I married that stranger♥

By DreamieYann

1.4K 29 27

Sabi nila masarap sa feeling na yung taong pakakasalan at makakasama mo habang buhay ay yung taong mahal mo♥... More

PROLOGUE♥
Chapter 1♥
Chapter 2♥
Chapter 3♥
Chapter 4♥
Chapter 5 <3

Chapter 3 Part 2♥

135 3 4
By DreamieYann

 Medyo nag-enjoy po ngayong sembreak si author kaya ngayon lang nakapag-update hehe.

Dedicated sa kanya. Support din natin stories niya♥

Eto na po yung part 2 nung chapter 3!!

Unedit chapter po so pasensya na po..

Thank you sa paghihintay:)

ENJOY READING!

Chapter 3 Part 2♥

(A/N: Guys! pasensya na.. Medyo binago ko yung ibang details dito sa story ko.  Ginawa ko munang 3rd year college students ang ating mga bida. Sorry kung magulo. Peace po tayo hihi:D)

"Care to explain what's going on Mr. Andrade?!"


Aaron's POV 

Uh-Oh-uh-Ohhh woahhh (to the tune of 'Nasa'yo na ang lahat hahaha)

kidding aside, UH-OH..

Patay!! Lagooottt!

Di ko maiwasang mapakagat sa labi ko pero siyempre I tried my best to act cool and maintain my composure.

Lumingon ako sa side kung saan andun yung barkada. Well, unfortunately, *sigh* sila lang naman ang may pakana ng lahat ng ito at kung bakit ako lagot ngayon.

"Peace bro..." Travis mouthed kasabay ng pagpi-peace sign niya sa akin. Tsk! Di naman siya mukhang seryoso sa ginawa niya eh. Halatang nagpipigil sila ng tawa kaya naman hanggang pakikipagngitian nalang sila nila Phil.

I just gave him a deadly glare.

Aish!! kainis. Bakit ako nasa ganitong sitwasyon? Simple lang. I'll tell you what happened a while ago..

**********

First day of 2nd sem nga pala namin today. Nag bakasyon ako kasama ang pamilya ko sa Baguio kaya naman ayun kakauwi lang namin kaninang madaling araw. Buti nalang at di ako late dumating pero grabe naman! antok na antok pa ako. Konting tiis nalang at magfo-fourth year college na ko yes! Buti nalang good boy ako at hindi ako nadedetention kaya sure ako na hindi madedelay yung graduation ko.

Heto ako ngayon nasa isang sulok lang ng classroom. Marami-rami na din kami dito sa loob ng classroom kasi malapit na din mag-time. Hinihintay lang namin dumating yung prof. Yung iba nagbabasa ng libro, nagku-kwentuhan at yung iba, nag-aadvance review 'daw' naks!

Sa sobrang pagka-bored ko, inilabas ko ang cellphone at earphones ko para magsoundtrip. Nailagay ko na sa tenga ko yung earphones at balak ko sanang umubob sa table ko para makaiglip kahit sandali kaso naramdaman kong may tumapik sakin.

*tapik tapik*

Lumingon ako at nakita ko yung kabarkada ko. Mas lumapit pa siya sa akin wearing a very wide smile. Di ko maiwasang matawa. Sa isip-isip ko,'nako may kalokohan nanamang naiisip to.' 

Siya si Travis Drey Navarro. Ang pinaka makulit, mayabang, playboy at well, pinakamalakas mangtrip sa grupo. Siyempre di ko sasabihing siya ang pinakagwapo dahil ako yun. (Pagbigyan niyo na ko, minsan lang ako magbuhat ng sarili kong bangko.) Nga pala, ang pamilya niya ay nagmamay-ari ng isang clothing line at involved din sila sa food business. Sa lahat ng lalaki sa barkada, siya ang pinaka kaclose ko. Anyway, ano naman kayang kailangan neto?

"Oh bro kamusta?" 

"Ok na ok bro! Alive and kicking! yeahhh" tapos ginawa namin yung signature na batian namin. Yung nakaclose fist kami parehas tapos paguumpugin namin then bubuksan namin unti-unti yung kamay palayo sa isa't isa na tila bang may lumalabas na powers sa kamay namin.

"Mukhang inaantok ka ah. Tara't mag-isang bote muna tayo!"


Ano daw? Nagkibit-balikat nalang ako tsaka sumama sa kanya.

Nakita kong papunta kami sa puwesto ng iba naming kabarkada. Yung iba ay nakita kami agad kaya naman kinalabit nila yung iba pa nilang kasama na busy sa pagkukwentuhan para aware sila na parating kami. Lahat sila ay naka-abang sa amin ni Travis.

"Hey Andie!" si Phil yan. Ang happy-go-lucky ng barkada.Tsk. Sinamaan ko nga ng tingin. Ayoko kasing tinatawag ako sa first name ko. I just don't feel using it. 

"Naks pare pumopogi ata tayo ngayon ah!" Si Stan naman yan. Tinanguan ko lang. Alam ko naman kasing pogi ako eh. Siya naman ang pinaka gentleman sa grupo kaya naman marami din ang nagkakandarapa sa kanya.

