Limerence

endlesslaugh द्वारा

3.4M 48.4K 5.7K

"According to urbandictionary, limerence is an infatuation or crush that lasts at a much longer time span. A... अधिक

Prologue
Chapter 1: Seatmate
Chapter 2: Chi
Chapter 3: Deal
Chapter 4: Lalaki
Chapter 5: Park
Chapter 6: Déjà vu
Chapter 7: Dan Gab
Chapter 8: Mommy at Daddy
Chapter 9: Spaghetti Sauce
Chapter 10: Periodic Exams
Chapter 12: Keep Moving Forward
Chapter 13: Injury
Chapter 14: Monopoly
Chapter 15: Direk
Chapter 16: Cry
Chapter 17: Happily Ever After
Chapter 18: Oo Nga Pala
Chapter 19: Walang Iba
Chapter 20: Partners in Crime
Chapter 21: Maybe We're More
Chapter 22: Gusto Kita
Chapter 23: Toyota Prius
Chapter 24: Grandest Romantic Gesture
Chapter 25: Strawberry Taho
Chapter 26: The Feeling Is Mutual
Chapter 27: Phineas and Ferb
Chapter 28: Hairpin
Chapter 29: Paper Talk
Chapter 30: Wii Sports
Chapter 31: Please Be Careful With My Heart
Chapter 32: Banana
Chapter 33: That's What You Get
Chapter 34: Thesis Defense
Chapter 35: He-who-must-not-be-named
Chapter 36: Wonderstruck
Chapter 37: So Close
Chapter 38: Highlight
Chapter 39: Pangako
Chapter 40: Goodbyes
Epilogue
Author's Appreciation Note
Christmas Special
Class Suspension Special

Chapter 11: Your Guardian Angel

71.1K 1K 84
endlesslaugh द्वारा

Chapter 11: Your Guardian Angel

“Pia, asan ka? Yung lola mo…” napatigil si Mama.

“Ano? Anong nangyari kay lola?”

“Yung lola mo, na-comatose.”

Muntik ko nang mabitawan yung cell phone ko. Hindi ko alam yung gagawin ko. Kaya tumakbo ako.

“Ate!!!”

Gusto kong pumunta kay Lola. Gusto kong malaman na hindi totoo yung nangyari. Nalilito ako, naguguluhan ako.

Tumatakbo ako pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nararamdaman ko na ang pamumuo ng mga luha sa mata ko. Alam kong mukha akong ewan na tumatakbo sa mall at nakakatanggap ako ng mga tingin sa mga taong nababangga ko pero wala akong pakialam. Gusto kong lumabas dito. Nasu-suffocate ako, nahihirapan na akong huminga pero hindi pa rin ako tumitigil.

“Sofia!” narinig kong may tumatawag sa likod ko pero hindi ko pinansin. “Sofia!!!” Hinila niya yung kamay ko.

“Ano ba, King! Bitawan mo ako!”

“Sofia, ano bang problema mo? Bigla ka na lang tumakbo palabas ng Greenwich!”

Hindi ko siya sinagot, pero nagpupumilit pa din akong makawala sa pagkakahawak niya. Naramdaman ko na ding tumutulo ang mga luha ko.

Hindi ko sukat akalain ang ginawa ni King. Yinakap niya ako. The moment na binalot niya yung braso niya sa akin, nakaramdan ako ng pagkagaan ng loob. Na para bang kahit papaano nawala yung panic ko sa mga nangyari.

“Shhh… Tahan na.”

“Si lola… si lola nasa ospital, kailangan kong pumunta doon.”

“Tara, ihahatid na kita.” Hinawakan niya ang kamay ko at akmang hihilahin na ako palabas ng may naalala ako.

“Si Jo. Asan siya?”

Hinagip ng mata ko yung paligid ng mall. Nakita ko si Joana na hinihingal na natakbo sa 'di kalayuan. Nang makita niya kami, napatigil siya at naglakad na lang.

“Ate, ano bang nangyari sa iyo? Ba’t ka umiiyak?” sabi niya noong malapit na siya sa amin. “Ang bilis niyong tumakbo kaya naligaw pa ako…” tinignan niya yung kamay ko na kasalukuyang hawak ni King.

