MONTGOMERY 3 : If Only

Oleh SilentInspired

4.7M 105K 12K

Si Tulip Montomery, ang nag iisang bulaklak sa mga anak ni Ivor at Jade Montgomery. Bilang nag iisang babae s... Lebih Banyak

Tulip
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Wakas
Batch 2 (Self-Publish)
My heart speaks
SilentInspired Closer

Chapter 29

61K 1.4K 133
Oleh SilentInspired

Hakbang

Reaching Hands Orphanage.

Napangiti ako sa munting pagbasa ng pangalan ng orphanage. Lalo na nang makita ko ang sub quote nito na, giving life and family to children. Tuwing nakakakita ako ng orphanage, parang may kumikislap sa puso ko.

It made me realize that I have so much and that I should be grateful for everything I have.

Inabot ng mga daliri ko ang isang note na naka clip sa gilid nito.

We would like to invite you, Mr. Montgomery to attend our event next month. Please come with Mrs. Montgomery and if you don't mind, you can bring Tulip too. - RHO Family

Kumunot ang noo ko dahil dito. Why am I mentioned here? I don't remember myself attending an event in an orphanage? Kilala ba nila ako? Well maybe, I'm too young back then that I don't remember going anymore.

"Tulip.." napa-angat ako ng tingin sa nagsalita.

It was dad.

Napatingin ako sa tinitignan niya at natagpuan kong mataman siyang nakatingin sa hawak kong papel. Namilog ang mga mata ko at maagap ko 'yong pinatong muli sa lamesa.

"Uh.. dad, I'm sorry pinakielaman ko ang gamit mo." Paghingi ko ng paumanhin.

"It's okay. Wala naman 'yon sa akin. Don't mind my reaction. I'm just a little bit dense because of your mother." Malambing na wika ni daddy.

Napayuko nalamang ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. Narinig ko mula kay mommy dati na ayaw ni dad na pinapakielaman ang gamit niya kaya hindi ko mapigilan ang makonsensya ng ganito, kahit pa sabihin na tatay ko naman siya at mababaw lang 'to ay hindi pa rin sapat na dahilan 'yon.

Dito sa pamilya namin, dapat ay respetuhin ang pananaw ng bawat isa. With trust and respect, everything will follow. Napaka-importante nito na nakakatakot isipin na maging dahilan ng pagkasira nito.

"You should go out for a while. Luto na ang dinner. Nandoon na ang mga pinsan mo. Let's talk later, tatapusin ko lang ang mga unfinished business from manila."

Nag-taas ako ng tingin para makasalubong ang mga tingin niyang hindi ko mabasa. Just like Simon, dad was an open book especially in front of us but right now I can't read him.

"Okay dad.."

Tumayo ako at lumakad palapit sakanya. Inabot niya ako at binigyan ng halik sa noo. Napangiti ako dahil doon lalo na at nawala ang pangamba sa aking puso.

Nakakatawa nga at parang gusto kong maiyak sa nangyayari. Sobra-sobra na akong nagi-guilty dahil sa nararamdaman ko.

How can I hurt them?

"Sunod na po kayo niyan."

"Yeah, sandali nalang 'to." Aniya.

Nagpaalam na ako muli at tuluyan ng lumabas ng temporary office nila.

Tuloy-tuloy akong bumaba ng aming hagdanan para marating ang kusina ng mansyon. Nadatnan ko silang lahat na nandoon maliban kay daddy at sa dalawa ko pang tito. Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok doon, mukha namang nakuha ko ang atensyon nila dahil lahat sila ay napatingin sa akin. Hindi ko pinansin 'yon at napagdesisyunang pumagitna kay Gelo at Clyde.

"Oh, nandito na pala ang bunso ko." Hagikgik ni mommy sabay bigay sa akin ng pinggan.

"Thanks ma." Maagap kong wika.

"Saan ka ba galing?" bulong sa akin ni Clyde.

"I was talking with dad."  sagot ko sabay ngiti.

Pinagdikit ko ang aking mga labi at wala sa sariling nilibot ang aking mga mata. Hinanap nito ang lalaking nagpapabagabag sa damdamin ko at parang maninikip ito dahil hindi nito nakita ang kanyang hinahanap. Akmang bubuksan ko ang aking labi para magtanong kung nasaan nga ba si Simon pero hindi ko tinuloy at sinara nalang ang bibig ko.

