The S.A.I.N.T.S 2: Reloaded

By iangelspark

953K 31.8K 6.7K

Every saints has a past, and every sinner has a future. -Oscar Wilde Book 2 of the The S.A.I.N.T.S. Basahin n... More

The S.A.I.N.T.S. 2 Reloaded
Prologue
Reloaded 1
Reloaded 2
Reloaded 3
Reloaded 4
Reloaded 5
Reloaded 6
Reloaded 7
Reloaded 8
Reloaded 9
Reloaded 10
Reloaded 11
Reloaded 12
Reloaded 13
Reloaded 14
Reloaded 15
Reloaded 16
Reloaded 18
Reloaded 19
Reloaded 20
Reloaded 21
Reloaded 22
Reloaded 23
Reloaded 24
Reloaded 25
Reloaded 26
Reloaded 27
Reloaded 28
Reloaded 29
Reloaded 30
Reloaded 31
Reloaded 32
Reloaded 33
Reloaded 34
Reloaded 35
Reloaded 36
Reloaded 37
Reloaded 38
Reloaded 39
Reloaded 40
Reloaded 41
Reloaded 42
Reloaded 43
Reloaded 44
Reloaded 45
Reloaded 46
Reloaded 47
Reloaded 48
Reloaded 49
Reloaded 50
Reloaded 51
Reloaded 52
Reloaded 53
Reloaded 54
Reloaded 55
Reloaded 56
Reloaded 57
Reloaded 58

Reloaded 17

18.6K 602 116
By iangelspark


A Love Story



Sabina's POV


One week...


Hindi na naman siya nagparamdam sa akin sa loob ng isang linggo. Wala man lang siyang ginawa para ipagtanggol ang sarili niya laban sa mapanghusga kong isip.


Nandito ako ngayon sa plantation. Wala kaming masyadong order dahil tag-init at konti lang ang mga bulaklak na nakatanim.


"Sab, break na ba kayo nung bf mong si Mr. Dimples? Hindi na naming nakikitang pumupunta dito." Tanong ng isa sa mga kasamahan kong may pagka-tsimosa.


Nginitian ko lang siya. Wala akong sa mood makipag-usap kahit kanino.


Nang mapansin na niya na wala siyang mahihita sa akin nagtungo nalang ito sa may sala at nanuod nalang ang tv. Ilang metro lang naman ang layo nito sa reception area kung nasaan ako.


Napailing ako ng biglang bumukas ang pinto. May isang babaing pumasok na nakasuot ng saya at may hawak na malaking abaniko. Maririnig mo ang lagatok ng kanyang hakbang dahil sa sapin niya sa paa na bakya. May belo na nakapatong sa kanyang ulo.


"Magandang umaga...?" Alangan kong bati habang hinhintay na sabihin niya ang kanyang pangalan.


Mabilis niya ibinuklat ang kanyang abaniko kaya lumikha ito ng ingay. Maging ang kasama kong nanunuod ng tv ay napalingon sa gawi namin.


May saltik ba ang babaing ito? Tanong ko nalang sa isip.


"Maria Clara Dimaguiba." Napataas ang kilay ko sa pangalang sinabi niya.


Seriously? Maria Clara? May sayad nga ang babaing ito.


"Anong maipaglilingkod ko Miss Maria Clara?"


"Hindi Miss. Binibini dapat." Pagtatama niya pa sa aking sabay tawa.


"Ok."


"Nag-aayos pa kayo ng mga bulaklak para sa mga okasyon?"


"Opo."


"Gusto ko magpagawa ng anim."


"Ok para po saang okasyon?"


"Sa lamay." Napatitig ako sa mata niya at bigla akong may napansin ngunit saglit lang ito.


It was excitement.


Hindi ko makilala ang buong itsura niya dahil sa abanikong nakatakip mula sa kanyang ilong pababa sa buo niyang mukha at samahan pa ng puting belo nguinit nakuha niya pa akong kindatan.


Ibinigay niya sa akin ang details ng gusto niyang flower arrangement. Gusto niya yung arrangement na nakalagay sa maliit na basket lang at makulay na bulaklak ang ilalagay. Paisa-isa niya itong kukunin. May pinauna siyang pinagawa at hihintayin nalang niya itong matapos.


Umupo siya sa sofa. Habang nandoon siya at nakikinuod ng tv ay hindi mawaglit sa isip ko ang mga kilos ng babaing ito. Kahit nakaharap sat v ay nakatakip parin ang abaniko sa mukha niya.


