LIKE THOSE MOVIES

By freespiritdamsel

208K 8.6K 1.9K

Mavis Palvin-- a 17 year old guy who appreciates how the camera rolls, how scenes change, how movies bring hi... More

P r o l o g u e
Piece of paper
Apology
I'll think about it
What's your name?
Selfie
Irresistable
Cut!
Clear as day
As long as..
Birthday
I do
Missing
Trap Queen
Unsaid Words
Risk
For you
Of all people
Bestfriend
We still have time
Five minutes
Over you
Stay the night
Rose
You happened
Pouring rain
Until here
Question
Shots
She
Long gone
Museum
Prim
Paige
Axiom
This one
Self
The truth
Offer
Story
Deja vu
Middle
Movie
Good take
Written
Mine
Saga
Epilogue
SC -1
SC - 2
SC - 3

Convincing

3.2K 157 37
By freespiritdamsel

**

NAPAMURA nalang ako pagkalabas na pagkalabas ko sa eroplano. Bakit ko ba ginawa 'yon? Bakit ko ba siya niyakap? Bakit... f-ck, bakit kasi pag dating sakanya humihina na agad ako? Bumibigay na agad ako?

Pagkatapos ko'ng sabihin 'yon sakanya, sinabihan niya rin akong mahal niya ko. Niyakap ko siya at after ilang minuto'y nakatulog na siya. Then thoughts came crashing in. Nakipag-palit ako kay Aki ng upoan. I can't stand it. I'm not supposed to say that. I'm not supposed to do that. But I did. And I think that I'm fooling myself once again. What happened is a mistake. But I don't see any reasons to apologize.

Tumingin ako sa likuran ko, she's walking with Aki and Leyra. Napaiwas agad ako ng tingin when she smiled at me. Look what you've done. Maga-assume siyang totoo 'yon? No way in hell. That's not gonna happen. I've moved on and this is pure business.

What happened back there? Is nothing. Absolutely nothing. Kumuha na kami ng mga bagahe namin. Nakita ko'ng tinutulongan siya ni Aki but I don't give a damn about it anymore. Wala na 'yon sakin. Unlike before when we have this kind of situation but with Cady—no. Iba na ngayon, wala na. Ni konti wala na.

I decided na kausapin siya at sabihin kung ano 'yong totoo. Kung bakit ko ginawa 'yon. Lumapit ako sakanya, mukha namang busy sila Aki at 'di nila namalayang nasa harap na 'ko ni Prim. Ngumiti pa siya sakin. "Hi,"

Tumango ako sakanya. "What happened back there, baka pwede mo'ng gamitin for the ending of the movie." Atsaka ako umalis.

Yun naman talaga dapat sasabihin ko sakanya. I mean, yung idea, pero hindi ko inakalang as in maga-act kami don. Oo arte lang naman 'yon.

Hindi ko siya tinignan. Instead, I put my shades on. Kasabay ko sa paglalakad si Tito Ian. "I heard everything."

"I don't need to explain anything."

"Whatever you say,"

Sumakay na kami sa kotseng naka kontrata samin. Mga apat na malalaking kotse rin 'to. Well, may pinsan dito si Ms. Valerie kaya naman naka lessen kami para sa mga sasakyan. Nasa harap ako. Si Prim naman at sila Aki nasa kibala.

Bakit ko nga ba iniisip 'yon. Maybe because they were the last ones that I saw going inside the car. Right.

Sobrang lamig dito sa London. Pumunta naman na kami dito last month para malaman kung saan kami mas magandang mag take. But we went here without her. Again, why am I even thinking about her?

Napabuntong hininga nalang ako. Pagkadating naming sa bahay dito, sinabihan na agad kami ni Tito Ian san ang mga kwarto namin. "Aki, Mav, you're staying with me and Joseph."

"Oh..." Napatingin naman kami kay Aki. Napahinto rin siya dahil sa paglingon namin sakanya. He sounded disappointed kaya kami napatingin.

"If I know, gusto mo lang makasama si Prim." Pang-aasar naman ni Tito Ian. Nasinegundahan naman ni Kuya Joseph. "Oo nga, kanina ka pa sa sasakyan yakap ng yakap."

Wow, that's sweet.

"Yeah. I just wanna be with her." Seryosong sabi niya kaya napa-wow reaction naman sila Tito Ian. Tss.

See? Kung hindi ko siguro binawi yung sinabi ko kanina siguro pinagsabay kami ni Prim. Badtrip.

"Okay lang naman magsama kayo sa isang kwarto, e. If it's okay with Prim?" Napatingin agad ako kay Prim na nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng jacket.

"What?"

"Kung payag ka bang nasa iisang kwarto lang kayo ni Aki?"

"That's great!" Napatingin naman kami sa pagsalita ni Nathan. "Tapos don din kami ni Leyra and Martin. Malaki naman diba?"

"Oo nga, tsaka malalaki na naman kayo. Sus. Kahit anong gawin niyo okay lang."

"Lol Ate Cecil."

"Okay ba, Prim?" Tanong ulit sakanya ni Tito. Napatingin ako sakanya. Pag um-oo ka ibig sabihin gusto mo ring makasama 'yang si Aki? Tss.

"Okay lang naman po,"

"Bullsh-t."

Nagulat nalang ako ng tumingin silang lahat sakin at nanlaki pa ang mata. "What?"

"Wala, wala."

"Yay, tabi tayo, Ate." Tumabi naman agad si Leyra sakanya. "Sure" Pag-payag niya.

