His Wife

By Megumyyy

1.5M 17.2K 1.7K

You are definitely nothing to his life, 'coz you're just HIS WIFE. Credits to Google for the Cover Photo More

His Wife
His Wife (01)
His Wife (02)
His Wife (03)
His Wife (04)
His Wife (05)
His Wife (06)
His Wife (07)
His Wife (08)
His Wife (09)
His Wife (10)
His Wife (12)
His Wife (13)
His Wife (14)
His Wife (15)
His Wife (16)
His Wife (17)
His Wife (18)
His Wife (19)
His Wife (20)
His Wife (21) The Awakening of Her Bitch Side
His Wife (22) MAHA~
His Wife (23) I love--hate you JC!
His Wife (24)-BS- Emerald VS Chantal
His Wife (25) DEATH
His Wife (26) Tears
His Wife (27) Death?
His Wife (28) Our Love Story
His Wife (29) Her Dream
His Wife (30) Maxene and John
His Wife (31) Maxene's Favor
His Wife (32) Wanted: WIFE
His Wife (33) Emerald or Dreame
His Wife (34) I can't
His Wife (35) Still Emerald
His Wife (36) Ako na lang... Please
His Wife (37) She's freaking back!?
His Wife (38) The Inevitable Decision
His Wife (39.1) REVENGE
His Wife (39.2) Entrance to HELL
His Wife (40) Married to Lady Satan
His Wife (41) Stranger no More
His Wife (42) Clandestine
His Wife (43) The Beginning
His Wife (44) I am His
His Wife (45.1) To stay close
His Wife (45.2) My love...
His Wife (46) I fucking fooled you...
His Wife (47) Untitled
His Wife Epilogue
Special Update #01

His Wife (11)

34.5K 379 67
By Megumyyy

Chapter 11

Nakauwi kami ng Pilipinas ng matiwasay. Well, sabay kami ni Hiro. Napakabait niya sa buong biyahe namin. He let me rest my head on his shoulder, sing a lullaby song for me, tap my shoulder. He even ordered the stewardess to bring one of my favorite dishes. He also remembered na may allergy ako sa tempura kaya hindi iyon yung inorder niya. How sweet of him pero bakit hindi ako masaya? Bakit may parte ng pagkatao ko na hindi kontentoDahil ba… alam kong hindi si JC si Hiro? Dahil ba ineexpect ko  na sana si JC si Hiro?

“ Baby? Gising ka na. Lalapag na yung plane” Hiro said as he kiss my head.

“ Para ka palang si Sleeping Beauty eh. Hahalikan muna bago gumising. So how’s your sleep, baby?” tanong niya sakin. Nag ok sign naman ako bilang sagot. Baby… how I wish na may gawing endearment din si JC sa akin. Na sana tawagin ako ni JC sa endearment na iyon. Shit Emerald! Stop thinking about your goddamn husband! He’s just hurting you. You’ll move on na diba?

“ Hiro, kukunin ko sana yung mga damit ko sa bahay namin ni JC, would you mind?”tanong ko sa kanya. Nakita ko naman siyang ngumiti. Dahil sa ngiti niyang iyon, napangiti na lang ako. Pero, alam ko sa ngiting iyon, wala dun yung hinahanap ko. Ano ba ang mga qualities na hinanap ko sa isang ngiti? Yung kay JC. Yung kay JC na lumalabas yung dimples. Yung kay JC na nakakapagpatigil sa ikot ng mundo ko. Yung kay JC---- EMERALD THALIA! Stop thinking na kasi… nasasaktan ka lang.

Pagbaba namin ng eroplano, hindi ako hinayaan ni Hiro na magbuhat kahit na anong bagahe. Hindi katulad ni JC, na kahit bagahe niya pinabuhat sa akin. Pinagbukas din niya ako ng pinto ng kotse. Siya yung nagdrive ng kotse papunta sa bahay namin, pero laking gulat ko ng nandoon na agad si JC sa labas ng bahay namin. Para siyang may hinihintay. Hinawakan naman ni Hiro yung kamay ko.

“ Gusto mo, ako na lang kumuha ng gamit mo?”tanong sakin ni Hiro. Umiling naman ako.