Kumuha ako ng kubyertos at inabot ang lalagyan ng kanin. Hindi ko mapigilang tumingin sa bukana ng kusina para tignan kung nandyan na ba si Simon pero wala pa rin siya. Sa pag alis ng tingin ko sa pintuan ay nahagip ng mata ko ang mga mata ni Agatha na matamang nakatingin sa akin. Sandaling nagsukatan ng tingin ang mga mata namin pero sa huli ay umiwas din siya. Bahagyang napa-awang ang labi ko sa ginawa niyang pag iwas.

"Here, lil' sis." Masayang saad ni Clyde.

Nilagyan niya ng ulam ang pinggan ko at ngiti lang ang nasagot ko. Hindi ko mapigilan ang mapatingin muli kay Agatha. Napabuntong hininga nalamang ako nang hindi na siya muli tumingin sa gawi ko dahil abala na siya sa pakikipagusap kay Alice.

"Kain ka na 'uy." Ani Clyde.

"Yup." Simpleng sagot ko.

"You okay?" concern na tanong ni Kuya Carl.

Tumango ako. "Of course." not.

"Really?" sabat ni Uno.

Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Oo nga." Pilit ngiti kong wika.

"Tama na 'yan.. kumain na kayo." Ani Tita Pia.

Ngumiwi ako at sumubo na ng pagkain. Tatamaan talaga sa akin si Uno pag ako nainis talaga. Hindi niya ba alam na nahihirapan na ako at hindi nakakatulong ang mga side comments niyang nakaka pang-init ng dugo.

"Carl, nasaan na ba si Chase? Tawagan mo na nga." Ani Mommy.

Nakuha 'non ang atensyon ko pero hindi ko pa rin pinahalata. Tuloy-tuloy lamang ako sa pagkain at pag-inom maya't maya. Hinihintay ko ang susunod na sasabihin ni Kuya. Hindi man ako nag-angat ng tingin pero ramdam na ramdam ko ang pagka buhay ng dugo ko dahil sa paghihintay.

"I called him already, may errands lang from dad." Sagot ni Kuya.

"What? Lagot sa akin ang tatay mo. Bakit niya pa pina-alis si Simon gayong gabi na? May bago pa na paparating! Tatamaan talaga sa akin ang lalaking 'yan!" Inis na wika ni mommy na halatang paos pa ang boses.

Hindi ko maiwasan ang mapalingon nang marinig ko ang yapak niyang paalis. Umalis siya at alam kong sesermunan niya si daddy. Binalik ko na ang atensyon ko sa pagkain at kumain nalang muli, naalis na rin ang tinik sa dibdib ko lalo na at alam ko na kung anong ginagawa niya. Ang hirap ng sitwasyon namin pero ito ako at nag-aalala pa rin sakanya.

"Hinay-hinay sa pagkain. Ganon ka ba-" 

Mabilis akong nag-angat ng tingin at sinamaan ng tingin si Uno. Tinaasan ko siya ng kilay nang makita kong nagpipigil siya ng tawa. Binaba ko ang mga kubyertos at humalukipkip. 

"Tita Pia, I forgot to tell you. Your precious eldest son, planned on cutting class a while ago. Nahuli ko pa siyang nag so-stalk ng babae at balak niya 'yong gawan ng masama." Nakangisi kong wika.

Mabilis na nawala ang ngiti sa mukha ni Uno at nanlaki ang kanyang mga mata. Mabilis akong napatakip ng bibig nang lumapit sakanya si Tita at piningot ang kanyang tenga. Tinayo siya ni Tita kaya lahat kami ay natawa ng sobra.

"Ma! Masakit! Aray!" Daing niya pero hindi siya binitawan ni Tita.

"Let's go and talk to your dad! I won't tolerate this!" Galit na wika ni Tita at hinila paalis si Uno.

"Tulip, you're the girl! I love you talaga!" ani Alice habang humahagikgik.

"Damn, Tulip! Ililibre kita bukas ng pizza!" natatawang wika ni Kuya Adrian.

Napailing nalang ako habang nagpipigil ng tawa. Kinuha ko na muli ang kubyertos at nagpatuloy na sa pagkain.