Naglakad nalang na ako papunta sa kwarto kasama si Kuya Joseph. "Ang laki ng bahay." Sabi niya habang naglalakad kami papuntang kwarto.

"Feeling ko nagkaka-developan na si Aki at si Prim." Sabi niya pagkalapag nya ng bag niya. Kunot-noong napatingin ako sakanya. "Hindi 'yan,"

"Bakit mo nasabi?"

In-on ko ang heater. "Hindi gaya ni Aki ang mga tipo ni Prim." Sagot ko sakanya. Totoo naman, e. Feeling close lang 'yon si Aki.

"Oh talagaaaa???" Inayos ko na ang gamit ko. Magha-handa raw ng dinner ang care taker ng bahay. Humiga muna ako sa kama. Sila Tito naman at Kuya Joseph, nag-uusap. Si Kuya Chris mamaya dito rin siya. Kasi nga, si Aki, andun kay Prim.

Ano namang gagawin niya dun? May dalawang babae pa. Tss. Paano pagtapos ng maligo? Dapat laging dala yung damit sa CR? Paano kapag matutulog na? Mga lalaki kasama niya baka di siya makatulog kasi baka humihilik? Paano kung may pag-uusapan sila ni Leyra na 'girl stuff', eh may mga lalake? Paano kung di sya makatulog kasi dadaldalin at la-landiin lang siya ni Aki? Tsk.

Dapat talaga hindi nalang sumama si Aki don. Panira lang 'yon, e.

"Huy, ba't galit na galit ka sa phone mo?"

"Ha?"

"Ba't ka galit?"

"Hindi ako galit." Natatawa naman sila Tito Ian. Ano ba pinagsasabi nilang galit? Wala namang galit.

"Ready ka na bukas?"

"Oo, ready naman na." Sagot ko. Work kasi agad bukas. Wala kaming sasayangin na panahon dito. Ito na yung pinaka-malaking movie ng taon. Nagconclude na sila. Siyempre kami din. We claimed it already.

"Ang una bang ite-take ay 'yong sa classroom?" Mayroon kaming inupahan na school para pagshootingan. Doon magsisimula 'yong story. Ginawa nalang naming Pinoy yung mga main characters—and the rest, British. Buti nalang talaga maayos rin yung pagkakagawa ni Prim. She did well. Walang butas. May ibang scenes nga lang na naiba. Parang mas ginawa naming maka-london.

"Yeah,"

"Ang astig lang ng scene na 'yon. Naka-focus sa papel." Tito Ian. I agree, si Aki actually ang nakaisip non.

Hindi pala maganda. Pero sige nalang. May point naman. Pero hindi talaga maganda. I swear.

"Anong oras na ba?"

"7 palang. Punta ka sa may terrace. Maganda view 'dun." Makapunta nga muna don. Kinuha ko ang jacket ko at lumabas ng kwarto. Pumunta akong terrace at surprisingly, andito rin siya.

Nakatingin siya sa view na nasa harap niya. Nanatili nalang ako sa likod. Baka maisip niyang pinuntahan ko siya o di kaya'y gusto ko siyang kausapin.

Lumingon siya sa kinatatayuan ko. Ngumiti siya.

Ang ganda parin ng ngiti niya. Pero wala ng epekto sakin.

Ilang minute lang kaming nakatayo at nakatingin sa view. Ang ganda kasi. Napa-kuha pa nga ako ng litrato.

"Nilalamig ka?"

Ilang segundo ba?

Ilang segundo bago muna marealize na parang tanga yung tanong ko sakanya?

Malamang. Malamig dito, e.

Tsaka sabi ko na ayaw ko siyang kausapin. Hanggang ngayon parin ba may sariling buhay at pagde-desisyon ang bibig ko? Katulad ng kamay ko?

"Hmm-hmm." Nakangiti parin siya.

May sariling buhay rin ang mga paa ko. Akalain niyong katabi ko na siya?

"Ganda dito no?"

"Oo, kasing ganda ko lang." Napakunot ang noo ko. Confident mo naman.

"Sino nagsabi," Uupakan ko.

"Si Aki," Asan na 'yon.

"Sus, jino-joke ka lang non." Maganda ka.. pero kasi si Aki 'yon. Kaya nakakainis. Chick-boy pa naman yon.

"Sincere siya. At yung sincere na talagang totoo talaga. Hindi niya nga binawi." Nakangiti niya pang sabi. Unti-unti, nawala yung pag kunot ng noo ko at napatitig nalang sakanya.

"Maganda ka naman talaga." Bigla nalang lumabas sa bibig ko. Pero totoo naman. Maganda naman talaga siya.

"Salamat,"

"Totoo naman 'yong sinabi ni Aki, jino-joke lang kita."

"Gaya ng pag joke mo sakin kanina?" Nanatili siyang nakangiti—pero nasasaktan yung mga mata niya.

"Prim, ginawa ko lang 'yon kasi... naisip ko.... total story naman natin—"

"Ayos lang, no. Kahit 'di naman joke 'yong sagot ko sayo."

Atsaka siya umalis at iniwan ako ditong nalilito.

Diba dapat wala ng epekto sakin 'yong sinabi niya?

Diba dapat wala na? Kasi naka move on na ko.

Naka move on nako. Wala na siya sa sistema ko. Hindi na siya importante sakin.

Naka move on na 'ko, promise.

But why does it feel like I'm just convincing myself?

**

Hindi pa talaga epilogue haha.

Gulo ni Mavis no?


Continue Reading

You'll Also Like

28.1M 712K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
10.6M 571K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
6M 277K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...