LIKE THOSE MOVIES

By freespiritdamsel

208K 8.6K 1.9K

Mavis Palvin-- a 17 year old guy who appreciates how the camera rolls, how scenes change, how movies bring hi... More

P r o l o g u e
Piece of paper
Apology
I'll think about it
What's your name?
Selfie
Irresistable
Cut!
Clear as day
As long as..
Birthday
I do
Missing
Trap Queen
Unsaid Words
Risk
For you
Of all people
Bestfriend
We still have time
Five minutes
Over you
Stay the night
Rose
You happened
Pouring rain
Until here
Question
Shots
She
Long gone
Museum
Prim
Paige
Axiom
This one
Self
The truth
Offer
Story
Deja vu
Movie
Convincing
Good take
Written
Mine
Saga
Epilogue
SC -1
SC - 2
SC - 3

Middle

3.5K 185 55
By freespiritdamsel


**

"SO its been days since the last time you've seen him?" Tanong saakin ni Tricia by the phone. Sumandal ako sa upoan ko. "Yah. I don't understand why I'm feeling distracted." I told him honestly.

"I don't understand why girls doesn't understand." Napakunot ang noo  ko. What is he talking about?

"You love him. Bakit ang hirap intindihin kung ba't ka distracted?"

"Hmmm.. basta I'm almost done with the story."

"Wow, ba't ang bilis? Baka naman may mga loophole diyan ah?" Nakatingin ako sa screen ng laptop ko kung saan nasa last page na 'to. "Hindi ko pa nare-read, hindi ko pa nae-edit. In the whole week kasi I'm so focused ngayon lang na nagchi-chill ako nagkakaganito."

"Better be back on writing. Makakapag-focus ka na, makakalimutan mo pa siya."

"I think so.."

"Kumusta naman 'yong Aki na sinasabi mo? Hindi ba tine-text ka niya?"

"Yah," Si Aki. Kinukumusta niya 'ko. Hindi naman siya makapunta kasi siyempre alam niyang nagsusulat ako ngayon. Tine-text niya 'ko at sometimes, tinatawagan kapag nagtext na ko'ng okay na. Good thing ngang kinukumusta ako ni Aki kasi minsan nakakalimutan ko ng kumain, e. At oo, maligo rin. Gabi na nga ako minsan nakakaligo.Buti nalang mabango talaga ako. Char.

"He told me na sa London namin gagawin ang movie. Exciting, noh?"

"Yeah! Of course! We've been there 4 years ago?"

Pumunta kasi kami ni Tricia doon para magbakasyon.With his boyfriend. Sadly, wala naman na sila ngayon. Sad talaga kasi hindi pa siya nakakapagmove-on. Mag bestfriend nga kami. But in his case, mas masakit yata? Don't know. Mas masakit kaya kung may family na si Mavis?

Don't even think about it, Prim. Just the thought of him—having his own family—and it doesn't include me—shatters my heart.

"Yes.. they're all ready na nga eh. Except me. Haha."

"Why?"

"The story and then myself. To think na he will be there..."

"His presence is a must, Prim. He's the director, duh." Of course I know that! "Dapat kasi ako nalang 'yong hindi pupunta. I don't know why I have to be so necessary."

"Let me guess... kasi gusto niya andon ka?"

"Oh well papel, tinutulongan mo ko'ng mag-assume. Damn you."

"I know I'm not helping!"




AFTER naming mag-usap, nagsulat nalang ulit ako. It's already 4PM. Konting-konti nalang, matatapos ko na.

I love writing so much. Yung iiyak ako kapag may sinusulat akong sobrang sakit. Kapag may namamatay akong tauhan, kapag nasasaktan sila. Kapag may mga salitang naisulat ko na sobrang ganda. Naisulat ko rin dito ang mga linyang sobrang kong natandaan—na sinabi niya. Yung tula niya sakin? Yung nagkasakit siya? Tandang-tanda ko pa. Siguro magugulat nalang siya na natandaan ko 'yong sinabi nya't nagamit ko pa sa movie na 'to. Isa lang naman masasagot ko—mahal kasi kita. Hindi niya alam na may inihanda akong tula non. Akala niya wala? Akala niya siguro isang pagpapahiwatig 'yon na hindi ko siya mahal. Mali. May ginawa ako. Kaso noong narinig ko na 'yong tula niya? Naisipan ko'ng 'wag nalang sabihin. Para saan pa? Nasaktan ko na siya. Isa 'yon sa halimbawa na hindi niya 'ko deserve. Hindi talaga. Kahit kailan hindi.