Sino ka ba? At bakit hindi maganda ang pakiramdam ko sayo?


Suminghap ang mga kasama ko dahilan upang mabaling ang tingin ko sa tv at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon naka-flash sa monitor.


Breaking News:

Bombings happening simultaneously in different key cities across the globe.


Ipinakita ng news ang pare-parehas na oras ng pagsabog na kuha mismo ng mga salarin na pinadala nila sa istasyon ng media.


Karamihan sa naganap na pagsabog ay mula sa mga bansang France, Canada, Italy, United Kingdom, U.S.A., Syria, Iraq, Iran, Turkey, China. Russia, Korea, Japan, at Singapore.


Pagkatapos ipalabas ang mga kuhang video ay isang logo ang lumabas mula sa screen. It was a double K yung saan naka-reverse yung unang letter K at magkadikit dito ang pangalawang letter K.


It was the logo of Kronus.


Biglang huminto ang mundo ko at bumalik sa akin lahat ng nangyari noon. Buong buhay ko ay minulat ako sa ideyang masama ang Kronus at ito'y totoo naman paulit-ulit yung pinapaalala sa amin ni Madame Z. Hindi mawawala sa akin ang mga sinabi niyang kailangan namin silang sugpuin dahil kung hindi kami ang papatayin nila.


Ang makitang muli na gumagawa na naman sila ng karahasan ay isang malaking insulto sa akin. Buong akala ko ay nalipon na namin sila dalawang taon na ang nakakalipas.


"Maaaring naputol nyo nga ang puno at napigilang itong magbunga pa ngunit hindi nyo naman nahugot ang ugat na pwedeng dahilan ng muli nitong pag-usbong."


Napalingon ako kay Maria Clara. Nakatingin parin siya sa tv ngunit ang matalinghagang katagang sinabi niya ay alam kong patungkol sa Kronus at tama siya hindi maipagkakailang hindi pa namin napuputol ang ugat nito.


Ang tanging iniisip ko lang noon ay ubusin lahat ng miyembro ng Kronus ngunit hindi ko naisip maaaring may ibang nakatakas na miyembro nito na magtatangka na muli itong buhayin. Isa pa pagkatapos ng nangyari mas pinili kong magkaroon ng ibang pagkakaabalahan. Mas pinili kong magkaroon ng tahimik at normal na buhay malayo sa aking nakagisnan at nakasanayan.


Hindi ko akalain hindi pa pala tapos ang laban at muling mag babalik ito.


Isang desisyon agad ang pumasok sa isip ko.


"Hoy! Sabina saan ka pupunta?" Tanong ng kasama ko. Lumingon ako sa kanya at sinabing.


"I resign!"


Sa gilid ng mata ko ay nakita kong ngumisi si Maria Clara sa likod ng kanyang abaniko.





Stephie's POV


Isang linggo na ang nakakaraan at mahirap talagang maghanap ng taong ayaw magpakita. Nakakaloko talaga ngayon naman ako ang naghahabol at naghahanap.


Nakabalik ako sa Skylark ng matiwasay. Nagkaroon narin kami ng meeting tungkol sa susunod na gagawin sa mga trainees.


Meron parin silang mga subjects ngunit konti nalang ito mostly masasabak na sila sa actually mission with their partner, a senior agents.


Naglalakad ngayon patungo sa lounge ng biglang nag-iba ang mga pinapalabas sa mga LED screens. Napahinto ako ng makita ang nakakakilabot terorismo na pinapalabas ngayon sa screens sa buong Skylark Main.


Napansin ko rin si Tammie, Ice, Nicola at iba pang agents na nakatambay sa lounge na tutok na tutok sa screens.


And the last part of that video hit me.


Kronus is at large again and they are promoting chaos.


Akala ko ba tapos na ito?


Natigil lang ako sa malalim na pag-iisip ng makarinig kaming lahat ng announcement.


"Attention! Attention! To all agents that present you are required to go the mission hall immediately."


Paulit-ulit ang announcement na iyon at agad kong nakita ang pag-do-double time ng mga agents na nasa lounge. Sa pagmamadali nila ay muntik na nila akong mabunggo kaya tumabi ako.


Maya maya pa ay nasa tabi ko na si Ice.


"Stephie? Kasama ba tayo dun?"


