RETURN TO FOREVER (KimXi FF)

By calebnchloe

102K 1.4K 494

More

RETURN TO FOREVER (KimXi FF)
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 19
Chapter 20 Ending

Chapter 2

6.4K 77 15
By calebnchloe

             "Gallardo, Dior!" Malakas na banggit ng professor sa harapan ng klase. May hawak na class cards at tinatawag ang mga estudyante isa-isa . Kinikilala ang may-ari nun.

Tahimik na nakaupo si Kim, malapit sa dulo ng auditorium/classroom habang hinihintay na tawagin ang pangalan nya. Pasimpleng nag-check ng message sa phone nya. Naiinis kase sya dahil na-indian sya ng kaibigang si Monique. Usapan nila, magkikita sila para sabay na pumasok pero 'no-show ' ito. Nagkaroon daw ito ng biglaang date sa boyfriend nitong si Irvin. 

Ito ang unang araw ng klase nya as senior student at isa ito sa major subjects nya sa kursong B.S Major in Management. Ito rin ang kaisa-isa at bukod tanging subject ngayong  sem na kinuha nya ang night class. Karaniwan kase sa mga schedules nya ay pang-umaga. Pero mabilis napuno ang pang-umaga kaya wala syang choice kundi kunin ang available na oras. Isa kase ito sa subjects na pre-requisite na kunin sa unang sem. Isa pa, hindi nya rin kse gustong iwanan ang subject  dahil mahigpit sya sa pagsunod sa timetable nya. Naiplano na nya ang lahat.

 Nilinga pa nya ang buong klase at  saka nakaramdam na nman ng paninibago.Ni isa kse wala syang kakilala man lang. Hindi sya yung tipong 'Ms Congeniality' ang peg. Si Monique lang talaga ang naging ka-close nya sa tatlong taon mahigit sa kolehiyo.

Sabay-sabay pa silang napalingon lahat ng mula sa pinto may hangos na pumasok. Nagmamadali dahil late. Saka nagbulungan ang mga kapwa nya estudyante.

Love at first sight?!

Posible!?

Yun ang naramdaman ni Kim.Sigurado sya! O kung ano mang kuning-kuning ang pwedeng itawag sa naramdaman nya the moment she set her eyes to this guy. Basta natulala sya na parang naengkanto at ang kabog ng dibdib nya ay abnormal.

Matangkad ito. Siguro six footer. Pero yun yung klase ng katangkaran na hindi mala- 'Andre the Giant' o pang 'Ripley's' na pang 'freak show'. Sakto lang! Katamtaman ang katawan nito hindi nman patpatin mula sa suot nitong may kalumaang t-shirt at kupas na maong. Maski ang rubber shoes na suot nito bagaman at malinis ay luma na talaga. Pero ang nakakuha talaga ng pansin nya ay ang mukha nito. Gwapo! Ang mga matang may kasingkitan at ang panga!

My Gawd...panga talaga! Kung nandito lang sa tabi nya si Monique, malamang maririnig nya itong oorder sa kanya ng  invisible kanin...kase nga ulam na!

Natigil lang si Kim sa kakatunganga at pag-assess sa bagong dating ng marinig ang boses ng Prof. 

"Lim-Uy, Alexander Xian!" tawag ng Prof mula sa class card na hawak. Na malamang inabot nito. "Xian, I hope sa susunod, on time ka nang darating sa klase ko. I don't like my class and my lectures be disturbed by late students." may konsiderasyon sa boses ng matanda pero andun ang warning. Base sa pagtawag nito mukhang kilala ng professor ang late na estudyante.

"I'm sorry Sir, hindi na po mauulit." hinging paumanhin nman ng gwapong lalaki na Alexander ang pangalan.

'Teka hmmnn...Lim-Uy, Alexander?' biglang hagilap sa utak  ni Kim dahil pamilyar sa kanya ang pangalan ng lalaki. Hindi lang nya matandaan kung saan ba nya yun narinig o nabasa.

"Take your seat Mr. Lim-Uy!"

Saka gumala ang paningin ni Xian para humanap ng mauupuan. Puno na halos . Huminto ang paningin nya sa bandang dulo kung saan may isang bakanteng upuan.

Nang mapansin ni Kim na ang bakanteng upuan sa tabi nya ang pinupuntirya ng bagong dating, ay pasimple nyang ginawang abala ang sarili na kunwari may pinagkakaabalahan sa notebook na nasa mesa. Parang lalabas ang puso nya sa lakas ng kabog nun. 

