Will you be his BABY . . .MAK...

By Khira1112

24.5M 250K 26.7K

UNEDITED VERSION. Maraming errors. Maraming wrong grammar at maraming emoticons. Read at your own risks. More

PROLOGUE
WYBHBM~~ Chapter 1
WYBHBM ~~Chapter 2
WYBHBM ~~ Chapter 3
WYBHBM ~~ Chapter 4
WYBHBM ~~ Chapter 5
WYBHBM ~~ Chapter 6
WYBHBM ~~ Chapter 7
WYBHBM ~~ Chapter 8
WYBHBM ~~ Chapter 9
WYBHBM ~~ Chapter 10
WYBHBM ~~ Chapter 11
WYBHBM ~~ Chapter 12
WYBHBM ~~ Chapter 13
WYBHBM ~~ Chapter 14
WYBHBM ~~ Chapter 15 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 15 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 16
WYBHBM ~~ Chapter 17
WYBHBM ~~ Chapter 18 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 18 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 18 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 18 part 4
WYBHBM ~~ Chapter 19
WYBHBM ~~ Chapter 20 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 20 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 21
WYBHBM ~~ Chapter 22
WYBHBM ~~ Chapter 23
WYBHBM ~~ Chapter 24
WYBHBM ~~ Chapter 25 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 25 part 2
WYBHBM ~~Chapter 25 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 25 part 4
WYBHBM ~~ Chapter 25 part 5
WYBHBM ~~ Chapter 26
WYBHBM ~~ Chapter 27
WYBHBM ~~ Chapter 28 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 28 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 28 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 29
WYBHBM ~~ Chapter 30
WYBHBM ~~ Chapter 31
WYBHBM ~~ Chapter 32
WYBHBM ~~ Chapter 33 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 33 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 33 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 34 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 34 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 35
WYBHBM ~~ Chapter 36
WYBHBM ~~ Chapter 37
WYBHBM ~~ Chapter 38
WYBHBM ~~ Chapter 39
WYBHBM ~~ Chapter 40
WYBHBM ~~ Chapter41
WYBHBM ~~ Chapter 42
WYBHBM ~~ Chapter 43
WYBHBM ~~ Chapter 44 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 44 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 45 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 45 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 45 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 46
WYBHBM ~~ Chapter 47
WYBHBM ~~ Chapter 48
WYBHBM ~~ Chapter 49
WYBHBM ~~ Chapter 50 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 50 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 50 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 51
WYBHBM ~~ Chapter 52
WYBHBM ~~ Chapter 53
WYBHBM ~~ Chapter 54
WYBHBM ~~ Chapter 55 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 55 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 55 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 56
WYBHBM ~~ Chapter 57 part 1
WYBHBMM ~~ Chapter 57 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 58 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 58 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 58 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 59
WYBHBM ~~ Chapter 60
WYBHBM ~~ Chapter 61
WYBHBM ~~ Chapter 62
WYBHBM ~~ Chapter 63
WYBHBM ~~ Chapter 64
WYBHBM ~~ Chapter 65
WYBHBM ~~ Chapter 66
WYBHBM ~~ Chapter 67
WYBHBM ~~ Chapter 69
WYBHBM ~~ Chapter 70 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 70 part 2
WYBHBMM ~~ The Last Chapter
WYBHBM ~~ EPILOGUE
"Will You Be His Baby. . .Maker?!" is published under Life Is Beautiful (LIB)

WYBHBM ~~ Chapter 68

165K 1.8K 252
By Khira1112


HEIRA POV


"smile,babe. Look at the cam." natatawa ako sa ginagawa ni Xandrei. May hawak syang videocam tapos vinivideohan ako. Kanina ko pa nga iniiwas ang mukha ko dahil nahihiya ako pero nagagalit sya kapag ganun kaya hinayaan ko na lang sya. Para kaming mga baliw na kanina pa ngiti ng ngiti at tawa ng tawa kahit wala namang nakakatawa. Masaya lang talaga kami ngayon.


"say hi,babe."


"hi!" tapos tumawa na naman kami. Seriously? Siguro nga nababaliw na talaga kaming dalawa. Baliw na baliw sa isa't-isa.


Naglakad-lakad kami sa tabing dagat. Pangalawang araw na namin dito.Sayang nga,bukas uuwi agad kami. Parang ayoko na ngang umuwi.Gusto ko dito na lang tumira.Tahimik at parang wala kaming poproblemahin.