Habang sinusulat ko 'tong storyang 'to—iniiwasan ko'ng isipin na samin 'to. Kasi sobrang sakit sa puso. Alam naming kami 'to, amin 'to, pero masakit eh. Hindi ko nga alam kung saan ako huhugot ng lakas para panoorin silang magtaping.

Ang kinaibahan lang siguro ay nagkatuloyan 'yong dalawa dito. Hindi gaya namin. Hindi katulad ng samin. Baka mamaya gerahin ako ng mga fans ng LeyThan kung hindi sila magkakatuloyan, e. Haha. Pwede ko rin kayang gerahin ang universe kung hindi kami ang ending?

Naisipan ko munang humiga dahil ang sakit na ng likod ko. Sinubokan ko'ng pumikit—pero may nakikita parin ako.

Ganon pala talaga 'no? Pumikit ka man, takpan mo man tenga mo... makikita mo parin ang taong mahal mo... at maririnig mo parin ang isinisigaw ng puso mo.

Isang masakit na katotohanan ang may mga bagay na dapat ng bitawan, dapat ng kalimutan pero hindi mo mapigilan. Hinding-hindi mo mapipigilan ang sarili mong kumapit sa konting posibilidad. Sa konting pag-asa na nananatili sa'yo.

Sakit bes. Sobrang sakit.

Napamulat nalang ako ng mata ng may tumawag sakin. Tinignan ko at si Aki pala 'yon. "Hello?"

"It's me."

Napairap ako kaht di naman niya ko nakikita. Hindi ko akalain na kukulit ng ganito si Aki—at sa ganitong edad pa talaga. "May kailangan ka?"

"Kapag tumawag may kailangan agad?"

"Hindi naman, naisip ko lang. Bakit?"

"Ah, dinner tayo? Parang babad na babad ka na kasi. Kawawa ka naman." He's been like this for the past days. Concerned. Masarap kaya sa feeling na may concerned sayo. "Hmm," Tinignan ko ang orasan. "Sige, what time ba?" I still have time to prepare. Hindi pa nga ako naliligo, e.

"Around 7? And then pasyal tayo sa may park malapit sa Ezradine?"

"Restaurant?"

"Hindi, zoo." Sarcastic. "Okay fine, Mister."

"Ezradine is located near Frascon."

"Okay, I get it. I know that place." 30 minutes drive, I think? Traffic kasi by this time kahit 'di naman gaano kalayo.

"Hmm, do you want me to pick you up?"

"No, it's okay. I'm good." Medyo malayo siya from my place. Traffic pa along the way, ako nalang. Kaya ko naman, e.

"Alright, alright. See you, later."

"See you."

Naligo na ko. Ngayon naman, it will take me forever to find clothes to wear. Ito talaga ang sakit ko. Nahihirapan akong pumili ng susuotin? Goodness gracious. Why do girls have to be stressed over this thing? "Uggghhhh, what to wear, what to wear." Naka bra pa 'ko at naka panty habang nakaharap sa closet ko. Sh-t naman. I dress up according to my mood at ngayon.. ano ba ang mood ko ngayon? Hindi ko alam. Kaya hindi ko rin alam ang susuotin ko. Damn it.

I closed my eyes and then cleared my mind. Breathe in, breathe out. Grabe. Nakakadepress ang moments na ganito.

Tumayo na 'ko at pumili na. Buti naman nakapili ako. Isang long sleeves at denim shorts. Malamig ngayon. Nagsho-shorts ako kapag malamig—kasi baka bumaha. Pati sa restaurant ba babaha? AH, whatever.

I then went infront of the mirror para mag make up—hindi naman gaano katagal kasi simple lang naman ako magmake-up. Lip tint, cream and then I'm good. Alam ko kasing maganda naman ako kahit 'di ako mag-ayos. Shet, ang confident.

Chineck ko ang time at magsi-six na pala. Kinuha ko ang cellphone at inopen ang twitter ko.