"Yow." seryosong sabi ng pinsan kong si Migz. May topak nanaman ata. Never pa yan nagkaroon ng girlfriend at wala daw siyang balak magkaron. Minsan nga nagdududa na ko diyan eh.. de joke! hahaha.

"Tara't magsimula. Guys, handa na ba kayo para sa 'isang bote' session natin?!" Masayang sabi ni Travis.

'Ready!'

'Naman!'

'Aye aye captain!'

"Kung ganon, Phil, pakilabas ang bote!"

"TADAAAAA!!" sigaw ni Phil with matching hand gestures pa yan na nagshe-shake yung parang sa 'Ryzza Mae Show!'. Masiglang pinatong niya ang isang bote ng mineral water sa harap ko.

"Ano yan?! Akala ko ba mag-iisang bote tayo?" Di ko maiwasang magtanong. Ano nanamang pakulo ito?

"Oo nga mag-iisang bote tayo.. Kaya nga tayo maglalaro ng 'Spin-the-bottle' eh." 

Napailing na lang ako. This is so gay! Akala ko naman bote na ng beer o kaya naman bote ng Mang Tomas tapos papartner-an ng liempo o kaya naman crispy pata. Akmang tatayo na ako sa kinauupuan ko ng pigilan ako ni Travis. Tsk.

"Sandali pare. Wag namang KJ." 

"This is so gay.."

"It's just a game dude. Para din hindi tayo mabore kakahintay sa prof."

"Fine."

Sinimulan ni Phil iis-spin yung bote ng mineral water at una itong tumapat kay Travis.

'TRUTH OR DARE?!

"Truth."

"Ako na magtatanong!" sabi ni Phil. "Totoo bang nakaka 10-12 dates ka in one week?"


Napaisip si Travis at tahimik na nagbilang sa kanyang daliri. After 5 seconds...

"Yes." Baliwalang sagot ni Travis sa amin. Nanlaki ang mga mata namin at napanganga kami. Wow dakilang playboy talaga si Travis!

"Ok, nasagot ko na yung tanong mo kaya ako naman ang sunod na mag-spin."


Sunod na tumapat yung bote kay Migz.

"Truth or Dare?"

'Truth!"

"Ah dude.. No offense ha, pero, Are you gay?" Nanlaki ang mata ni Migz na halatang nagulat. Binatukan nalang niya si Travis at sumagot. "Malamang HINDI!" Just like what I've said before. hindi nakikipag-date si Migz at never pa siyang nagkaron ng girlfriend kaya siguro yan ang naitanong sa kanya.

Patuloy parin sila sa pag-spin ng bottle at never pa kong tinatapatan ng bote kaya naman nakinig at nanood nalang ako sa kanila. At sakto, eto na, sa akin na tumapat yung bote. I just gave them a bored look.

"Truth or Dare?" tanong ni Stan sa akin.

"Truth."

"Ok.. Nakamove on ka na ba kay Ai----"

"Dare nalang." Ayoko ng ganyang tanong lalo na't related sa kanya. Napatungo naman si Stan. Naguilty ata.

"Naks masaya to! First time may naglakas-loob magDARE!! Oryt! ako ang mag-iisip ng dare mo." Alam ko namang tinatry ni Travis ichange yung awkward atmosphere kaya nakisakay nalang ako sa trip niya. Buti naman at naiintindihan niya ako.

*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNNGGGGG!!*

"Nako time na pala----"

"Uhm sige ito ang dare mo. Yung unang papasok na latecomer diyan sa pintuang iyan, kailangan mong pakantahin sa harap ng klase. Ikaw na bahala kung paano mo gagawin yun. Madali lang naman diba? GOOD LUCK!" 

"Pero---"

"Bawal tumanggi Mr. Andrade. Mamili ka, itutuloy namin yung question namin sayo sa TRUTH? or gagawin mo yung DARE?" He showed a devilish grin on his face. OWWW BLACKMAIL. Ano pa nga ba magagawa ko? Tsk.

'Fine!"



Maya-maya may nakita akong babaeng papasok sa classroom kaya naman dali-dali akong pumunta sa harapan. Nanghiram din ako ng eyeglasses sa isang 'nerd' sa klase para naman prof na prof ang dating. I will grab this chance to do my dare.

(A/N: See Aaron's picture ----------------------->)

"You're late."

"I'm so sorry sir." 


Napansin kong balak niya nang umupo sa isang vacant seat kaya naman pinigilan ko.

"Stop right there miss?" binigyan ko siya ng isang What's-your-name? look. Mukhang nagets naman niya at agad na sumagot.

"Miss Ellie Nicole de Asis sir."

"Do you know that there's a punishment for latecomers in my class?" Inikutan ko siya habang nagsasalita. Narinig kong nagtawanan sila Travis kaya naman agad akong lumingon sa direksyon nila at pinandilatan sila ng mata. Mamaya mahalata ako niyan eh. Tsk.

"Sorry I'm not aware of that sir." She said, bowing her head. I think I'm enjoying this! Ganito pala yung feeling na magprank.