"My Tulip?" 

Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko habang patuloy na pinupunasan ang buhok ko. Ngumiti ako nang makita si mommy doon. Tuluyan siyang pumasok sa kwarto ko at lumapit sa akin. Umupo siya sa kama ko at kinuha ang twalya sa akin.

"Ma, ako na.." Pag pigil ko sakanya na punasan ang buhok ko.

Sinubukan kong kunin ang twalya pero hindi niya 'yon binigay sa akin. Tinuloy niya ang pagpupunas ng buhok ko at parang maninikip ang puso ko tuwing mararamdaman ko ang mainit niyang haplos sa buhok ko.

"Let me.. alam mo naman na matagal na nating hindi nagagawa ito. Simula nang lumaki kayo ng mga kuya mo, hindi ko na kayo masyadong na a-alagaan ng ganito. Pakiramdam ko tuloy nalalayo ang loob niyo sa akin." Bakas ang lungkot sa kanyang tono.

"Mom, hindi naman sa ganon. Alam mo naman na busy lang kami sa school at isa pa matanda na rin kami para i-asa pa ang lahat sa'yo." Paliwanag ko.

Naramdaman kong suklay na ang hawak niya at sinimulan na niyang suklayin ang buhok ko. Naaalala ko noong mga panahon na si mommy pa ang gumagawa ng mga ito para sa akin. It's good to remember the old times. Noong mga panahon na bata pa ako at wala pa akong masyadong iniisip.

"Yun nga ang kinakatakot ko, Tulip. I'm afraid that you won't need me anymore."

I sighed and looked back at her. Humarap ako sakanya at malungkot na napangiti nang makitang may luha sakanyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit nagiging emotional si mommy dahil sa ganito pero gusto kong tumigil siya sa pagiisip ng ganito. She's the most important person in my life and I hate to see her sad. 

I will do everything for her.

Everything.

"Ma.."

Inabot ko ang kamay niya at mahigpit na hinawakan 'yon. She smiled and closed her eyes tightly. Lalong nanikip ang puso ko sa nakikita ko. I can see pain in her and it pains me too.

"You know you are my baby right? You completed my life, Tulip. You filled the empty part of my heart and I love you so much. Pasensya ka na kung minsan siguro naramdaman mo na kulang pa ang naiibigay namin ng daddy mo.. I am so sorry." 

Napaawang ang aking labi sa narinig ko. Maagap akong umiling at yinakap siya. She sobbed in my shoulders while I hugged her tightly. Lumalim ang aking paghinga sa naririnig kong pagiyak mula sakanya.

"Mom.. that is not true. Ramdam na ramdam ko po ang pagmamahal niyo at kahit kailan ay hindi ko po naramdaman na nagkulang kayo. I am so lucky to have you both as my parents and I will trade everything for that. Your happiness is my happiness." Saad ko.

"I promise.." she traced.

Lumayo siya sa akin at tinignan ako sa mata. Pinisil niya ang aking mga kamay at marahang ngumiti sa akin. Parang nawalan ako ng bigat sa dibdib ng makita kong ngumiti na siya at tumigil na rin sa paghagulgol. Tears were streaming yet she's still smiling and it's genuine.

"I promise to give you everything." saad niya at tumayo na.

Ngumiti ako. "You don't need to do that.."

Umiling siya at ngumiti rin pabalik.

"Goodnight, sweetie. I love you." aniya at hinalikan ako sa noo.

"Thank you mom, goodnight. I love you too."

Pinanuod ko siyang lumabas ng kwarto at hindi ko alam pero saktong sakto na pagkasara ng pintuan ng aking kwarto ay bumagsak ng malakas ang ulan.

Napapitlag ako dahil doon at mabilis na napatayo para lumapit sa aking balkonahe. Linihis ko ang kurtina na nagtatakip doon at lumabas, hinanap ng mga mata ko ang sasakyan ni Simon sa labas pero wala pa rin 'yon.

Umakyat ang pangamba sa aking puso. 

Bumalik ako sa loob at tinignan ang orasan, it's almost ten o'clock and he's still not home?