"Miss , may nakaupo na ba dito?"

'Syet lalaking-lalaki ang boses!'

Isi-nave nya talaga ang upuang yun para kay Monique pero hindi nga dumating. Ngayon iniisip nya kung dapat pa ba syang mainis o pasalamatan si Monique dahil inuna nito ang lovelife kesa ang pasukan ang subject na 'to.

 Ayaw sanang tingalain ni Kim ang may-ari ng boses pero kabastusan nman kung hind nya ito sasagutin. "Wala!" Sinadya nya naman na hindi man lang magtama ang mata nila ng sumagot saka ibinalik ang tingin sa pagkakayuko. 

Nakikiramdam si Kim. Kahit na nakayuko sya at hindi binibigyan ng OA na atensyon katulad na ginagawa ng mga babaeng kaklase na todo pa-cute sa katabi nya ay hindi sya nagpahalata. Pero ang senses nya ,buhay na buhay. Na-pwet mata nya kahit ang paglalabas nito ng notebook at ballpen mula sa knapsack nito. Amoy na amoy nya ang katabi. Walang mamahaling cologne pero yung amoy na malinis . Particular kase sya pagdating sa mga lalaking naghahalo ang amoy ng pawis at pinanligong cologne. Lalo tuloy syang distracted sa mga napapansin nya sa katabi.

Nagulat pa si Kim ng tawagin ng Prof ang pangalan nya.

"Chiu, Kimberly Sue!" inulit pa nito iyon bago nakasagot si Kim.

"P-present!"

Napansin nya na sumulyap sa gawi nya ang gwapong katabi. Lihim na natuwa sya dahil mukhang nakilala sya nito. Hindi nman sya magtataka kung kilala nito ang pangalan nya dahil lagi syang nasa  Dean's list.

"Finally, nasa klase kita Ms. Chiu at hindi lang ikaw, pati si Mr. Lim-Uy. This is going to be a very interesting class for me hmmnn..." nasa mukha ng instructor ang saya at na-challenge.

Saka lang buong naunawaan ni Kim kung bakit pamilyar sa kanya ang pangalan ng katabi. Bakit nga ba nya hindi ito nakilala agad. Eh lagi nya itong kalaban sa pagiging number one sa Dean's list. Para silang may tahimik na tunggalian sa pagiging una at ito lang ang nagagawang kunin sa kanya ang pwesto. So sya pala yun!

Unbelievable!

Wow! Tingnan mo nga naman. Kaya pala ngayon lang nya nakilala ito dahil malamang palaging panggabi ang kinukuha nitong mga klase. Pero hindi pa rin sya makapaniwala! 

Seriously?...Parang ayaw nyang tanggapin na ganito kagwapo ang matalinong katulad nito. Dahil usually , ang mga matatalinong lalaki na kilala nya ay parang may-iisang molde. Yung mejo weirdo.Mga mukhang nerd na nakasalamin. Basta ganun! Pero iba talaga ang isang 'to. The guy has looks! Wala sa category na ganun .Parang out of the box . Pero pinipilit nyang pintasan ito.Naisip nya na malamang short ito sa personality . Na matalino lang ito at gwapo pero hollow. May ganun eh!

Nag-umpisa nang magsalita at i-discuss ng professor ang outline ng subject habang sya ay kung saan-saan na lumipad ang utak.

Nang mag-bell bilang hudyat ng pagtatapos ng klase ay tumayo na sya ganun din ang katabi. Di nya inaasahang kakausapin sya nito.

"Hi! Xian nga pala!" inabot nito ang kamay pagpapakilala "Finally,nakilala ko na si Kimberly Chiu. Matagal na kitang gustong makilala eh. Fourth year na tayo saka pa lang  tayo naging magkaklase." Nakangiti at friendly ito na hindi nman nagawang isnabin ni Kim.

Napilitan syang tingnan ang kumakausap. Napatutok ang mata nya sa mga singkiting mata nito . Liquid brown eyes.  Pati ang mga linya sa magkabilang gilid ng mata nito na lumabas mula sa pagkakangiti ay napansin nya. Napalunok sya.

"Ah h-hello Xian!" inabot nya ang kamay at hindi nya ikakaila ang kakaibang daan ng boltahe ng kuryente na naramdaman the moment their hands touched.  Kaya agad nyang binitawan na parang napaso. " Ahm ..ano kase hindi ako kumukuha ng classes sa gabi maliban dito , no choice ito na lang ang available eh." Gustong pagalitan ni Kim ang sarili sa pagkautal. First time yun na nagkaganun sya. .

