Limerence

By endlesslaugh

3.4M 48.4K 5.7K

"According to urbandictionary, limerence is an infatuation or crush that lasts at a much longer time span. A... More

Prologue
Chapter 1: Seatmate
Chapter 2: Chi
Chapter 3: Deal
Chapter 4: Lalaki
Chapter 5: Park
Chapter 6: Déjà vu
Chapter 7: Dan Gab
Chapter 8: Mommy at Daddy
Chapter 9: Spaghetti Sauce
Chapter 11: Your Guardian Angel
Chapter 12: Keep Moving Forward
Chapter 13: Injury
Chapter 14: Monopoly
Chapter 15: Direk
Chapter 16: Cry
Chapter 17: Happily Ever After
Chapter 18: Oo Nga Pala
Chapter 19: Walang Iba
Chapter 20: Partners in Crime
Chapter 21: Maybe We're More
Chapter 22: Gusto Kita
Chapter 23: Toyota Prius
Chapter 24: Grandest Romantic Gesture
Chapter 25: Strawberry Taho
Chapter 26: The Feeling Is Mutual
Chapter 27: Phineas and Ferb
Chapter 28: Hairpin
Chapter 29: Paper Talk
Chapter 30: Wii Sports
Chapter 31: Please Be Careful With My Heart
Chapter 32: Banana
Chapter 33: That's What You Get
Chapter 34: Thesis Defense
Chapter 35: He-who-must-not-be-named
Chapter 36: Wonderstruck
Chapter 37: So Close
Chapter 38: Highlight
Chapter 39: Pangako
Chapter 40: Goodbyes
Epilogue
Author's Appreciation Note
Christmas Special
Class Suspension Special

Chapter 10: Periodic Exams

73.1K 975 54
By endlesslaugh

Chapter 10: Periodic Exams

“Ayan na yung listahan ng mga equations. I-memorize mo para hindi ko malito. Katulad nito, ax2 + bx…”

Nandito kami ngayon ni King sa library. Sa totoo lang, bored na ako. 5 pm na at malapit nang magsara yung library. Pero kanina pa talaga kami nagre-review dito. Ang sakit na ng utak ko!

Tiningnan ko si King sa harap ko. Absorbed siya sa pagsasalita kung paano i-solve ang ilang equations pero wala talaga akong naririnig. Pero alam kong nakatitig ako. Alam niyo yun? Yung parang alam mo na nakatitig ka pero parang hindi mo maalis yung pagkatitig mo? Ganon yung ginagawa ko ngayon. Pero may kwenta naman ang ginagawa ko. For example, napansin ko nanaman yung pilik mata niya. Legal bang magkaroon ng mahabang pilik mata ang lalaki? Naiinggit tuloy ako. Sana ganon din yung pilikmata ko. Pag hinawakan ko iyon, siguro—

Biglang may tumuktok sa ulo ko. “Nakikinig ka ba?”

“Alam mo,” sinimulan kong sabihin. “gwapo ka eh. Masungit nga lang.”

“So?”

“Wala lang. Hindi lang kita maintindihan. Sobrang sungit mo kasi. Hindi ka katulad ng ibang lalaki. Ah, oo nga pala. Hindi ka nga talaga nila katulad.”

“Alam mo, imbes na problemahin mo ako, i-solve mo na lang itong pinapasagot ko sa ‘yo. Periodic exams na bukas. Concentrate.”

“Yes sir!” nag-salute ako.

At iyon na nga, nilunod ako ni King sa mga math equations. Walang patawad itong lalaking ito. Parang halimaw makapagpa-solve eh.

“Ate!” biglang may sumulpot sa tabi ko.

“Ay!” napasigaw ako. Nagulat talaga ako kay Joana dahil hindi ko ineexpect na lilitaw siya dito sa library. Isa pa sobrang naka-concentrate ako sa problems kaya di ko namamalayan ang nangyayari sa paligid ko.

“Shhhhh!” saway ng librarian.

“Anong ginagawa mo dito, Joana?”

“May hihingin sana akong pabor sa’yo ate.” Hinila niya yung upuan sa tabi ni King at umupo. “Hindi. Mali pala. May hihingiin kaming pabor ni King.”

“Ha? Sige. Ano ba yon?”

“Kasi…” tinignan niya si King. “may date kami ni King sa Sabado.”

“Ano?!?!”

“Shhhhh!!! Miss Quintos, one more noise from you and you’re stepping out. Do you understand?”

Tumango ako. “May date kayo ni King?” napatingin ako kay King. Relaxed lang siya sa kinauupuan niya. Kainis.

“Oo ate. Sa Sabado.”

“Okay. Sige. Mag-date kayo. Yun lang naman pala eh.”

“Hindi kami nahingi ng permiso sa’yo,” sabi ni King.