@primzam: let's be alone together

I was about to tweet something that is going to happen—which is a dinner with Aki. Pero nagpop-up nalang ang kanta ng Fall out boy sakin. Kaya 'yon ang naitweet ko. It's been a long time also since the last time I used my twitter. Tinignan ko ang last tweet ko... see? 10 years ago. Crazy. Hahaha. Can you even imagine that? I checked my interactions and I saw some peeps tweeting on me, replying on my recent tweet.

@haileyshen: @primzam how are you prim? 

I do not think they owe me an explanation. Aki mentioned na it's been over the news. Buti nalang raw at 'di naapektohan ang business nila Dad. It scattered like fire. Two days ago din, I checked my old facebook account(good thing nakasave sa memo ko ang email at password), sobrang daming messages before my fake-death, after my fake-death at after the truth. Wala akong nireplyan ni isa.

Pagkatingin ko sa timeline ko, nagtweet naman si Mavis. Wow. Nagt-twitter parin pala siya? Well, hanggang ngayon naman ata marami paring gumagamit nito. Hindi na yata 'to malalaos.

@mavispalvin: I see

Hmm? What is it all about? Bumuntong hininga ako. I should stop thinking na it is about me. He moved on already—I should do the same thing.

Is it really coming from me?

....



Pumasok na ako sa restaurant and expectedly, wala pa si Aki. He texted me saying na na-traffic siya. I understand naman. Suprisingly, in my part, walang traffic. Nagbago na ang Pilipinas. Haha. Hindi na talaga traffic. I wonder bakit traffic parin kina Aki? Hindi naman din ako nakadaan sa kanila, magkaiba kami ng way, e.

Nagulat nalang ako ng may lumapit saking waiter at sinabihan akong may nakareserve na pala. Hindi man lang ako ininform ni Aki na prepared siya. Haha. "Thank you," I told the waiter. Umupo lang ako at nagcellphone, nagenjoy na naman ako kaka-tweet. Ewan ko ba. May mga bagay na kapag binalikan mo'ng gamitin—hindi mo na ulit matitigilan.

I'm in the middle of using my phone when someone mentioned my name. "Prim Zamora?" Napa-angat ang tingin ko sa babaeng nasa harap ng table namin. "Yes?" Napatingin din ako sa lalakeng kasama niya.

Ouch.

Aray ko bes.

Beh ice ka lang.

Beh masakit.

Beh chill.

"Hi! I'm a big fan!"

Hindi ako nakatingin sakanya—sa lalakeng kasama niya talaga. Sh-t, may girlfriend na siya?

"O-oh, thank you."

"Can I have a picture with you? I'm really a fan of your works!"

Dahan-dahan akong tumayo at sinubokang ngumiti. "Mav, can you take a picture of us?"

"Sure," Normal lang niyang pagsagot. Hindi man lang siya nagulat na andito ako. Samantalang ako? Eto, parang nagka-earthquake with magnitude 25.5. Hay.

Ngumiti kaming pareho sa harap ng camera. "Oh my gosh, I didn't know I will see you here!" Nakangiti parin siya at halatang tuwang-tuwa nang makita ako.

Tuwang-tuwa rin naman akong may nakitang fan dito. Sobrang tuwa. Nakakaiyak sa sobrang tuwa na kasama niya si Mavis.

Worst part is, sa tabing table pa talaga sila. This is the part ng restaurant na konti lang ang tao—siguro talagang nagpapa-reserve lang.

Ang sakit ulit. So, nagpa-reserve din sila? So magde-date sila?

Wait, ang OA ko naman? Baka naman kaibigan lang? Kaibigan my ass.

Wait, kami rin naman ni Aki magdi-dinner ah? Kaibigan ko siya. Yes, ganon lang 'yon. 'Wag kang judgemental masyado, Prim. Kainis ka na!

Umupo na ko at sinubokang maglaro ng Pokemon Go. Kailangan ko 'to para ma-distract ako. Talagang in-on ko ang volume para di ko marinig ano man ang paguusapan nila. Kinausap na kasi siya ni Mavis kaya hindi niya na ko kinausap—well, kahit naman tumitingin-tingin si girl sakin.