'Umayos ka!' utos ng utak ni Kim. 'Wag ka pa-give away Miss!'

"Baligtad pala tayo , ako nman puro panggabi.."

Nagkwentuhan pa sila bago naghiwalay na parang matagal na magkakilala.

Pagkatapos nun, iisa ang napatunayan ni Kim sa sarili. Mukhang naniniwala na sya kay Monique ...na masarap ang mainlove...at sa kaso nya in-love na nga yata sya!

"Jusme gurl, dapat lang! Kumbaga sa bulaklak ng mayo, nanguluntoy na lahat ng kasabayan mong bulaklak ikaw pa-bloom pa lang!" Reaksyon ni Monique nang kinuwento nya agad dito ang nangyari sa klase kinabukasang magkita sila nito.

Kasalukuyang nasa isang park sila ng university campus malapit sa building nila habang break .

"Ang weirdo nman ng comparison mo, nanguluntoy . Ano yun?" 

"Ano pa eh di ba ikaw na ikaw...tagtuyot na naiwan sa pansitan...huling-huli ka na teh!"

Inirapan lang ni Kim ang kaibigan. Hindi na sya kumontra dahil totoo naman. Kung ikukumpara kase sa experience sa larangan ng love eh kumain na talaga sya ng alikabok dito kay Monique. Hustler na ang level nito sa pakikipagrelasyon samantalang sya ay zero! Bagito!

Hndi nya nga alam kung paanong naging magkaibigan sila nito. Dahil magkaibang-magkaiba sila ni Monique sa maraming bagay maliban sa estado sa buhay.May sinasabi din nman ang pamilya nito. Kung sya sobrang seryoso at focus sa pag-aaral, ito nman yung tipo ng estudyanteng petiks. Sabagay, si Monique ang tinuturing nyang pambalanse sa buhay nyang sabi nga nito  masyadong boring. Masayahin at cool kse ang kaibigan , basta katangiang kabaligtaran nito ay sya!

"So anong game plan mo?" kulit nito.

"Anong game plan? Eh di wala!"

"Anong wala? Akala ko ba type mo?... Ay hindi pala, in love ka kamo! So ganun lang yun, ano tutunganga ka lang hihintaying malaglag sa harapan mo?..Ano ka si Juanang Tamad!?" 

"Eh bakit, what do you want me to do? Magpapansin? Umarte-arte sa harapan nya na parang wala nang lalaki sa mundo kundi sya?...Eh hello!" umirap pa si Kim sa kaibigan.

"Oh geez! ...Wala ka talagang alam . Napaka-naive mo pagdating sa diskarte! Yung totoo, sa kumbento ka pa nakatira..pinalaki ka ba ng madre at pari?!" OA na pamwestra pa ni Monique.

Hindi nman nag-retaliate si Kim sa kaibigan dahil alam nyang hindi sya mananalo pagdating sa usaping pag-ibig. And yes, she's naive when it comes to love. Never pa nyang naranasan yun sa tanang buhay nya. And maybe, It's time for her to learn the ways of that word!

"Alam mo kase Kimmy, yang mga lalake parang tayo ding mga babae yan. Hindi sila gagawa ng move kung alam nilang mapapahiya sila at walang mapapala. So kailangan bigyan mo rin ng konting motibo. Konting push! Hindi kailangang landian mo agad ng pagkaOA ...but a little hint won't hurt...do the art of subtlety...yun nga lang, ang problema jan eh kung dense ang Xian na yan at hindi nya ma-gets ang ginagawa mo!" 

Nagpatuloy sa pagbibigay ng lectures si Monique na hindi nya mawari kung kaya ba nyang gawin o ipipikit na lang nya ang mga mata at sundin ang mga tips nito.

                          "Class, for this paper you have to choose a partner...." pagtatapos ng professor nila Kim at Xian. "I'm giving you 5 mins. to do that!" Mabilis na nagpulasan ang mga estudyante . Habang ang dalawang magkatabi, si Kim at Xian, ay  hindi man lang nataranta . Nagkatinginan lang sila. Parang mga mata na lang nila ang nag-usap. Saka nagngitian.Walang maraming salita o seremonyas. Sila ang naging magkapartner.

Si Monique nman kse ay tuluyan ng idinrop ang klaseng yun at saka na lang daw kukunin. 

After five minutes...

