The Magic Kiss (COMPLETED)

By ahmmabee

357K 4.5K 524

Ano ang magagawa ng isang HALIK sa buhay ng dalawang magkaaway na tao? Maaayos ba ang hidwaan sa pagitan nila... More

Introduction
Chapter 1 Mga BOBO!
Chapter 3 HULI KA!
Chapter 4 PEACE OR PISSED OFF?
Chapter 5 Bawi Bawi Lang!
Chapter 6 Pick Up Battle!
Chapter 7 Mensahe Mo, Ibato Mo!
Chapter 8 EPIC FAIL!
Chapter 9 NOW!
Chapter 10 Siya ang First Kiss ko?!
Chapter 11 The "Deal"
Chapter 12 Nag-advice ang Evil?! o_o
Chapter 13 PALPAK!!!
Chapter 14 CONFUSED?!
Chapter 15 She's Pretty, Very Pretty
Chapter 16 "Date Day"
Chapter 17 "Date Day" (Part 2) KAMI NA!
Chapter 18 Funny Term of Endearment
Chapter 19 " CHANGE "
Chapter 20 Sweet Moments
Chapter 21 "Mahal Ko Na Siya"
Chapter 22 OMG! May Nakarinig!
Chapter 23 The truth, it's killing me!
Chapter 24 Broken Monthsary
Chapter 25 HE LEFT
Chapter 26 The Finale
Epilogue

Chapter 2 Winx Fairies

14.2K 188 22
By ahmmabee

Kathryn's POV

Hinigpitan ni Julia ang pagkakahawak sa braso ko. Sign na we need to get away from them. Hindi nga namin sila pinansin at ipinagpatuloy na lang ang paglalakad. Pero sa kasamaang palad binato kami ng C2 solo na wala nang laman at tinamaan si Kiray. Galit na humarap si Kiray sa mga ito

"Ano ba!!!!"

Pinulot nito ang bottle at ibinato sa kanila ngunit walang tinamaan. Natawa lang sila at si Daniel ay titig na titig sa akin na parang may gustong gawing kalokohan. So ako na naman?! Humarap siya kay Diego at ginaya ang porma ni San Goku tuwing maghahame-hame wave!

"Kapangyarihan ng hangin!"

Sigaw nito. Obviously inaasar ako

"Para ka talagang bata Daniel-..."

Sabi ni Diego tapos ginaya rin yon ginawa ni Daniel kanina.

"Kapangyarihan ng apoy!!!"

Sigaw pa niya. So kanina pa pala sila diyan.

"Malinaw na sa’min kung bakit ganyan ang kulay mo Kath!"

Natatawa naming sabi ni Neil

Napatingin ako sa aking balat, wala naman mali e, hindi naman ako maitim, morena lamang pero kapag tinabi ako kina Julia, nagmumukha akong maitim. Pero wala naming kaso yun dahil sabi nga nila, ang kulay ko daw ang nagdagdag ng appeal sa aking kagandahan.

"Ang lakas naman ng powers mo Julia!"

Pang-aasar pa ni Sam.

"Oo nga Julia! Sunog na sunog na si Kath!"

Pagpapatuloy naman ng isa pang buwisit na Daniel. Aba?

"Tumahimik nga kayo! Wala na kayong ibang ginawa kundi pagtripan kami!"

Nagagalit na rin yata si Julia!

"Oo nga!"

Pagtataray pa ni EJ...

"Whatever!"

Pabaklang sabi ni Daniel na nag-W sign pa ng kamay. Tumawa na naman sila. Ang ayaw ko sa lahat , ang pinagtatawanan ako o sino man sa aking mga kaibigan!

Lumapit ako sa kanila at pinulot ang C2 at ibinato kay Daniel na tinamaan sa noo. Bahala na!

Hinarap niya ako na sapo-sapo ang noo. Mukhang galit na sya. KEBER! it’s  his fault naman.

"Dalawa! Dalawa na ang atraso mo sa akin! Namumuro ka na! Talagang papatulan na kita sa susunod!"

I smiled to hide my nervousness.

"Huwag kang mag-uumpisa ng away kung maaasar ka din!"

Sigaw ko sa kaniya

"Oo nga naman pare..."

