Ace-sin Kin's Slave

By zycine

4.5M 38.3K 3.5K

Sa Fairytale si Cinderella ay may Prince Charming na nag ligtas sa kanya sa pangaalipin ng dalawang Step Sist... More

Ace-sin Kin
Chapter 1 - Back to School
Chapter 2 - Meet Ace-sin Kin
Chapter 3 - At the Bar
Chapter 4 - Ace-sin vs Anya
Chapter 5 - His and Her Bestfriend
Chapter 6 - Your my Master now
Chapter 7 - Meeting the friends of the Master
Chapter 8 - His side of story
Chapter 9 - Options
Chapter 10 - Officially Started
Chapter 11 - Unique
Chapter 12 - In between
Chapter - 13 - The Slave
Chapter 14 - Bitter Sweet Kiss
Chapter 15 - Half a story
Chapter 16 - Sunny side up
Chapter 17 - Gabby
Chapter 18 - The other girl
Chapter 19 - Confuse
Chapter 20 - A lot like Love?
Chapter 21 - Result
Chapter 22 - Choosing a side
Chapter 23 - Not Good
Chapter 24 - The truth
Chapter 25 - Resentment
Chapter 26 - Promise
Chapter 27 - Hoping for the best
Chapter 28 - Ace-sin vs Anya again?
Chapter 29 - Letting go
Chapter 30 - Cliff-hanger
Chapter 31 - What now?
Chaapter 32 - Regrets
Chapter 33 - Agony
Chapter 34 - Peterpan
Chapter 35 - Smile
Chapter 36 - Move out
Chapter 37 - Genx
Chapter 38 - Friendship
Chapter 39 - Unexpected Journey (Part 1)
Chapter 39 - Unexpected Journey (Part 2)
Chapter 39 - Unexpected Journey (Part 3)
Chapter 40 - Foolish Heart
Chapter 41 - A night to remember
Chapter 42 - True feelings
Chapter 43 - It's Complicated
Chapter 44 - The Conflict
Chapter 45 - Not Close enough
Chapter 46 - This Time
Chapter 47 - Sweet Gesture
Chapter 48 - The Master no more
Chapter 49 - Effort
Chapter 50 - Here and back again
Chapter 51 - Ace or Ace?
Chapter 52 - Decision
Chapter 53 - Fear Factor
Chapter 54 - The deal
Chapter 55 - Memories
Chapter 56 - Bruised knees heal faster than broken hearts
Chapter 57 - Truth hurts
Chapter 58 - The confession
Chapter 59 - All or Nothing
Chapter 60 - All this time
Chapter 61 - Wild Cat
Chapter 63 - Broken Promise
Chapter 64 - Hope to Faith
Finale - Home at Last
Epilogue - BONUS CHAPTER
PUBLISHED BOOK!

Chapter 62 - BFF

33.3K 499 113
By zycine

HI GUYS

THIS  BOOK IS NOW A PUBLISHED BOOK UNDER LIB PUBLISHING 

IT IS NOW AVAILABLE IN BOOKSTORES NATIONWIDE 

THANK YOU SO MUCH FOR ALL YOUR SUPPORT

LUV U ALL

- ZYCINE -

CHAPTER 62 - BFF

Maagang natapos ang klase ni Rei isa lang ang subject nya ngayon kaya pagkatapos ng klase nya ay wala na syang magawa, nagpapahintay si Gabby sa kanya at dahil 2 hours pa bago matapos si Gabby sa subject nya ay naisip nya na pumunta sa garden malapit sa church.

Tahimik ang lugar na iyon na isa sa gusto nya, papunta na sana sya sa paborito nyang pwesto noong nakita ng binata si Ella na nandoon mag-isa. Bigla tuloy nyang naalala na iyon ang dating tambayan nila ni Anya.

Lumapit sya sa dalaga para batiin ito noong napansin nya na umiiyak pala ito

" Your crying " sabi ng binata agad naman syang nilingon ng ni Ella

" Rei ikaw pala" anito sa kanya tapos ay pinahid nya ang luha nya.

" Bakit mag-isa ka?" tanong ni Rei kay Ella kasabay noon ang pag upo nya sa tabi nito

"Bigla ko kasing naalala si Anya. Before kasi madalas kami tumambay dito"

Hindi na sumagot si Rei basta nanahimik lang sya kaya hindi narin nagsalita si Ella

-

-

-

Katahimikan

-

-

-

" Rei.." tawag ng dalaga

" Hm? "

" Do you ever just get that feeling where you don't wanna talk to anybody?