"Okay class,settle down!" boses ulit ng instructor ng matapos ang palugit na oras. "So ngayong nakakuha na kayo ng partners, kayo ang magiging buddies sa lahat ng class projects nyo. So sana nasiguro nyong magiging maganda ang tandem nyo blah blah...."

May mga napa-'ayyy!' at 'yes!' sa mga estudyante . Malas sa mga basta dumampot ng kung sino lang at swerte sa mga naka-jackpot. Katulad ni Kim!

Para kay Kim, alam nyang sila at sila pa rin ni Xian ang pinagtatagpo sa maraming bagay. Parang may tahimik na unawaan ang utak nila na piliin ang isa't-isa. Kahit hindi sabihin. Pagkakataon nga nman. 

                           "Ako na ang gagawa ng listahan ng mga pwede nating pagpiliang interview-hin for this project!" volunteer ni Kim kay Xian habang nasa library sila. Sa dami ng mga kakilalang businessmen ng Papa nya, chicken feed ang project na ito.

Matapos ipaliwanag ng Prof ang mga dapat nilang ma-achieve para sa project ay dinismiss na sila para daw maumpisahan na ng mga grupong mapag-usapan ang dapat gawin. Kaya sa library sila napadpad. Sa mga oras na yun, yun lang ang lugar na pwede silang magplano o di kaya nman sa mga coffee shops/fastfood resto na kalapit ng campus sana. Kaso,gabi na kase. Nahihiya nman si Kim na sya ang mag-aya sa kainan kung hindi nman talaga sila kakain. .Isa pa hindi nya gustong mapasubo si Xian na gumastos dahil hindi nman lingid sa kanya na hindi galing sa may kayang pamilya ito.Alam nyang hindi ito papayag na sya ang magbayad kung sakali. 

At dahil sobrang interesado sya dito, marami pa syang nalaman tungkol kay Xian . Di nman nya sadya.Minsan kaseng nasa washroom sya, di sinasadyang nakakuha sya ng impormasyon sa mga babaeng nakasabay.

"He's so gwapo talaga!" kinikilig na sabi ni Girlie#1 kausap nito sa harap ng salamin ang isa pang babaeng halos mapunit ang bibig sa ngiti  habang nagsusuklay.

 Girlie#2 : "Si Lim-Uy ba yan? Yung classmate natin sa elective?" 

Biglang naging attentive si Kim sa pakikinig ng marinig ang apelyido ni Xian.

Girlie#1: "Yup, that's him! Gosh,sobrang gwapo tapos matalino pa."

Girlie#2 : "Okay lang sa'yo kahit poor and a love child?" intriga ng isa.

Girlie#1:  "Okay lang kahit pa 'di rich ,so what !Kaya ko naman sya buhayin!" sabay malanding tawa. "Konting bihis lang , hindi mo na ikakahiya!"

Girlie#2 : "Suplado daw yan pagdating sa mga girls. Ni wala nga makalapit kahit madaming  may                              gusto. It's either gay sya or too focused on his studies."

 Girlie#1:  "Well,I don't think he's gay. Wala sa character eh. Reserved lang siguro or too shy . Siempre ang mga guys naiinsecure din. Kung nag-aaral ka sa school na pulos may mga maykaya ang nakaka-aafford and you happened to be a charity case, sinong hindi magfofocus sa pag-aaral kesa makipagsocialize, di ba?" 

Kulang na lang sumabat si Kim sa usapan ng dalawang babae. Mas katanggap-tanggap ng kaunti ang huling sagot ng babae kahit medyo mapangmaliit ang dating nito. Kahit sya, mas mabilis nyang masasagot na hindi questionable ang pagkalalaki ni Xian. Deep inside alam nyang hindi issue yun. Mas lalong lumaki pa nga ang respeto at paghanga nya dahil kahit hindi ito galing sa affluent na pamilya, at least may pangarap ito na maiba ang takbo ng kinabukasan nito.

 "KIM!" 

Nabalik sya sa kasalukuyan ng maramdaman ang kamay na marahang tumapik sa balikat nya.

"Okay ka lang ba? Parang ang layo ng narating ng utak mo eh!" may ngiti sa labi ni Xian na parang naweirduhan sa pagkatulala ng kasama.

"Ah o-oo nman! M-may naalala lang ako. Ano na nga yung pina-uusapan natin?" biglang namula si Kim sa pagkakahuli sa kanya ng binata.

"Sabi mo ikaw na ang bahala na kumuha ng listahan ng mga successful entrepreneur na pwede nating interview-hin.  Kapag napili na natin ang subject , saka tayo mag-research ." Nakatitig ito na para syang tutunawin. Nakakailang!