Sasagot sana ako kaso nga lang nagsalita na si Joana. “Kasi si Papa sabi niya sa akin hindi siya papayag kung kaming dalawa lang ni King ang magkasama kaya sinabi ko sa kanya na kasama ka namin.”

Ano?! Kasama ako?! Ugh! Ayokong makita ang date nilaaaaa…

“Ibig sabihin parang chaperon, ganon?”

“Oo.”

“Ibig sabihin bawal na akong humindi kasi nasabi mo na sa Daddy mo.”

“Alam ko namang sasama ka eh. Lagi mo naman akong sinasamahan kahit sa mismong araw ng alis na kita ayain eh.”

Oo, totoo yun. Lagi akong sumasama kay Joana. Pero iba ngayon eh. Kasama kasi si King. Ayokong nasa harap ko sila habang naglalambingan sila at ako nainom lang ng soft drinks sa tabi. Feeling ko maa-out of place ako sa kanila.

“Sige, sasama ako.” Wala naman akong ibang masasabi eh. Pinasok ko na din naman itong gulong ito noong makipag-deal sa akin si King. Bakit hindi ko na lang tapusin?

“Salamat, Ate! You’re the best!”

Ngiti na lang ang naisagot ko kay Joana nang yakapin niya si King at umalis na.

Napataas ang kilay ko sa intimacy na pinakita ni King sa harap ko.

“Ano?” tanong niya.

“Hindi ko lang akalain na pumapayag kang yakapin ng babae kahit gusto mo siya. Para ka kasing may radar na lumalayo ka kaagad kapag may lumalapit sa iyo.”

“Iba si Joana,” tipid niyang paliwanag.

Nakaramdam ako ng something na hindi ko mapaliwanag nang marinig ko iyon. “Siya nga pala, may itatanong ako. Ikaw ang nag-aya ng date, ako magiging chaperon. Bakit hindi ka na lang sa kaibigan mo magpasama? Bakit ako pa?”

“Ikaw ang napili ni Joana. Mas magiging kumportable siya kung ikaw ang kasama.”

May point siya doon. “Gusto mo ba talaga siya?” Hindi ko alam kung bakit bigla kong tinanong iyon. It’s none of my business pero hindi ko pa rin naiwasang magtanong.

“Nasabi ko na sa iyo dati. Ipakikilala mo lang ako kay Joana. At nagawa mo na iyon. Tapos na yung side mo sa deal natin kaya huwag ka nang magtanong. Isa pa, matatapos na din yung side ko sa deal. Pagkatapos ng exams, hindi na kita tuturuan. Pag-aralan mo na lang iyan sa bahay. Uuwi na ako.”

Nakakaasar talaga.

Kinaladkad ko lang ang sarili ko papasok the next day. Inaantok pa ako dahil sa pagpupuyat sa periodic exams namin sa Math ngayon. Pero may misyon pa akong dapat gawin bago magsimula ang tests.

“King!” sigaw ko nang makita ko siyang dumaan sa room na pagtetestan ko. Lumapit naman siya.

“Bakit?”

“Tungkol dito sa problem na to..”

At iyon na nga. Binigyan pa ako ng mga reminder ni King na alalahanin ko daw yung mga signs na ginagamit ko, kung negative ba dapat o positive, dahil doon daw ako lagi nadadali.

Nag-ring na ang bell na nagsi-signal na magsisimula na ang tests.

Tumayo na si King. “Pano, dun na ako sa kabila.”

May himalang nangyari. Ngumit si King. Tapos tinapik niya yung ulo ko. “Good luck, Kulot!” umalis na siya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Si King ba iyon? Feeling ko hindi. Hindi ganoon ang King na kilala ko. Napahawak tuloy ako sa buhok ko na tinapik niya kanina. Si King nga ba talaga iyon?

“Bakit ka namumula?” sumulpot bigla si Dan Gab sa tabi ko.

“H-ha?” binaba ko yung kamay ko. “Hindi ako namumula ah.”

“Hindi nga? Ayan oh. Namumula ka kasi! Aminin mo nga. Crush mo si King no?”

“Sira ka ba?!”

“Basta crush mo si King.”

“Hindi no! Sino ba namang magkakagusto sa lalaking iyon? Ako, kahit kelan hindi ako magkakagusto doon. Napaka-arogante! Kuripot! Nakakaasar!”

“Hinay-hinay lang. Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo?”

“Sigurado ako!”

“Okay class, settle down and we’re going to begin with our first periodic examinations,” sabi ni Mrs. Saragosa pagpasok niya ng classroom. Hindi ko na narinig yung mga sumunod niyang sinabi kasi busy kong kinausap yung sarili ko.

“Sigurado ako. Siguradong sigurado.”

Sabado na. Araw ng date nina Jo at King.

Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko. Tinatamad akong bumangon. Gusto kong matulog uli para maging Linggo na. Sa bagay maaga pa naman. 6 am pa lang. Nakapagtataka. Ang aga kong gumising ngayon.