"I think so?" Hindi ko rin alam kung kasama ba kami ngunit sa aming SAINTS si Cola lang yata ang parang hindi nagpapanic sa nangyayari ngunit nagmamadali din siyang sumusunod sa mga agents patungong mission hall.


Alam niya na ba ang tungkol dito?


"Anong pang hinihintay nyong dalawa dyan? Tara let's." Tawag sa amin ni Tammie na naka-medical gown.


"Agent ba tayo?" Tanong uli ni Ice.


"Oo Ice, ilang taong ka nabang palamunin ng Skylark?"


"Grabe ka naman Stephie...pero tama ka ang tagal ko na dito at halos pampered ako siguro nga agent na ako."


"Halika na nga!" Hinila ko na siya bago pa kung anu-ano ang sabihin niya at sumunod na kami kay Tammie at Nicola.


Pagpasok namin sa mission hall ay medyo marami paring mga agent ang naroon ngunit hindi sapat na mapuno ang mission hall. Maaaring nasa mga mission pa ang iba.


Mas marami ang Elites agent na nakatayo sa kanan bahagi at sakop nila ang mga upuan doon. Nasa harapang upuan naman sa kaliwa ang Angels, Wing Agents na si Roscoe at Branzen at iba pang special agents.


Walanghiyang yan! Kung saan saan ako naghahanap sa kanya nandito lang pala siya. Napailing nalang ako habang papalapit kami sa upuan sa likod nila kung nasaan naroon na ang magsyota. Si Tammie at Euan.


Maaring umalis siya pero naiinis talaga ako dahil para akong tangang hinahanap siya ngunit mukhang hindi naman niya ako kailangan.


But wait a minute nasaan yung isa pang member ng Wing?


Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko siya sa itaas na parte sa bandang dulong upuan kasama si Nicola.


Wow lang! Nakuha pa talagang umupo sa dulo ng dalawang iyon.


Rinig sa mga agent ang bulung-bulungan sa nangyari.


"We're at war!"


"Mukhang maa-assign tayo sa isang malawakan mission at sobrang mapanganib."


"Let's wait for the announcement of kay Genaral Hawk."


At pagkasabi nga ng pangalan ni General Hawk ay dumating ang buong pamunuan ng Skylark kabilang doon ang dalawang Airwing Commander.


Nagkaroon ng formation kung saan nakahilera sa likod ang mga Lt. Colonel at nasa harapan si General Hawk. Tumayo naman lahat ng agent's including us to pay respect.


"Alam kong alam niyo na hindi maganda ang dahilan kung bakit tayo nagtitipon ngayon dito sa mission hall. Isa lang ang ibig nitong sabihin. Nalalapit na ang isang napakalaking digmaang pandaigdig."


Tumango ang mga agents.


"Nobody is safe even us but we can do something to lessen the damage."


Sa pagsabi noon ni General Hawk ay nagmartsa paabante si Commander Bob.


"May ilan na tayong casuality na naitala sa Turkey kung nasaan ang isa sa pinakamalaki nating base."


"Permission to talk sir."


"Yes, Agent Torres." Sagot ni Commander Bob sa pag-i-interrupt ni Reeva.


"Nasa Turkey po ngayon si Agent Lachlan gusto ko pong malaman kalagayan niya."


"We don't have the list yet." Nanlumo si Reeva na bumango nalang at muling tumayo ng tuwid. Bakas sa mukha niya ang takot at pag-aalala.


"Maupo na kayo." Utos ni Commander Bob.


Umupo kaming lahat ngunit napukaw ng pagkilos ni Branzen patungo kay Reeva ang mata ko. Lumapit siya dito ay may ibinulong sinuntok siya nito ng marahan sa braso bago napangiti.


Tumingala nalang ako at umirap sa kawalan. Napalingon ako bigla kay Ice ng tumingala din siya na waring may hinahanap.


"Anyare sayo Ice?"


"Sinong kaaway mo dun?" Tanong niya habang nakatingala.


"Wala! Makinig ka na lang nga." Iseah talaga kahit kailan.


"Isa pang dahilan kung bakit kayo ngayon nandito dahil sa isang kwento nais kong ibahagi."


"Ayos yan Commander Bob tungkol saan ba?"


"It's a love story..." Kanya kanya ng reaksyon ang mga agents. Yung iba medyo kinilig. "Maaari nyong sabihing cliché na ang plot ng ikukwento pero napakaganda ng twist sa dulo."