Pero hindi naman pwedeng hindi harapan ang mga problema sa tunay naming mundo.Ang kailangan lang naming i-prioritize sa araw na 'to, ma-enjoy ang bawat segundo,minuto, oras at araw sa piling ng isa't-isa.


Nagpupulot ako ng mga shells tapos sya hawak pa din ang videocam.


Bumuo ng salitang 'I love you,Xandrei' gamit ang mga napulot kong shells.


Then,tumingin ako sa kanya at ngumiti. He smiled back.


Lumapit sya at kinuha ang patpat na naaabot na ng mga mumunting alon


Nagsulat sya sa buhangin ng 'Xandrei and Heira Forever'


Cheesy.Hindi ko maiwasang matawa at the same time,kiligin.


"akala ko 'I love you too' ang isusulat mo,eh." natatawang sabi ko.


"I don't have to write it.Masgusto ko pang sabihin ng paulit-ulit hanggang sa magsawa ka."


"paano pag di ako nagsawa?"


"e di masmaganda."


"paano pag ikaw ang nagsawa?"


"hindi mangyayari yon.Wanna bet?"


"anong bet?"


"ang unang magsasawa,babalik sa lugar na 'to."


"e nasaan ang thrill non?" nagtatakang tanong ko.


"kailangang isa-isahin nya ang magagandang alaala na nabuo sa islang 'to." nakangiting sabi nya. "memories are generally coupled with infirm judgement.It brings regret and guilt.Malay mo,yung unang magsasawa ang magmamakaawa na ibalik ang iniwan nya."


"ang lalim naman non! Nalunod na ata ako." biro ko.


"but I mean it."nakangiti na ulit sya at hinawakan ng mabuti ang digicam.


Kahapon, ang dami naming nilibot ni Xan. Nagagandahan talaga ako sa lugar na 'to. Hindi mo mararamdaman ang pagod sa pagpunta sa bawat isla kapag nakita mo na ang paligid. Nakakamangha.


Masaya ako na napuntahan ko ang lugar na 'to nang kasama si Xan. Sana mapuntahan namin lahat ng isla pero parang malabong mangyari iyon dahil bukas aalis na kami.


"magsasawa ka ba?" biglaang tanong nya.


"hindi."


"promise?"


"I promise."


Hindi ko alam kung mapanghahawakan ko ang pangako ko. Ayokong maging negatibo pero pumasok sa isip ko na masarap talagang magbitaw ng pangako lalo na kapag wala kayong problema.


Meron kaming problema pero lahat ng iyon ay sa labas na ng islang 'to.


Paano namin haharapin ang katotohanan? Lalo na sa parte ko na walang kasiguraduhan kung mananatili ba ako sa tabi nya sa loob ng matagal na panahon?


Inalis ko sa isip ko ang mga katanungan.


Dapat kang maging masaya,Heira. Sulitin mo ang pagkakataong makasama sya. . .sabi ng isip ko.


-


"masaya ka ba?"


"oo naman."


Gabi na pero andito pa din kami sa labas. Kakagaling lang namin sa isang cliff restaurant. Parang nawala din lahat ng kinain ko ng bumaba kami ng cliff. Ngayon,nararamdaman ko na talaga ang pagod.


But it was still the best experience ever.


"ako din masaya." sabi ni Xan. Humigpit ang hawak nya sa kamay ko.


"ang sarap siguro sa pakiramdam na lagi tayong ganto. . ."


Wala sa loob akong tumayo. Bumibigat ang bawat hakbang ko. Ewan ko ba. Parang maiiyak ako kahit wala naman akong dapat iyakan.


"walang thrill ang life kung laging puro saya na lang di ba?"


"yeah. I agree with you."


Malayo-layo na ang nilalakad namin. Kinakabahan nga ako na baka hindi na kami makabalik ng hotel.


"do you still remember this place?"


Kumunot ang noo ko. Pinagmasdan ang paligid.


"di mo na maalala?"


"hmm wait. Iisipin ko."


"ouch.Akala ko naman hindi mo makakalimutan yung araw na yon." he tsked then chuckled.


"a-ano ba yon?"


Itinaas nya ang kanang kamay ko.


"this is the spot where I gave this ring to you."


I gasped.



S-seriously?!


Muli akong tumingin sa paligid.


"o-oo nga. . ."


"kapag inulit ko ba ang marriage proposal ko, 'oo' pa din ba ang isasagot mo?"