 Nagbaba sya ng tingin , dahil hindi nya kayang tagalan ang tingin nito. Bakit ba kailangan nitong maging sobrang gwapo sa paningin nya? At maging laging gentleman at mabait?

Natutuwa si Kim na naging magka-partner sila ni Xian. Ibig sabihin mas maraming pagkakataon na makilala pa nya ito. Sabi nga ni Monique, gawin nya ang lahat para mapalapit dito ng hindi nito nahahalata.Let him fall on her charms without knowing what hit him. Ganun!

At alam nman nya, nararamdaman nya na malapit na sila ni Xian dun kung pagbabasehan ang gaan ng loob nito sa kanya. Ang kabaitan at pagkamaalalahanin. Ang laging pagpapatawa sa kanya lalo kung alam nitong stressed sya sa pag-aaral. Ang laging pag-alalay sa kanya na para syang isang babasaging crystal isama pa ang pagtya-tayaga nitong ipaliwanag sa kanya ang hindi nya gaanong maintindihan na lectures. Sa puso nya , sapat na iyon na patunay na may kapupuntahan ang lahat ng ito...love relationship!

                     "Bakit hindi natin interview-hin yung mga maliliit na entrepreneur. Katulad nung mga nagtitinda sa sidewalk. Mga naglalako sa kalye. Kse sila yung subject na masarap pag-aralan kung ano ang mga disadvantages at advantages ng maraming bagay sa small scale business." suggestion ni Xian minsang nagkita sila para sa ginagawang research paper. 

"Ahm p-pwede naman. Magandang idea yan. " alanganin ang sagot ni Kim. Totoong maganda ang nai-suggest nito pero parang natatakot yata sya dahil labas yan sa 'comfort zone' na nakasanayan nya.

Hindi nman sa sobrang snob sya pero hindi yun ang kinalakihan nya. Sya na  'born with a silver spoon'. Nasa kanya ang lahat . Bilang kaisa-isang anak ni William Chiu na kilala sa Real estate and construction industry. Lahat ng magaganda at mamahaling bagay sa isang hiling ay naibibigay sa kanya. Totoong spoiled brat sya sa kagagawan din ng  ama. Lumaki kase syang walang nakagisnang ina dahil namatay ng maaga ang mommy nya sa panganganak sa kanya. Ang Papa nman nya naging sobrang abala sa trabaho at negosyo kaya naiiwan lang sya sa mga kasambahay . Ang pagkukulang tuloy nito ay pinupunuan na lang ng pagbibigay ng bawat hingin nya.  Swerte lang siguro na hindi sya yung tipong rebelde, ang outlet nya ay ang mag-aral at maging mahusay sa lahat ng pagtuunan nya ng pansin.Ugali nya ang pagiging competitive sa lahat ng bagay. Ayaw nyang may makalalamang sa kanya. Selosa din sya sa atensyon nito kaya nga hindi na nagawang maghanap ng ipapalit ang Papa nya dahil vocal sya sa pagsasabing hindi magiging madali sa magiging asawang bago ng Papa nya ang pakikitungo nya. Ayaw nyang may kahati.Sanay syang sa kanya lang ang atensyon ng ama maliban sa negosyo.

 "Pero hindi ba delikado yun? Safe ba na gawin natin yun?" humihirit pa sya at baka lang nman maisip nito ang punto nya tungkol sa safety nila.

"Huwag kang mag-alala , hindi nman kita pababayaan. Alam ko nman na hindi ka sanay makihalubilo  sa hindi mo nman nakalakihan at nakasanayan. Don't worry marami akong kilala. Hindi yun delikado..." pabirong kinurot pa nito ang ilong ni Kim.

"Ah o-okay ...ikaw ang bahala!" pilit ang ngiting ibinigay ni Kim sa kabila ng kilig sa ginawa nito. Bahala na. Tutal nga kasama nya nman si Xian, malaki ang tiwala nyang hindi nga sya nito pababayaan.

                        Pinuntahan nila ang sinasabi ni Xian na magiging subject nila para sa research paper. Sa isang mataong lugar sa QC sila napadpad. 