“ Okay lang. Ako na. Sira ka talaga. Hahaha. Hintay mo na lang ako”sabi ko after I faked a laugh. Bumaba na ako ng kotse then nagtuloy tuloy sa loob ng bahay. Naramdaman ko namang sumusunod si JC sa akin. Then suddenly, hinarap niya ako sa kanya.

“ And where do you think you’re going?”tanong niya sakin. Pero ang ikinagulat ko eh wala yung galit sa boses niya, instead nandoon yung pag-aalala at pagmamakaawa. O guni guni ko lang ulit?

“ Pupunta ako sa lugar kung saan walang may nananakit na asawa” taas noo kong sagot sa kanya. Nung nasa biyahe ako, napagisip isip ko na, minsan, kailangan ko din maging matapang, kailangan ko ding lumaban, kailangan ko ding sumagot. Pero willing ba akong masaktan, para lang lumayo sa taong mahal ko? Nagsimula na akong maglagay ng damit ko sa maleta. Pero to my surprise, lahat ng inilalagay kong damit eh inaalis din niya.

“ JC!? Ano ka ba!” sigaw ko sa kanya. Mas lalo lang akong nahihirapan eh. Heto nga ako pinipilit ang sarili na huwag tignan siya, kasi once na tinignan ko siya, lalambot lang ulit yung puso ko at baka magbago pa yung desisyon ko na iwanan siya.

“ Pupunta ka ba sa lalaki mo, ha!?” sigaw niya sakin. Pero yung boses niya, alam ko, pinipilit lang niyang patatagin. Pero bakit? Tinignan ko siya ng masama. Nag aalsabalutan na nga ako, iyon pa rin yung iniisip niya!?

“ Oo, pupunta ako sa lalaki ko, may angal ka!?” ganting sigaw ko sa kanya at pumunta sa banyo para kunin yung personal necessities ko. Kinuha ko na rin yung mga nalalabi kong damit sa cabinet ko, yung mga pictures ko pero iniwan ko yung kay JC, at isinilid lahat sa maleta. Nanlulumo namang napaupo si JC sa kama.

“ Alam ko, hindi mo yun kaya. Wala ka namang lalaki diba?” sabi niya sa akin at tinitigan ako. Sabi ko na nga ba eh, kapag tumingin ako sa kanya, mababawasan yung urge ko para umalis na sa puder niya.

“ Bakit, ngayon mo lang nalaman na wala akong lalaki?” tanong ko at pinipigilan ko yung sarili ko na huwag umiyak. Hindi ako iiyak. Hindi na ako iiyak sa harap niya.

“ A-ano b-ba ang k-kailangan kong gawin para hindi m-mo a-k-o iwan, Emerald ko?. Why don’t you give me a chance instead of leaving me? Please” tanong niya. Doon na ako napaiyak. Bakit? Bakit kung kelan buo na ang desisyon ko na iwan siya, eh tsaka pa siya gaganyan sa akin? Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit kelangan niya ulit akong paasahin tapos sa dulo eh sasaktan din naman niya ako. Hinawakan ko yung pisngi niya at hinalikan iyon. Last kiss ang peg?  Pero last chance? Is he worth my last chance? Pero diba, sabi ko, hindi na ako magpapakamartir. Iiwan ko na siya. Pero kapag iniwan ko ba siya eh sasaya ako? Hindi naman di ba? Kaya… I’ll give my last chance.

“ You need to love me again, Jayden.” Sabi ko. Tama naman diba? Kung mamahalin niya ulit ako eh di, hindi na niya ako sasaktan. Babalik na kami sa dati. Handa ko naman siyang balikan ulit kung hindi na ganoon yung asta niya.

Nagmamadaling tumakbo ako palabas ng bahay bitbit ang mga bagahe ko. Pumasok ako sa loob ng kotse ni Hiro at doon umiyak ng umiyak. Naiintindihan na niya siguro na kailangan ko ng oras. Oras para mag-isip. Oras para magdesisyon. Bumuntong hininga si Hiro pagkatapos ay tumawa. Napatingin naman ako sa kanya. Umiiyak na siya.

“ You do give him a chance, right?” tanong niya sakin habang nagmamaneho. Shit! Ano ba talaga ang nangyayari sa akin, si Hiro ba o si JC ang bibigyan ko ng chance? Umiiyak na tumango naman ako sa kanya at walang ano ano’y oitinabi niya yung kotse tapos prumeno.