Tatawa tawang sabi ni Neil

"Sino bang nagsabing pikon ako?"

Nagbago ang itsura nito, ngumiti siya ng nakakaloko. Maya-maya bumulong si Diego sa kaniya.

 Daniel's POV

"Ewan ka talaga!"

Bulong sa akin ni Diego. Oo, ewan nga talaga siguro ako! At si Kathryn lang ang dahilan kung bakit nagiging ewan na’ko. Nasisiyahan ako sa kaniya dahil ang sarap niyang pagtripan dahil lumalaban!

Pinamaywangan niya kami !

"Alam niyo? Kung feeling nito kayo ang F4, pwes para sabihin ko sa inyo, wala pa kayo sa kalingkingan nila!"

Tinuro niya si Neil...

"Kung feeling mo ikaw si Woo bin?! Ikaw?"

Turo niya kay Sam

"Si Yi Jong!"

 "Ji Hoo!"

Turo naman niya kay Diego

"At ikaw!"

Turo niya sa akin

"Jun Pyo?! Mahiya naman kayo! Oo, siguro may pagkakapareho kayo sa ugali pero sa mukha? Sobrang layo!"

Si Sam ang sumagot.

"Feeling mo siguro ikaw si Jan Di no?!"

Natawa kami.

"At sinong nagsabing kami ang F4? Ikaw lang naman di’ba?"

Si Neil naman.

"Ehum! I’m not Jun Pyo, I’m Bloom!"

Sabi ko. Puzzled ang mga itsura nila. Clueless pa siguro!

"And I'm Flora!"

Si Neil naman ang sumunod.

"I'm Musa!"

Si Sam.

"Stella here!"

Si Diego ang nahuli!

"We are the Winx Fairies!"

Sigaw naming apat.

"Hello Valtor!"

sabi ko kay EJ

"Hello Trix!"

Tapos sa tatlong girls. Ang mga pangalang sinabi ko ay mga kontrabida sa Winx Club. I'm sure kilala nila!

At hindi ko inaasahan ang ginawa ni Kathryn. Sa sobrang gulat ko, na-out of balance ako at natumba.

 Kathryn's POV

Aw! Masakit ang kamay ko! At least nakaganti ako! Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko na tumama sa mukha ni Daniel. Medyo nagulat nga ako sa ginawa ko pero hindi ako nagpahalata.

"Hello rin Bloom!"

I laughed! As if ang tapang ko, but deep inside, ninenerbyos na ako. At kitang-kita sa mga itsura nila ang pagkagulat, pati ang mga kaibigan ko. Hindi ko na nakayanan. Hinila ko na si Kiray at tumakbo, sumunod naman sina EJ at Julia.

 

Hinihingal kami nang marating namin ang waiting shed dito sa kanto. Kapagod, infairness!

"Sa tingin nyo ba, sumunod sila?"

Tanong ko sa mga kasama halatang pagod na pagod rin.

"E-wan...ko!"

Si Ej ang sumagot . Halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya. Hinihingal kasi!

"Walang hiya ka Kath! Mapapatay kita!"

Si Julia naman. Pagod na pagod rin ang Hitsura!

"Nagulat nga ako sa ginawa ko e! Masakit pa nga tong kamao ko!"

Sabi ko tapos ipinakita ko sa kanila.

"Hala! Humanda ka! One of these days, makakatikim ka dun! Di'ba? sabi niya, papatulan ka na sa susunod!"

Worried na turan ni Kiray.

"Malakas naman ang powers ko. Hehe. I can handle any situation with the aid of the WIND!"

I laugh! Natawa na lang din sila. Laughing at ourselves. Bahala na!

Daniel's POV

MONDAY

4th Year Room A. . . 

"Kumusta pare?"

Tanong sa akin ni Neil.

"Not ok!"

Sagot ko..pumasok si Sam at naupo sa tabi ko

"Hindi ka pa maka- get over sa pagkakasuntok sa'yo ni Kath 'no?"

Tinakpan ko yong bibig ni Sam. Ang daldal e, kung sino pa ang makarinig.

Yang boses mo!

"I like that girl huh!"

Si Diego...busy sa paglalaro ng PSP.

"I will kill her!"