" What do you mean?"

" Like you don't want to smile or you don't want to fake being happy but at the same time you don't exactly know what's wrong either? "

" You mean emotionally unresponsive." mabilis na sabi ni Rei

" Yeah. something like that." sagot ni Ella nababakas sa mukha nito ang lungkot

" Ella minsan kailangan mo din dumaan sa stage na mas gugustuhin mong walang maramdaman"

" Hindi ko maintindihan"

"It is a defense mechanism of a human being Ella being numb." bumuntong hininga si Rei " I wish things could have ended up different for Anya and Ace-sin but I guess people make choices that seem right at that time but in the future, it may not be the best choice.

" I miss my bestfriend Rei" Naiyak na si Ella hindi nya na kasi kaya ang nararamdamang lungkot

"Ella minsan it's hard to fix the past and there are times that it's not going to be easy pero dapat handa ka.

" Kung sana may magagawa lang ako. Kung pwede lang ibalik lahat sa dati.."

" Kaso hindi pwede. pero meron kang isang bagay na pweding gawin "

" Ano? Tell me Rei kahit ano kahit mahirap susubukan ko gusto ko lang may magawa para kay Anya"

" Give her time Ella " Hindi sumagot si Ella, mahirap para sa kanya gawin yun dahil habang tumatagal mas lalo syang nag-aalala para sa kaibigan nya pero hindi nya iyon masabi kay Rei " Alam kong mahirap gawin yun para sayo but this is what she needed now

Tumango si Ella " Naiintindihan ko " ani Ella at gamit ang palad nya ay pinahid nya ang kanyang mga luha

" Here let me " sabi ni Rei at gamit ang sariling panyo nya ay pinahid nya ang luha sa mukha ng dalaga samantalang si Ella ay bahagya namang nagulat sa ikinilos ng binata kaya hindi sya agad nakakilos " You're cute even when you cry but I'd rather see you smile so please don't cry anymore at least for me."

Sa sinabi ni Rei ay biglang nagblush si Ella hindi nya alam kung bakit pero ito ang unang beses na nakaramdam sya ng pagkailang sa isang lalake pero at the same time she feel faltered.

Samantala late na dumating si Anya sa isang subject nya kaya pagpasok nya sa classroom ay nag nakakakalahati na ang discussion nila. Umupo si Anya sa pwesto nya at tahimik na nakinig sa Prof na tinignan muna sya ng hindi maganda bago ituloy ang klase nya pero hindi iyon pinansin ni Anya basta nag concentrate na lang sya sa pag-intindi sa itinuturo.

Pagkatapos ng klase nya ay sya ang unang lumabas ng classroom at noong naglalakad na sya sa hallway papunta sa library ay nasalubong nya si Joyce.

" Anya" tawag ni Joyce sa kanya

Huminto naman ito at hinintay ang kaibigan nya

" Hello Joyce bakit?"

" Anya what's going on? bakit hindi ka pumasok kanina sa unang subject mo nagpa long quiz si Sir."

" Late na kasi ako nagising" sabi ko

" Ano bang nangyayari sayo? Kapag pinagpatuloy mo ito baka bumagsak ka na talaga ng tuluyan "

" Hey relax okay lang naman ako" sabi ni Anya kay Joyce na parang hindi nag-aalala

" Anya naman please wag ka na magpaapekto sa video na yun isa pa hindi naman ako naniniwala dun." sabi ni Joyce

" Sorry Joyce I have to go papasok pa kasi ako sa part time ko"

" Wait.." bumuntong hininga si Joyce gusto nyang intindihin si Anya pero suko sya sa pag-asal nito na parang walang pakialam " Bago ka pumunta dun daanan mo muna si Dean "

" Bakit?"

" Gusto kang makausap ng dean natin I think regarding yun sa studies mo." sabi ni Joyce halata sa boses nya ang pag-aalala

" Okay thanks Joyce" sabi naman ni Anya

" Anya..." lumingon naman ito sa kanya " good luck."

Tumango lang sya tapos umalis na ito at nagpunta sa Dean's Office at noong nakita sya ng sectretary nito ay agad syang pinapasok sa loob ng office.

" Sit down Ms. Salcedo" sabi ng Dean

" Thank you Ma'am" umupo sya agad

" Do you know why you're here?"