Hindi ko sya masagot agad. Pinagpawisan ang mga kamay ko.


Bakit nagaalangan na akong sumagot ng 'oo'?


Alam ko sa sarili ko na mahal ko sya pero ang pumipigil saken ay hindi pagaalinlangan sa damdamin ko kundi konsensya na sumisigaw sa buong sistema ko.


Na kahit gaano ko pa sya kamahal. . .walang silbi ang tulad ko kung hindi ko maibibigay ang mga gusto at kailangan nya. . .


"Heira?" untag nya.


*phone rings*


His phone was ringing.


"a-answer the phone call first,Xan."


Agad naman nyang kinuha iyon at sinagot.


Pinakawalan ko ang pinipigil kong paghinga.


Nang matapos syang makipag-usap, lumapit syang muli saken.


"you look tired."


"m-medyo. Gusto ko na ngang magpahinga. Balik na tayo sa hotel." yaya ko. Agad naman syang tumango at inakbayan ako.


"sino ang tumawag?"


"si ate."


"anong sabi?"


"nakausap na daw nya si Cyfer."


"and then?"


"he refuse to go back in the mansion."


"bakit daw?"


He shrugged and sigh. "pagbalik natin bukas,kakausapin ko sya."


"g-gusto ko din sya makausap."


Tumitig lang si Xan sa akin ng ilang sandali pagtapos ay nagbuntong hininga.


"okay. We'll talk to him pagbalik natin."


-


Mahimbing na natutulog si Xan. Dati mahimbing akong nakakatulog pag nasa loob ako ng mga bisig nya pero ngayon nagising ako ng madaling araw.


Dahan-dahan kong tinanggal ang braso nyang nakadantay sa katawan ko at bumangon ng walang ingay.


Pinagmasdan ko syang saglit matulog. Naninikip ang dibdib ko. Huminga ako ng malalim at saglit na pumikit.


Akmang tatayo ako papuntang banyo ng mahagip ng mata ko ang videocam.


Yun ang napagdiskitahan kong pakialaman.


Binuksan ko iyon at ini-scan ang mga videos. Ang dami pala naming videos.


Pinanuod ko ang isa sa mga iyon.


"nakikita nyo ba ang babaeng yan?" sabi ni Xan sa video. Hindi sya nakikita dahil nakatutok saken ang kamera. Ako naman walang kamalay-malay dahil gumagawa ako ng sand castle.


"mahal na mahal ko yan. . ." dagdag nya.


Tumulo bigla ang mga luha ko. Napahawak ako sa bibig ko para di mapahagulgol ng malakas. Ayokong maging si Xan. Ayokong makita na naman nya akong umiiyak.


"ang ganda nya di ba? Sya ang pinakamagandang babae sa mata ko."


That lines made me smile. May pagka-corny talaga sya minsan pero lalo akong naiinlove sa kanya kapag ganyan. Isa pa, inlove kami. Kami lang ang nagkakaintindihan ng simpleng tingin at simpleng ngiti.


"I'm so lucky dahil nakita ko sya. I have her now and I will never ever let her go."


Masabi pa kaya nya ang mga salitang yan kapag nalaman nya ang kalagayan ko?


"She brings happiness in my life, gusto ko din syang pasayahin kagaya ng saya na nararanasan ko everytime na nasa tabi ko sya."


I want to make you happy,Xan. . .pero di ka magiging masaya sa tulad ko. . .


"29 days more. Magpapakasal na kami. After two months, sana buo na si baby na sa tiyan nya then after 9 months, may anghel na kami. We'll have a happy family."


parang gusto ko ng bitawan ang videocam at wag na ipagpatuloy ang panunuod. Ang hirap pakinggan. Kung dati, inaaasam asam ko din ang mga bagay na inaasam nya, ngayon, halos gawin ko ng bingi at bulag ang sarili ko.


"She's too good for me. Hindi ko na alam kung ano ang nagawa ko para lang maging deserving para sa isang tulad nya na simple pero kakaiba."


No,Xan. If you think you deserve someone like me, you're very much mistaken. I love you but. . .you deserve someone better. . .


Better than me.


Pinatay ko ang cam. Pakiramdam ko may umiipit sa dibdib ko. Huminga ako ng malalim. Parang gusto kong maglakad-lakad.


Kinuha ko ang jacket ni Xan. Malaki yon saken pero ayos lang.


Marahan kong inilapat ang pinto para di magising si Xan.


HARREN POV


"Any updates?"