Bigla ko namang binawi iyon. “Joana, si Lola…” napapagod na akong magsalita. Hindi ko din naman kasi alam kung ano ba talaga ang lagay ng lola ko. “Samahan mo ako, puntahan natin siya sa ospital.”

Hinatid kami ni King hanggang sa labas lang ng ospital. Inaya pa siya ni Joana na pumasok pero tinanggihan niya iyon dahil family matters daw iyon at hindi daw siya kailangan doon. Sa front desk ay tinanong namin sa nurse kung nasaan ang lola ko. Tunuro kami sa 9th floor.

Sa loob ng elevator, hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung anong dapat kong i-expect kapag nakarating ako sa ICU.

“Ate, relax ka lang,” sabi ni Joana at hinawakan ang kamay ko. Umiiyak din siya.  Pinisil ko naman iyon para na ring pasasalamat at pag-console  sa kanya. Napaka-selfish ko. Ni hindi ko man lang naisip si Joana noong tumawag si Mama. Bigla na lang akong tumakbo palayo.

“Jo, sorry kanina. Bigla akong umalis. Hindi ko din sinabi sa’yo yung problema. Sorry. Lola mo din naman siya.”

“Ayos lang iyon, Ate. Kung ako yung tinawagan, ganoon din siguro ang magiging reaksyon ko. Pero syempre may konting poise naman. Kung makatulak ka ng tao sa daan daig mo pang stampede eh.”

Natuwa naman ako dahil nakahanap pa ng humor si Joana sa sitwasyon. Nakaramdam nanaman ako ng pagkagaan ng loob. Parang kanina sa mall, noong niyayakap ako ni King—

“Jo, sorry din pala dahil sinira ko yung date niyo ni King.”

“Ah, iyon ba? Okay lang iyon. Mas importante si Lola. Pwede naman kaming lumabas next time, di ba?”

Tumango na lang ako dahil nagbi-build up nanaman yung tension ko dahil bumukas na ang elevator. Hinila ko si Joana palabas dahil magkahawak pa din naman kami.

Hindi naman mahirap na hanapin yung kwarto ni Lola dahil nandoon si Mama sa labas.

“Ma!” Lumapit kami sa kanya. Halatang pagod na si Mama. Matagal tagal na din siguro sila dito.“Anong nangyari?!”

Na-trigger lahat ng karamdaman ni Lola. Yun ang sabi sakin ni Mama. Sa pamilya ng Lola ko, namamana ang hika. Sa sobrang lubha ng asthma niya, gumagamit siya ng nebulizer at hindi siya pwede sa mga mabibigat na gawain. Kaya nga nagagalit sina Papa at mga kapatid niya kapag napunta siya ng palengke tapos madaming uwi. Matigas kasi talaga ang ulo ng Lola ko. Noong 43 years old siya, na-diagnose siya ng diabetes. Araw-araw na siyang ini-inject-an ng insulin. Tapos kamakailan lang ay naospital siya at sinabing may pneumonia siya. Asthma, diabetes, pneumonia, dagdag mo pa ang edad, mahina na ang lola ko kahit sabihing 61 pa lang siya. Hindi na kaya ng katawan niyang i-handle lahat ng sakit niya.

Posible pa palang dumami ang sakit ng isang tao. Hindi ka pa rin pala tatantanan kahit hirap ka na sa kung anong nararamdaman mo sa kasalukuyan.

Habang ine-explain sa akin ni Mama ang lahat ng ito, hindi ko mapigilang maawa sa kanya. Ang hirap siguro ng pinagdaanan ni Lola. Siguro mas lalong lumala dahil sa depression niya noong nawala si Lolo last year.

“Ma, pwede ba namin siyang makita?”

Pumasok kami ni Jo sa loob. Pakiramdam ko bibigay yung paa ko sa nakita ko. Hindi si Lola ‘yon. Hindi maaari.

Isang araw pa lang na nasa ospital si Lola pero payat na agad ang katawan niya. Oo, mukha siyang natutulog pero mas nangingibabaw yung itsura niya na dumadaan siya sa sakit. Maraming kable na nakadikit sa kanya. May oxygen mask din siya. Alam kong lahat ng iyon na lang ang nagsusuporta sa kanya.