"Hi," Umangat na naman ulit ang tingin ko sa nag-HI.

Holy! Feeling ko I've been saved by grace when I saw Aki standing there. "Aki?" Si girl na naman!

"H-hey, what are you two doing here?" Nakangiting tanong niya sa dalawa. Tinignan ko sila Mavis... nakakunot ang noo niya habang nakatingin kay Aki. Sinundan ko rin ang pagbaba ng tingin niya.

Aki's holding a bouquet of flowers. Green roses. Wait, para sakin ba 'yan?

"Uhm, we'll have a dinner. And I can see that you will do the same." Nakangiting sagot ng babae. Tss.

Wait what tss? Prim, she's a fan or yours! You shouldn't be mean to your fans. You're not supposed to be mean to them, you know...

"Yeah, we'll be having a dinner, too." Lumapit sakin si Aki at nagbeso kami. Nagaalangan akong ngumiti dahil sa mga kaganapan. He handed me the bunch of flowers. "That's the reason why I'm late. Hindi ako na-traffic."

Oh, I see.

Nagkaroon na kami ng sariling mundo. But I'd lie if I say na hindi naman ako nagseselos. Don't me, self. Nadi-distract na naman ako. Bakit kasi? Sa dinami-dami ng kainan sa Metro Manila—iisang restaurant pa pinasukan namin. Bullsh-t. Ang sakit, e.

Buti pa siya.

Buti pa siya nakapagmove-on na.

Samantalang ako forever stuck sa traffic. Hindi makaandar-andar. Leche.

Nagsasalita si Aki habang nagce-cellphone. "Tapos ayun nga, that's my favorite line from that story, ikaw?"

"Uhm.. yung sinabi ni girl na 'I'm sorry I don't know how to hold on to you any longer.' Ang sakit non." Sabi ko sakanya at nagkibit-balikat. He chuckled before eating the last piece.

"Relate?"

"Yes—well, ako yung sinabihan. Hindi ako yung nagsabi." Sabi ko at nagtaas-baba ng kilay. Naglight up naman ang phone ko kaya nakatuon doon ang pansin ko.

Aki

Awkward na ba? Eat faster. Lakad nalang tayo sa may park.

Tumingin ako sakanya at tumango-tango. "That's a very nice movie, no?"

"Yup! Plus, the actor. Wow."

"Eddie Redmayne, am I right?"

"Yeah, one of my faves."

Pagkatapos ko'ng kumain, tatanungin ko na sana si Aki kung aalis na kami kaso may biglang tumawag sakanya. "Hello, Tita? Yes, konti lang naman, bakit?.... What?... Okay, okay, I'll be there. Send me the address. Okay, okay.. ingat din kayo." Binaba niya ang phone and by the tone of his voice—he seems so worried.

"I'm sorry, I can't accompany you to the park. I have to go."

"It's okay, it's okay. Go now. Mukhang emergency."

"Yes, emergency nga. Text me when you got home, okay?"

"Okay, ingat ka." Tumayo na siya at lumapit sakin—he then kissed me on the cheek. "Bye," Well, nagulat naman ako dun. Nung tinignan ko ang dalawang tao na nasa kabilang table—mukhang sila rin. Kaso magkaiba sila ng expression.

The other one, kinikilig.

The other one, is ready to kill someone.



LUMABAS na ko pagka-alis ni Aki, I decided na lakarin ang park. Malapit lang naman siya actually. Habang yung car ko, nasa parking space ng restaurant. Kaka-kain ko lang so it is better na maglakad-lakad muna. Malamig ngayon kasi umuulan kanina, e.

Naglalakad ako and I started observing the people around me. May mga magisa't nakaupo. May kumakain ng ice cream with his mom. Mayroong matandang mag-asawang nakaupo sa bench. Iba-iba. Huminto ako sa may lamp-post at pinagmasdan 'yong iba.

Lahat ng taong nakikita mo araw-araw—iba-iba. May ibang may dinadalang sakit, hirap. May ibang masaya. May ibang gusto nalang mawala. May ibang nagugulohan. Ako? Naaangkop ako sa una.