“Sofia! Gising na!” kumakatok si Kuya Paolo sa pinto ko. Hindi ko siya pinansin kaya mas lalong lumakas yung katok niya. “Hoy babae! Gumising ka na daw!”

Si kuya talaga. Nakakairita. Minsan hinihiling ko na ako na lang ang nag-iisang anak para walang istorbo sa umaga.

“Tik-ti-la-ok sabi ni Paolo! Gising gising, Pia-ng tulog!”

Arg! Ayoko ng kantang yan!

“Ano ba kuya! Araw-araw na lang!” sigaw ko habang bumababa ng hagdan.

“Pia wag ka munang bumaba, magulo pa ang buhok mo.”

“Eh ano naman. Lagi namang magulo ang buhok ko pag gising ah?! Tsaka nasa bahay lang naman ako eh para namang may papansin pa—.”

Napatigil ako sa hagdan dahil hindi ko inaasahan ang nakita ko sa baba. Andon si Joana nakaupo sa sofa. At sa tabi niya…

Si King.

Na-conscious ako bigla sa itsura ko.

“Bakit kayo nandito? Ang aga pa ah.”

“Ate, 9:30 na.”

“9:30? 6 pa lang. ayan oh, tignan niyo.” Nilingon ko yung wall clock namin sa sala. At sabi nga ni Joana, 9:30 na. Anak ng sirang baterya ng relo naman oh! Late na ko sa date namin—este nila—ni King.

“Sorry!” at dali-dali akong umakyat, naligo, nag-toothbrush, nagbihis.

“Ang bilis naman nun. Ano iyon, wisik-wisik?” nag-smirk si King habang nakasakay kami sa jeep. Kaasar. Binilisan ko na nga para sa kanila tapos…

Sa mall nila napagdesisyunang pumunta. Syempre ako, go lang. Julalay lang naman ako eh. Una, nanood sila ng sine. Comedy siya. Baka iniisip niyo romance. As if naman manonood ng romance si King. Noon ko lang nakitang tumawa si King. Dire-diretso. Tumatawa siya sa pinapanood niya. Pero ang mas nakakabigla ay tumatawa siya kapag may binubulong sa kaya si Joana. Ngumingiti siya kay Joana. Iba nga talaga si Joana para sa kanya. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa realization na iyon. Pero isa lang ang nasisiguro ko. Gusto nga talaga ni King si Joana.

“Ate, saan mo gustong kumain?” tanong ni Joana nung lumabas na kami ng sinehan.

“H-ha? Bat naman sa akin mo tinatanong yan?”

“I owe you a lot! Kaya ikaw ang bahala sa kakainan natin, diba King?”

“Oo.” Naka-ngiting sagot niya kay Joana. Isang beses niya lang ako nginitian ng ganyan. Si Joana madaming beses na. Tama na nga! Kanina pa ako nagkukumpara!

“Libre mo? Sige. Gusto ko sa Greenwich!” Hindi naman talaga para sa akin yung libre niya pero sasamantalahin ko na. Baka isang beses lang manlilibre si King sa tanang buhay niya.

“Lasagna lang sa akin. Tsaka pizza. Yung madaming gulay. Pasta na din. Salamat!” sabi ko nung tinanong nila kung anong gusto kong kainin.

“Pasta lang sa kin.” Sabi ni Joana.

Noong umalis na si King para bumili ng pagkain, binalingan ako ni Joana. “Nag-eenjoy ako, ate. Ganito pala ang feeling makipag-date.”

“Nga pala, curious lang ako ah. Inaya ka talaga ni King ng date?”

“Oo. Pero hindi naman talaga niya pinangalanang date. Ang naaalala ko sabi niya lang, ‘kumain sa labas’ pero hindi ba ganon na din iyon?”

Biglang tumunog yung cell phone ko. Pagtingin ko, si Mama yung natawag. “Saglit lang Jo ah. Sasagutin ko lang ito. Baka maghuramentado si Mama kapag hindi ko sinagot."

“Sige lang, ate.”

“Hello, Ma?”

Hindi ko na alam yung mga sumunod na nangyari. Sa isang pangungusap lang na binitawan ni Mama noong sandaling iyon parang gumuho na yung mundo ko.

• • • • • • • • • • • • • •

to be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

3.3K 1.5K 34
What's inside your mind?
4.5M 67.4K 60
When Miss Genius Gone Mad Book 3 Copyright 2016 All Rights Reserved
3.4K 172 45
Lumaki si Anette na ang daddy lang niya ang nakagisnang magulang, kung kaya handa niyang gawin ang lahat ng makakaya para mapanatili sa piling ang am...
1M 2K 6
Yung feeling na, ang dami mong gustong bilhin pero wala kang pera. Ang dami mong gustong kainin pero wala kang pambili. Ang dami mong gustong hawakan...