“ Bakit kasi hindi na lang ako, Era!? I hate Jayden for having you! Bakit hindi na lang ako, ha!?” sigaw niya sakin. Mas lalo naman akong naiyak. Oo nga, bakit hindi na lang si Hiro? Si Hiro, hindi naman ako sasaktan. Si JC? Pero mahal ko si JC! SHIT! Ito ang nagagawa ng pag-ibig eh! Nakakapagpatangan ng tao. Kung gaano ako katalino, ganoon naman ako kabobo pagdating sa pag-ibig.

“ Hiro, mahal ko siya” sabi ko sa kanya pero kinabig niya lang ako payakap sa kanya.

“ Mahal din kita, Era. Mahal na mahal” sabi niya sakin at umiyak pa rin siya. Selfish na ba ako? Heto ako at sinasaktan ang taong nagmamahal sa akin.

Unti unting kumalma si Hiro at nagdrive na ulit.Hindi rin ako umimik. Dapat ako ang sinisisi dito eh. I deserve this kind of treatment. Tama lang na sinasaktan ako ni JC kasi nakakasakit din naman ako. Itinigil naman ni Hiro yung sasakyan niya sa tapat ng condo ko. Dito na siguro muna ako. Pero kahit ganoon ang nangyari sa amin ni Hiro, hindi niya ako pinabayaan. Iniakyat pa nga niya yung maleta ko sa penthouse. Hinawakan ko yung kamay niya bago siya umalis.

“ Try to understand me, Hiro. Please, I’m sorry” sabi ko sa kanya. Nakita ko namang lumambot yung expression niya at niyakap ulit ako.

“ Yeah. Ano pa nga ba? Andito lang ako, Emerald. Pag sawa na ang mundo sayo, andito pa rin ako. Mamahalin ka. Matututunan mo din akong mahalin, Era. Bye” sabi niya lang at umalis na ng penthouse. Ano ba ang nangyayari sa akin? Ano ba ang ginawa ko sa past life ko at nagkakaganito ako? May nagawa ba akong mali. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kaiiyak. Iniisip ko kung tama ba yung desisyon ko na iwan si Hiro at panindigan ulit si JC.

Tama ba ang desisyon ko? Tama ban a sinaktan ko si Hiro para lang kay JC? Pero ang sabi kasi ni JC, ano raw ang gagawin niya, manumbalik lang daw ako? Diba, kung titignan niyo yung side, parang hindi niya kaya na hindi ako kasama? Hiro & JC! Pinahihirapan niyo ako.

Sino ba ang dapat piliin?

Ang lalaking mahal na mahal mo ng sobra sobra, sagad sagad pero wala namang ibang ginawa kundi ang saktan, pahirapan at paasahin ka?

O?

Yung taong, kahit anong mangyari, talikuran mo man siya, saktan mo man siya, ikaw man ang magpaasa, mamahalin ka pa rin?

Ang hirap noon di ba?

AUTHOR’S NOTE:

Naguguluhan na si Emerald sa nangyayari. Binigyan niya ng chance si JC pero nasaktan na si Hiro. Anong masasabi niyo, TEAM HIRO?

I want to dedicate this chapter to barbsgalicia. She inspires me a lot at bukod pa doon, binigyan niya pa ako ng mga tips and advices :)

V O T E S, C O M M E N T S  A N D  S U G G E S T I O N S

-.- MGY

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 98K 61
"You can stop me but you can't stop my heart." *** The struggle of being a parent is real for Chase Buenaventura who only devoted his life to his ca...
1.8M 30.4K 48
Matapos ang masama at nakakatakot na nakaraan ni Lucky o kaya sabihin natin na masamang panaginip para sa kaniya. Paano kapag dumating na siya sa Pil...
1.3M 21.5K 59
Xhiana Zalean Ramirez did'nt expect na magkakaroon siya ng isang bagong kapatid at bagong ina. After her mom died, wala na siyang ginagawa kundi saya...
738K 12.3K 44
After the death of his unrequited love, Trivor McCain is more aloof to his family. He always go out in the morning and return to home drunk next day...