" No Ma'am" sabi ni Anya

" Well. I'm concern about you about your performance for the passed weeks" tinignan sya ng dean sa mata na parang binabasa nito ang mga kilos nya

" Ms. Salcedo what's going on with you?" hindi parin sumagot si Anya yumuko lang sya at nanahimik kaya bumuntung hininga ang dean nila " Anya you're a good student you're punctual, motivated and goal oriented alam mo kung ano ang gusto mo at kung ano ang gusto mong marating but lately your performance has been changed. You come to classes late and unprepared you do not participate with your activities plus you are absent alot iha nagrereklamo na ang mga prof mo sa akin kaya wala akong magawa kundi ang ipatawag ka dito"

" I'm sorry po kung pati kayo nadadamay." sabi ni Anya

" Sorry? was that all you can say sorry?"

" Opo sorry po Ma'am"

" This is serious. The finals is coming up next week and if you fail to passed alam mo na kung ano ang mawawala sayo "

" Yes Ma'am " tumayo na si Anya dahil akala nya tapos na ang usapan nila

" There's a petition from the faculty and students"

Natigilan si Anya sa paglalakad at nilingon nya ulit ang dean gusto nyang malaman kung ano ang gustong sabihin nito pero hindi nya makuhang magtanong

" They want me to remove your scholarship and kick you out of this school"

Hindi agad nakakilos si Anya, bahagya syang nagulat pero saglit lang

" I want to help you Anya but I need to know the reason why you acted this way."

" Ma'am naa-appreciate ko ang ginagawa nyo para sa akin pero okay lang po ako."

" Very well " alam ni Anya ang sinsiridad ng Dean nya pero hindi nya magawang ipakita iyon dahil sa mga oras na iyon wala syang maramdaman sa mga nangyayari pakiramdam nya buhay sya pero patay.

Tahimik syang lumabas ng opisina, gusto nyang mag-isip pero kahit anong gawin nya hindi nya magawa parang sarado ang utak nyang tumanggap ng kahit ano basta naglakad lang sya hanggang makalabas na sya ng school ni hindi nya namalayan na nasalubong nya sila Gabby at si Ace-sin habang palabas sya basta tuloy tuloy lang sya sa paglalakad malapit na sya sa may gate noong harangin sya ng tatlong lalake

" Hi Anya" bati ng isang lalake sya yung pinapagitnaan ng dalawang kasama nya

" Pwede ka ba naming ma-invite. my place lets get laid" sabi naman ng isang lalake sa kanan na lumapit pa sa kanya at inakbayan sya

" Umalis kayo sa harap ko." sabi naman ng dalaga hindi mo mabasa sa kanya kung galit sya o takot, ang hindi nya alam ay nasa dikalayuan lang sila Gabby at Ace-sin at naririnig at nakikita nila ang ginagawang pambabastos sa kanya ng mga lalake.

" Wag ka na magpakipot sigurado naman na mag-e enjoy ka" sabi naman ng lalake sa kaliwa tapos tumayo ito ng sobrang lapit sa harap ni Anya

" Umalis na kayo." pagtataboy ng dalaga

" Wag kana magpa hard to get mas okay naman kaming kasama kesa sa mga lalaking sinamahan mo katulad ni Cholo at ni Ace-sin Kin na yun na puro yabang lang ang alam I assure you that your gonna love ever minute that you spend with me." tapos nun bahagya pa nyang hinimas ang braso ni Anya na parang inaakit nya ito

Noong mga oras na iyon kikilos na sana si Gabby para bigyan ng leksyon ang mga lalaking gumugulo kay Anya pero pinigilan sya ni Ace-sin nababakas na sa mukha nito ang galit pero halata na nagtitimpi lang din

"Ang sabi ko lubayan nyo ko" sigaw ni Anya sa wakas galit na sya ngayon

" Wow feisty I love that.. I cant wait to see you naked on my bed my fitly little whor...." hindi na nito naituloyang sasabihin dahil isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha nya dahilan para halos matumba itona ikinagulat ng lahat ganun din nila Anya, Gabby at Ace-sin

" Bastos kang hayop ka ha." sigaw ni Cholo habang dinuduro nito ang lalaking sinuntok nya.

