo ko! Kaya imbes na sumabog na ito eh pumasok na ako sa dorm.

"Where have you been?" nakangiting tanong ni Mika sa akin.

"Wala. Diyan lang sa tabi tabi."

"Sinong kasama mo?"

"Ako lang mag-isa."

Ngumiti naman siya. "Love the way you lie." sabi niya.

"Okay fine, sa Jollibee with .. with .." ano nga ulit yung pangalan niya?

"MYCO / MYCO." sabay pa naming sinabi.

"You know him right? Anong apelyido niya and why does he seems familiar? Parang nakita ko na siya dati eh pero ewan ko kung saan eh. And why does he know me?" tanong ko sa kanya.

"Secret! Basta malalaman mo rin mo din yan pagdating ng araw. Tsaka bakit ako tinatanong mo? Eh bakit hindi siya mismo ang tanungin mo?" Lalo pang gumulo ang lahat ng dahil sa sinabi niya.

♪ Diba't ikaw nga yung reyna at ako nga iyong hari? Ako yung prinsesa, sagip mo palagi. ♪

Binuksan ko agad yung message. Unknown number.

From: +639*********


-So kilala mo na ako? Haha. K. Goodnight.

__________

Continue Reading

You'll Also Like

192K 3.8K 48
(COMPLETED) Hera is a strong and independent lady who grew up in the US. Sa murang edad, natutunan niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. But her l...
11.2K 653 18
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
112K 2.6K 37
This is a Vicerylle story. Puro ka hopian lang ang laman nito. So enjoy :)
450 99 19
A story of a Christian girl, that eagerly desires to make her God be made known to all her schoolmates. She has a bold faith that never fears to spea...