Mabilis kong sinuot ang tsinelas ko sabay kuha na rin ng cellphone ko at tuloy-tuloy na lumabas sa kwarto ko. Sarado na ang mga ilawpero tuloy-tuloy akong bumaba ng hagdanan. Mabilis kong tinakbo ang pintuan ng aming mansyon para buksan 'yon, lumabas ako at sumalubong sa akin ang madilim na langit ang mabagsik na bagsak ng ulan, mabilis na yinakap ako ng lamig dahil sa nipis ng pajama ko. Nanginginig ang aking mga kamay na tinipa ang kanyang pangalan sa aking contacts.

I pressed the call button and bit my lower lip while waiting for him to answer.

I tapped my feet while waiting.

Memories flashed into my mind, years ago.. seven years ago, nabangga ang kotse ni Uno dahil sa bilis ng kanyang pagmamaneho. Simon and Gelo was there with him. I will never forget how I felt when I saw him in the hospital bed. Parang malalaglag ang puso ko sa sobrang pag a-alala sakanya. I don't want to see him like that again. 

Never.

"Shit." Mahina kong mura nang hindi siya sumasagot.

Ulit-ulit ko siyang tinatawagan kahit na hindi naman siya sumasagot. Sa bawat paglipas ng minuto na hindi siya sumasagot ay parang mawawalan din ako ng hininga. Nanunuot ang lamig sa akin at naramdaman ko nalang ang pag-init ng mga mata ko.

"Simon answer the phone.." I silently said.

Nag busy ang kanyang line at halos ibato ko ang cellphone ko dahil doon. Yumuko ako at nagtext sakanya. I flooded his phone with my texts while biting my lip. Halos masira na ang cellphone ko sa diin ng pag pindot ko.

Binalik ko sa contacts ang screen at pinindot muli ang call button ng numero niya. Nag angat ako ng tingin at mabilis na napapikit sa pagkasilaw. Hinarangan ko ang ilaw gamit ang kamay ko at unti-unting nag mulat ng mga mata.

Unti-unti ko rin 'yon binaba at dahan-dahan din na bumilis ang tibok ng puso ko. Naramdaman ko ang mabilis na pagbagsak ng mga luha ko nang makita kung sino ang bumaba sa kotse na kaka-parada lang sa harap ng mansyon. Gusto kong humagulgol pero pinigilan ko. I silently let my tears fell while looking at his shocked expression. 

Nakapayong siya habang naka white t-shirt and jersey shorts. I felt something in my heart while looking at him intently. 

I missed him..

Parang ang tagal naming hindi nagkita at sobrang saya ko rin dahil alam kong ligtas siya. Nasa harapan ko siya ngayon at wala na akong ibang maramdaman kung hindi ang kasiyahan na nararamdaman ko.

"Tulip.." he breathed.

Nag-angat ako ng tingin para mag tama ang mga mata namin. Lalong nag unahan ang mga luha sa aking mata nang magtama ang aming mga mata. I saw how shocked he was and I can't help but smile. My heart is just so..

"Simon.." I breathed.

Binaba ko ang aking kamay na nakahawak sa aking cellphone. Akmang ihahakbang ko ang paa ko pero mabilis akong natigilan.

Tumakbo ka palayo sa akin, ikaw na ang tumalikod at lumayo dahil sa oras na humarap ka at humakbang ng isang beses papunta sa akin.. I won't have any second thoughts. I'll grab your hand and fight this with you.  

"What are you doing outside? Baka mabasa ka ng ulan sa ginagawa mo and it's too cold in here.." Puno ng pag-aalala niyang wika.

His eyes were so soft while looking at me.

"Kasi.. I'm here.. I.. I am here because.." 

I bit my lower lip and felt another batch of tears escaped my eyes.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko at huminga ng malalim. Naiyukom ko ang mga palad ko at humakbang palapit sakanya.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

800K 15.3K 43
Nang malaman ni Aly ang dahilan nang pagpapanggap ni Gideon ay tinanggap niya pa rin ito ng buong puso at walang pag-aalinlangan. She loves Gideon mo...
5.1K 508 15
After running away on his wedding day, Calyx Royce returns to his hometown to fulfil the broken promise to his bride-to-be, only to learn that she ha...
1.4K 114 22
Rule number 3: "When things get rough to handle, let that shitty destiny do its job."