" Cholo" sabi ng isang lalaking kasama din nila

" Ano papalag pa kayo?" paghahamon ni Cholo sa tatlong lalake " ANO!" sigaw pa nito

" Sorry Cholo nagbibiro lang naman kami " pagpapaliwanag ng isa

" OO joke lang yun dude relax" sabi naman ng ikalawa

" Joke? kung ako kaya ang mag joke sa inyo matatawa kaya kayo?"

" Not cool dude" tapos ay sabay sabay na silang umalis sa lugar na iyon at iniwan si Anya na hindi parin kumikilos at walang reaksyon sa mga nangyayari

" Are you okay? " tanong ni Cholo sa dalaga tapos ay hinawakan nito ang kamay ni Anya " Hey don't worry wala na sila hindi ka na nila guguluhin." sabi ni Cholo pero hindi parin nagsasalita si Anya habang si Ace-sin nakatingin lang sa dalawa

" Anya?" puno ng pag-aalalang tawag ni Cholo

" Pabayaan mo na ako." pagulong na sabi naman ni Anya dito

" You know that I can't do that" sagot ni Cholo

" Bakit ba ang kulit mo!" pasigaw na sabi ni Anya kasabay ang pagbawi nito sa kamay nya at kaya nagulat ang binata

" Anya I want to help you."

" Why? ano bang gusto mo sa akin?"

" Nothing okay. gusto ko lang maging okay ka. Anya hindi ikaw ito wag mong gawing misirable ang sarili mo dahil alam ko na hindi mo ito gusto" sabi ni Cholo bakas sa boses nito ang pagmamalasakit

" Anong alam mo Cholo? paano mo nasasabi yan samantalang hindi mo ako kilala hindi mo alam ang gusto kaya please wag kang mag-pretend na parang alam mo na ang lahat sa akin."

" Alam ko kung anong klasing babae ka at hindi ka katulad ng iniisip ng lahat ng tao dito"

" Tama na. Please tumigil kana! parepareho lang naman kayo diba? katulad ka rin nila Cholo mabilis manghusga. Hindi mo din alam ang sinasabi mo. Pagod na akong sumunod at mabuhay sa expectation nyo. Ayoko na! kaya please leave me alone "

" Anya.." nagtangka si Cholo yakapin ang dalaga pero mabilis na hinarang nito ang dalawang kamay nya " Anya"

" I said leave me alone. Pabayaan nyo na akong mag-isa! wag nyo na akong pakikialaman kahit kalian!" pasigaw iyong sinabi ni Anya sabay tulak sa binata kaya napaatras ito at sinamantala naman iyon ng dalaga mabilis syang tumakbo palayo sa binata.

Nabigla si Cholo sa mga sinabi ni Anya para sa kanya alam nya na hindi totoo ang mga sinabi nito pero meron din naman bahagi nya ang sumasang-ayon kaya hindi na nya hinabol ang dalaga inayos na lang nya ang sarili nya at umalis na rin pero bago pa sya tuluyang makaalis sa lugar na iyon ay nakita nya si Ace-sin at si Gabby na nakatingin sa kanya na parang narinig at napanood ang buong pangyayari kaya biglang umahon ang galit nya para sa mga iyon.

" Ikaw" dinuro nya si Ace-sin " Gago ka eh!"

Hindi nagsalita o kumilos si Ace-sin basta nakatingin lang sya kay Cholo

" Man that girl is in love with you."

"And that's coming from a man who's been attracted to her from the beginning." pang-aasar na sabi ni Ace-sin

" Ang laki mong tanga Kin! Pinagsisisihan ko kung bakit ko sya binigay sayo "

" Binigay? you never have her De Guzman"

" Isn't weird Kin? How a girl like Anya so attracted to someone heart breaker and immature man like yourself and running away from those who are love givers? " hindi sumagot si Ace-sin wala syang masabi " Tandaan mo to this is the last time I've let you hurt Anya again kaya ang mabuti pa ituloy mo na lang ang paglayo sa kanya dahil hindi na ulit ako papayag na saktan mo sya." banta ni Cholo tapos nun ay umalis na ito at iniwan si Ace-sin at Gabby na naka hang sa ere.

Samantala si Anya naman ay kasalukuyan ng nasa jeep papunta sa trabaho nya, hindi sya natutuwa sa ginawa nya kay Cholo dahil alam naman nya na concern lang yung tao sa kanya pero sa ngayon ayaw na nya ulit umasa sa ibang tao dahil tulad ng sinabi nya pagod na sya sa pagsunod sa gusto ng iba.