Takot na takot si Kim at kipkip na kipkip ang bag sa sarili. Halos hindi nya malunok ang sariling laway dahil pakiramdam nya ay nalalasahan nya ang lansa ng paligid pag huminhinga sya. Maputik kahit hindi nman umulan. Tila factory din ng bata ang lugar. Nanlilimahid sa dusing ang mga ito. Takot na takot syang mahawakan man lang  o madikitan ng mga batang naglalaro kaya tila de numero ang kilos nya.Parang halos 8:3 ang ratio kung pagbabasehan ang dami ng bata sa mga matatanda. Nandito sa lugar na ito ang larawan ng kahirapan . Di nya tuloy mapigilang i-note sa sariling magpasalamat sa kung ano ang alwan na meron sya sa buhay. 

"Kim dito na!" Sa wakas ay anunsyo ni Xian matapos ang ilang pagliko sa mga eskinita. Kumatok ito.

Nasa tapat sila ng isang maliit na bahay na gawa nman sa hallow blocks. Walang pintura at hindi na-finish ang labas nun pero mukhang isa ito sa may mga matitinong istraktura sa mga kapitbahay nito. 

 "Xi!" isang dalagang kaedadin nila ang nagbukas ng pinto. Kinataas nya ng kilay ng umabot ito ng halik sa pisngi ni Xian at ang kamay nito ay hindi na umagwat sa pagkakahawak sa braso ng binatang kasama nya.

Hindi nya napigilang tingnan ito mula ulo hanggang paa. Maganda ito. Mahaba ang itim na itim na buhok. Kapayatan din ito . Yung mabuto pero in fairness , maganda ang kutis. Kung mabibihisan ito at maayusan pa, lalabas lalo ang ganda nito. Bigla sya nakaramdam ng curiosity,but never insecurity, kung kaano-ano ba nito si Xian.

"Erika , ito si Kim. Kaklase ko. Yung sinasabi ko sa inyo ng tatay mo na partner ko sa project." Masayang-masaya ang mukha ni Xian. " Kim, si Erika...girlfriend ko!"

BOOM!

Ayan na ang insecurities,nagbuffer lang pala!

'Girlfriend ko!...girfriend ko...girlfriend ko!' parang may aftermath ng pagsabog na nagreverberate sa tenga ni Kim ang sinabi ni Xian. Hindi sya agad nakasagot o naiabot man lang ang kamay .

"Hi!" narinig ni Kim na sabi ng babae. Nang tingnan nya ang mukha nito, mukhang hindi ito masaya na kasama sya ng boyfriend nito dahil sa paraan ng pagkakatitig nito. Maldita din nga!

"H-hello!" sagot nya para man lang sa kabutihang asal kahit pa mas gusto nyang saktan ito.

'Huh, girlfriend?! Paano nangyari yun? Ni hindi nya inakalang may girlfriend si Xian!' sa sarili himutok nya. Hindi maka-move on sa surprise na natanggap nya.Pinilit ni Kim na dedmahin ang sakit sa dibdib, ngumiti ng pilit saka binalingan si Xian.

"Hindi mo nman nakwento na may girlfriend ka na pala!" Pigil nya ang sariling mag-ibang boses at anyo sa nararamdaman ng mga oras na yun.

"Huh talaga, hindi ko ba nasabi!? Eh sorry nman masyado kase akong maraming iniisip." pa-cute na napahawak pa ito sa buhok .

"Pero si Xian , nakwekwento ka sa 'kin!" sabat ni Erika. Kung imahinasyon lang ba nya ang ka-antipatikahan sa boses at ngiti nito , ewan na lang nya.

"Kim, tatay ni Erika yung iinteview-hin natin. Nagtitinda ng mami sa cart . More than 20 yrs na nyang ginagawa 'to. " offer na paliwanag nito.

At sya bilang windang, sabaw ang utak nya. Kahit ano pang sabihin nito, hindi na nya pag-iinteresan pa. Tango lang ang kaya nya. Kahit pa nang mag-umpisa na sila, hinayaan nyang si Xian ang magsalita ng magsalita. Inabala nya kunwari ang  sarili sa pagte-take down ng notes kahit pa may dala nman silang recorder. 

Napahiya sya!

Hindi lang basta napahiya. Pakiramdam nya mukha syang tanga na umasang may konting damdamin din sa kanya si Xian sa igsi ng panahong nakilala nya ito. Ang inakala nyang pagiging gentleman nito at maalaga sa kanya. Ang respeto! ...Na friendzone sya! Isa syang Hope-fool!

 Thank you for reading!!!

Pls vote & comment ...let me know what do you think of the story.

You can follow me on twitter @AlingAudreyH or on Facebook alingaudreyh@yahoo.ca

for updates

< 3 KIMXI

Continue Reading

You'll Also Like

135K 4.7K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
21.8K 1.5K 32
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
328K 5.1K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...