Lumapit ako at hinawakan ko ang kamay niya. It was warm. Dumadaloy pa ang dugo sa mga ugat ng Lola ko. Matapang si Lola, lalabanan niya ito. Alam ko iyon. Sa ngayon, natutulog lang muna siya.

“Lola, si Pia ‘to. Kasama ko si Jo… La, pagaling kayo ah.” Wala na kong ibang masabi. Kapag nagsalita pa kasi ako pakiramdam ko eh nagpapaalam na ako sa kanya.

Nag-volunteer—hindi nagpumilit—akong bantayan si Lola noong gabing iyon. Tutal wala namang pasok bukas, sasamantalahin ko nang nasa tabi ni Lola. Kinakausap ko siya. Kwento lang ako ng kwento. Joke ako ng joke. Pero kahit anong daldal ko, hindi ako sinasagot ni Lola kapag tinatanong ko siya. Hindi siya tumatawa kapag pinapatawa ko siya. Nakaka-frustrate ang ganon. Pero pinipigilan kong umiyak. Kahit hindi sinasabi sa akin ni Lola, ayaw niyang iiyakan ko siya dahil sa kalagayan niya. Kailangan kong magpakatatag para sa aming dalawa. Para sa buong pamilya.

Noong nalaman nila yung nangyari, nanlumo silang lahat. Kahit sila hindi matanggap ang nangyari kay Lola. Lahat kami nalulungkot. Lahat kami nasasaktan.

Ayokong pumasok sa school. Hindi din naman ako makakapag-concentrate sa klase. Kinatuwiran ko ito kay Papa noong sinabi kong hindi ako papasok pero pinilit niya na madami namang mag-aalaga kay Lola.

Pagdating ko sa school, hinanap ko agad si Inna. Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Nagulat nga ako dahil ni isang patak, hindi ako umiyak. Naubos na din siguro ang luha ko. Oo, ang drama ko. Pero masisisi niyo ba ako?

“Pia, alam kong naguguluhan ka ngayon pero sana tatagan mo ang loob mo. Hindi ka nga umiiyak ngayon pero alam kong sa loob mo, nabibigatan ka na. hindi pa naman nawawala ang Lola mo eh.”

“Hmm. Inna, salamat.”

“Saan?”

“Dahil nandyan ka. Kahit comfort lang, okay na sa akin. Tama ka, nandyan pa si Lola. Kaya wala namang dahilan para magmukmok ako.”

Nag-ring ang bell at bumalik ako sa upuan ko. Nakaupo na si King at tinitignan niya ako habang umuupo.

“Kamusta ka?” Nagulat ako sa boses ni King. Hindi iyon yung kadalasang tono ng boses niya. Ngayon, napaka-tender ng pagsasalita niya. Na parang mababasag ako kapag hindi niya ako kinausap ng ganon.

“Hmm.” Wala akong masabi. Hindi ko naman sasabihing okay ako dahil hindi naman.

Dumaan ang buong araw pero mas gumaan ang loob ko noong nag-uwian na. Dumiretso agad ako sa ospital.

Araw-araw ganoon ang gawain ko. Gigising. Papasok sa school. Pupunta sa ospital. Magdadasal. Matutulog. Walang nagbago. Maliban na lang pagdating ng Huwebes ng bisitahin ko si Lola.

Nakasalubong ko si Kuya Paolo na palabas at sinasara yung kwarto ni Lola.

“Oh, Pia. Andito ka na pala. Sakto ang dating mo. Pupunta ako sa botika. May pinapabili yung doktor na gamot. Bantayan mo muna si Lola.”

“Sige, Kuya.”

Hinawakan ko yung doorknob at huminga ng malalim.

Ine-expect ko na makikita ko yung frail na itsura ni Lola. Na natutulog lang siya, pero hindi.

Nasa kama si Lola. Nakatingin siya sa akin.

Nginitian ko siya. Hindi ko alam kung dapat ba akong umiyak sa harap niya pero baka mas lumala yung kondisyon ni Lola kapag nakita niya akong umiyak. Pero hindi non mapapantayan ang pagkagaan ng loob ko ng makita ko siya.

“La!” mukha akong batang tumatakbo papunta sa kanya. Kanina pa ba siya gising? Feeling ko ngayon lang kasi kung gising siya kanina edi sasabihin ni Kuya iyon. “Saglit lang po, tatawagin ko yung doktor.”