" Para po" sabi ni Anya sa driver ng jeep huminto naman agad ang sasakyan kaya bumaba na sya, isa lang ang nasa isip nya papasok sya sa trabaho nya para malihis naman sa ibang bagay ang utak nya at dahil medyo matagal na rin syang hindi nakakapasok sa trabaho, oo ngat hindi sya require na palaging pumasok doon dahil mas gusto ng may-ari na iprayoridad nya ang pag-aaral nya.

Isang matandang dalaga ang may-ari ng pastry shop na pinapasukan nya at tinuring na sya nitong parang anak kaya naman mahal nya din ito at ayaw nyang abusuhin ang kabutihan na ibinibigay sa kanya.

Pagpasok nya ng shop ay agad nyang napansin na walang customer ang shop na pinagtataka nya dahil maraming solid customer ang dumadayo pa doon matikman lang ang paninda nila at kahit kailan hindi pa nangyari iyon.

" Anya " bati agad ng mga kasama nya sa trabaho

" Ate Karen bakit walang tao? sarado ba tayo?" tanong ni Anya

" Hindi ano kasi may nangyayari lang na problema" sabi naman ng babaing tinawag ni Anya na Ate May

" Ano po? nasan po si Ma'am Ali magpapakita po ako para magsorry dahil ngayon lang ulit ako pumasok"

" Ha... nasa loob ng office may kausap na bisita"

" Ahh ganun ba." Ani Anya

Lumapit naman ang iba pang mga kasama nila kay Anya na parang nag-aalala

" Anya okay ka lang ba?" tanong ng isang may kaidaran na babae

" Okay lang po. "

" Meron kabang suliranin iha kaya hindi ka nakakapasok?" tanong ulit nito halatang nag-aalala

" Bakit po Manang?"

Magsasalita na ito noong biglang bumukas ang pinto ng opisina at lumabas doon ang dalawang babae yung isa may katandaan na pero maganda parin yung ay ang tinatawag ni Anya na Ma'am Ani at yung isa ay bata pa mga kasing edad ni Anya at mukhang mayaman naka suot ito ng sun glasses at kilalang kilala iyon ni Anya

" Laura?!" gulat na sabi ni Anya sobrang hindi sya makapaniwala sa nakikita ng mga mata nya

" Oh there you are" nakangiting bati ni Laura kay Anya

" Anong ginagawa mo dito?" sabi ni Anya

" We need to talk" sabi nito bakas sa boses nito ang authority

" Umalis ka na wala tayong pag-uusapan." galit na sabi naman ni Anya

" Hey! Bago mo pairalin yang pagiging walang breathing mo sumunod ka muna sa akin at pakinggan ako kung ayaw mong may madamay pa dito" matapang na sabi ni Laura tapos lumabas na ito ng shop wala namang nagawa si Anya sumunod sya dito sa labas

" Anong gusto mo Laura? Bakit ka nagpunta dito?" tanong ni Anya noong nasa labas na sila

" Wag nga mainit ang ulo mo. Relax Okay" sabi naman nito

" Sagutin mo ang tanong ko."

" Fine. I want you to resign from this cheap shop starting ahh now?!"

" Ano?. nagpapatawa ka ba?" sabi naman ni Anya

" Thought so. Anya look at them. " sumunod naman si Anya tumingin sya sa loob ng shop nagkukumpulan ang mga kasama nila at pinagmamasdan sila " Alam mo ba na love na love ka nila. The truth is ayaw pumayag ng may-ari na tanggalin ka kahit na sabihin ko pa na kaya kong ipasara ang buong building na ito"

" Anong sabi mo? Baliw ka ba! hindi mo pweding gawin yun wala kang karapatan!" galit na sabi ni Anya

" Oh yes, I can! I can do whatever I want. Remember I said it clearly last night I'll make sure na magbabayad ka sa ginawa mo sa akin "

" Ang sama-sama mo talaga kung gusto mo akong gantihan ako na lang wag mo idamay ang mga tao dito mas kailangan nila ng trabaho. at si Ma'am Ani matanda na sya buhay na nya ang shop na ito kaya wag mo itong gawin sa kanila"

" Then leave! kung ayaw mo silang madamay edi magresign ka tutal dyan ka naman magaling diba " mapang-asar na sabi ni Laura

Natigilan si Anya, 2 years na silang magkakasama at pamilya na rin ang turing nila sa isat-isa at yung tinatawag nyang Ma'am Ani ay para na nyang ina kaya mahirap para sa kanya ang gustong mangyari ni Laura

" Laura please....." pakiusap ni Anya, ito na naman sya nagiging mahina na naman sya, pero ano bang magagawa nya talong talo sya ni Laura hindi nya gustong masaktan ang mga taong halos kapamilya na nya. " Please Laura gagawin ko ang gusto mo basta wag mo silang idamay please.. mahalaga sila sa akin"

" We'll see." tapos tinalikuran na nya si Anya ng abot hanggang taenga ang ngiti dahil alam nya na this time she got what she wanted.