Kahit ang mga pinuno ng Skylark ay napapangiti nalang sa mga sinasabi ni Commader Bob. Kahit papaano ay napagaan niya ang medyo mabigat na nararamdaman ng lahat dahil sa napunuod namin kanina.


"Simulan na yan!" Sigaw ni Andy sa likod.





Andrei's POV


Sumigaw ako upang tumigil na si Commander Bob sa pagpapasikot-sikot niya. Mabuti naman at nakinig siya.


"Ang tulong sa kung papaanong nabuo ang Kronus."


"Saan ang love story dun?" Napansin ko ang pag-iling ni Roscoe.


"Maghintay ka lang Agent Falcon...kikiligin ka dito." Sagot sa kanya ni Commander. Naghiyawan naman ang ibang agents.


Ngunit ang pagiging interesado ng katabi ko sa mga sinasabi ni Commander ay napalitan ng pagkabagabag.


"Para mas maka-relate kayo gumawa ako ng visual representation. Matagal ko na itong nagawa pero ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataon na ipresinta." Gumilid ang mga pinuno at nagsiupo na sa mga silyang nakalaan sa kanila. Mula sa itaas ng stage ay isang malaking screen ang unti-unting bumababa.


"Once upon a time..." Pagsisimula ni Commander Bob na medyo nilakihan ang boses. "...there was a rich boy. He was very rich that he can do anything he likes, he can get anything he wants and he was a genius."


Napalingon muli ako kay Nicola na nanginginig ang mga kamay na nakayukom.


"Ahemm...Naubusan na ako ng english tatagalugin ko nalang." Nagtawanan ang mga agents. "Dahil sa pagkabagot sa buhay ay humiling ang lalaki sa kanyang ama na umalis at mag-aral sa pinaka prestihiyosong paaralan ng mga Genius ang Academia de Cendanna."


Napatingin ako bigla kay Tammie at Euan na biglang humigpit ang pagkakaholding hands.


Naalala ko tuloy ang naging adventures namin sa lugar na iyon. Thrilling!


"Buong akala niya ay siya na ang pinakamagaling sa lahat pagpasok niya doon ngunit nagkakamali siya dahil isang babae ang nakatapat niya. Nagsilang magkalaban sa lahat ng bagay kundi una ay pangalawa ngunit hinding hindi sila nagtatabla."


Mula sa screen ay may animation na ipinakita. Lahat ng binanggit ni Commander Bob ay binigyang buhay ng animation. Ang pagigingmaluho ng lalaki at ang pagiging nilang magkaaway nung babae.


"Dumating nga ang isang piging sa palasyo at lahat imbitado at sa unang pagkakataon ang magkaaway na panig ay nakadaupang palad. Isang magandang tanawin ang nilikha nila habang sumasayaw at hindi nga nagtagal isang bagong digmaan sa pagitan nila ang nagsimula. Ang digmaan ng pag-ibig."


Iba't ibang reaksyon ang makikita ko sa mga agents maging sa mga pinuno ngunit iba ang reaksyon na ngayon ng katabi ko. Nakayuko siya at parang nahihirapang tumibok ang puso niya.


"Cliché nga pero ang sweet." Sabi ni Lalaine.


"Naging sila at umabot nga iyon sa pagpapakasal at pagbuo nila ng pamilya. Nabiyayaan sila ng anak."


Marami kinilig sa kwento pero ito susunod na parte na ang twist.


"Hindi lahat ng kwento ay masaya. Maraming ideals ang babae at gamit ang kanyang katalinuhan ay gusto niyang gawing ligtas at maganda ang mundo para sa kanyang anak kaya binuo nilang mag-asawa ang Kronus. Maganda ang hangarin nito noong una ngunit dahil hindi maiiwasan na may mga taong sakim at ganid...nagbago ang lahat."


"Nawala sa kapangyarihan ang babae at nasilaw ang lalaki sa kapangyarihang maaari niya pang makuha pagpinamunuan niya ang Kronus."


"Hindi yan totoo." Muli akong napalingon ng marinig kong nagsalita si Nicola. Ako lang ang nakakarinig nito ngunit bakas ang matingding pagsalunghat niya sa sinabi ni Commander Bob tungkol sa lalaki bida sa kwento


"Dahil sa lalaki lalong lumawak ang kapangyarihang sakop ng Kronus at sa kasamaang palad nilamon ng sistema ang kanyang isip dahil nakuha niyang patayin ang sarili niyang asawa."