"Well, ignorance of the law is not an excuse miss?" sabi ko habang nakahawak sa chin ko. Wait nakalimutan ko yung name niya----oryt! I remember now. "Yeah, right miss de Asis."


Nagpause siya sandali pero maya-maya ay sumagot din. Tumingin siya sakin ng matalim pero agad niyang binawi.

"So what do you want me to do sir?"

"Latecomers are expected to sing infront of the whole class." Hindi ko mapigilang mangiti sa sinabi ko. Tumingin ako sa side nila Travis kaso wrong move pala yun dahil parang mas hindi ko mapigilan ngumiti. 

Ngayon, mas gusto ko na tumawa dahil sa panlalaki ng mata niya at halatang nagulat. 

"Y-you're unbelievable s-sir."

"Is that a compliment? Well, thank you!"

Narinig kong nagtawanan nanaman yung barkada. Loko talaga tong mga to.

"Do it now miss. Stop wasting our time. We'll be starting our lesson."


Pumunta ako sa harap ng classroom para kunin ang atensyon nilang lahat. Besides, alam naman nila ang plano ko. Yes lahat sila ay kasama sa kalokohang ito kaya naman kawawa ang babaeng ito.

"Guys guys!" sabi ko habang pumapalakpak. "We have a late comer here and she said she'll sing a song for us so let's listen to her golden voice." Umalis na ko sa gitna at naghanap ng magandang puwesto para panuorin siya.

Tinanguan ko siya para sabihing magsimula na siya. Nakita ko pang nag-apiran yung barkada. Loko talaga. Napabuntong hininga nalang siya at nagsimulang kumanta.

"Nang ikaa'y ibigin kooow,


Tumingin ako sa side nila Travis and he mouthed 'Yung maayos.' sabay ngiti ng nakakaloko.

mundo ko'y biglang nagbagoow. Akela koo'y ika'y laangiitt yun pal--"


Alam kong wala siyang balak seryosohin yung ginagawa niya kaya naman ininterrupt ko siya sa pagkanta.

"What are you doing miss de Asis?" 

"Uhm.. singing?" tsk! Sarcastic!

"You call that singing huh?!" now I'm pissed. Pero may brilliant idea ako agad. "Alright. I have no choice so I'll consider this as your first quiz. No, I'll consider this as the whole class' first quiz." 

Yung iba umaangal pero nakangiti. Naks! bilib na ko sa acting skills nitong mga to ah (sarcasm). Buti nalang hindi napapansin nung babae.

"Pero sir--"

"No buts miss de Asis. Alalahanin mo, quiz ng buong klase ang nakasalalay sayo. Let's proceed."

"Yes sir."


She cleared her throat and started to sing.

♬ I like the way you sound in the morning
We're on the phone and without a warning
I realize your laugh is the best sound I have ever heard
I like the way I can't keep my focus
I watch you talk, you didn't notice
I hear the words but all I can think is we should be together♬

0__________0 ako yan!

♬ Every time you smile, I smile
And every time you shine, I'll shine for you

Woah-oh I'm feeling you baby
Don't be afraid to jump then fall
Jump then fall into me
Baby, I'm never gonna leave you
Say that you wanna be with me too
Cause I'm gonna stay through it all
So jump then fall 


Ang ganda ng boses.. niya. Ngayon ko lang napansin, ang ganda niya pala. Lalo na ngayon at feel na feel niya ang pagkanta.

♬ And every time you smile, I smile
And every time you shine, I'll shine
And every time you're here, baby I'll show you
I'll show you you can jump then fall
Jump then fall
Jump then fall into me
Into me
Yeah.. 


She bowed. Natulala ako lalo ng makitang siyang ngumiti. Nakarecover ako agad sa gulat at hindi nagpahalatang na-impress ako. Nakipalakpak na din ako sa mga classmates ko.

"Thank you for that heart-warming song of yo--" Di ko na natuloy yung sasabihin ko kase dumating yung..... real prof. >______<

"Care to explain what's going on Mr. Andrade?!"


Lagot!

*********

So ayun nga ang nangyari. Well, back to reality tayo.

"Care to explain what's going on Mr. Andrade?!"

"Ah sir this is just a misunder-----" 

"I don't need your excuse. Go to the detention room now!" Kita mo to. Sabi mag-explain daw tapos 'I don't need your excuse.' daw. Ugh..

"And you too miss?"

"Miss de Asis sir."

"And you too miss de Asis. Both of you go now. I'll start my lesson soon."

ELLIE'S POV

"And you too miss de Asis. Both of you go now. I'll start my lesson soon."

WHAT?! Bakit ako nadamay dito. Kainis na lalaki to pati ako nadamay sa kalokohan niya. Pinapapunta kami ngayon sa detention room and to sum it up, first day of 2nd sem pa ngayon! GREAT!

Padabog akong naglakad at inunahan siyang lumabas ng classroom. Naramdaman kong may humawak sa braso ko kaya napalingon ako.

"Look, I'm sorry okay?" His eyes pleading. Pero kahit na! galit pa rin ako because he ruined my first day of classes. Binawi ko ang braso ko sa kanya at sinagot siya.

"We're not done yet Mr. Whoever-you-are." sabay irap at walk-out.

 

Continue Reading