Pag-alis ni Laura ay pumatak agad ang mga luha ni Anya pero agad din nya iyong pinunasan, humugot sya ng malalalim na paghinga bago sya pumasok sa loob ng shop para sundin ang gusto ni Laura labag man iyon sa kalooban nya.

*****

Kinabukasan ay maagang pumasok si Ella excited sya dahil magiging classmate nya sila Unique at Anya ngayon sa first subject nya, nag decide sya na salubungin ang mga ito sa may pintuan ng classroom nila na punung-puno ng pag-asa na makakausap na nya ngayon si Anya pero nagsimula ng magdatingan ang mga iba pa nyang kaklase pero hindi parin dumadating si Anya at si Unique pero hindi sya nasiraan ng loob matiyaga parin syang naghihintay hanggang sa wakas dumating na si Unique

" Good morning Unique" bati ni Ella sa kaibigan

" Hi Ella bakit nandito ka sa labas? hinihintay mo ba ako?" tanong ni Unique

" Yup! I'm waiting for Anya as well nakita mo na ba sya?"

" No" malungkot na sagot ng binata

"Baka na traffic lang, siguro any minute dadating narin yun diba?" masayang sabi nya

Ngumiti naman si Unique " Sige sabay natin syang hintayin"

Lumipas pa ang ilang sandali, nakita na nila na paparating ang Prof nila kaya pumasok na sila sa loob ng classroom

" Tara na Ella baka na late lang yun sa loob na lang natin sya hintayin" yaya ni Unique sa kanya

" Sige" malungkot na sagot naman nito tapos pumasok na sila sa loob

Mula noong magsimula ang klase nila hanggang sa matapos iyon ay walang ginawa si Ella kundi abangan si Anya kaya hindi sya nakapag concentrate sa klase nya

" Bakit hindi sya pumasok Unique nag-aalala na ako sa kanya " sabi ni Ella habang nililigpit nya ang mga gamit nya, tapos na ang klase nila kaya halos lahap naglalabasan na sa classroom

" Wag kana mag-alala sa kanya siguro kailangan lang nya mag-isip "

" Pero Unique 3 days from now finals na nya at lahat ng subject ang exam nya. " nag-aalalang sabi nito

" Lets go hatid na kita sa sunod na klase mo"

Hindi na nagsalita si Ella sumunod na lang sya kay Unique, tahimik lang sya habang naglalakad sila, alam din naman nya na pareho sila ni Unique na nag-aalala para kay Anya pero hindi lang nya iyon pinapakita. Paglabas nila ng building ay sinalubong sila ni Joyce.

" Pumasok ba si Anya?" panimulang bati nito agad sa kanila

" Joyce hindi sya pumasok bakit?"

" Naku kailangan nyang pumasok. may long quiz kami ngayon at kapag hindi sya nagpakita maaapektuhan ng malaki ang grades nya. "

" Ilang percent ba ang pinag-uusapan natin?"

30% Unique wala kaming thesis sa subject na ito kaya importante yung quiz na iyon para pumasa kami."

" Anong oras ang start ng subject nyo?" tanong ulit ni Unique

" In 3 hours" sabi ni Joyce

" I'll get her" tapos tinalikuran na agad ni Unique si Joyce, agad namang sumunod sa kanya si Ella

" Sasama ako "

" Wag na may klase ka pa"

" Basta sasama ako"tapos sumunod na sya kay Unique hindi naman sya pinigilan pa ng binata siguro alam din nito na wala syang magagawa sa katigasan ng ulo ni Ella.

In 30 minutes narating na nila Ella at Unique ang bahay ni Anya agad silang lumabas ng sasakyan at tinungo ang pintuan ng bahay at sinimulang kumatok

" Anya" tawag ni Ella pero walang sumasagot

" Baka wala sya sa loob Unique."