"TAMA NA!"


Sa pagsigaw ni Nicola sumabog ang mga ilaw sa paligid ng mission hall. Nagulat ang lahat at napatingin kay Nicola. Hindi ko alam kung bakit unti-unting nababakas ang takot nila habang nakatingin sa kanya kaya dahan dahan ko siyang nilingon.


Napalunok ako at nababalutan na rin ng takot.


Her eyes...it is all black.

Pumikit ako at iniwas ang tingin ko ng sinubukan ko dumilat. Sinigurado kong kay Commander Bob ako nakatingin. Nakangisi siya at habang kinuha ang isang ball pen sa kanyang bulsa sa kaliwang dibdib. Pinindot niya ang dulo nito.


Pumikit ako't bumuntong hinihinga.


Ok kaya ko 'to!


Tumayo ako at humarang sa tapat ni Nicola.


Hindi ko alam kong ano ang tumatakbo sa isip niya ngunit isa lang ang dapat kong gawin. Ibalik ang dating kulay ng mata niya at pakalmahin siya.


"Umalis ka dyan." Madiin niyang sabi sa akin.


I need to set aside my fear. I smile and hold her both hands up.


"I'll be honest with you... This was my entire fault."


Kami na ngayon ang sentro ng atensyon ng lahat ng nasa mission hall.


Naningkit ang mata niya at napakurap naman ako ng ilang beses. Marahas niyang kinuha ang mga kamay niyang hawak ko. Akala ko ay gagamitan niya ako ng kapangyarihan niya ng muli niyang iangat ito ngunit ginamit niya lang ito para itulak ako at magwalk out palabas ng mission hall.


"Whoah!" Napasigaw ako habang bumuntong hininga ng sobrang lalim.


"Ano pang ginagawa mo Ravendale! Habulin mo!" Sigaw ni Commander Bob.


Napakamot ako sa ulo habang sinusunod ang utos niya.


Habang patungo ako sa labasan at hindi ko inasahan makikita na nakatayo sa gilid nito si Dark. Tumango ako sa kanya bago tuluyang lumabas.


"San naman kaya nagpunta yun?" Tanong ko sa sarili. Nilibot ko ang mga possibleng lugar na pwede niyang puntahan at finally nakita ko siyang nakatayo sa ilalim ng isang puno. Nakahawak siya sa katawan nito habang ang isang kamay ay nakahawak naman sa kanyang dibdib sa bandang puso.


"Nicola..." Pagsisimula ko. "I'm sorry ginagawa ko lang ang tungkulin ko as agent. Bilang agent kailangan kong maging tapat sa aking superior sa isip, sa salita at sa gawa. Hindi ko naman alam na iibahin niya ang kwentong narinig ko mula sa mga magulang mo sa tower."


Hindi siya umimik.


I guess galit parin siya sa akin.


"Kung...ano man...ang gusto mong...gawin sa akin...ayos lang. Tatanggapin ko ang kaparusahan mula sayo."


Tumayo siya ng maayos.


"Hindi ko kayang gawin yun..." Sabi niya.


"Ang alin?"


"Ang saktan ka." Humarap siya sa akin. "Nang hawakan mo ako kanina isang pangitain ang nasagap ko. It was you who can help me achive my goals pero hindi ibig sabihin nun ay kakalimutan ko nalang ang ginawa mong ito."


Parang nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.


"Kung ganun tatanggapin mo ba ang iaalok ko para makabawi man lang." Dahan dahan siyang naglakad patungo sa akin.


"Ano ba ang iaalok mo?"


"You and me against the world." Nag-iba na naman ang timpla ng mukha niya. "Biro lang! Ang gusto ko mangyari ay kung tatanggapin mo ba akong partner sa mga misyong darating? Batid kong nandoon narin naman ang training nyo ngayon. You need senior partner. I am a senior and available."


"Seryoso ba yan?"


"Yes! So ano yes na?" Tumango siya.


"Ano yang tango na yan? Speak up."


"Oo na."


"Yes! Sinagot niya na ako."


"Siraulo! Mauna na ako baka magbago pa isip ko at gawin kitang abo." Nagsimula na siyang maglakad palayo sa akin.