“So-i-aa..” sinabi niya na parang pinipigilan ako sa paglabas ng pinto.

“Bakit Lola? May masakit ba. Tatawagin ko muna—“

Pero tinatanggal niya yung oxygen mask niya. “Pia… Makinig ka.”

“La? Lola ‘wag kayong magsalita. Masama sa inyo. Humiga lang kayo at magpahinga.” Nagpapanic na ako. Ang tigas ng ulo ni Lola. Alam kong hindi ko na siya mapipigilan.

“Makinig ka. Alam kong h-hindi na ako tatagal--”

Hindi ito ang gusto kong marinig. Ayoko nito. “La, magpahinga na kayo.”

“Sofia. Hindi na ako.. tatagal. Gusto kong.. sabihin sa inyo… gusto kong sabihin na.. pasensya na kung aalis ako ng maaga… sabihin mo… na huwag nang mag-alala… sa mabuting lugar ako pupunta.” Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko. Nagpapaalam na si Lola. “Sofia… apo ko… maraming salamat… Nagpapasalamat… ako… sa Diyos… at nagkaroon ako… ng apong maalaga… katulad mo… mag… aral ka… mabuti… Magpaka.. tatag ka… para sa… kanila… lahat.”

Bigla siyang huminga ng malalim na parang may masakit sa kanya. “Lola! La!”

“Mahal… mahal… ko.. kayo… Ikaw… Kantahan… mo… ako.”

Umupo ako sa kama ni Lola, hinawakan ang kamay niya. Alam kong hindi ako ang pinakamagaling na singer sa buong mundo. Alam kong sintonado ang boses ko. Pero kinantahan ko si Lola…

♫ When I see your smile
Tears run down my face
I can't replace
And now that I'm strong
I have figured out
How this world turns cold
and it breaks through my soul
And I know I'll find
deep inside me
I can be the one

I will never let you fall(let you fall)
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all(though it all)
Even if saving you sends me to heaven

It's okay. It's okay. It's okay.
Seasons are changing
And waves are crashing
And stars are falling all for us
Days grow longer and nights grow shorter
I can show you I'll be the one


At kinuha na ni Lola ang huling hininga niya. Umiiyak na ako pero tinuloy ko pa yung kanta.



♫ I will never let you fall

I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven

Cuz you're my, you're my, my, my true love, my whole heart
Please don't throw that away
Cuz I'm here for you
Please don't walk away and
Please tell me you'll stay, stay

Use me as you will
Pull my strings just for a thrill
And I know I'll be okay
Though my skies are turning gray

I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven

Hindi ko tinawag ang mga doktor. Imbes, tinabihan ko si Lola. Hinaplos-haplos ko siya. Sinamantala ko na kaming dalawa lang muna ang magkasama.

Akala ko sa pelikula lang nangyayari ang mga ganitong eksena. Tinatawanan ko pa kapag yung actress eh biglang nagigising para lang magpaalam sa mga iiwanan niya. Mangyayari din pala sa amin.

Narinig kong bumukas ang pinto.

“Kuya…” Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap ko siya. Binuhos ko sa kanya lahat ng luha ko. At doon sa loob ng ICU, magkasama kaming umiyak para sa babaeng naging malaking parte ng buhay namin. Isang babaeng tuluyan ng sa alaala na lang namin mababalikan…

• • • • •  • • • • • • • •

to be continued....

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

3.3K 169 45
Lumaki si Anette na ang daddy lang niya ang nakagisnang magulang, kung kaya handa niyang gawin ang lahat ng makakaya para mapanatili sa piling ang am...
397K 11.9K 83
Ewan ko ba kung bakit naging ganito kagulo ang buhay ko. Ang alam ko lang nagmahal ako ng sobra. At ngayon nasasaktan ako. Makakaya ko pa kaya...
1M 2K 6
Yung feeling na, ang dami mong gustong bilhin pero wala kang pera. Ang dami mong gustong kainin pero wala kang pambili. Ang dami mong gustong hawakan...
318K 1.4K 5
Diane is one of the boys kind of gal. Dahil laki sa Hacienda, kasama ng mga trabahador, natuto siyang magpakumbaba sa kabila ng angat siya sa buhay...