" hindi nasa loob sya sigurado ako dun " -

" Pero pano tayo papasok kung ayaw nya tayong pagbuksan "

Hindi sumagot si Unique pinilit nyang binubuksan ang pintuan ng baha y ni Anya sinubukan nya narin itong pwersahin pero hindi parin iyon bumubukas habang si Ella naman ay pilit na tinatawagan ang Celfone ni Anya

" Ayaw nya sagutin yung phone " sabi ni Ella.

" Alam ko na si Ace-sin" kinuha ni Unique ang Celphone nya at tinawagan si Ace-sin

" Ano naman ang kinalaman ni Ace-sin sa pagbubukas ng pinto?" inis na sabi ni Ella

" Hindi mo naiintindihan Ella. Higit sa ating dalawa mas kilala ni Asin Si Anya"

Ring! Ring!

" Hello" sabi ni Ace-sin sa kabilang line

" Asin paano makakapasok sa loob ng bahay ni Anya?"

" Malay ko bakit ako ang tinatanong mo."

" Nandito kami ni Ella sa bahay nya pero ayaw nya kaming pagbuksan kaya kita tinawagan dahil alam kong may alam kang paraan para makapasok sa loob" naiinis na sabi ni Unique sa kaibigan

" Look I don't care anymore" sabi ni Ace-sin na parang suko na sya

" Ace-sin pwede syang mawalan ng scholarship kapag hindi namin sya nakausap at makumbinsing pumasok sa school ngayon." halos nagmamakaawa na ang tono ng boses ni unique ngayon

Bahagyang natahimik si Ace-sin tapos ay nagpakawala sya ng isang buntong hininga

" Alright hindi ako sigurado kung nandoon pa iyon pero there's a spare key on the pot. dun sa paso na malapit sa pinto " sabi ni Ace-sin

Agad namang kumilos si Unique para tignan ang tinuro ni Ace-sin at nakita nya agad ang spare key na sinasabi ni Ace-sin

" Nakita ko na salamat pare" tapos binaba na nya ang CP nya.

Agad na binuksan ni Unique ang pinto at sabay silang pumasok sa loob ng bahay ni Anya hindi na sila nag-aksaya ng panahon nagtuloy tuloy na sila sa kwarto ng kaibigan, nasa may pinto ay nasipa ni Unique ang isang bote ng alak na konti na lang ang laman at mukhang tumapon din iyon sa sahig ng kwarto. Unang lumapit si Ella sa kaibigan na natutulog parin sa kama at amoy na amoy ni Ang alak sa hininga nito

" Anya what have you done."

" Anya gising na kailangan mong pumasok!" sabi ni Ella bahagya nya pa itong yinogyog pero baliwala parin dahil mahimbing parin itong natutulog

" Unique anong gagawin natin? kahit na gumising sya siguradong wala rin syang maisasagot na maayos sa exam nya." bakas sa boses nya ang pag-aalala

" Kung kinakailangan na dalhin natin sya sa school ng tulog gagawin ko" sabi ni Unique tapos sapilitan nyang ibinangon si Anya " Gising Anya sasama ka sa amin kailangan mong pumasok" pasigaw nya iyong sinabi kaya bahagya namang nagising si Anya

" Ano ba. iwan nyo ko.." ani Anya

" Papasok ka kailangan mong mag-exam dun nakasalalay ang scholarship mo" sabi ni Unique

" Wala akong pakialam.... ibagsak nila ako kung gusto nila bahala sila...." sabi ni Anya antok parin ito at parang hindi nya alam kung ano ang sinasabi nya

" Bumangon kana Anya wag mong hintayin na kaladkarin kita sa banyo para magising ka na "

" Bakit ba ang kulit nyo. tantanan nyo na ako" tapos nun ay nagtalukbong ng kumot si Anya

Bigla namang umalis si Unique at tinungo ang bathroom pagbalik nya sa kwarto ay may bitbit na itong isang balde na may lamang tubig

" Unique anong gagawin mo?" gulat na sabi ni Ella pero hindi sya pinansin nito basta pinuntahan na lang nya ang kama ni Anya at inalis ang kumot na nakatalukbong sa dalaga tapos ay ibinuhos nya ang bitbit na tubig sa mukha mismo ni Anya kaya nagulat ito at biglang napabangon sa kama. " Unique wag..." awat ni Ella pero huli na ang lahat

" Tumayo kana dyan kailangan mong pumasok Anya" matigas na sabi ni Unique na parang baliwala lang sa kanya ang ginawa nya.