Medyo naalog ang utak ko at parang may ibang boses akong narinig ng sabihan ako ng 'siraulo' ni Nicola. Piniling ko nalang ang aking ulo upang iwala ito.


Nasisira ang ulo ko tuwing naririnig ko ang boses na yun.


"Ok Black Hole." Nakangisi ko nalang na sabi habang pinagmamasdan siya.


"Black Hole?" Napahinto siya at tinanong iyon sa akin. Alam ko naman magtatanong siya kung bakit.


"Yan ang magiging call sign mo pagnagsimula na ang misyon natin."


"Ok at ikaw anong call sign mo?" Tumawa ako ng mahina tapos unti-unting lumakas.


"Uwak ako yun, si Lawin si Hawk at si Roscoe si Tweety Bird." Tumawa ako at napangiti ng medyo napansin ko ang pagpipigil niyang sabayan ako. "Yun kay Roscoe biro lang yun Dumagat talaga ang call sign nun."


"At bakit Black Hole?" Nagtataka talaga siya sa binigay kung call sign sa kanya.


"Para ka kasing Black Hole isang lugar kung saan nababaluktot mo ang espasyo at oras na hinding hindi mapapasok ng liwanag."


Natigilan siya sa sinabi ko at hindi na nagsalita. Naglakad nalang muli siyang palayo sa akin.


Kanina habang nakatitig ako parang hinihigop ako papasok sa loob ng black hole na yun at ngayon tuluyan na akong nasa loob nito palutang-lutang at mag-aabang ng mga susunod na mangyayari sa akin.


Pagkatapos ko siyang kausapin ay agad akong nagtungo sa opisina ni Commander Bob.


"Ano kumusta napapayag mo ba? Tagumpay ba ang plano." Atat na atat siyang naghihintay sa sagot ko.


Umupo muna ako sa couch bago siya sinagot.


"Hindi ko akalaing iibahin mo yung kinuwento ko sayo."


"Hindi ko yun iniba Andy, alam kong ganun talaga ang gustong palabasin ni Maribel at Ruben upang mahuli ang totoong nagtataksil sa kanilang samahan. Ngunit nauwi sa trahedya ang lahat. Kung hinayaan lang sana ako ni Miss Barrientos na tapusin ang kwento ko kanina malalaman niyang may magandang twist pa ito sa dulo."


"Magulang niya kasi ang pinag-uusapan dito. At alam niyang alam ko ang buong sikreto niya."


"Alam ko alam ko...malaki ang magiging epekto ng kwentong iyon sa kanya kaya ko pinalabas na ganun. Pero ang tanong napapayag mo na ba siya?"


"Kahit nag-50-50 uli ako...opo nagawa ko ang gusto niyo mukhang umaayon din naman ang pangyayayari sa inyo. Unti-unti nyo ng nabubuo ang ZelleCrow na siyang gagamitin nyo laban kay Colonel."


"Magaling Andy, para din naman ito sa lahat. Gusto ko lang makuha ng buo si Nicola sa Skylark at dahil mukhang ikaw lang ang pinagkakatiwalaan niya ikaw lang ang maaari niyang maging partner."


"Hindi naman sila magdadalawang isip na muling makipaglaban upang pabagsaking muli ang Kronus. Sa palagay ko nga ay handa silang ialay muli ang kanilang mga sarili upang lumaban."


"Sayang nga lang at kulang sila ng isa. Mas malakas sana ang magiging pwersa ng anim."


Napapikit ako sa sinabi ni Commander.


Gustuhin ko mang isali sa laban ang kapatid ko hindi rin maaari dahil sa kalagayan niya.


"May problema ba Andy?"


"Wala po...aalis na ako."


"Sige mag-ingat ka."


Lumabas ako sa Skylark na iniisip ang mga susunod na maaaring mangyari sa mundo. Pagdating ko sa bahay ay nagulat ako ng makarinig ng kalabog sa kwarto ni Andrea. Nagmadali akong magtungo sa kanyang kwarto at naabutan ko siyang gumagapang patungo sa may telepono.


Bukas ang t.v. at nakikita ko ngayon ipinapalabas dito ang nangyaring pagsabog sa iba't ibang lugar sa mundo.


"Kuya, kailangan kong gumaling. Hindi pa tapos ang laban!"


Bungad ni Andrea sa akin.




>>>>>>To be continued<<<<<<

T

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
14.3M 435K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
1.6M 62.9K 37
Lucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out wh...
56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...