Nakatayo lang ako ng biglang may naramdaman ko'ng pumapatak sakin. The hell? Uulan na naman ba? Agad akong nakakita ng shelter kaya tumakbo ako papunta doon. "Nice," Sabi ko kasi medyo nabasa ako. Lumakas kasi bigla. Eh hindi naman ako mabilis tumakbo kaya talagang mababasa. Hindi ko tuloy alam kung mabuting desisyon ba ang magpababa ng kinain or dapat umuwi nalang. Hilig ko kasi mag senti.

Emote went wrong.

Niyakap ko ang sarili ko. Damn, naka shorts pa pala ako. Ayos naman.

"Kung may isang event na gusto mo'ng mawitness sa past—ano 'yon?"

Napa-talon naman ako sa biglang pagsulpot ng lalakeng nagngangalang Mavis Palvin. Sh-t. Kung di ka lang gwapo nabigwasan na kita.


"Nakakagulat ka naman." Muntik na ko'ng ma-stroke dun, ah!

Tinignan niya ko. "Ano nga?" Lumakas lalo ang ulan.

"Hmm.." Napaisip ako. Ano nga ba? Ma-witness? Hindi i-change? Mas gusto ko kasing may baguhin, e. Hindi 'yong nakawitness ka lang.

"Ikaw muna, ano sa'yo?"

"Cold war? Kasi parang ang astig nun. Rak na rak, di ba?" Napairap ako sa sagot niya. Akala ko pa naman may banat siyang naka handa. Gaya nung sa mga movies? Powe.

"Baliw,"

"Oh ikaw ano na?"

Ano nga ba? "Siguro... siguro yung pagsusulat ni Shakespeare..."

"Hmm, tara?" Napatingin ulit ako sakanya. Ha? "Anong tara na?"

Binuksan niya yung payong niya at umalis sa shelter. "Tara, dito."

"Bakit?"

"Masaya kayang naglalakad sa ulan."

Seryoso ba siya? Seryoso kasi pagkakasabi niya. Medyo masungit yung awra pero yung sinabi niya..para namang nagloloko? Don't know. Tinitigan ko lang siya—paka weirdo kasi.

"Ano na?"

"Seryoso ka?"

Sinamaan niya ko ng tingin.


"Hindi ko pinauwi si Ashley para lang makasama ka."


  Staring at two different views on your window ledge
Coffee has gone cold, it's like time froze
There you go wishing, floating down our wishing well
It's like I'm always causing problems, causing hell
I didn't mean to put you through this, I can tell
We're gonna sweep this under the carpet  


Nahigit ko ang hininga ko. Ano daw? Paki-ulit?

"H-ha?"

Lumapit siya sakin at hinawakan ako. Tsaka ako hinila papunta sa kinatatayuan niya.

"Tara, libutin natin 'tong park."

Lumakas pa talaga ang ulan. "Parang.. parang may bagyo."

"Dati pa ko binabagyo... sanay na 'ko." Tinignan ko siya. Nakalagay ang isa niyang kamay sakin. Nakapalibot. Habang ang isa, hawak ang payong.

Ano bang trip niya? Ayos naman na kanina sa shed. "Lilibutin talaga natin to'ng park?"

"Hindi, joke lang." Natawa siya pagkatapos. Baliw na ba si Mavis? Yung totoo? "Alam mo bang sabi ng Lolo ko kapag mahal mo ang isang tao siya yung nasa sentro ng puso mo?"

"Ha—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko kasi huminto siya. Sa gitna mismo ng park na 'to. Pagkatapos humarap siya sakin. "Dito lang tayo."

  I hope that I can turn back the time
To make it all alright, all alright for us
 

"Bakit?"

"Isipin mo puso ko to'ng park na 'to."

Nagugulohan ako. Nalilito. Magkaharap kaming dalawa. Siya titig na titig sakin. Ako naman, naiilang. Kaya paiwas-iwas ng tingin.

"Oh tapos?"

  I'll promise to build a new world for us two
With you in the middle  


"San ka nakatayo?"

**

Tenengteneneng~ hahaha. 

Continue Reading

You'll Also Like

571K 20.9K 40
(Highest rank achieved #1 in Science Fiction!) Akala mo isa kang normal na teenager na naninirahan sa mundong ito. Akala mo kilala mo na ang buong pa...
400K 26.2K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
28.1M 711K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
3.3M 161K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...