" Ang sama mo " sinugod ni Anya si Unique at susuntok sa dibdib nya " Ang sama-sama mo Unique! bakit ba! bakit ba ayaw nyo akong tigilan! bakit ayaw nyo akong pabayaang mag-isa." bumigay na sya at tuluyang umiyak pero patuloy nya paring nyang hinahanpas si Unique habang ang binata naman ay para lang bato na tinatanggap lahat ng hampas sa kanya

" Anya...." naiyak na rin si Ella dahil kahit sya nasasaktan para sa kaibigan nya

" I'm sorry. I'm sorry Anya." sabi ni Unique bakas sa itsura nya ang nararamdamang pagdurusa, nagsisisi ito dahil madali nyang hinusgahan ang kaibigan at alam din nya na isa sya sa dahil kung bakit lalo itong nasasaktan " I'm wrong to judge you pinagsisihan ko kung bakit hindi kita pinakinggan sorry " sabi pa ni Unique

Biglang lumayo si Anya sa binata at napaupo sya sa kama nya, para syang natauhan sa mga nangyayari.

" Anya hindi pa naman huli ang lahat diba? pwede parin tayong maging okay" - Unique

" Pano? pano ko gagawin yun? hindi ko alam kung paano pa ako magsisimula ngayon? sira na ako kinuha na ni Laura lahat ng mahalaga sa akin "

" Hindi pa lahat " sabi ni Ella sumampa sya sa kama at nilapitan si Anya " Nandito pa kami ni Unique hindi ka namin iiwan at kahit anong mangyari dito lang kami sa tabi mo diba BFF tayo.

" Ella."

" Play up! Walang mangyayaring masama" sabi ni Ella kasabay noon ang pagpahid nya sa mga luha ni Anya gamit ang sarili nyang palad

Bahagyang ngumiti si Anya tapos pinahid din nya ang luha sa pisngi ni Ella

" Thank you. Thank you for not giving up on me kahit na sumuko na ako sa sarili ko"

" You're worth it Anya believe me" tapos nun yinakap ni Ella ang kaibigan

" Ano pang hinihintay mo dyan Unique dali na yakapin mo na din ako." sabi naman ni Anya

" Gladly!" tapos lumapit sya sa dalawang kaibigan at sumali sa group hug

*****

SCHOOL

Nasa loob na ng classroom ang mga estudyante sa klase Prof Lorenzo para sa subject na Mechanics and Design of Concrete Structures or MDCS ito ang isa sa Major subject ni Anya na kailangan nyang maipasa. Abala ang mga estudyante sa pagre-review noong dumating ang Prof nila kaya lahat sila ay naging alisto at umayos ng upo

" Okay lets start!" seryosong sabi nito

" Naku Anya asan kana" nasabi tuloy ni Joyce na sobrang nag-aalala para sa kaibigan

" Clear your desk guys magsisimula na tayo I hope pinaghandaan nyo ang exam na ito " sabi ng Prof

" Wait po!" sigaw ni Ella pagpasok nya sa loob ng classroom kaya naagaw ng lahat ang atensyo nila

" Yes? " sabi ng Prof

Pero bago pa makasagot si Ella ay pumasok narin doon si Anya bigla tuloy umaliwalas ang mukha ni Joyce nakahinga sya ng maluwag noong nakita nya si Anya na kasama ni Ella

" Prof sorry po late ako "

Bahagyang ngumiti ang Prof nya

" Alright take your sit"

" Thank you Prof " sabi naman ni Anya tapos ay umupo na ito sa upuan nya tapos tinignan nya pa si Ella na nag sign ng good luck sa kanya bago tuluyang nagpaalam


Continue Reading

You'll Also Like

108K 2.8K 48
Is there's any chance that I fall in love again with another man? I met him while I was broke and doing the things called "revenge" to my ex. I'm one...
4.1M 128K 56
Raynesha Deanise Samaniego or Ysha loves the freedom too much. Kaya naman nang mawala ang kalayaan sa kanya ay ganoon na lang ang kanyang paninibago...
3.9M 42.3K 40
MINI-SERIES ON TV5; PUBLISHED UNDER LIB. Demi's mom is getting married to a super hot bachelor's dad. Nothing seems to stop this from happening until...
20.5K 402 46
A DERPHERP FICTION ©2015