I shook my head and gave up a disappointed sigh.


"Hale confirmed that the lead was already dead."


For a long moment, hindi nagsalita si Arqus.


"what are we going to do now?" tanong ko.


"sabihan mo na lang si Hale na bumalik muna dito. We'll wait for the case improvement."


"I'll call him later."


"Kuya. . ."


Napalingon kami ni Arqus .


"Harvy . . ."


"babalik na ba si Kuya Hale?"


Harvy is my fifteen years old brother. Apat kaming magkakapatid na lalaki. Me and Hale are the oldest. We're turning twenty-four next month. Sumunod samin si Arqus, our adopted brother. Tatlong taon ang tanda namin sa kanya.


"hindi pa pero baka pauwiin muna namin sya."


"nahanap na ba nya si ate?"


Alam naming kapatid ko ang pakay ni Hale sa Pilipinas.Actually,alam ng buong pamilya maliban kay Mommy. Patago ang ginagawang paghahanap sa kapatid namin.


Umiling ako sabay sabing "hindi pa pero sana mahanap na natin sya. . ."


Umaasa pa din kami. Bata palang kami ni Hale ng mawala samin si Heaven. Malaki ang naging epekto nun sa buong angkan namin. Humigpit ang seguridad sa paligid lalo na saming mga anak. Dumating pa nga sa punto na naramdaman kong wala kaming kalayaan. Laging may mga bodyguards sa paligid namin. Hindi naman namin mahiling na tanggalin ang mga iyon dahil alam naming hindi sila papayag maliban pa sa bibigyan lang namin sila ng aalalahanin.


Walang naging magandang resulta ang maraming taon na paghahanap namin pero hindi namin magawang sumuko.


"why don't you let Mom know this?"


"We don't want to give her high hopes and expectation. She'll be depress kapag walang nangyari sa kaso."


Nagkatinginan na lang kaming magkakapatid.


Kung pwede ngang lahat kami pumunta na sa Pilipinas para maghanap ng ibang lead.


Hanggang ngayon di pa din kami sigurado kung sa Pilipinas nga ba talaga di nila ng kidnapper ang kapatid namin. Nagbabakasakali lang kami sa maliliit na detalye. Hindi pwedeng balewalain ang mga iyon. That's a big factor already.


Hindi naman kami pwedeng sabay-sabay na umalis dahil kailangan din kami dito ni Daddy.


*phone rings*


"who's that?"


Napatingin ako sa caller ID. "Hale."


Sinagot ko ang tawag.


"Hey."


"Harren,listen. We have another lead!"


Napatingin ako kina Arqus at Harvy. Naghihintay sila.


"who?"


"may napagtanungan akong tao. Kilala nya yung dating lead natin. She was also the one who told me that the lead was already dead-"


"calm down,Hale. Para kang may hinahabol." ang bilis kasi nyang magsalita. Hindi ko na din naintindihan ang iba.


"May anak daw yung tao na yon."


"and then?"


"I don't know but I have this feeling na sya ang kapatid natin."


I almost drop my phone.


"Kuya ,what is it? Anong sabi ni Kuya Hale?" tanong ni Harvy.


"Harren, what happened? May nangyari ba kay Hale?" tanong namam ni Arqus.


I raised my hand to keep them quiet.


"what is her name?"


"Heira Guzman."


HEIRA POV


Isang oras na ata akong nagpapalakad-lakad dito.


Parang di umuubra ang jacket na suot ko. Nanunuot pa din ang lamig sa katawan ko.


Papasikat na ang araw. . .ang ganda ng view.


Umupo ako sa buhanginan at pinagmasdam kung paano sumisikat ang araw. Parang lumilitaw mula sa ilalim ng dagat. Nakakarelax.


Ilang minuto na akong nakaupo sa buhanginan ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko.


Ganon na lang ang gulat ko ng makilala kung sino iyon.


"C-cy?"



Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 49.9K 15
It all started with one stupid mistake and since then Hope's life has never been the same again. Pahamak kasi ang love letter ng kanyang nakababatang...
136K 1.2K 51
Book 2 of Alter Ego Kage and SS are now secret agents, but they are still gangsters under the leadership of Sai. How will they handle things right no...
11.1M 160K 41
Tigers #3 Adrian Buenavista
72.3K 2.2K 23
CROSSROADS SERIES #2 Based on psychologic study, a crush only lasts for a maximum of 4 months. If it exceeds, then you are already in love. All...