Naiinis kong sabi. Siya pa lang ang babaeng gumawa sa'kin ng ganun.

"Cool ka lang dude!"

Tinapik tapik ni Neil ang likuran ko.

Hinihintay pa namin ang teacher namin sa last subject. Ang tagal naman! Naiinip na ako! Inip na inip! Gusto ko nang gantihan si Kath! Sadya yata siyang nagtatago dahil hanggang ngayon ay hindi pa nagtatagpo ang aming landas!

"Pare, anjan na ang mahangin mong girlfriend!"

Sabi ni Sam sabay turo sa babaeng nasa pintuan.

"Hi Erika!"

Hindi nito pinansin si Neil. Worried ang itsura nito. 

"Totoo bang sinaktan ka ni Kath?" 

Ang lakas naman ng boses nito! Lumingon ako sa paligid. Obviously, narinig nila. Bad trip naman! Tumayo ako at hinila siya palabas. Lumingon muna ako sa paligid...kunti lang ang tao. 

"Hey Babe, did she?"

Halata sa boses niya ang pag-aalala pero naiirita talaga ako.

"Oo, kaya break na tayo!"

"Ha? ? ?"

halatang gulat na gulat siya.

"Narinig mo naman ako di ba?"

Tumawa lang siya. Lalo akong nainis. Anong gusto niyang palabasin?

"You must be kidding!"

Sabi niya habang tatawa tawa.

"I'm not! Kapag sinabi kong break na tayo! Break na tayo! Naiintindihan mo?"

Natahimik ito at nagsimula nang umiyak. 

"How dare you?!!!"

Sigaw niya. Tss. Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na pabalik sa room.

"DAMN YOU!!!"

Pahabol pa niya.

"SHUT.UP"

Iniwan ko na lang siya ng tuluyan. Baka kapag hindi ako nakapagpigil, siya ang mapagbuntunan ko ng galit ko.

Kathryn's POV 

"Kathryn! come here!"

Tawag sa akin ni Ma'am Juvy. Nakarating na ba dito ang ginawa ko? Wag naman sana.

"Ano po yon ma'am?"

Tanong ko tapos lumapit na sa kaniya.

"Dalhin mo ito kay Mrs. Vister, sa office niya."

Sabi niya sabay abot ng isang folder. Napalunok ako. Lalabas ako? Alone? Gosh! Lagot na kapag nakita ako nina Daniel.

"A. a..ko po?"

"Depende kung hindi ikaw si Kathryn."

She smiled. panu pa ako tatanggi sa favorite teacher ko?

"Ayaw mo?"

Tanong ulit niya.

"Hindi ma'am, I mean, akin na ma'am. And I'll go."

Kinuha ko na ang folder at lumabas. Bakit pa kasi ang layo ng office ni Mrs. Vister!?

Tinalasan ko ang aking pakiramdam. Baka kasi ma-meet ko ang grupong Winx. Inutusan pa kasi ni ma'am ang tatlo. Yan tuloy, wala akong kasama. Bibilisan ko ang paglalakad hanggang nasa harap na ako ng office ni Mrs. Vister. Nakahinga ako. Pagkatapos kong maibigay ang folder ay agad din akong nagpaalam

Pinagpawisan ulit ako, babalik pa kasi ako! Torture! Binilisan ko ulit ang paglalakad.

 Daniel's POV

"Wala yatang balak siputin ni Ma'am ang klase ngayon, labas pa tayo!"

Yaya sa'min ni Neil.

Lumabas nga kami. Kinukwento ko ang break-up namin ni Erika na hindi kinayanan ang nangyari kaya hayun, umuwi!

"Nakikita nyo ba ang nakikita ko?"

Putol ni Diego sa mga sinasabi ko. Sinundan ko ang kanyang mata at nakita ko ang pinakahihintay ko!

Continue Reading

You'll Also Like

289K 6.6K 34
Jamaine Castro, is a simple and lovely daughter. She really love her mom and she's contented to her life with her mother. But her mom got sick and sh...
438K 9.6K 57
"I can't wait. Naiinip na ako." Bulong sa'kin ni Ericjan habang pareho na kaming nakatayo sa harap ng altar. Napabungisngis na lamang ako dahil sa it...
95.7K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
6.3K 283 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...